Sa isang sulok ng lobby.
"Kumuha ka lang ng gusto mo Luo Feng. Sagot na kita ngayong unang beses mo rito," ngiti ni Yang Hui habang inaabot ang menu mula sa waiter kay Luo Feng.
"Talaga?"
Nagtataka itong tinanggap ni Luo Feng. Binuksan niya ang menu at tiningnan ito ng maigi: Ang bawat pagkain at inumin ay mayroong descriptions sa salitang Ingles at Chinese. Makikita naman sa likod ang mga presyo nito sa Earth dollars, Chinese dollars, US dollars, Euros, Rubles (Russia) at Rupees (India).
"Ang isang baso ng wine ay nagkakahalaga ng 100,000 dollars?"
"Ano 'tong Dragon Liver? 880,000 dollars? Hmm, ayos lang naman ang karamihan sa mga pagkaing ito, 100,000 Chinese dollars kada order" Nagulat ng husto si Luo Feng at hindi mapigilang mapangiti sa mga wargod sa kanyang tabi. Ngumiti siya at sinabing, "Mga kasama ko, ito ang unang beses ko rito sa Palace of Wargods pero masasabi ko na napakamahal ng presyo ng mga pagkain dito."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com