Nasa kulang-kulang 1000 kataong may iba't ibang katangian gaya ng mga taong nakasuot ng mga mamahaling damit o naglalabas ng mga naglalakasang aura o mga nanlalamig o nagmamalaki sa kanilang sarili ang sumabay sa mga cloud level na bisita ng Flying Cloud Pavilion na lumabas kasama ng ilan pang mga pinagsususpetsahan bilang misteryoso o malakas na taong tumutuloy doon.
Tumingin naman si Luo Feng sa malayong lugar mula sa maraming pinaghihinalaang tao mula sa hotel.
Makikita naman ang may-ari ng Flying Cloud Pavilion sa tabi habang nakikipagusap sa isang matangkad, matipuno at mukhang walang kinatatakutang general sa kanyang tabi. Naramdaman ni Luo Feng mula sa aura nito na ang general ay hindi bababa sa universe level 9.
"Naririto na po silang lahat General Rock Wind," sabi ng may-ari.
"Hm." Suminghal naman si Rock Wind Zhan gamit ang kanyang ilong, kasunod nito ang nanlalamig niyang pagtingin sa malaking grupo ng mga tao.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com