webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
22 Chs

EIGHTEEN

"Lovelle!" Malakas na sigaw ko pagkapasok ko ng kwarto matapos kumain.

"Ano bang sinisigaw-sigaw mo r'yan?" kunot-noong tanong niya sa 'kin at naka-cross arms pa. Nakatayo siya malapit sa closet niya at nakaharap sa human-size mirror.

"Sabihin mo nga sa 'kin kung anong ginawa ko no'ng lasing ako. Ipaalala mo nga sa 'kin lahat." Hinila ko siya para maupo sa kama niya.

"Kasama mo ba ako no'ng maglasing ka, ha? Hindi, 'di ba?" sabay paikot niya ng mata senyales na naiinis siya sa 'kin.

Napakagat ako sa kuko ko ng wala sa oras. Shet! Baka may ginawa ako. Anong tinutukoy niya na sana maalala ko kung anong nangyari kanina? Ang naalala ko lang naman ay 'yong nag-usap kami ni Lorenz tungkol sa problema ko. 'Yon lang ang natatandaan ko.

"Bakit ba?"

"May sinabi kase sa 'kin si Xynon na sana raw maalala ko ang nangyari kanina. Eh, wala akong alam sa sinasabi niya." Inis akong napapikit sandali. Susmaryosep! Dadagdag na naman ito sa poproblemahin ko, eh.

Tumayo siya saglit para kunin ang suklay sa ibabaw ng computer desk saka bumalik sa pagkakaupo at tumingin sa 'kin. "Tinanong mo na ba si Lorenz?"

Natigilan ako. "Oo nga! Si Lorenz ang susi ko!" Agad akong tumakbo papuntang pintuan pero sumigaw muna ako bago tuluyang makalabas. "Babalikan kita mamaya!"

Hinanap ko si Lorenz sa sala pero wala siya. Maging sa kusina ay wala rin siya. Isa na lang ang pwede kong puntahan. Sana nandoon siya.

Kumatok ako ng tatlong beses sa kwarto nila pero wala pa ring nagbubukas. Pinihit ko ang doorknob at nakabukas ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko ang isang lalaking tulog sa kanang kama, topless at nakabukaka.

Paglapit ko, si Lorenz pala itong natutulog, tanging boxer lang ang suot. Jusmiyo marimar!

Napaiwas ako ng tingin at lumunok nang mariin nang tingnan ko saglit ang nakaumbok sa ibabang parte niya. Tangina! Ang mata ko!

Hindi ko alam kung gigisingin ko ba siya o hihintayin ko na lang na magising.

"Hmmm," ungol niya at dumapa.

Kitang-kita ko tuloy ang maskulado niyang likod. Ang macho naman nito.

Ang swerte pala ni Lovelle. Ang yummy ng future bayaw ko.

Pinagmasdan ko muna siya ulit ng ilang minuto nang maramdaman kong may kumalabit sa 'kin.

"Jusmiyo!" Agad akong napalingon at bumungad sa 'kin ang lumuluwang mata ni Lovelle.

"Si Lorenz 'yan? Hala ang macho! Likod pa lang, ulanamnam na!" bulong niya at ngumisi pa. "Bakit mo tinititigan crush ko, ha? Akala ko ba may Xynon ka na?" Pabiro niya akong pinanlisikan ng mata kahit nakangiti siya.

"Tatanungin ko sana tungkol do'n sa ginawa ko." Saglit akong tumingin kay Lorenz na ngayo'y humihilik na.

"Ang pogi niya 'no? Hihi."

"Yummy siya." Lumingon ako kay Lovelle at ngumisi. "Pero mas yummy ang asawa ko."

Bahagya naman siyang natawa at inasar ako. "Asawa? 'Di ka pa nga nakakaamin, eh, hahahaha."

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ko nang maalala ko ang sitwasyon ko. Hays.

"Gisingin mo na kaya" sabay tulak niya sa 'kin nang marahan palapit kay Lorenz. "Gisingin mo na para maharot ko na, dali."

"Bakit ako? Ba't hindi ikaw?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Idadamay pa 'ko. Leche.

"May itatanong ka 'di ba?" sabay kurot niya sa tagiliran ko at pinaningkitan ako ng mata.

Seryoso lang ang mukha kong nakatingin sa kanya. "Landi mo."

"Gaga, pareho lang tayo."

Pareho kaming natawa sa sinabi niya.

Mayamaya lang, gumalaw na naman si Lorenz at nakaharap na siya sa 'min. Nakakunot ang noo at gumagalaw pa ang bibig. "Hmmm."

"Tangina, Mount Everest," bulong ni Lovelle.

Lumingon ako sa kanya ay nakita ko nakatutok ang mata niya sa pagkalalaki ng binata. "Leche ka. Ako nga napaiwas ng tingin kanina samantalang ikaw tutok na tutok? Ngayon lang nakakita, girl?" sabay tawa ko nang mahina para hindi magising si Lorenz.

Lumingon siya sa 'kin. "Bes, ngayon lang ako nakakita ng malapitan na ganito. Laking orphanage tayo kaya bawal ang ganito do'n hahaha."

Pucha! Hahahaha! Sinabayan ko ng pag-iling ang tawa ko nang ma-realize kong tama siya. Walang ganito sa bahay-ampunan lalo na't mga madre ang kasama. "Takte, Lyka!" Napahawak ako sa bibig ko nang biglang may maalala ako. "Bawal nga pa lang pumasok dito! Lagot tayo!"

"A-Anong ginagawa niyo rito?"

Sabay kaming lumingon ni Lovelle nang marinig namin siyang nagsalita.

Nakakunot pa rin ang mga mata ni Lorenz habang kinukusot ang kaliwang mata at magulo ang buhok. "Bawal kayo rito 'di ba? May ipaglilingkod ba ako sa inyo?"

"Tanungin mo na siya. Baka makita pa tayo ng iba. Dali," bulong sa 'kin ni Lovelle.

"A-Ah, itatanong ko lang sana kung alam mo kung anong ginawa ko no'ng lasing ako. Wala kase akong maalala."

"Ah, 'yon ba? Naalala ko lang nagkukwentuhan lang tayo no'n nang biglang dumating si Xynon. 'Yon lang naalala ko. Bakit?" Umupo siya matapos niyang sabihin 'yon at sinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay.

"Damn. That's hot," bulong ng katabi ko.

Lihim ko siyang siniko kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Baka mamaya marinig siya. Nakakahiya.

"Hello, Lovelle," ngiting bati ng binata. Ang lapad ng ngiti niya. Oo nga pala, may gusto nga pala ito sa kaibigan ko.

"H-Hi."

Wow, nautal pa hahaha.

"Sorry kung naka-topless ako. Ganito kase ako matulog." Tumayo siya at kumuha siya ng pink v-neck shirt sa closet niya at sinuot 'yon.

Saktong-sakto sa kanya ang pink shirt kaya kitang-kita ang malapad niyang dibdib at malalaking braso.

"Ah, sige alis na kami. Salamat," pagpapaalam ko. Bago pa tuluyang magsalita si Lovelle ay hinila ko na siya.

Bago kami tuluyang lumabas ng kwarto nila, lumingon muna ako saglit at nakita kong nakangiti siya sa 'min at kumaway.

"Ang hot niya, Lyka," aniya habang naglalakad kami pabalik ng kwarto.

"Gwapo nga niya, eh."

"Hoy, akin 'yon, ah. May Xynon ka na."

"Iyong-iyo na 'yon, uy! Hahaha!"

"Hey, sa'n kayo galing?" bungad ni Shiro sa 'min nang magkasalubong kami sa pasilyo.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lovelle dahil hindi namin alam ang sasabihin namin.

"Libot-libot lang," sagot niya.

"Nakita niyo si Mona?" Humawak pa siya sa batok niya matapos niyang tanungin 'yon. Mukhang nahihiya pa siya dahil sa pamumula niya.

"Hindi, eh. Baka nasa kwarto na. Kanina kase wala 'yon sa kwarto. Hinanap mo na ba sa kusina o sala?" tanong ko.

Ngumiti siya nang konti at umiling. "Hinanap ko na sa sala at kusina kaso wala."

"Sa labas?" tanong ni Lovelle.

"I tried pero wala rin siya."

"Wait, natatae ako. CR muna ako," pagpapaalam ni Lovelle sabay takbo papuntang CR.

Pareho kaming natawa ni Shiro at sinundan siya ng tingin.

Mayamaya lang, naramdaman kong nakatingin na siya sa 'kin. "Bakit? Haha."

"How are you?" Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa at sumandal sa pader.

"Okay lang naman. Ikaw ba?" Sinubukan kong basahin ang mga mata niya. Kasalukuyan siyang nakangiti ngayon kaya kitang-kita ko ang pantay at mapuputi niyang ngipin pero ang mga mata niya ay katulad pa rin ng dati. "Nahihirapan ka na ba?"

Lumapit ako sa kanya at sumandal na rin sa pader.

"Medyo. Ang sakit lang makitang nag-dinner date sila noong nakaraang gabi tapos ikaw pa ang tumulong."

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko 'yon. Hindi niya alam ang pabor sa 'kin ni Mona kaya hindi niya alam ang pinaggagawa ko. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin sa kanya kase 'yon ang pinagkasunduan namin ni Mona. "S-Sorry." Iyan na lang ang tanging lumabas sa sa bibig ko. Ba't parang ang selfish ko?

Tumingin ako sa kanya. Nakatingala na siya ngayon habang nakapamulsa pa rin. "It's okay. I know you have your reason why you did that."

Umiinit ang gilid ng dalawang mata ko. Naiiyak ako kase ang sama-sama ko. Bigla akong humarap sa kanya at niyakap siya. "Sorry ang selfish ko. Ang unfair ko sa 'yo." Napapikit ako nang sumaktong tumulo ang luha ko.

Naramdaman ko namang yumakap din siya pabalik sa 'kin. " Ssshh. Tahan na. "He cupped my face and wiped my tears. "You don't have to blame yourself. You did nothing wrong."

"M-Meron. I was being unfair to you. I helped her even if I know it will hurt you."

"It was her choice. You just helped her, okay?" Pinunasan niya ulit ang luha ko at ngumiti siya sa 'kin.

"Bakit ba ang bait mo? Nasasaktan ka na, oh. Magalit ka naman sa 'kin." Feeling ko hindi ko deserve na maging kaibigan niya. Ang bait kahit ang sama ko.

"May mangyayari ba kapag nagalit ako? Wala naman 'di ba?" Mas lalong lumapad ang ngiti niya kaya nawala ang singkit niyang mga mata. "Walang mangyayari kung magagalit ako sa 'yo. Mag-aaway lang tayo." Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "Kapatid na ang turing ko sa 'yo kaya ayaw kong nakikita kitang umiiyak. Tahan na."

Aww. Kapatid? Mas lalo kong naramdaman na tumulo ang luha ko. "Ganito pala ang yakap ng isang kuya? Fuck. It feels better." Wala akong kapatid at wala rin akong naituring na kuya eoon sa bahay-ampunan kaya ngayon ko lang naranasan ito. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Kuya."

"Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang yakap ng isang kapatid. Naiwan kase sa bahay namin ang kapatid kong babae na mas bata sa 'yo ng tatlong taon. Close kami no'n, eh. Nakikita ko siya sa 'yo. Halos magkapareho kase kayo ng ugali, eh."

"Ipakilala mo ako sa kanya kapag nakalabas na tayo rito, ah?" sabay tingin ko sa kanya kahit nanunubog pa ang mga mata ko.

"Oo naman. Ipapakilala kita sa buong angkan ko."

"Jowa lang? Hahaha" sabay tawa ko. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya at gano'n din ang ginawa niya sa 'kin habang magkaharap ang mukha naming dalawa.

"Kapag naging kami ng babaeng mahal ko, hindi lang sa buong angkan ko siya ipapakilala kundi sa buong mundo pa. Gano'n ako ka-proud sa kanya."

Mona, ba't hindi mo makita itong lalaking yakap-yakap ko ngayon? Sobrang swerte mo, oh!

"Sobrang swerte niya sa 'yo."

Ngumiti siya nang marahan. "Noong last survival game natin, tatanungin ko sana siya kung paano sila naging close ni Xynon kaso bigla siyang dumating. Hindi ko na lang tinuloy."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Nakasulat kase sa consequence ng flag na nakuha ko na magtanong ako sa babaeng kalaban ko kung anong bumabagabag sa 'kin."

Oh! Hindi nga pala namin napag-usapan ang consequence pagtapos ng laro.

"Ikaw ba anong nakuha mo?"

"Sampalin ang lalaking kalaban ko."

"Seryoso? Hahahaha."

"Dalawang beses ko ngang sinampal, eh." No'ng time na 'yon hindi ko alam kung bakit ko iniisip ang yakap nilang dalawa pero ngayon alam ko na ang rason. Nagseselos na pala ako no'n.

"Hindi niya pa alam?"

Umiling ako. "Wala akong balak sabihin sa kanya."

Nawala ang magandang ngiti niya. "Wala kang balak umamin?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at bumuntong-hininga. "I don't know."

"Me too. Hindi ko rin alam kung aamin pa ba ako o hahayaan ko na lang siya na mahalin si Xynon." Yumuko siya at pinaglaruan ang nakitang maliit na bato sa paanan niya.

"Malay mo kapag nalaman niya ang tungkol sa feelings mo, mahalin ka rin niya." I tried to cheer him up to ease his heavy feeling. I hope it works.

He just shrugged and lifted his head to look at me. "I don't know. I just let God to work on his plans. Wala na akong balak mangialam sa plano niya para sa 'kin, para sa 'min." He smiled and patted my head. "Okay ka na ba? Balita ko lasing ka raw. Nag-inuman kayo ni Lorenz. Hindi man lang kayo nagyaya. Hahaha."

Aww. He has deep faith on God. Total package ka na, Kuya Shiro! Tumawa ako sa huling sinabi niya. "Next time, walwal us. Hahaha."

"Juice lang sa 'yo. Bawal ang alak sa batang kagaya mo. Hahahaha."

Masaya kaming nag-aasaran ni Shiro nang bigla akong tawagin ni Kuya Eduardo para kausapin.

****

Nakatanaw ako sa kalangitan habang nakaupo sa semento rito sa quad. Kumikinang ang maaliwalas na kalangitan dahil sa sobrang dami ng butuin. Ang gaan sa pakiramdam isabay pa ang preskong simoy ng hangin na dumadapo sa buong katawan ko at nagpapalipad ng mahaba kong buhok.

Kanina pa ako rito. Mas pinili ko munang mapag-isa matapos kong makitang nakayakap si Mona kay Xynon sa tapat ng kwarto nila. Lagi ko na lang silang nakikitang magkayakap pero ni minsan hindi pa nila ako nakitang nahuli sila.

"Why are you alone?"

Napahinga ako nang malalim nang marinig ang boses niya. Hindi ako lumingon at hinayaan ko na lang siyang umupo sa bandang kaliwa ko.

"Wala ka bang balak na kausapin ako?"

"Wala ka rin bang balak na bumalik sa loob?" Ano ba kaseng ginagawa niya rito? Gusto kong mapag-isa hindi ba niya nararamdaman 'yon?

"I searched for you. I have no plan to get back inside again."

Lumingon ako sa kanya na ngayo'y nakatingin sa itaas. "Why did you find me?"

"Just wanna see you" sabay lingon niya sa 'kin.

Tumawa ako nang mapakla. "May Mona ka na. Baka anong isipin no'n kapag nakita niya tayo."

"What about her? Ano naman kung makita niya tayo?"

"She will jealous." Bumalik na lang ulit ako sa pagkakatitig sa mga nagkikislapang butuin. Mabuti pa ang stars malayang kumikinang sa gabi. Parang walang problema.

"Wala akong nakikitang rason para magselos siya."

"Manhid ka," bulong ko. Napahawak na lang ako sa tungki ng ilong ko para pigilan ang inis ko. Ang manhid niya! Argh!

"Really? Baka ikaw?" Nahihimigan ko ang sarcastic sa boses niya.

Kumunot ang noo kong tumingin muli sa kanya. "Ba't napunta sa 'kin?" Ano bang gusto niyang iparating?

"You accused me for being insensitive but the truth is, you really are who is more insensitive." Ang seryoso ng mukha niya. Ang lalim din ng mga mata niya kaya heto ako parang nalulunod na naman. Para niya akong hinihigop papunta sa mundo na meron siya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Wala ka ring alam sa nararamdaman ko."

"Just say it directly!" Hindi ko maiwasang mapagtaasan siya ng boses. Nakakainis! Parang pinapamukha niyang ako ang may kasalanan!

"Bakit na naman kayo magkayakap ni Shiro kanina? Akala ko ba mahal mo 'ko?"

Bigla akong natigilan sa narinig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang ramdam na ramdam ko rin ang kabog ng dibdib ko. Nakita niya kami ni Shiro kanina? Saka a-anong sinabi niya? "Ano?"

Huminga siya nang malalim at umupo siyang nakaharap sa 'kin. "You don't remember anything. When you were so drunk, you told me you love me but you haven't enough courage to fight your feelings for me 'cause you think it's wrong."

T-Tangina? "W-Wala akong sinabi s-sa 'yong ganyan." Fuck. Did I say those words?! Damn! Damn! Iyon pala 'yong tinutukoy niya na sana maalala ko?! Fuck! I confessed my feelings in no time! Dammit!

"Meron. You even kissed me while you are crying."

Parang wala lang sa kanya ang kinukwento niya samantalang ako nahihirapan na akong huminga sa sobrang lakas ng heartbeat ko! "That's bullshit! Liar!" Nagsisimula na namang uminit ang sulok ng dalawang mata ko. Tangina, naiiyak na naman ako! Seryoso?! G-Ginawa ko 'yon?! Lyka naman, ang tanga-tanga mo!

"That's true." He held my both hands tightly. "You didn't know how those words and kiss of yours made me sleepless."

"D-Damn. Walang katotohanan sa mga s-sinabi ko, Xynon." Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang maalala ko na ang lahat. Hindi niya kailangang malaman ang totoong nararamdaman ko. Paano si Mona? Paano ang napag-usapan namin?

He gently caressed my face and put my hair on my right ear that blocks my face. "It was real and pure, Lyka. I can feel it."

Hindi ko na kaya ang nangyayari kaya tumayo na ako para umalis.

"Wait!" sabay hila niya sa 'kin.

Tumingin ako sa kanya at bumitaw sa pagkakahawak niya sa 'kin. "Walang totoo sa sinabi ko. Lasing ako kaya hindi ko alam ang pinagsasabi ko." I need to keep pretending. Bahala na kung masaktan ko siya nang sobra-sobra.

"When a person was drunk, that's the time he will have a courage to say everything he wants to say. No lies. No pretending. Just real feelings. Didn't you know that?"

"Wala na akong pake ro'n. Totoo man ang sinabi ko o hindi, may gusto ka pa rin kay Mona."

"Then it is. You already confirmed it. What is your basis to say such things? Where's your proof. Can you present it to me?"

"Tangina naman, Xynon! Basis, proof! Hindi pa ba sapat ang yakapan niyong dalawa mula nang nasa ipagtanggol mo siya sa tabby cat no'ng survival game natin?! Ang lakas mong magtanong sa 'kin kung ba't kami magkayakap ni Shiro kanina, eh, kayo rin naman ni Mona magkayakap, ah! Lakas mo, ah!" Napahilamos ako ng mukha kahit tumutulo na naman ang luha ko. Dammit. Fuck this feeling!

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang mukha ko gamit ang kanang kamay. "Bigla lang niya akong niyakap kanina. Hindi ko alam ang rason. And about the hug in the forest? Nakasulat sa consequence na nakuha ko na gawin ko kung ano man ang gawin sa 'kin ng partner ko. She hugged me so that's why I did the same and to make her calm also. She felt scared and shaky. That's the least thing I can do for her."

"Manhid ka ba, ha? Puta! May gusto sa 'yo ang tao kaya ka niya niyayakap palagi!" singhal ko sa kanya at inis na nilayo ang mukha ko. Kahit naman na walang kinalaman sa survival game ang yakap, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang madalas ko silang makitang magkayakap! Argh!

"I just see her as my sister. Nothing more, nothing less." Sinusubukan niyang abutin ang mukha kong pinipilit kong ilayo.

"Sister? Kaya pala sobrang sweet niyo. Sister? Hahahaha! Fuck!"

He looked at me deeply. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. "I'm an only child. I wanted to have a sister since before but it didn't happened. Sa kanya ko kase nakikita ang ugaling gusto ko sa magiging kapatid ko kaya sa inyong tatlong babae, sa kanya ako unang napalapit."

"You already trust her. Didn't you?"

"I can say I trusted her already. Siya ang una kong napagkatiwalaan sa inyong tatlo."

Napapikit ako saglit nang mariin at muling tumingin sa kanya. "You didn't see her as a sister but a lover."

Umiling siya at hinawakan ulit ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. "I love you."

A-Ano? "N-No, please. Take it back." Mali 'to. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag sinunod ko ang puso ko. Paano na si Mona? She feels betrayed if I'll follow my heart.

Dinikit niya ang noo niya sa 'kin. "No. I won't. I do love you. Ikaw ang mahal ko. Please fight for me, Lyka 'cause I'm fighting for you." Halos bulong na lang ang ginawa niya.

Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga na mas lalong nagpapatibok ng puso ko. I love his warmth. It feels the best.

"N-Natatakot ako. Mali ito. Everything is clearly wrong."

"Ako rin naman dahil nasa maling lugar tayo at first time kong magmahal pero mas pinili kong kalimutan ang lahat ng bawal, takot na nararamdaman ko at mag-focus na lang sa pagmamahal ko para sa 'yo. Nothing's wrong. Laban tayo, please?" Nanunubig ang kanyang mga mata na may halong pagsusumamo.

"How about her? She loves you."

"I do love you, only you. Please believe me." Tumulo na rin ang luha niya na kanina pang gustong lumabas.

"Since when?"

He smiled sweetly and caressed my face again. "When you comforted me when I had nothing." He kissed my forehead. "The day when I dreamed about my mom when we had our first accident kiss. I knew you comforted me 'cause I literally felt your presence that time. Since then, I have this unexplainable and weird feeling towards you everytime I see you. I'm not dumb to not know what's this feeling. That was the time also when I started to trust you little by little even I'm frightened. When I already realized that I'm in love with you, I trust you fully with no doubts because in love, we need trust. I can trust people especially when I have my reason."

"D-Damn you." Tama si Lorenz at Shiro, hindi masamang magpakatotoo minsan at mag-take risk para sa taong mahal mo. Yes, may masasaktan ako pero paano naman ang sarili ko kung sobra na rin akong nasasaktan? Hindi naman masama kung unahin ko ang sarili ko minsan 'di ba? Life is too short to be unhappy.

"I love you too, darling." His smile reach up to his eyes.

Ngayon ko lang nakita ang saya sa mga mata niya. Mga mata niyang nakasanayan kong walang emosyon dati pero ngayon ay punong-puno na.

Pareho kaming nakatitig sa isa't isa habang umiiyak. Iyak hindi dahil sa sakit kundi sa sobrang saya.

"I love you, Lyka. I've been waiting this moment to confess everything to you. Fuck. This is the best feeling I've ever had." He then looked up the sky and smiled widely. "There's a shooting star. Make a wish, darling."

Tumingin ako sa itaas saka muling tumingin sa kanya. I know what I'm going to do this time. This is it. "I hope this won't end. All the fears I have in my heart already decided to leave me. I'm willing to fight for you, Xynon. I'm willing to fight for this love until the end. I love you." Hindi na ako nag-aatubiling punasan pa ang mga luha ko.

Itong luha na ito ang nagpapatunay kung gaano ako kasaya ngayon. Punong-puno man ng takot ang puso ko pero handa akong sumugal para panindigan ang pagmamahal ko. Hindi man ako kasing-lakas ng iba pero alam kong malakas ako sa paraan na alam ko. Kung ihahalintulad ito sa isang laro, matalo man ako pero ang larong ito ang hinding-hindi ko pagsisisihan at pinakamagugustuhan ko.

Sorry, Mona but I just love this man so bad. Sorry for being selfish. Pareho lang tayong nagmamahal. Sana maintindihan mo ako.

"And mine, I hope we will reach our dreams soon together wherever this love takes us, no matter how cruel the world is. All I know that my love for you is much stronger than the challenges and hindrances we facing. I love you too, darling." He looked at my lips and slowly reaching it until our lips met.

The thousand stars and a shooting star tonight have witnessed how we kiss passionately, confess and fight for each other's feelings even if the world is against us.

We might encounter bigger challenges because of this but we have each other's arms and love to conquer everything.

I love you so much, Xynon.