webnovel

Chapter Three

It's been a week simula nung magpunta kami sa concert nila Dion. It's been a week na din simula nang huli niya 'kong kausapin.

After that concert night, isinama ako nila Dion sa Ezi's Hub. First time ko lang makapasok doon.

Do'n ay napag-pasiyahan namin na mag-laro ng spin the bottle. Nung gabing 'yon, panandalian kong kinalimutan si Jaycee. Nung gabing 'yon, panandalian kong itinapon ang hiya ko sa sarili ko, dahil nung gabing 'yon, nagtagpo ang mga labi namin ng best friend ko, si Dion.

Matapos noon ay wala na kaming imikan sa isa't isa hanggang sa maihatid nila ako sa bahay.

At hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang lambot ng mga labi niya at kung gaano kasarap ang mga halik niya.

Bagay na hindi ko naramdaman kay Jaycee. Ilang beses ko naman pinigilan, na huwag makaramdam ng iba, dahil hindi puwede.

Pero traydor ang puso ko. Kahit ilang beses ko lokohin ang sarili ko, hindi ko na maitatago na mahal ko na si Dion.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Napabalik ako sa reyalidad nang madinig ko si Clark. Boss namin siya pero never siya nagpatawag ng 'Sir'.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Natapos ko na ho pala 'yung mga pinapagawa niyo."

"I know you can do it. No need for me to disagree with you." Matamis naman ang ngiting isinukli niya sa'kin.

"Keila, would you like to have lunch with me?"

"Uhm, S-sir.."

"Please? Joan's not here. You have no choice but to come with me. And oh, having lunch by yourself isn't that happy."

Sa huli ay wala na din akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto niya. Wala naman si Joan dahil may sakit daw. Wala din naman akong ibang nakakasabay kumain ni Joan na iba.

Dito kami pumunta sa isang Samgyupsal. Mahal ang bayad dito per head. Kinuha ko ang wallet ko at chineck ang laman nito. Five hundred na lang ang meron ako dito.

"Don't mind it. My treat."

"Thank you, Sir."

"Clark na lang. Anyway, shall we?" Tumango na lang ako at humanap na kami nang mapepwestohan.

Medyo naiilang ako kapag kasama ko si Clark. I mean, he's my boss, I'm just his employee. Is this right?

Isa pa, hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. First time ko lang siya makasama ng ganito. Most of the time kasi ay buong team kaming lumalabas. But now's different. Kami lang dalawa ni Clark. And it makes me uncomfortable.

He's a good guy, after all. I'd never doubt that. It's just that, hindi lang siguro ako sanay. Medyo nag-a-adjust pa ako.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi ako nag-rice. Pinapaloob ko lang iyong meat sa lettuce, then solve na ako doon. "May maganda din palang rason 'yung pag-absent ni Joan."

I smiled shyly. Ilang beses na 'kong inaaya ni Clark kumain sa labas kasama siya pero tumatanggi ako. I know ang kapal ng mukha ko sa parte na iyon. Pero ayoko din naman na mag-isip ng kung ano ano ang mga tao sa paligid namin.

Ayoko nalang na maissue kay Clark.

Mabilis na natapos ang pagkain namin. Hindi kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap ni Clark. Hindi ko alam kung paano magsisimula. But he kept on talking, even though some are nonsense. Alam kong ginagawa niya lang iyon to ease the tension between us.

Halos buong buhay na yata ni Clark naikwento niya. From his parents, na nasa states pareho. His siblings na parehong sikat na model sa ibang bansa. And ngayon ko lang din nalaman na aside from being our branch manager in the company, isa din pala siyang licensed Engineer. And aside from that, again, nakapag-published na siya ng book about love and sacrifices. Sikat na din ito sa iba't ibang bansa.

I couldn't help but to feel happy for his achievements. Sobrang sipag niyang tao. Kapag free time niya, naghahanap pa siya ng iba pang makabuluhang bagay na pwede niyang pag-tuunan ng pansin.

"Where do you live? I'll drive you home." He insisted the moment na marating namin ang labas ng Samgyupsalamat.

"Thank-" Naputol ang sasabihin ko nang may mahagip ang aking mga mata.

I stayed still when I saw Dion with Joan, they were both laughing. They seemed happy. I thought may sakit si Joan? Bakit kasama niya si Dion? Kaya ba siya hindi pumasok, dahil dito?

Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Why do I feel like I'm a jealous girlfriend? Sanay akong makita silang magkasama. But not this time. Not this close.

Mas natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita kong niyakap ni Dion si Joan.

And for some reason, I think my heart breaks into pieces when I saw Joan hugged him back, tight as what I've never imagined.

"Are you hurt?"

Saglit kong nilingon si Clark sa tabi ko. Nakatingin din pala siya kila Joan.

I shook my head. "No."

"Cows can fly also."

"Hindi nga." I replied.

He just shrugged. "Okay.."

"Hindi nga sabi." I repeated. He sounds doubtful.

He chuckled. "Oo na. Wala na akong sinabi."

Sa huli ay nadaan niya ako sa kakulitan niya kaya nagpahatid na din ako sa bahay. Mapilit si Clark. I don't think I'd win.

Halos kalahating oras ang tinagal bago namin marating ang bahay. Medyo matraffic din kasi kaya hassle. And of course, tahimik na namin ang naging biyahe namin. Nagpatugtog nalang si Clark para kahit papaano ay may maingay man lang.

Nag pasalamat lang ako sa kaniya at nag-madali na din akong pumasok ng bahay. Naabutan ko pa sina Mama at Papa na nag-aaway na naman. Hindi ko nalang pinansin dahil hindi naman din sila magpapaawat.

Bagsak ang balikat kong umakyat sa kwarto ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung nakita ko kanina. Kung bakit may ganoon, kung bakit nasasaktan ako the moment I saw them.

To ease my pain ay nag-facebook na lang ako. At parang mas napiga ang puso ko sa post na bumungad sa'kin.

Chris Dion Mendoza was with Alexa Joan DL

A day well spent with this amazing woman.

Sa ibaba noon ay mga pictures nilang magkasama. Kung hindi ko lang sila kilala iisipin kong mag-jowa sila. Ang sweet naman kasi nila tingnan.

I even read Joan's comment. Good thing you're not busy on your patients.

By that, Dion sweetly replied. You know I'd make time for you, right?

Ang daming nagreact ng heart sa pictures nila. May ilan pang nagcocomment na bagay daw sila, meron din isang nagcomment na kung pwede daw ba pakilala sa kaniya si Joan. But Dion just answered, Fuck off. Not Joan.

I slightly bit my lip and closed my eyes to supress my tears. Hindi ko na din ni-like iyong post ni Dion. Sinara ko na iyong laptop ko at humiga sa kama. I need to rest. I've had enough for this day. I needed time to think.

I needed to clarify what am I really feeling.