webnovel

Chapter One

Maaga akong nagising dahil kailangan kong mag-grocery muna bago pumasok sa trabaho. Puro noodles nalang ang laman ng ref ko. Kaunti lang naman ako mag-stock ng mga pagkain dahil ako lang mag-isa sa bahay. Nasa probinsya ang mga magulang ko, si Mommy ay nagbabantay ng restaurant niya at si Daddy ay driver ng Congressman do'n. Nag-iisang anak lang naman ako.

Matapos kong maligo ay naghanap nalang ako ng denim skirt, at loose t-shirt tapos vans. Nag-apply lang ako ng polbo at liptint.

Gamit ang motor ko ay narating ko ang grocery store ng fifteen minutes lang. Wala naman masyadong traffic.

Una kong pinuntahan ay ang meat section, kumuha ako ng dalawang plastic lang no'n at sunod naman ay isda. Hindi ako masyadong mahilig sa chicken dahil kapag kinakain ko sila ay naaalala ko kung paano sila kinakatay.

I have this weird thinking na naaawa ako sa kanila kaya hindi ko sila kinakain.

"Maria Keila San Miguel." Napairap ako nang madinig ko ang buo kong pangalan. Hindi ko na kailangan lingonin pa kung sino 'yon dahil isa lang naman ang tumatawah sa'kin noon.

"What the fuck is your problem, Klein?" I asked him, raising my eyebrow.

He's Klein Fajardo. Isa sa mga kaibigan ni Dion. Pinaka-gago sa magkakaibigan 'to.

Napatingin ako sa cart na dala niya, punong puno ng mga junk foods 'yon, may mga soft drinks at syempre alak. Hindi naman mawawala iyon.

"Ready ka na ba mamaya?"

"Saan?" Binayaran ko na muna ang mga pinamili ko.

"Hindi ka ba inaya ni Chris? May concert mamaya ang December Avenue." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Omo! That's my favourite local band! Ang gaganda ng mga kanta nila, swear!

"Wala siyang sinasabi sa'kin. Last week pa ata bago kami magkausap no'n."

Napalatak siya at umiling iling. "Baka iniiwasan ka."

Nakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman ako iiwasan no'n? Wala naman kaming naging pag-a-away.

"Ikaw kasi, e. Masyado mong sinasaktan yung kaibigan namin."

"Ha?"

"Hakdog." Muli siyang tumawa at nagbayad na din ng pinamili niya. "Pautang fifty pesos. Kulang eh."

Napasinghap nalang ako at muling umirap sa kaniya. Dumukot ako ng fifty sa wallet ko at inabot 'yon sa kaniya.

Abot tenga naman ang ngiti ni tukmol. "Salamat, kaya mahal na mahal ka ni ano e."

"Ni?"

"Ni Jaycee." Kinurot niya ang pisngi ko bago umalis sa harapan ko bitbit ang mga binili niya.

"Thank you ha!" Sigaw ko sa kaniya, ang lintik naman nag-flying kiss pa.

Napailing na lang ako sa kakulitan ni Klein. Matapos ang pamimili ko ay dumeretso na 'ko sa bahay. Wala na 'kong ibang pinuntahan pa. Besides, kailangan kong maglinis ng bahay, bukas ay may trabaho na naman ako.

Pareho kaming encoder ni Joan sa banko na pinagtatrabahuhan namin. Financial Management ang tinapos namin noong college, kaya hindi na kami nahirapan maghanap ng papasukang trabaho.

Nang makauwi ako sa bahay ay inayos ko na muna ang mga pinamili ko, nag-luto na din ako ng ipapaksiw na bangus.

Sinimulan ko ang mag-punas ng mga estante dito sa bahay, pati na rin mga agiw agiw sa kisame inalis ko na. Kasalukuyan akong nag-wa-walis ng may tumawag sa pangalan ko.

My lips automatically formed into a smile when I saw him. "Ang sipag mo naman yata?" Deretso deretso siyang pumasok sa bahay at umupo sa sofa.

Napatitig ako sa suot niya. Plain white shirt and khaki shorts paired with black sandals. Bahagya din magulo ang buhok niya. But nevertheless, hindi nakabawas iyon sa taglay niyang kagwapuhan.

"Done checking me?" He chuckled.

Binalibag ko siya ng suot kong mask. "Tindi ng tama mo, Doc. Dion."

"Mas matindi tama ko sa'yo." He said then winked at me, which made me blushed.

Damn! Kumalma ka self, kaibigan mo 'yan. H'wag kang maharot. Bawal 'yan.

"Kinikilig ka na naman."

Napairap nalang ako. "Gago. Ano ba'ng ginagawa mo dito?" I asked him raising my eyebrow. I saw him became silent for a couple of seconds.

It's not that ayaw ko siyang nandito. Pero kasi, kung pupunta siya dito ay nagsasabi naman siya through chat, or text, at sa hapon pa. Ang aga aga pa kasi, malay ko ba kung may pasyente pa siya.

Muli ay nginitian niya ako. "Galing ako sa town plaza."

"Share mo lang?"

This time, siya naman ang napairap. Argh! Bakit ba kahit anong gawin niya, ang gwapo gwapo niya?

"Hindi kita ish-share. Patayan muna kami nung engineer mong patpatin." Natawa naman ako sa sinabi niya at iniwan muna siya saglit para kumuha ng chuckie sa ref.

Iniabot ko 'yon sa kaniya the moment na makabalik ako sa tabi niya. Nakakahiyang tumabi dito, nanlimahid na ang pawis sa katawan ko.

"Sarap talaga ng chuckie." Saas niya matapos tumungga dito. "Pero mas masarap kapag chuckie-n ka."

"Loko. Kamusta naman buhay mo, Doc?" CD's a heart surgeon. Isa siya sa pinaka batang heart surgeon dito sa bansa. Sa edad niyang twenty-four ay madami na siyang buhay ang naisalba.

"Heto, kausap ko."

Hindi na ako nakasagot sa banat niya. Masiyadong mabilis ang tibok ng puso ko sa mga sinasabi niya. Nakakalimutan kong hindi pwede ito.

Nilabas niya ang panyo sa bulsa niya at ipinunas sa mukha ko. One of the sweetest gestures of him. "Kayo, kamusta?"

Napaisip ako saglit. "O-okay naman.."

"He talked to me last night."

Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ko na kailangang itanong pa kung sino, dahil obviously it was Jaycee.

Pero anong kailangan niya kay Dion? Mainit ang dugo no'n sa kaniya.

"Kidding. Masyado kang seryoso." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Knowing Jaycee, baka kung ano anong sabihin niya kay Dion. The last time na nag-away kami, muntik na kami masira ni Dion.

And I won't let that happen, again. Never again.

"Nga pala. I saw Klein earlier. Nasabi niya sa'kin about the concert. Wala ka man lang bang balak ayain ako?"

"Baka lang kasi makadistorbo ako sa inyo ni Consolacion." Hindi ko alam kung ako lang ba 'tong nag a-assume pero nakaramdam ako ng lungkot sa tono ng pananalita niya.

I tapped his shoulders and smiled at him. "Of course not. Baliw ka talaga. Sasama ako manood ng concert bukas."

At last, he smiled. Showing me his set of white teeth. Akala mong endorcer ng toothpaste.

Maya maya pa'y nakatanggap siya ng tawag from hospital. So, wala akong choice kundi ihatid na siya sa labas. Where his navy blue montero is waiting for him.

"I'll pick you up tomorrow evening."

"All right." I waved my hand at him.

"And oh, wait." Bago sumakay sa kotse ay hinablot niya muna ang wrist ko. "Dahil very good ka sa paglilinis."

Napakunot ang noo ko sa tatak na ginawad niya sa wrist ko. Ngumiti nalang siya at nagpaalam na din.