webnovel

Chapter Nine

Totoo nga yung sinabi nila, na hindi porket ikaw 'yung palaging nand'yan, ikaw na yung pinili. Hindi porket ikaw yung nanatili, ikaw pa rin yung pipiliin.

Sobrang lalim ng pagkakatama sa'kin ng nangyari. Ako 'yung nasa tabi niya palagi, na halos lahat na ng oras ko, kung makakaya ko ibibigay ko sa kaniya. I stayed. Pero hindi pa rin pala sapat iyon para piliin ka ng isang tao.

Kasi kahit gaano ka pa katagal manatili, kung iba naman 'yung hinahanap niya. Wala rin. Balewala din.

It's been a month simula nung huling magkausap kami in person ni Mama. Ang dami nang nangyari nung isang buwan na 'yon. Ang dami na rin na realizations akong na-encounter. Sobrang dami na. Na sa tingin ko naging bato sila lahat na dumagan sa dibdib ko.

And now, nandito kami ngayon sa Kimmy's Boutique. Kasalukuyang tumitingin ng gown si Joan for the twins upcoming 7th birthday, Axelle and Aldrey. Nakababatang kapatid ni Joan. Prince ang theme ng birthday nila, syempre princesses gowns for the ladies. She chose Belle, the sleeping beauty. Si Cinderella naman sa'kin.

Pero wala pa akong isusuot syempre. Malayo layo pa naman. Dito na rin ako titingin.

"All set na guys," napatigil ako sa pags-scroll sa newsfeed ko nang matapos na si Joan.

"Saan na tayo ngayon?" Dion asked. Of course he's with us. Mukha na akong third wheel sa kanila, seriously.

Sa huli ay napag-desisyunan namin na mag Prazedé, Italian restaurant naman 'yon. Sawa na kami sa Korean Restau, or mga fast foods, since bagong bukas 'yon at maganda ang promos nila, doon na kami.

Dito na kami sa Mustang ni Dion sumakay. Sa backseat ako at syempre sa tabi niya si Joan. Pinasakan ko nalang ng earphones yung tenga ko at pinikit ang mga mata ko. It's not that, I don't wanna see how sweet they are and how happy they are. Pero parang ganoon na nga.

Kahit naman tinanggap ko nang kay Joan siya masaya, there's still a part of me na nasasaktan. Hindi naman ganoon kadali na mawala 'yung feelings mo para sa isang tao.

Ika nga nila, it's hard to forget someone who gave you so much to remember.

Mabilis lang natapos ang lunch naming tatlo. The whole lunch, sila Joan at Dion lang halos nag-uusap. More on, naghaharutan. At ako, I was quiet. Focused lang ako sa pagce-cellphone. Nakagawian ko na yata 'yon everytime na magkakasama kaming tatlo. Somehow, I wanna divert my attention from them. Tanggap ko naman na. Pero ewan, ramdam ko pa rin 'yung sakit.

Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong wala na akong sakit na nararamdaman. Because, at this moment? I wish I was on Joan's shoes.

"Ikaw, Keila saan ka?"

"Ay, ha?" Nabaling sa kanila ang atensyon ko.

"Gusto mo bang sumama sa amin? Magm-mall kasi-"

Mabilis kong piniling ang aking ulo. "No!" Napakunot naman ang noo ko at pinikit ang mata ko sandali. "I mean, hindi na. May pupuntahan pa kasi ako."

Tumingin sa'kin si Dion mula sa salamin, nakabalik na nga pala kami sa sasakyan niya. "Sa'n ka ba pupunta?"

'Ano namang pakealam mo?' As much as I wanted to ask him that, I chose not to. I don't wanna sounded bitter, and I don't wanna hate him then they would just pity me.

Kesyo ba hindi ako pinili, gaganito na ako? I needed to show to them that I'm fine. After all, wala naman silang pake.

"Ibaba niyo nalang ako sa waiting shed sa papuntang highway."

"Seriously? Alam mo bang delikado do'n?" He asked me, raising his eyebrows in disbelief.

I sighed. "I'll be fine. May kasama naman ako mamaya."

"Who?"

Bago pa ako makasagot ay nauna na si Joan. "Does it matter to you, Chris?" Pinaningkitan pa niya ng mata ito, nayuko nalang ito at napakamot sa batok.

She's right. Bakit ba ang usisero ni Dion? Magkasama naman sila Joan. Why think about me? Matanda naman na ako.

Nang maibaba na nila ako sa waiting shed ay nagpumilit pa silang mag-stay doon para daw makita nila kung sinong kasama ko. Pero hindi na din ako pumayag, may iba naman silang lakad. Isa pa, wala talaga akong makakasama.

I just made that an excuse para makaalis sa kanila. Masiyadong manipis ang atmosperang nakabalot sa aming tatlo. It's as if it was making me suffocated.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Fridays Arena. I've heard madami daw doon ang tutugtog na mga not so famous yet bands. Wala naman din akong mapupuntahan, so I think this would at least ease my boredom.

Pagdating ko doon, halos kasisimula pa lang kaya naman nakahanap ako agad ng mapupwestuhan. Buti walang masiyadong tao. I hate crowded people. Nahihilo ako kapag ganu'n.

Hanggang sa nagsimula na ngang umingay ang arena. Battle of the bands pala ang ganap dito. So far, nae-enjoy ko naman. Although hindi pa sila gano'n kasikat, magagaling naman na. Isa pa I really love music, it relaxes my soul.

I checked my wrist watch. It was already eight thirty in the evening. Hindi ko na halos napansin 'yung oras, sobrang na-enjoy ko naman kasi yung panonood. Nakikisabay pa nga ako sa kanila.

As soon as the event had ended, umalis na rin ako sa pwesto ko at lumabas na ng arena. But before I reach the lobby, someone called my name.

"Maki?"

My eyes widened upon seeing him.

"Thaddeus?!"

He nodded and smiled at me. Oh my gosh! Anong ginagawa niya dito? Well, Thaddeus is my bestfriend way back we were on highschool. But something had happened.

Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. Napakunot naman ang noo ko.

"So, pinanood mo 'ko?" He asked me.

"What are you saying?"

Instead of answering my question, he smiled again and showed me his medal and trophy. Mas napalaki ang mata ko.

Don't tell me...

"Maki, this is all because of you." I smiled, at hindi ko na napigilan ang sugurin siya ng yakap.

So, isa pala siya sa mga tumugtog. He got the voice and the talent naman. Noon pa lang, gustong gusto ko na siyang ma-encourage na sumali sa banda siya lang 'tong walang tiwala sa sarili niya. Naalala ko pa noon, he got mad at me. Nakatanggap pa 'ko sa kaniya ng 'sino ka ba para pang-himasukan buhay ko?' Isa na rin iyon sa pinagmulan ng away namin.

And after that, hindi ko na siya nakita sa school. Lumipat na pala sila. Hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos.

"It's been a year after what had happened, Maki.." Sabi niya nung magbitaw kami sa yakapan namin. He used to call me Maki, paikli daw kasi sa pangalan ko.

"Wala na 'yun, ang mahalaga nagkita na tayo ulit." I smiled. He offered me a drive, hindi naman na ako tumanggi since late night na rin naman.

"So, congratulations again. Mr. Thaddeus Ongsioco." Sabi ko pa sa kalagitnaan ng byahe namin.

"Nakakainis, ang kaunti ng time natin. Hindi man lang tayo nagkausap ng maayos.."

I laughed at his reaction. "Madami pa namang time, ano ka ba?"

Sa wakas ay napangiti na ulit siya. Nagkwentuhan muna kami habang traffic. Vocalist siya ng banda nila. Madalas rin sila doon sa arena para mag-practice. Nasabi ko din sa kaniya tungkol sa trabaho ko. Sinabi niyang susunduin niya ako bukas para makapag-gala man lang kami at usap na rin.

Of course, I said yes.

Nang marating namin ang bahay namin ay agad siyang bumaba at pinag-buksan ako ng pinto. "Thank you."

"Mag-ingat ka sa pagd-drive.." He nodded.

"Have a good night, Maki." He again, hugged me. And the next thing I knew, he planted a kiss on my forehead then go back to his car. Mabilis niyang pinaharurot 'yon papalayo.

Hindi ako agad nakapag-react sa ginawa niya, I stayed still. At mas lalo pa yata akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Dion sa may hood ng sasakyan niya. A half mile away from where I'm standing. He's looking straight in me while his fist were clenched.

Did he saw Thaddeus? Did he saw what Thaddeus did to me?

Iniling ko ang ulo ko at iniwas ang tingin sa kaniya. I was about to move when I heard him speak.

"Why do you keep on hurting me, Keila?"