webnovel

Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys

Maxi_Minnie · sci-fi
Zu wenig Bewertungen
23 Chs

Chapter 15: Miss Anonymous

MISS A

Alam kong curious kayo kung sino ako at kung bakit ko sila pinapahirapan.

Well, gusto ko kasi mawala na ang section nila sa school. Gusto ko na sila mamatay.

Hadlang sila sa mga plano ko! Hindi pala sila, ang mga magulang nila!

Lalo na ang pamilya nila Kent at Mixxia. Sila ang may hawak ng pinakamayayamang kompanya at universities. Pati ang school na hawak ko ay binili ng parents nila.

Kaya ikinulong ko sila sa isang abandoned house.

Ghosts?

Only foolish people believe in ghosts. Good thing! I'm a scientist and I know almost everything about science. Also, I'm fond of cracking or making codes and ciphers.

Papaikutin ko sila, at hindi ko hahayaan na magwagi sila sa lahat ng mission.

So naghanda ako ng riddles na puro codes.

Nalilito ba kayo?

Sure akong hindi na nila masasagutan yon!

Maipaghiganti ko lang angkan ko, masaya na ko.

Hinding-hindi nila ako makikilala. Hindi ako makakapayag na masira plano ko pati pangalan ko.

Naalala ko nun nang mag-enroll si Mixxia. What a small world!

Hindi ko inaasahan na makikita ko ang anak ng ex ko. Tapos ako at ang anak ko'y iniwan niya.

Oo, may anak ako. Pero hanggang ngayon ay hindi niya alam na ako ang tunay niyang ina.

Isinama ko talaga siya, at gumamit ng tao para bantayan siya.

Nakakatawa...

Magkakasama lang naman ngayon ang anak ko, ang kaaway ng angkan ko at ang inutusan ko para bantayan siya.

Ang sarap nilang paglaruan.

Okay lang sa akin mawala silang lahat, huwag lang ang anak ko. Kaya pag naisagawa ko ang plano ko, una kong papatakasin ang anak ko at ang taong ipapakasal ko sa kaniya. At syempre, iiwan kong walang buhay ang iba.

Makakaganti rin ako!

Kasalukuyan akong naghahanda para sa isang nakakatuwang announcement. Tila musika sa pandinig ko ang mga boses nilang nanggagalaiti sa galit.

Well, wala naman akong pakialam doon.

Isinuot ko ang costume ko at inihanda ang camera pati na rin ang microphone at speakers na ginagamit ko.

Nasa loob ako minsan ng house.

Hindi nila alam no? Mga wala kasi silang utak! HAHAHA

Pero sa isang banda, matatalino naman talaga sila dahil sila nga ay kabilang sa pinakamataas na seksyon sa school. Pero mas matalino ako!

Tinignan ko sila isa-isa na ngayon ay magkakasama sa salas.

Napangiti ako nang makitang nakadikit ang alaga ko sa anak ko.

Bagay na bagay talaga sila! Matapos lang itong mission nila ay ipapakasal ko silang dalawa.

"Ehem ehem" panimula ko.

"Good morning my dear students! Simula na ngayon ng quiz nyo. Nag-review ba kayo?"

Lumawak ang aking ngiti nang makita ang kanilang mga mata na halatang kulang na kulang sa tulog.

Paniguradong hindi sila makakapag-concentrate!

"So, time check! 8:40 am. Ibibigay ko ang unang sasagutan. Every hour, may isang question. Syempre, mahirap yon! Kasi gusto ko kayong mahirapan!  Binawasan ko na nga eh, sa halip na 25 na Mission, 15 nalang. May tatlo na kayong nagawa, pang apat na to."

Napabuntong hininga ako.

"Makikita niyo riyan ang isang monitor. Ang tawag ko diyan ay "Genius Desky" . Naka-program na iyan kaya hindi niyo ko madadaya. Ganun rin ang mga gadgets nyo na pansamantala kong ni-block ang system. Touch screen iyan kaya ita-type niyo nalang ang sagot." Pagtutuloy ko.

" Ito ang question number 1..."

Sinadya kong ibitin ang aking pagsasalita. Tahimik lang silang nakikinig.

Ini-flash ko sa screen ang riddle na sasagutan nila.

'n xujfp bnymtzy f rtzym fsi mjfw bnymtzy jfwx. n mfaj st gtid, gzy n htrj fqnaj bnym bnsi. bmfy fr n? (Shift= 5)

Nanlaki ang mga mata except kay Kent na kalmado lang.

"Paano namin sasagutan iyan kung wala naman kaming matinong mabasa?" Maarteng sabi ni Venice.

"Kaya ko nga kayo pinag-review about codes di ba?" Sarkastikong sagot ko.

"Kailangan niyo munang i-decode yan syempre! Ano ba yan! Nakakaloka kayo kala ko pa naman matatalino kayo!"

Nakita kong sabay na umirap si Mixxia at Venice.

"Magkita-kita nalang uli tayo mamayang 10:00! Good luck sa pag-sagot!" Humalakhak ako nang malakas bago pinatay ang screen.

Nabaling ang tingin ko sa picture na nasa lamesa.

Nakakalungkot.

"Hello darling? Bakit ka napatawag?" Masayang sagot sa telepono. Makita ko pa lang ang pangalan niya ay masaya na ako.

"Look, I'm---"

"Alam mo ba darling, may maganda akong balita sayo!" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita pero kaagad rin siyang sumagot.

"Listen... I'm sorry, it's over." Pagkasabi niya non ay kaagad niya akong pinatayan ng telepono.

'Buntis ako...'

Hindi ko na nabigkas ang mga salitang iyon dahil naunahan ako ng napakasamang balita.

Labis akong nalungkot. Hindi makakain, hindi makatulog.

Nais kong ipalaglag ang batang dinadala ko, ngunit pinigilan ako ng aking ina.

Sa halip na ipalaglag ay idinala ko siya sa bahay ampunan. Hindi ako nagpakita nang kunin siya ng mga taong aampon sa kaniya dahil ayoko.

Masakit...

Masakit makita na ang aampon sa kaniya ay ang tunay niyang ama.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko. I clenched my fists.

Heto na naman, nagagalit na naman ako.

Hindi ko namalayan ang oras dahil busy ako sa pag-iisip ng next na mission nila.

Hindi ko naihanda ang mga iyon dahil napaaga ang pagpunta nila sa mansyon.

Nakita ko na ang sagot nila na naka-flash sa screen.

"An Echo."

Tama...

Kaagad akong nagpakita sa screen.

"Oh! Nasagot niyo ang unang tanong! Maari niyo bang i-explain kung paano niyo iyon nakuha? Para naman makasiguro ako na hindi kayo nandadaya!" Hindi ko matanggap na nasagot nila iyon nang ganun kadali.

Tumayo si Kent at nagsimulang magpaliwanag gamit ang isang papel na pinagsulatan nila ng letters para ma-decode at masagutan ang riddle na iyon.

'n xujfp bnymtzy f rtzym fsi mjfw bnymtzy jfwx. n mfaj st gtid, gzy n htrj fqnaj bnym bnsi. bmfy fr n? (Shift= 5)

"Naglagay ka ng clue, Miss A. Thank you for that! Napadali pag-dedecipher namin." Mayabang na sabi ni Kent.

" To define the cipher that we used, it's called Caesar cipher which was one of the earliest known and simplest ciphers. It is a type of substitution cipher wherein each letter in the plaintext is 'shifted' with a certain number of places down the alphabet." Huminto siya saglit upang ipakita ng maayos ang mga nakasulat sa papel.

"First we translated all of our characters to numbers, 'a'=0, 'b'=1, 'c'=2, and so on until 'z'=25. Now, we can represent the caesar cipher encryption function, e(x), where x is the character we are encrypting, as:

e(x)=(x+k) (mod 26)

Where k is the key (the shift) applied to each letter. After applying this function the result is a number which must then be translated back into a letter. The decryption function is :

e(x)=(x+5) (mod 26)" Mahabang pagpapaliwanag niya.

"Mas napadali pa lalo ang pagsagot namin dahil sa halip na magpakahirap kaming i-solve yan ay nagbilang kami ng lima pabalik. Yung N-5 (letters) is equal to letter I and so on. Pagkatapos ay isang riddle ang lumabas." Ipinakita niya ang riddle na simagutan nila.

'I speak without a mouth and hear without ears. I have no body, but I come alive with wind. What am I? '

"It's an echo. Miss A naman, yan na ba yun?" Dagdag nito na may bahid ng kayabangan.

I acted calm pero deep inside ay kumukulo na dugo ko rito sa lalaking to.

"Well, nagsisimula pa lang naman tayo. May mas mahirap pa diyan. Babalikan ko kayo mamaya."

Pagkasabi ko non ay pinatay ko agad ang screen at naihagis ko ang notebook ko sa inis.

'Hinding-hindi ako papayag na magustuhan ng anak ko ang Kent na yun!'