webnovel

Storm Academy: Tale of Falsities

This story is not about finding love in the pursuit of an unprecedented life, but about finding her true self in a tale of falsities. Storm Academy. The start of downturn of Simone Louise Red's life. An academy that caters peculiar students is totally unsuitable for Simone Louise. She's living a perfectly normal life in a peculiar family. But she still entered it knowing well that she isn't meant to be there only for the sake of obeying her parents. With her triplet sisters and a hope gleaming in her that she would eventually have the peculiarity she always hoped for, what if. . . it wasn't she had thought for even once? Well-kept secrets and mendacious lies we're making Simone lose her sanity. Living the life she didn't even know wasn't hers, what will she do? Will she endure it? Let's find out now.

gyunesheen · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
2 Chs

Chapter One

Chapter 1: Started with a Bang.

Nandito ako ngayon sa bahay ni Lola para mag-training. I'm shooting bullets at pinatatama ko sila sa center, kung nasaan ang target. I confidently raised my gun and shot all three of the ranges. Tinanggal 'ko ang glasses at earmuffs na suot 'ko at hinihintay si Sir Zeph na tingnan ang mga ranges.

He greeted me with a slow clap pagkabalik niya sa'kin.

"You aced it all. What do you want to do next?" Uminom muna ako ng tubig. I've been planning on asking him this. This might be a good time.

"One on one?" I quietly asked. Dati ko pa gusto maka-one on one pero ayaw niya. Hindi 'ko alam kung bawal 'yon o ayaw niya lang akong masaktan.

Tiningnan pa niya ako maigi bago unti-unting tumango. I smiled with delight. I need to win this.

"Okay. Unang matumba, talo." I nodded eagerly.

Pumunta na kami sa ring. Naghihintayan kami kung sinong gagalaw. He taught me that I shouldn't start the battle by attacking first since, they would then how I move. Hindi naman ito kailangan dahil nag-aaral lamang ako ng martial arts para may magawa sa buhay ko. I'm not like my peculiar sisters.

Kalaunan, ay siya na yung nauna. I dodged his attack and tried to counter it, pero he already knew. I just dodged every attack habang naghahanap ng loophole. Ayun lang ang maaari 'kong magawa ngayon para walang masaktan sa aming dalawa. When I found one, hindi 'ko muna pinahalata. Maya-maya, habang sisipain niya sana ako. Sinuntok 'ko siya sa tiyan niya sabay sinipa 'ko siya sa tagiliran kaya tuluyan na siyang nahulog.

Tinulungan ko naman siya agad tumayo pagkatapos. "You won. Congrats," Sabi niya pagkatapos niya magpagpag.

"Thank you po!" I smiled at him. I really like his compliments. It makes me feel strong and it adds confidence to myself.

Biglang pumasok si Lola dito sa training room na may dalang mga juice at biscuit. Lola's always like this, so caring and sweet.

"Kumusta naman training niyo ngayon?" Tanong ni Lola inilapag niya ang dala niya sa isang table at pinaupo din kami do'n.

"We battled. She won," Maikling sabi ni Sir Zeph. I blushed as I remember how I did it a while ago.

Umiling naman ako at tumingin kay Lola, "Sir Zeph was just easy on me. Don't believe him, 'la," Kumuha ako ng biscuit at isinubo ito.

Ikinuwento pa ni Sir Zeph ang mga ginawa namin ngayon at mga achievements ko.

Simula 13 years ay nandito na ako. Tuwing weekends ay tinuturuan ako ni Sir Zeph ng martial arts. Natutunan ko din naman itong magustuhan. Dati'y puro hand-in-hand combats lang tulad ng karate, taekwondo at judo ang tinuturo niya ngunit ngayon ay kasama na ang gun handling, survival tactics at ang pinakabago ay kickboxing at boxing.

Kanina pa tingin ng tingin si Sir Zeph sa orasan niya kaya nagpaalam na ako na maliligo. Kaya ibig sabihin no'n ay tapos na ang training ngayong araw.

"See you next weekend, Simone," Pamamaalam ni Sir. Nagpaalam na din ako at sinamahan siya ni Lola palabas ng bahay. Dumiretso naman ako ng cr para matanggal na ang pawis ko.

Nagpalit ako ng isang t-shirt at shorts na naiwan ko dito noong nakaraang linggo. Tinuyo 'ko ang mahaba 'kong buhok at lumabas na sa banyo.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Lola paglabas ko.

Sunday ngayon kaya ngayon ang huling araw ko dito sa bahay ni Lola. May pasok kasi ako ng Lunes hanggang Biyernes.

Ngunit naalala ko bigla na ililipat nga pala ako sa Storm Academy. . . kung saan nag-aaral ang mga Ate 'ko.

Hindi ko din alam kung bakit pa ako mag-aaral do'n, eh wala naman akong kapangyarihan tulad nila Ate. I'll just be a normal human being there and I'm scared of some thoughts that went into my mind. I quickly brushed it off at sinagot si Lola.

"Maglalakad po ako pauwi. Ilang streets lang naman po ang lalakarin 'ko," Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pang humiwalay ni Lola ng bahay. Pero dahil do'n, nakakapag-training ako tuwing Sabado at Linggo.

Itinulak na agad ako palabas ni Lola dahil masiyado na 'raw gabi at kung magtatagal pa ako ay baka may mangyari pa sa'king masama. Magse-seven pa lang naman.

Noong nasa labas na ako ng pintuan niya, muli akong humarap at tinanong si Lola.

"Lola. . . papasok po ba talaga ako sa Storm Academy? I mean, I don't have any ability po kaya. . ." Lola cut me off and hugged me.

"Hindi ka pa labing-walo, iha. Malay mo magkaroon ka pa sa kaarawan mo. Huwag kang mangamba dahil hindi ka naman mamamatay kapag wala kang kapangyarihan," It's not that I'm scared because I don't want to live without powers. I'm scared of being bullied because I don't have one in the first place.

"Then I should wait till I'm eight. . ." Lola likes cutting me off these days. Tinanggal niya ang yakap niya sa'kin at hinawakan ang balikat ko.

"Apo, sinabi na ng Papa mo iyon kaya hindi mo na mapipigilan yun. 'Tsaka, seventeen ang dapat na edad para makapasok do'n," Malungkot na lang akong tumango. Pumasok ako ulit ako ng maalala ang bag ko at ang kwintas 'ko.

Ang kwintas na 'yon ay gawa ni Mommy. Sa malayuan ay akala mo isa itong simpleng diyamanteng kwintas, pero sa katotohanan, napipindot ito at nagsesend ng distress signal sa pinakamalapit na miyembro ng pamilya ko. Lahat kami ay meron nito, ngunit sa iba't-ibang anyo.

Isa'y singsing, ang isa naman ay bracelet, ang isa ay hikaw, ang isa ay nasa isang parte ng relo, at ang isa ay nasa sinturon.

I have triplets as sisters. They're the best and they always like to take their time to talk to me about things.

Nagpaalam na ako kay Lola at tuluyan nang lumabas ng gate.

Wala namang dumadaan na sakayan dito dahil isa 'tong private subdivision kaya naglakad na lang ako. Hindi ko nga din maintindihan kung bakit pa ako hinahatid sundo gamit ang kotse.

Ngayon lang ako hindi nasundo dahil ginamit ang dalawang kotse ni Mommy and Daddy at sira naman ang dapat ay sa'ming apat.

Habang naglalakad, nararamdaman kong parang may nakasunod sa'kin. Medyo binilisan 'ko ang lakad at tama nga ako dahil may narinig akong latang gumugulong. I think these are the gangsters that lived here. They all look drunk, especially the man in front.

"Hey, Miss. Bakit mag-isa ka? Gusto mo ng kasama?" I think he's the leader. Seriously, bakit kapag sa mga libro, gangsters are more handsome and manly, samantalang sa totoong buhay ay matataba at lasinggero.

"No need, Kuya. I can handle myself," Saad ko sakaniya na may halong pandidiri. Hahawakan pa niya sana ako pero umatras pa ako lalo.

"Dapat 'yung mga magagandang katulad mo, wala sa labas nang mga oras na ito. Nasa labas ka, hmm," Umakto pa siyang nag-iisip kahit na alam ko naman na ang sasabihin niya, "Sumama ka kaya sa'min. Papasayahin ka lang namin," 7 isn't even past my bedtime. Maaga pa! Sila lang ang nanggugulo dito.

Lumapit sa'kin ulit ang lalaki at bigla akong hinawakan. Out of reflexes, tinulak ko siya gamit ang paa 'ko. Hindi ko alam kung dahil sa kalasingan o dahil sa lakas ng pag-sipa 'ko ay umabot siya do'n sa mga alipores niya.

"Aray!" Natumba agad siya ngunit nasalo agad ng mga alipores niya. Sayang naman 'yung chance na makahalikan niya ang sahig.

"Mabagal ka ata, Kuya. Pwede po pakibilisan kasi gusto 'ko na pong umuwi," Totoo naman ito. At confident ako na kahit madami sila, matatapos ko sila ng mabilis dahil wala sila sa tamang katinuan. Alak pa more.

"Mga tuta!" Sigaw niya siguro sa mga kasama niya. Bakit naman nadamay ang mga cute na mga doggo dito sa mga. . . goons na 'to?

May dumagdag na sa bilang ko ay labing-tatlo, idagdag pa ang apat na kasama niya kanina. Why did I enter this mess again?

Balak ko sanang pindutin ang kwintas 'ko pero hindi naman kailangan. Kapag alam 'kong mahihirapan na lang ako.

Unang sumubok ang pinaka-sober sakanila.

May dala siyang glass shards ng beer. Itinututok niya ito sa mukha ko. Eh 'di sa mukha 'ko rin ipapatama ang suntok 'ko.

Isang suntok ko pa lang ay nahulog na agad ito. I underestimated his soberness. Ngayon ay tatlong sabay-sabay na ang papunta sa'kin. Masiyado pa silang cautious na parang takot na agad sila.

I smirked how they are so easy to take down.

Masiyado na silang lasing para man lang makatayo ulit.

Ako na ngayon ang lumapit sakanila.

Napag-isipan ko na hindi 'ko na sila gagamitan ng mga dala nila dahil lasing na din naman sila para lumaban pa ulit.

'Yung suntok nila parang joke lang, eh. I just targeted the weak points at tulog agad sila. Akala ko pa naman magagamit 'ko ang natutunan 'ko.

"Ah!" Napatingin ako sa gilid ko na itinurok ang hawak niyang kutsilyo sa'kin. Nakatayo pa siya. Habang hawak ng isang kamay ko ang sugat kung saan niya ako sinaksak, gumamit ako ng trick para makuha 'ko ang kutsilyo na hawak niya. Wala akong plano na saktan sila pero dahil sa ginawa nila, matatawag na 'tong self-defense kung sakali man.

I quickly got his knife and sliced his foot.

Napa-alis ako agad dahil hindi ko maatim ang amoy niya. Parang ilang araw hindi naligo.

Sumugod na ako sa iba gamit ang paa ko at isang kamay. I don't want to lose too much blood. 'Buti na lang at naka-black ako ngayon.

Inuna ko muna ang mga lalaki na may mga hawak na kutsilyo baseball bat. Kinuha 'ko din ang bat at tinapon kung saan sila nagkumpol-kumpol. Para silang bowling pins na sabay-sabay nahulog.

Ang natira na ay tatlo at nakapaligid sila do'n sa boss nila. Tiningnan 'ko ang mga nakahiga. Mukhang wala naman ng makakatayo dito.

I was shocked to see one of his goons head over me with a knife through my peripheral vision. I swiftly through my knife to his hand. Nabitawan na niya kutsilyong hawak niya.

Tiningnan ko ang boss nila at takot na ito ngayon.

Imagine, biglang nahimatay yung dalawang nagbabantay sakaniya?

Lumapit ako sakaniya at tinutok ang kutsilyo.

Nakita ko lalo ang takot sa mata niya.

"M-May p-p-powers a-ako! L-Lumayo ka!" Grabe ang pangangatal na ginagawa niya. I bowed down to him and gave him the knife I'm holding.

"Then, you should've used it before all of this," I bid him goodbye and quickly got my backpack.

Tumakbo na din ako papunta sa bahay. I froze when I saw Ate Carlene standing on the sidewalks, waiting for me.

Mukhang nakita naman niya ako kaya ngumiti lamang ako sakaniya, "Simone! Kanina pa tumawag si Lola na pauwi ka na! Bakit ngayon ka lang?" Napatingin siya kakatanggal ko lang na kamay sa tagiliran. Tumakbo siya papunta sa'kin at inangat ang t-shirt 'ko.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang dugo na patuloy na umaagos sa katawan ko. Tinulak na niya ako papasok habang nakahawak sa tenga 'ko.

"Ate! M-Masakit!" Pina-upo niya ako sa couch.

Bahala siya kapag naduguan ito. Siya naman ang nagpa-upo sa'kin dito.

Using her peculiarity, inayos niya ito at naramdaman ko na lang na wala na ang sakit.

Ngunit, kinurot niya ako do'n kaya napa-aray ulit ako.

"Why didn't you didn't click your necklace? Simone naman!" Hula ko ay narinig na ito ng ibang 'kong Ate.

"They we're already drunk kaya, kaya 'ko na sila. Hindi ko lang napansin na mayroon pang nakatayo at nasaksak ako," I reasoned out.

Tama nga ako at bumababa na sila. Tinanong nila kung ano ang nangyari kaya buong galak kong ikinuwento sakanila ang nangyari.

"Simone naman!" Ate Carlene said after I told them.

"Good job, Sims! Galing-galing naman ng baby namin!" Ate Veronica pinched my cheeks.

Mamumula na naman ito.

Ate Angel remained impassive. But afterwards, she patted my hair.

"As long as you're okay. Pumunta ka na sa kwarto mo. Kami na bahala magsabi 'kay Mommy pag-uwi nila," Tumango ako at umakyat na.

Ate Angel's the most mature of them three.

They're triplets and even though she is the youngest, she matured faster than them. Maybe because she aquires the power to manipulate fire. Kailangan niya mag-ingat. Hindi tulad ni Ate Veronica na mind control and Ate Carlene's healing powers.

Mas mahirap i-control ang kaniya. Although, Ate Veronica already mastered hers. She tends to use it impulsively.

I'm happy for them to have powers, since they we're born. And here I am, in my room, patiently waiting for my eighteenth birthday to check if I'll have powers then.

But I doubt. Kahit naman 'konti, may mararamdaman dapat ako kahit hindi pa ito lumalabas, Ngunit, wala talaga.

Kumuha na lang ako ng libro at nagbasa.

Hihintayin kong pumasok si Mommy or Daddy dito para tanungin kung final na ba talaga na pupunta ako sa academy.

My Mother owns a robotic company while my Father, researches medicines.

We have the first version of a robot dog here in our home, which is currently out of batteries.

It uses batteries that are specially made for it. Ginagawa lang din ito nina Mommy, kaya gumagawa ulit sila ng bago para dito.

I heard someone knocking on my door, which I am sure is my parents. Ibinaba ko ang libro na binabasa 'ko at tumungo sa pinto.

"Are you okay? Wala na bang ibang nangyari sa'yo?" My Mother enveloped me into a tight hug.

"Opo, Mommy. Lasing na din po sila kaya I didn't have a hard time fighting them," Sabi ko at namataan si Daddy sa likod.

"Daddy. . ." Tinanggal ni Mommy ang pagkayakap niya sa'kin, "Final na po na mag-aaral ako sa Storm Academy? Okay naman po ako dito kasama si Lola," My Dad then enveloped me into another hug.

"You know that we're doing this for your safety, right? Seventeen ka pa lang, you still have a year to look out. Kasama mo naman ang mga Ate mo do'n. I'm sorry, Simone," Tumingala ako kay Daddy at tumango.

I guess I have no choice but to oblige, then.

"Okay. . ." I smiled at them, "If it's for my safety, then I'll go," Sumali din si Mommy sa pagyakap.

Narinig ko din agad ang mga kapatid ko na nag-ayang sumali kaya lahat kami ay nagyayakapan.

Oh, how I wish our lives would stay like this. Mas gusto ko na manirahan dito, away from magic.

Because I'm scared. They've sheltered me and nested me for so long that I don't know how cruel the world is.

Natatakot ako sa mga mangyayari. But I don't have to because I have my family by my side and that alone is something that should set aside my fear.

Because they're here.