webnovel

Stay with me [Tagalog]

"If you truly love the person, you have to let them go if its already time for them to go, even if it hurts you so bad." I realized, indeed. Life is too short, it doesn't matter if you're young or old. We are all getting there. But being the one's who were left behind is the worst part.

MissHeiress · realistisch
Zu wenig Bewertungen
45 Chs

Chapter 28

Loey

I was on my way to her when Ate Kat suddenly called me.

"Where are you?" She asked.

"Driving. Why?" Sagot ko habang patuloy nagmamaneho at nakafocus sa daan.

"May maganda akong balita sa'yo."

"What is it?"

"May nag contact na sa'kin about sa heart donor for Rose," masaya nitong sambit na ikinatuwa ko rin.

"Really? Wait, what's the name?"

Excited akong ibinalita iyon kay Rose pagkarating ko sa unit niya.

"Jamilla Cortez?"

Tumango ako bilang pagkukumpirma.

"Siya 'yong nag message kay Ate. Sabi nito, willing daw nitong i-donate ang puso ng pamangkin niya. At good news ay magka match din kayong dalawa."

She smiled and I saw in her eyes how happy she was. Patuloy kong hinahaplos ang buhok niya.

"For now, just take care of yourself," sabi ko sa kanya. Bumalik ako sa pagkakaupo sa harapan niya at nangalumbaba siyang tinitigan.

"Kain ka na ulit."

Itinuon niyang muli ang atensiyon sa kinakain pero pinaglalaruan niya lamang iyon ng kubyertos.

"Huwag mo nga akong titigan hindi ako makakain," saway niyang nagpipigil ng ngiti.

Kararating lang namin galing practice at dumeretso agad ako rito. So sa totoo lang ay hindi pa rin ako kumakain.

Ganoon kasi kami sa tuwing may concert, kuntodo practice at halos walang pahinga ng mga isang buwan.

We're literally working out butts out para maabot lang ang goals namin.

Dati nga noong rookies pa lang kami, karamihan sa amin ay nagkakaroon ng injury dahil sa puspusang practice. At kung minsan ay kinakailangang mag overdose sa antibiotic para lang mapabilis ang paggaling namin, at kahit may lagnat ka ay bawal ka paring magsakit-sakitan. Umaabot pa nga sa puntong, mayroong nagcocollapse sa mismong stage dahil sa sobrang pagod.

Ganoon ka lupit ang naging training namin para mapabilang sa tinitingalang P-pop artist sa buong Pilipinas at mundo ngayon.

"Okay, I'll eat," sabi ko sabay kumuha na rin ng untensils na parang ako 'yong may-ari ng bahay.

Pagka-upo kong muli sa upuan ay siya namang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Loey."

Kumunot ang noo ko.

"Loey?" Taas-kilay kong saad sa kanya habang  nakahalukipkip.

"Bakit?" Nagtataka nitong tanong.

"Babe. Iyon ang itawag mo sa akin."

Natawa siya. "Ayoko n'on, baka magkahiwalay tayo agad."

"Huh?" Nagtataka kong reaksiyon at nag explain naman siya.

"Babe, kasi bata 'yon eh." Tumawa pa talaga siya after niyang sabihin ang corny niyang explanation.

At ang cute niya.

"Love?" Sabi ko at umiling-iling.

"No. No. No. Kapareho ng kay Kuys Jayem at Irene. Ahh..." napahawaka ko sa baba ko. "Yung honey kay Jaydee at Angel 'yon eh. Hmmm. Aha!" Napa snap pa ako nang may maisip na ako.

"Mahal!"

"Mahal?" Pag-uulit niya at tumango naman ako.

"Mahal. That's right," I said and nodded.

Tumikhim muna siya bago nagsalitang muli. "Hmmm. Mahal?"

Wooooh! Para akong nakikiliti ngayon men!

"Yes Mahal?" Feel na feel ko pang tugon.

Her face became serious right now. She keeps on gasping before she gathered herself.

"Can we pay respect to Zoey's grave?" She pleaded.

I didn't see it coming but somehow ay na appreciate ko iyon.

It only means that she is giving importance with what Zoey and I had shared before.

"Gusto ko siyang pasalamatan dahil hinayaan niyang magkakilala tayo."

Totoo iyon. I somehow asked a sign to Zoey at kasabay n'on ay ang pagsulpot ni Rose.

And why not? After all I have to pay respect to her too.

"But sadly, she has no grave," malungkot kong ani.

"The day when Zoey's Mom called. I was in the middle of a concert. I have to continue kahit sobrang wasak ako sa pagkawala ni Zoey. Hindi pumayag ang management ng SDM na mag leave ako dahil nasa kasagsagan kami ng tour. It took me a month pa bago ko siya napuntahan sa Australia, and it was too late already. Sabi ni Tita Doris, pina cremate nila si Zoey dahil halos durog na ang katawa nito dahil sa aksidentemg tinamo at isinaboy nila ang mga abo nito sa dagat. Nakakagalit, kasi hindi manlang nila ako hinintay. Like who the heck will do that? Sana manlang ay ginawan nila ng maayos na libing. Pero hindi ko rin sila masisi. Zoey really wanted that kind of funeral. She want to be a part of the ocean." I gasped at napayuko ako pagkatapos kong magkwento.

Naramdaman ko ang marahang pag haplos ni Rose sa likod ko.

"Pareho pala kami ng gusto," biglang sabi nito na biglang bumalot ng takot at pangamba sa akin. Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya.

"Stop saying that," saway ko sa kanya.

Huwag naman sana.

I don't want to lose Rose just like how I lost Zoey.