webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
557 Chs

Chapter 8

"HELLO, Yuan! Where are you right now, sweetheart?" malambing na tanong ni Quincy kay Yuan nang tawagan niya ito sa cellphone pagkatapos ng trabaho niya sa Rider's Verandah. "Hindi ka tumatawag sa akin."

She was using the international roaming service. Hindi nagbabago ang numero niya kahit nasaan pa siyang parte ng mundo. He would never know where she really was. The cellphone line and the cellphone itself were provided by Yuan. Mabuti na lang at hindi ito mahilig magtitingin sa pictures o video. Kung hindi ay mahuhuli siya nito. Na wala siya sa Europe kundi nasa tabi-tabi lang.

"I've been busy during these past few days. I am in Tagaytay right now."

"Business or pleasure?" she asked with a possessive hint.

"Business, of course. You know how busy I am." Bahagya pang may iritasyon sa boses nito. "I don't have time to relax."

He had been working the whole day. Nakita niya ito sa Rider's Verandah noong tanghali na may kausap na Taiwanese businessmen. Pati sa dinner ay kasama uli nito ang mga kliyente pagkatapos mag-horseback riding at umikot sa club. Hindi lang kasi para sa paglilibang ng mga members ang rider's club. Sometimes, they also brought people for business. Like Yuan who used the place to entertain clients.

"Why don't you come here instead?"

Umungol ito. "I have to seal a deal with some Taiwanese businessmen. Don't worry. Sa Europe din naman tayo magha-honeymoon kapag kasal na tayo."

Mag-honeymoon ka sa Europe mag-isa! I won't marry you.

"I miss you, Yuan. I wish I'd see you soon," kunwa ay malungkot na sabi niya.

Saglit na napipilan ito. Hindi kasi ito sanay na naglalambing siya. Kapag magkausap sila, hanggang maaari ay hindi na siya humihingi ng kahit ano rito. Nagulat marahil ito dahil siya pa mismo ang nag-request na makita ito.

He cleared his throat. "Don't worry. Once I clear my schedule, I will follow you in Europe. How about that?"

"Ako na lang kaya ang dumalaw sa iyo sa Manila? Then you can bring me to the beautiful spots and I can meet your friends. Matagal na kasi akong hindi nakakauwi riyan. Puwede mo nang sabihin sa kanila na ikakasal na tayo. Then we can start planning the wedding. I think that's a lovely idea."

"There is a right time for that, Celine. This year is good for business. And according to feng shui experts, the best year for a wedding is two years from now. So we'll settle our wedding by then. For now, enjoy your vacation."

Tatawa-tawa siya sa sarili nang matapos ang pag-uusap nila ni Yuan. Hindi niya alam kung dahil ba sa feng shui kaya ayaw pa siya nitong pakasalan o ayaw pa rin nitong magpakasal sa kanya. At least, na-confirm niya na hindi nga ito susunod sa Europe.

Si Friza ang sumunod na tinawagan niya. "Hey, how's Prague?"

"Hindi ako makapag-enjoy. I am so worried about you."

"My first day at work was great! I met a lot of people. And guess what? Naging customer ko pa si Yuan kanina. Ako pa ang nag-serve sa kanya."

"What? He recognized you, right? And now he would throw you back to the States. Sasabihin niya sa lolo mo ang ginawa mo. I told you, this plan won't work."

Humalakhak siya. "Relax! The plan is foolproof. He didn't recognize me as Criselda Celine Logarta. Here, I am simply Quincy Montoya. Isang hamak na waitress pero nuknukan ng ganda at sexy. Kahit nga close friend ko, `di na ako nakilala, `di ba? Lalo naman si Yuan."

"So how was your first encounter with your future husband?"

She bared her teeth. "Don't call him that. He won't hold that title soon. Hindi ko matatagalang makasama siya. Alam mo ba na ilang beses niya akong sinungitan? Napakadominante. Napakayabang. Napaka..."

"Guwapo," dugtong nito. "Mas guwapo pa siya sa personal, `di ba?"

"Friza, parang gusto kitang palanguyin mula Czechoslovakia hanggang Florida. You are starting to get into my nerves. Friend kita, `di ba?"

"Sagot naman ni Yuan ang bakasyon ko. And besides, he is really handsome. Hindi ba nagbago ang isip mo nang makita mo ang kaguwapuhan niya?"

"I won't argue with that." Guwapo kasi talaga si Yuan. At kinikilig siya kapag tinitingnan ito. Basta huwag siyang magsasalita, mai-in love ako sa kanya.

"Sana, tinanggap mo na lang ang suggestion ko na humanap ng lalaki na pagpapanggapin mo na boyfriend mo dahil ayaw mong pakasalan si Yuan."

"Gusto mong atakihin sa puso ang lolo ko sa kahihiyan? This is the best way to get rid of Yuan. I don't have to risk my neck."

"You are risking your neck right now."

"Once my plan works, I won't be at the losing end. Dahil ipapakita ko sa lolo ko kung ano ang tunay na kulay ng Yuan Zheng na iyan. He is a cold, heartless and unfeeling man. And he won't fit as my husband."

"Sana nga hindi ka mapahamak sa ginagawa mo."