webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
557 Chs

Chapter 27

MAINIT ang naging pagtatalo sa meeting nang araw na iyon. Lahat na lang kasi ng sabihin ni Hiro ay kinokontra ni Sawada. Kahit ang mga isyu na plantsado at nai-depensa na ni Hiro ay ibinabalik pa nito ang binubusisi.

But Hiro kept his cool. Nakangiti pa ito habang nagpapaliwanag. He was confident and was able to defend his side. Dahil doon ay lalo lang nitong napatunayan na magaling nga ito. Nakuha nito ang respeto, tiwala at paghanga ng ibang miyembro ng Fukouka International. At nagngingitngit naman si Sawada dahil parang talunan ang labas nito sa kakokontra nito.

"Well, I hope that they would agree to sign the contract. Hiro needs it so badly. Ito ang major project niya na gustong-gusto niyang mai-push."

Bukas pa nila malalaman kung papayag nga ang Fukouka International na mag-invest sa Hinata Technologies. Kaya kailangan nilang gawin ang lahat para makumbinsi ang mga ito.

"Hi, Miss Jemaikha!" bati ng service crew ng Rider's Verandah na si Quincy. Breaktime at nagpapahinga ang mga delegates. Si Hiro ay may video conference para I-update ang Hinata Technologies sa Japan kung ano na ang development sa negosasyon. Siya naman ay inaayos ang mga nai-discuss sa meeting.

"Hi, Quincy! Another coffee and orange tart please."

May inabot itong papel sa kanya. "Message for you."

Nang basahin niya ay galing iyon kay Hiro. Magkita daw sila sa lake dahil may importante itong sasabihin sa kanya. "Quincy, I will cancel my order. Just give me my bill, please."

Sakay ng golf cart na umiikot sa riding club, naglalaro sa isip niya kung bakit ipinatawag pa siya ni Hiro sa may lake area ng Stallion Riding Club. Gusto pa nitong magsolo sila. "Ano kayang sasabihin niya sa akin? Baka naman sasabihin niyang mahal pa rin niya ako at wala na siyang planong pakawalan pa ako. Baka naman gusto na niyang mag-propose ng kasal sa akin!"

Maganda nga ang lakeside area ng riding club pero parang di niya naisip na doon magpo-propose ng kasal si Hiro. Mas paborito kasi nito ang stream sa forest o kaya ay ang mismong bahay nito. "Sana sa hot spring na lang."

Naputol ang pagpapantasya niya nang pagdating sa lake ay wala si Hiro. Sa halip ay si Sawada ang nandoon. "Thank you for coming!" sabi nito nang sinalubong siya at inalalayan siyang bumaba sa golf cart.

She refused to be assisted. "So it's you who sent the message. Not Hiro."

Di ito agad sumagot at hinintay munang umalis ang golf cart. "Come on! Let's stop beating around the bush. I know that he sent you to seduce."

Tumaas ang kilay niya. She didn't know that he could deliberately say that. "Excuse me? I don't know what you are saying."

He gave her a sly smile. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. "As if I don't know how people operate in my business. We are wined, dined and given women just to be persuaded to invest. And you are the pawn." Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. "Hinata-san sent you to seduce me."

She stiffened with his accusation. "I think you got it wrong."

"Stop denying! You are not really his assistant. You are not even in his payroll but he hired you to deal with us? What else is your role but to entice me."

"You should have checked my credentials first before you start throwing those accusations to my face. And let me tell you another thing. Hiro is not the type of person you think. He won't sacrifice other people for his personal gain."

Si Hiro na ang pinakamapagmalasakit na taong kilala niya. Ni hindi nga siya nito kailangang gawan ng pabor pero tinulungan pa rin siya nito.

"How decent!" anito sa nanunuyang tono. "What makes you think that you are not just a pawn in this gain."

"He trusts his own abilities. He trusts in his own project. That's why I have faith in him. He doesn't have to use underhanded tactics to get the contract like the other people you know," she baited. "And I am sure that he will get your groups approval and you will sign the contract."

Humalakhak ito. "Don't be so confident about it. The rest of the group may like the project but if I say no, then your company won't get the contract. I am my company's voice. My father listens to me. I have the final say in this project."

"So no matter how promising the project is, you won't finance it just because it is your whim," she uttered bitterly. She despised his type.

"If you will be nice to me, maybe I will consider," nakangisi nitong sabi. "That is if you are good enough in bed."

"Don't come near me or I will slap your face," she said through gritted teeth. Gustong-gusto na niyang burahin ang mukha nang mga oras na iyon. "I won't go to bed with you. The hell I care about the contract!"

"Hinata Technologies would lose the contract."

Naningkit ang mata niya at nakuyom ang palad. "Now look who's the blackmailer! Now you are using under handed tactics."

"So what? I have the upper hand in this deal. Don't you care about Suichiro Hinata's career? This is a very big project. Won't you help him?"

Hahayaan ba niyang mawala ang pinaghirapan ni Hiro kapag di niya pinagbigyan si Sawada. Samantalang nangako siyang gagawin ang lahat para lang maituloy ni Hiro ang project na iyon.

"Go to hell!" mariin niyang wika.

"Pardon?" anitong nagulat sa sagot niya.

Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "Go to hell! That's what Hiro would tell you once he finds out about this. He won't allow me to sacrifice for the contract. It will ruin his reputation just the same. He worked so hard to keep his name clean. He would protect and I would protect him just the same."

"Kisamma!" galit nitong usal at hinablot ang kamay niya. Parang hindi nito matanggap na ni-reject siya nito. Kinabahan siya dahil mukhang magiging bayolente na ito sa kanya. Papalag sana siya at lalabanan ito nang may marinig silang yabag ng kabayo na paparating.

Nakita niya si Hiro na sakay ni Raiga at palapit sa kanya. "Jemaikha!" naniningkit ang mata nitong sigaw sa pangalan niya.

Nginisihan siya ni Sawada at napapitlag siya nang haplusin ang mukha niya. "Mata nee, Jemaikha-chan," malambing nitong sabi na magkita daw sila mamaya. Na parang may ginawa silang kababalaghan. Sumakay ito sa kabayo at umalis.

Matiim ang mukha ni Hiro nang maglakad si Raiga sa harap niya. "Hiro…I"

Inilahad nito ang kamay. "Get on the horse!" utos nito.

Napilitan siyang humawak sa kamay nito at sumampa sa kabayo. Wala silang kibuan habang mabilis nitong pinapatakbo si Raiga. Gusto niyang magpaliwanag pero mukhang wala itong planong makipag-usap.

It was so unusual for Hiro. Lalo na't di maipinta ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kinakabahan siya.