webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
557 Chs

Chapter 18

Di kumibo si Marist subalit kinakabahan siya. Alam na niya ang ie-expect sa mga lalaki sa riding club pero hindi ang sa mga babae. Wala siyang ideya kung paano siya tatanggapin ng mga ito. At bakit kailangan pa niyang makilala ang mga ito.

"Ikaw na lang ang bumaba," sabi ni Emrei pagtigil sa harap ng Lakeside Café.

"Hindi mo ako sasamahan?"

"Gusto kasi nila na huwag na akong kasama. Don't worry. Mababait sila."

Una niyang natanaw ang grupo ng may tatlong kababaihan na nasa labas ng café. Nakatuon ang tingin ng mga ito sa kanya. Nakasuot ng dress ang mga ito at may wide-brim hat na may design na bulaklak. Tingin niya ay napapanood lang niya ang ganoong mga damit sa mga lumang pelikula.

"Hi!" bati ng isa sa mga ito.

"H-Hi!" pilit niyang bati at bahagyang kumaway.

Lumapit sa kanya ang tatlo. "You are the winner of the Stallion promo, right?"

"Look at her. Parang teenager pa rin siyang magdamit. Hindi bagay sa club," sabi ng isa sa mga babae.

Napatingin siya sa suot niya. It was a floral baby doll dress na nilagyan niya ng white leggings. She partnered it with two-inches sandals. Sa tingin naman niya ay bagay iyon sa kanya dahil iyon ang uso. At di daw iyon bagay sa club? Ano ba ang isinusuot ng mga tao doon? Mukhang ang mga ito nga ang walang alam sa fashion.

"Of course. What do you expect from a girl who only sells bag, Helena?"

Tiningnan siya ni Helena habang iniikutan siya. "Pretty but not classy."

Malapit na siyang sumabog. Ang mga ito ba ang kakausap sa kanya? Para lang pala ipamukha na wala siyang lugar sa riding club na iyon.

"Bakit nga pala wala ka sa party?" tanong ulit ni Helena. "Siguro dahil natatakot ka. Nakakahiya naman kung pumunta tapos maa-out of place ka. Maybe you won't even know the difference of a champagne from a sparkling water." At sabay-sabay na nagtawanan ang tatlo.

"Tapos baka mumurahin lang ang cellphone niya. The old model without a camera. Or maybe she doesn't have a cellular phone at all," dagdag ng isa pa.

"Hey!" anang babaeng bagong dating. "Ginugulo ba ninyo ang bisita namin?"

"Paz Dominique!" sabay-sabay na usal ng tatlo at namutla.

"We are just having a little chat," sabi ni Yelena.

"Do you know what persona non grata means? Paano kaya kung sabihin kong persona non grata na kayo?" sabi ng kasama ni Paz Dominique.

"Quincy, hindi naman sa ganoon."

"Or do you want me to elaborate?" At ang tatlo naman ang inikutan ni Quincy. "Kapag ginulo ninyo ang bisita namin, hindi na kayo makakatapak sa Stallion Riding Club. We can even kick you out of the society's circle."

"Girls, let's go!" yaya ni Helena.

"Are you okay?" tanong ni Quincy at nilapitan siya.

Tumango siya. "Yes. Thank you sa pagtatanggol ninyo."

"Sa loob ang table natin. Halika na. Hinihintay na nila tayo sa loob."

Sinalubong agad siya ng ibang mga babae at isa-isang nagpakilala. Ang mga ito ay girlfriend o kaya ay asawa ng member ng riding club. At kumpara sa tatlong nauna, hamak na mas mababait ang mga ito.

"Pasensiya ka na sa mga Flower Girls," sabi ni Jemaikha.

"Flower girls?" tanong niya.

"Oo. Mga babae sila na walang ginawa kundi maghabol sa mga club members. As if they own them. But as you can see, flower girls pa rin sila hanggang ngayon at kami ang mga girlfriend," anang si Sindy.

"Wala ka sa party kagabi kaya tayo na lang mga girls ang magpa-party," sabi ni Miles. "Here. Nag-bake ako ng cake para sa iyo."

"Talaga? Para sa akin?" Strawberry chocolate cake iyon. "Salamat. Pero hindi naman ninyo ito kailangang gawin sa akin."

"Hayaan mo na," anang si Winry. "Actually, ako ang original winner ng contest. Gusto ka naming I-welcome. Gusto rin naming na mag-enjoy ka sa pag-I-stay mo dito sa riding club."

"Saka huwag kang maiilang sa amin," sabi ni Quincy. "Mga luka-luka kami. May kanya-kanya kaming kalokohan at kabaduyan. Sabi nga ng mga Flower Girls, kami daw ang sumira sa magandang reputasyon ng riding club. And our men accept us for what we are. Tulad ni Emrei sa iyo."

"S-Si Emrei?" tanong niya. "Bakit naman nasali si Emrei? Magka-date lang naman kami dahil sa raffle. Ganoon lang."

"But Emrei likes you," patuksong sabi ni Sindy. "Trust me. Pinagkakakitaan ko ang pag-ibig. Kaya familiar ako sa mga sintomas ng pag-ibig. Lalo na kapag ginagawa ng isang lalaki ang lahat para sa babaeng gusto niya."

"Si Emrei ba ang nag-set nito para sa akin?" tanong niya.

Sabay-sabay tumango ang mga ito. "Yes. Sabi niya baka daw di ka um-attend ng party dahil naiilang ka," paliwanag ni Quincy.

Di siya makakibo. Kahit pala anong pagkukunwari niya, nababasa pa rin siya ni Emrei. Paano nangyayari iyon kung kahit sarili niyang kaibigan ay di minsan masabi kung ano ang nasasaloob niya at iniisip niya?

"Gusto ni Emrei na magkaroon ka rin ng new friends. Kaya lang mga luka-luka kaming friends," sabi ni Sonja.

Natawa siya. "Okay lang. Luka-luka rin ang friends ko na sina Mhelai at Connie. Kaya sanay na ako sa mga luka-luka."

"Aba! Aba! At nakikilaban na ang babaeng ito!" sabi ni Paz Dominique.

"Hello, guys! Are you having fun?" tanong ng bagong dating.

Nakilala niya ang bagong dating bilang isa sa mga pinakabatang fashion designer sa bansa. Pangarap kasi ni Connie na magsuot ng creations nito dahil botique nito ang nag-iisa sa loob ng Stallion Riding Club.

"Jenna, you are late! Ubos na ang cake ko!" sabi ni Miles.

"Hello!" bati nito sa kanya nang biglang magulat. "Ang bag mo! Saan mo nakuha iyan?"

"Gawa ito sa factory ng ninong ko. Ako ang nag-design."

Nagulat siya nang magtitili ito at niyakap siya. "Ikaw! Ikaw ang matagal ko nang hinahanap. Sasagipin mo ang dadating kong fashion show."