webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
557 Chs

Chapter 15

Isa-isang isinalansan ni Fridah Mae ang mga damit sa luggage bag niya. May dalawang araw pa sana siya sa Stallion Riding Club pero mas makakabuti kung aalis na lang siya doon. Sa isang iglap ay di na paraiso ang tingin niya sa riding club. Wala nang dahilan para magtagal pa siya doon.

She was almost drunk the other night. Pero malinaw ang isip niya. Kung di siya nakainom, marahil ay kaya niyang magpanggap na di siya nasasaktan. Kaya pa niyang harapin si Johann nang may ngiti. She was glad that she was able to tell him how she felt. And it was over now.

May kumatok sa pinto ng kuwarto niya. "Fridah Mae, si Jenna 'to."

Pinagbuksan niya ng pinto ang kaibigan. "Pasok."

Malungkot itong ngumiti at hinaplos ang buhok niya. "Okay ka na? Wala ka bang hang-over?"

"Wala na." Pinainom siya ng maraming tubig ni Mark Ashley para daw mahimasmasan siya at di magka-hangover. Pero di nawala ang sakit sa puso niya. Di yata iyon mawawala sa kahit anong paraan.

Napansin nito ang mga gamit niya sa kama. "You are leaving."

Humugot siya ng malalim na hininga. "After what I did last night, wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao dito."

"Wala namang nakakaalam sa nangyari maliban sa iyo, kay Doc CJ at sa kay Kuya Ash." Si Mark Ashley marahil ang nagkwento dito ng nangyari.

"Kahit na. Ayokong makita si Johann."

"Hinahanap ka niya. He is worried about you. Saka nakita ko ang mga bulaklak sa labas  ng kuwarto mo. Siya ang may padala no'n, di ba?"

Tumawa siya nang pagak. "Sa palagay mo ba mawawala ang sakit dahil lang binigyan niya ako ng bulaklak? Di naman ibig sabihin no'n ako na ang mahal niya."

At iyon ang pinakamatinding kabiguan para sa kanya. Di siya kayang mahalin ni Johann. Kaya niyang tiisin ang sakit basta sa huli ay siya rin ang mamahalin ni Johann. But it was no use hoping. Sawa na rin siyang umasa.

Niyakap siya ni Jenna Rose. "I am sorry. Akala ko magiging masaya na kayo. Iyon pala sasaktan ka rin niya."

"Di ko naman siya masisisi kung si Jennifer ang mahal niya. Siguro animal lover lang talaga si Johann kaya mas gusto niya ang babaeng hipon."

"Babaeng hipon?" Ipinaliwanag niya dito kung bakit babaeng hipon ang tawag kay Jennifer. Humalakhak ito. "Puro ka talaga kalokohan."

"Iyon man lang ang pampalubag-loob sa pang-aagaw niya kay Johann."

"At least normal ka na. Ayokong makita kang malungkot."

"Hindi mo na ako makikitang malungkot, Jen."

Pero di rin niya tiyak kung kaya nga ba niyang tumawa pang muli nang galing sa puso niya. parang kinuha na ni Johann sa kanya ang kakayahang maging masaya.. Pati na rin ang kakayahang magmahal ulit.

Ito pa rin kasi ang isinisigaw ng puso niya.

NAMUMUNGAY ang mata ni Fridah Mae habang nakikinig sa lecture ng isa sa kasamahan niya sa Amnesty International. Nasa isang liblib na sitio sila sa Basilan para magbigay ng impormasyon sa mga mamamayan doon na ang ilan ay kamag-anak ng mga miyembro ng bandidong Abu Sayaff.

Sa pagpapaunawa sa mga ito sa human rights, mas maiintindihan ng mga ito at pati na rin ang kabataan kung ano ang sitwasyon ng kapayapaan sa lalawigang iyon sa kasalukuyan at kung ano ang maitutulong ng mga ito.

They were a non-governmental organization. Wala silang pinapaniigang kahit anong paksiyon. Ang para sa kanila lamang ay ang pagpapa-unawa sa bawat isa ng kanya-kanyang karapatan bilang tao. At sa bawat karapatan ay may kaakibat din na responsibilidad. Na mahalagang pangalagaan ang buhay ng isa't isa.

"Fridah Mae, okay ka lang?" tanong ni Bham, ang leader ng grupo nila nang pabalik na sila sa tinutuluyan nilang bahay doon. "Mukhang namumutla ka na, ah!"

"Napagod lang siguro ako paglalakad." Masyado kasi niyang pinapagod ang sarili para di na niya kailanganin pang-isip at isipin si Johann.

Pinili niyang sa Pilipinas magpadestino. Di na kasi niya tinapos pa ang bakasyon niya at bumalik na agad sa fieldwork. Mas malilibang siya kung makakakilala siya ng iba't ibang uri ng tao. Ayaw na rin niyang lumayo muna sa Pilipinas. Dahil sa dumadaming insidente ng karahasan at human rights violation sa bansa ay piniling palawakin pa ang pagle-lecture nila doon.

Hinipo nito ang noo niya. "Mukhang may lagnat ka. Magpahinga ka muna pagbalik sa bahay ni Nanay Jane. Magluluto kami para makainom ka ng gamot."

"Hindi na. Lagnat-laki lang ito." Mas gusto nga niya na may ginagawa kaysa naman nagpapahinga lang. Kapag ihiniga pa niya ang sakit ay lalo lang siyang magkakasakit. Ayaw din niyang maging pabigat sa mga kasamahan.

"Huwag nang matigas ang ulo," sabi ni Trina. Pilit siyang pinahiga ng mga ito sa papag pag-uwi nila. Saka niya naramdaman na nananakit ang kasu-kasuan niya. Nagkumot siya dahil lamig na lamig siya. Idinaan na lang niya sa tulog ang nararamdaman. Pagkainom siguro niya ng gamot ay mawawala rin iyon.

Naalimpungatan siya nang gisingin siya ni Bham. "Kumain ka na, Frids." Hinipo nito ang noo niya. "Naku! Ang taas na ng lagnat mo."

"Ate Bham, tawagin mo si Johann. Gusto ko siyang makausap."

"Anong Johann? Walang Johann dito!"

Namaluktot siya at nanginginig na siya sa sobrang lamig. "Johann!" tawag niya. Narinig na lang niya ang pagkakagulo ng mga kasamahan niya. Subalit parang wala siya sa mundo ng mga ito at may sarili siyang mundo.

"Ibaba na natin siya sa bayan. Kailangan na siyang dalhin sa ospital."

MASAKIT ang ulo ni Fridah Mae nang magising. Hinang-hina siya. Di na siya magtataka kung bulak na ang laman ng katawan niya sa halip na buto atg laman. Isang nurse ang tumitingin sa kanya. Ngumiti ito nang makitang gising na siya. "Kumusta na ang pakiramdam ninyo, Ma'am?"

Nasa ospital siya. May suwero na nakakabit sa kamay niya. "Anong nangyari? Bakit ako nandito?"

"Malaria ang sakit mo sabi ng doktor. Nakuha mo iyon dahil sa pagpunta-punta mo sa liblib na lugar. Di mo ba alam na may malaria outbreak ngayon sa Basilan?" paliwanag sa kanya ni Johann.

"Doc CJ, dito na ba ang Stallion Riding Club?" sarkastiko niyang tanong. "Anong ginagawa mo dito?"

"Anak, ipinatawag ko si CJ dahil lagi mong binabanggit ang pangalan niya noong nagdedeliryo ka. Sabi mo gusto mo siyang makita," paliwanag ng mama niya. "Mabuti nga nagmagandang-loob si CJ na pumunta dito. Alalang-alala siya sa iyo."

"Salamat," matabang niyang sabi at ibinaling ang paningin niya sa kabilang direksiyon. Wala siyang maalala noong nagdedeliryo siya. Ang huli niyang natatandaan ay umuwi siya sa tinutuluyan nilang bahay ng mga kasamahan niya. Naramdaman niyang nginingiki siya sa lamig at natulog siya.

Inayos ng mama niya ang kumot niya. "Ibinaba ka ng mga kasamahan mo sa bayan. Nang malaman nila sa doktor na malaria ang sakit mo, inilipat ka na namin dito sa Zamboanga. Mabuti na lang at naagapan ng doktor. It could be fatal. Hindi na talaga kita pababalikin sa trabaho mo na iyon."

"Don't say that, Ma!" saway niya. Ikamamatay niya kapag nawala sa kanya ang trabaho niya. Iyon na lang ang natitira sa kanya.

"Tita, magpahinga na kayo. Ako na po ang magbabantay kay Fridah Mae," sabi ni Johann dito. Umupo si Johann sa tabi niya pag-alis ng mama niya. "Feeling better?"

"Sana. Kaso nakita kita."

"Sa palagay ko hindi ka pa matured gaya ng sinasabi mo." Seryoso na ang mga mata ni Johann. Wala siyang makitang kahit anong pag-aalala sa mga mata nito. Parang handa itong tapatan ang pagsusungit niya. "Anong gusto mong patunayan sa pagsugod mo sa mosquito-infested na bundok nang walang dalang mosquito repellant lotion? Ano iyon? Suicidal ka?"

"N-Nakalimutan ko kasing magdala," aniya sa nanginginig na boses nang maalala niya ang pagkakamali niya.

"Iyak nang iyak ang parents mo nang malaman nilang fatal ang sakit mo. Kung di ka pa naidala dito agad, baka patay ka na. Ako! Nag-aalala din ako sa iyo. HIndi mo alam ang pakiramdam namin habang natatakot kami na anumang minuto baka mawala ka sa amin."

Na-guilty siya. Dahil sa katangahan niya, muntik na siyang mawala sa mga mahal niya sa buhay. Pero totoo ba ang sinabi ni Johann na nag-aalala ito para sa kanya? O nakokonsensiya lang ito dahil sinaktan siya nito?

"Alam ba ni Jennifer na nandito ka? Ayokong magkaroon ng problema sa girlfriend mo. Marami namang mag-aalaga sa akin. Bumalik ka na sa riding club."

She was stunned when he pushed his palm against her bed and hovered over her. There was intense emotion in his eyes. Kung naglalabas lang siguro ng laser beam ang mata nito ay natunaw na siya. Saka niya natuklasan na mahina pa siya. Di siya dapat nakikipaglaban dito. Tingin pa lang kasi nito ay tunaw na siya.

"Puro ka na lang Jennifer. Mas uunahin mo pa bang awayin ako kaysa sa paggaling mo? Give your self a break, Fridah Mae! Sa halip na nakikipagsagutan ka sa akin, dapat nagpapahinga ka na lang."

"Kung gusto mong gumaling ako, di ka na dapat nagpapakita sa akin."

Hinuli nito ang mga mata niya. "Mas magiging masaya ka ba kung iiwan kita ngayon at babalik ako kay Jennifer?"

Feel free to follow me here:

Facebook: Sofia PHR Page

Twitter: sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Youtube: Sofia's Haven

Patreon: www.patreon.com/filipinonovelist - one-to-sawa-reads of my stories here

Sofia_PHRcreators' thoughts