webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
557 Chs

Chapter 10

INIPON ni Keira ang lahat ng lakas ng loob habang kaharap si Reid Alleje. She was facing the King of the Chauvinists, according to Eiji. There was no way that she'd let the job go. Marami pa siyang dapat patunayan sa sarili niya.

"Six years ka nang licensed horse trainer." Mataman nitong binabasa ang resume niya. "And why are you applying for a job here at the riding club?"

"My uncle died a month ago. Ipinagbili na po ng pinsan ko ang rancho. Ayaw ng bagong may-ari na I-hire ako dahil isa rin ako sa namamahala ng rancho dati. Baka daw po mahati ang loyalty ng mga tauhan."

Tumango-tango ito. "Maganda ang record mo. Well-rounded ka sa iba't ibang klase ng horse training. But I want to see you in action. You will be under probation for two months. Bumalik ka next week para sa simula ng trabaho mo."

Nawala ang mabigat na pakiramdam niya. He was giving her a chance. Makakapag-trabaho na siya ulit. "Thank you, Sir."

"You'll handle horses for pleasure riding. Karamihan ng mga iyon ay para sa mga babaeng bisita ng mga members natin. Kaya mo ba?"

"No problem, Sir!" Mas mahirap pang klase ng training at mas malulupit na kabayo ang naka-trabaho niya dati.

"Report here tomorrow morning. I will assign Doctor Tamara to tour you around and to orient you. The next day, your work will officially start." Stay in siya sa riding club. May worker's lodge kung saan siya tutuloy. He leaned a bit forward on his desk. "One question, Miss Averin. Are you Eiji Romero's girlfriend?"

"No. We are just friends." Lahat na lang ba ay interesado sa relasyon nila ni Eiji. Di niya alam kung nakabuti o nakasama ang rekomendasyon nito.

"Ayokong maka-interfere sa trabaho mo kung anumang relasyon mayroon kayo. He is a babe magnet. Kung magseselos ka o may lover's spat kayo, huwag sanang madamay ang trabaho mo."

"I am a professional, Sir. Naka-focus lang ako sa trabaho." Isa pa, wala silang relasyon ni Eiji.

"That's good." He offered his hand. "Welcome to Stallion Riding Club."

Paglabas ay naabutan niya si Eiji na palakad-lakad sa lobby at di mapakali. "Anong sabi ni Kuya Reid?"

"Bumalik daw ako next week. Two months akong under probation."

Sa gulat niya ay nagtatalon ito na parang tumama sa lotto. "Nakapasok ka na. Dito ka na magtatrabaho." Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ng mga tao. "Sabi ko sa iyo mapapasok ka, di ba? Dapat mag-celebrate tayo. Doon tayo sa Lakeside Café." Inisa-isa pa nito ang mga planong puntahan at gawin nila. Parang di ito mauubusan.

"Pwede bang kapag dito na ako nagtatrabaho saka natin gawin iyan?"

Bahagya itong pumormal. "Nagsa-suggest lang ako. Excited lang ako dahil makakasama na kita dito sa riding club. Mapapadalas ang date natin."

"Eiji, nandito ako para magtrabaho. Siyempre gusto ko rin namang patunayan na di ka nagkamali sa pagre-recommend sa akin."

"Wala ka bang ibang iisipin kundi ang mga kabayo? Pansinin mo naman ako."

Puno ng pagtataka niya itong pinagmasdan. "Pinapansin naman kita, ah! Anong klaseng pagpansin ba ang gusto mo?"

"Bumalik na lang tayo sa Rider's Verandah para mag-lunch."

HIndi niya ito maintindihan. May sinabi ba siyang mali? Ano ba ang gusto nitong gawin niya? Nanatili itong matamlay hanggang nagtatanghalian sila Di naman niya alam kung paano ito aamuin o kung anong dapat sabihin dito.

"Anong nangyari sa interview mo?" tanong ni Reichen nang samahan sila. Kasama nito ang ka-date nito na isang international model.

"I passed. Two months akong under probation," sagot niya.

"And why does he look gloomy?" Inginuso nito si Eiji. "Tanggap ka naman."

"Reichen, mas appealing ba ang mga kabayo kaysa sa akin?" tanong ni Eiji.

Humalakhak si Reichen. "Oo! Mas guwapo sila sa iyo."

"Gusto ko lang naman na may mapatunayan sa sarili ko bago isipin ang pakikipag-date. Iyon naman ang tama, di ba?" aniya at tinitigan si Eiji.

Bumalik ang ngiti sa labi nito. "Promise, magde-date din tayo?"

Tumango siya. Iyon lang pala ang gusto nitong marinig. Parang bata ito.

Kinayaman siya ni Reichen. "Welcome to Stallion Riding Club, Keira. And a huge goodluck. I just want to warn you. This is not your ordinary world."

"WE have five departments for horse training. The gaited for dressage, English riding, eventing and show, polo and polocrosse and basic pleasure. Sa huling department ka mapupunta. With your training, I know it won't be hard for you," paliwanag sa kanya ni Doctora Tamara na siyang resident veterinarian ng riding club. Orientation niya. Matapos ilagak ang gamit kung saan worker's lodge kung saan makakasama niya ang doktora ay iniikot na siya nito sa riding club.

"Hindi pala basta-basta ang mga services dito." Nakakapanliit ang kakayahan ng ibang kasamahan niya. Habang siya ay simpleng basic pleasure riding lang ang alam. Yes, she could tame even the fierce horses. Pero sa ibang klase ng discipline sa horse riding ay wala siyang masyadong alam.

"This haven is like the ultimate riding club. Every month, may iba't ibang klase kaming tournament para sa mga members. There's dressage, eventing, show jumping and even polo and polocrosse. Every year, may open tournament din kami."

Mayayaman at kilala ang mga members ng riding club. Di na biro ang magmay-ari ng isang simpleng riding horse. Pero nakakabili pa ang mga ito ng iba pang klase ng kabayo para sa iba't ibang klase ng horse sports. Nakakalula.

"Good morning, Doc Tamara," bati ng lalaki na sa tantiya niya ay nasa mid-forties na pagpasok nila ng opisina para sa mga horse trainers.

"Sir Macky, this is Keira. Siya ang bago ninyong horse trainer. Bukas na siya magsisimula," pakilala sa kanya ni Tamara. "Keira, si Sir Macky. Siya ang head ng mga horse trainers dito. Sa kanya ka magre-report mula bukas."

"Good morning, Sir," aniya at inilahad ang palad.

Tiningnan ni Macky ang kamay niya at saka siya sinuyod mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka bang horse trainer ka?" Halos lahat ay iyon ang reaksyon kapag nakikilala siya. Nagkalat nga ang chauvinist sa lugar na iyon.

"Yes, Sir," magalang niyang sagot. Sanay na siya sa mga tulad nito. Pero dahil bago pa lang sa lugar, naiilang siya. Di naman ito tulad ng mga dati nilang tauhan sa rancho na kilala siya mula pagkabata. Bagong pakikisama ito.

"Malalaman naman ninyo bukas kung gaano siya kagaling," wika ni Doc Tamara. "After all, it was Reid who gave an approval so she could work here."

Humalukipkip si Macky at taas-noo siyang tiningnan. Parang sinasabi nito na ito ang boss doon. "Report on time tomorrow. Di si Sir Eiji ang nag-recommend sa iyo, lalaki na ang ulo mo. Under probation ka pa lang. Di ka prinsesa dito. Sana malinaw iyon sa iyo," prangkang sabi nito.

"Yes, Sir," aniya at pilit na ngumiti.

"Sorry about that," anang si Tamara nang naglalakad sila papuntang arena. "Sexist ang karamihan sa nasa department na iyan. First time pa lang nilang may napasok na babae sa kanila. Tapos si Eiji pa ang nagpasok sa iyo."

"May problema po ba kay Sir Eiji?"

Nilingon siya nito. "Hindi mo ba alam na notorious si Eiji pagdating sa mga babae? Sigurado ka bang di niya girlfriend?"

"Kaibigan lang niya ako."

Itinapik nito ang daliri sa baba. "This is weird. Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng close kay Eiji pero di niya girlfriend. Niyaya ka niya ng date?"

Tumango siya. "Halos tuwing nagkikita kami. Kaso wala naman akong oras. Saka wala naman akong hilig na makipag-date."

"Now that's new. Ngayon lang may babaeng tumanggi kay Eiji para sa trabaho. Gusto kitang sabitan ng medal. Ikaw lang ang naka-resist sa charm niya." Nag-thumbs up ito. "Magkakasundo tayo."

"Di ko sinasabi na immune ako sa kanya."

"Oh!" bulalas nito. Naunawaan nitong may atraksiyon siyang nararamdaman kay Eiji. "Gusto mo siya pero mas kontrolado mo ang nararamdaman mo. Warning. Huwag kang papayag na magpauto sa kanya. Huwag kang mai-in love."

Magtatanong sana siya kung bakit nang may tumawag sa pangalan nila. "Doc Tamara! Keira!" Nang lumingon siya ay nasa likuran nila si Eiji at hinahabol sila.