webnovel

SOON TO BE DELETED 3

--- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart --- Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020

3IE · Teenager
Zu wenig Bewertungen
97 Chs

♥♡ CHAPTER 29 ♡♥

♡ Icah's POV ♡

"Announcing the start of the Carnival Game Punishment Reverse Game...goes to the person named..."

Lahat kami kinakabahan sa kung sino at anong pangalan ang babanggitin. Kadalasan first name lang naman, pero if ever na may kapareho ka ng pangalan, it only means kahit ilan kayong magkaka-pangalan, you need to play this new game.

What's the situation here in death building?

Run....

Run....

Run....

Always run....

If you don't want to run or if you cannot run anymore, you need to fight. Nasa dalawang options lang naman ang pagpipilian...run or fight. Kailangang masanay ka sa ganitong takbo ng buhay dahil 'yon ang realidad at 'yon ang kailangan. Well, in our case...sanay na kami.

Carnival Game Punishment: Random killer.

'Yan lang naman ang tawag sa dating carnival game punishment wherein bubunot ng name ang council, that person gets to take his or her own punishment by spinning the wheel but this time, baliktad naman ang ginagawa which is Carnival Game Punishment: Reverse Game. Kaya nga reverse kasi binaliktad nila.

Well, nagulat din kami noong ipaliwanag 'yon at kumukuha na lang kami ng lakas ng loob para lumaban. Dahil kung hindi kami lalaban, mamamatay kami.

Sinong may pakana? Of course council. Sino pa nga ba?

"I-C-A-H" sambit ng isang boses na parang bata ang nagsasalita doon sa speaker na dinig na dinig sa buong building. Isang boses ng batang babae.

Ano bang nangyayari sa council? Pati bata, dinadamay nila sa kalokohan nila? This is so absurd!

"Magtago na tayo, Icah! Hahanapin ka nila at sapilitang kukunin!" takot na takot na sigaw ni Hadlee sa akin habang natigilan kami sa hallway.

Nagulat din ako ng marinig ko ang pangalan ko na binanggit pero hindi ako pwedeng magpatalo sa takot kaya pinakita ko sa kanila na parang hindi ako naapektuhan. Magkakasama kaming tatlo, mula noon hanggang ngayon at nagpapasalamat ako.

"Icah! Ano ba?! Wala ka bang balak na magtago?! Gusto mo bang mahuli ka nila at ipagawa sa'yo ang iuutos nila?!" sigaw nanaman niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Syempre ayaw ko!" sagot ko naman sa kanya.

Hinawakan ni Hadlee ang kamay ko habang nasa likuran namin si Maureen at hinila na niya ako na halatang nagmamadali. Sobrang pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya.

Being a victim of Carnival Game punishment: Reverse game, is not a total joke. Kung sa dating carnival game, bubunot sila ng biktima, iispin mo yung wheel and you receive your punishment...Reverse game is totally the opposite.

Ako ang nabunot nila obviously hahanapin nila ako sa ayaw at sa gusto ko, pauupuin ako sa isang upuan and I'll be needing to spin the wheel. That wheel contains punishments and after that, hindi ako ang tatanggap ng parusa. Kailangan kong pumili ng isa sa mga taong malapit sa akin for them to take that punishment at ako ang gagawa noon mismo sa kanila. This is totally insane dahil sa dating carnival game, ikaw ang tatanggap ng parusa pero sa bagong carnival game, ikaw ang makakapili at ang magbibigay ng parusa sa isa sa mga taong malapit dapat sa'yo.

Kapag hindi mo ginawa at sinunod ang rules na 'yon, you and your choice of friend shall both receive the endless but painful punishment. It's a matter of choices between life and death, between you and your friend.

That's how brutal it will be.

Habang tumatakbo kami, iniisip ko kung anong magandang paraan para matakasan ang parusang 'to. Ayaw kong madamay si Maureen at Hadlee dito dahil kaibigan ko sila hanggang sa muli kaming matigilan sa pagtakbo ng....

Lahat ng pintuan ng mga classrooms ay nagbukas at mula doon ay hinila lahat ang mga estudyanteng nakatapat sa mga classroom na 'yon na naglalakad sa hallway at kami na lang ang natira. Pagkahila sa kanila sa loob ng mga kwarto ay agad na nagsara ang mga pinto dahilan para manginig kami kasabay ng pagpatay lahat ng ilaw at naging tahimik.

Tanging naiwan lang na ilaw na nakabukas ay yung sa tapat namin at patay-sindi pa ito. Napahakbang kami patalikod ni Hadlee at ganon din si Maureen na nakatalikod din sa amin habang humahakbang ito paatras kaya magkakadikit kami.

Sobrang dilim ng paligid namin at nabigla kami dahil sa nangyari na biglang tumahimik ang maingay na paligid kanina.

Walang kumikibo sa aming tatlo at ramdam namin ang tensyon habang hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Biglang may sumindi na isang ilaw sa pinakadulo kaya doon napunta ang atensyon namin. Tumaas ang balahibo ko ng matanaw ko ang isang taong hindi mamukhaan dahil naka-hood siya. Nakatapat siya sa mismong ilaw na sumindi. Bukod pa dito ay naka-itim siya.

Ilang segundo na hindi siya gumalaw hanggang sa humahakbang ito papalapit sa amin. Sa paghakbang niya ay sinasabayan siya ng mga ilaw na kapag tinatapatan niya ito ay sumisindi at kapag nalalagpasan niya ay namamatay hanggang sa bumilis ang lakad nito at napansin namin na tumatakbo na siya papalapit sa amin.

"Run!" sigaw ko kaya kahit madilim, tinahak namin ang madilim na hallway habang hinahabol niya kami.

Tumakbo lang kami ng tumakbo at tinignan ko siya sa likuran namin. Pagkatingin ko sa harap ay natapilok ako at naramdamang nahulog ako sa may hagdanan kaya nagpagulong-gulong ako doon hanggang sa ilalim.

Ramdam ko ang pagsakit ng katawan ko dahil doon kaya napahawak ako sa balakang ko habang pilit na tumatayo. Nakakahilo at sobrang sakit, 'yon ang nararamdaman ko ngayon.

Pinilit ko pa ring tumayo habang iniinda ang sakit dahil kailangan kong makapagtago. Hindi ako papayag na basta-basta na lang nila akong mahuli. Sigurado akong gagawa sila ng paraan para lang mahuli ako kaya gagamitin nila ang kahinaan ko...at 'yon ang mga kaibigan ko.

Pagkatayo ko ay muli nanaman akong napaupo dahil sa pagkahilo ko, masyadong mataas ang pinanggalingan ko kanina kaya hindi na ako magtataka kung bakit sobrang sakit ng katawan ko.

Naramdaman ko ang dulo ng isang matalim na bagay na nakatapat sa baba ko. Dahan-dahan niyang ginalaw 'yon kaya napatingala ako. Napangiti ako ng masama sa hindi inaasahang pagkakataon ng bumungad sa akin ang isang babaeng nakamaskara. May hawak hawak itong kutsilyo at nakatutok ang dulo nito sa baba ko.

"Student council president" sarkastiko kong sabi. Hindi ko makita ang ekspresyon nito dahil sa maskara niya.

Oo alam namin na siya ang president dahil ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa building na 'to. Naging usap-usapan siya bilang isang presidente na nakakubli ang mukha.

Well I guess, I'm being caught.

Sa likuran nito ay may apat siyang kasama. Mga taong naka-hood at naka-half mask kaya kalahati na lang ng mukha nila ang nakikita, kumbaga mata na lang ang makikita mo.

Ibinaba nito ang hawak niyang kutsilyo at tinalikuran ako. Lumapit naman ang dalawa sa mga kasama niya sa akin at sapilitan akong ipinatayo. Pumalag ako pero dahil sa nangyaring pagkahulog ko kanina sa hagdanan, hindi ko sila malabanan. Dala-dala nila ako habang nakasunod kami sa presidente na ipinagmamalaki nila habang yung dalawa naman na may hawak sa akin ay nasa gilid ko. Yung dalawa pa na natira, nasa likuran namin at nakasunod din.

Muli kaming umakyat kung saan ako nahulog kanina at kinakabahan ako sa pagkakataong baka nahuli rin nila sina Maureen at Hadlee dahil nahiwalay ako sa kanila. Panigurado hahanapin din naman ako ng mga 'yon. Sana naman, nakapagtago na sila dahil hindi ko kakayanin kung madadamay sila sa katangahan ko.

Pagkatapos naming akyatin ang hagdanan, nilakad muli namin ang madilim pa rin na hallway. Walang pinagbago sa itsura nito kanina hanggang sa dumating ang pinaka-kinatatakutan ko....

Katulad ng mga lalaking humahawak sa akin, mayroon din dalawang lalaki na papalapit sa amin at tila mawawalan ako ng pag-asa ng makita kong hawak nilang dalawa sina Maureen at Hadlee.

Nang magkaharapan na ay kitang-kita sa mga mata namin ang takot. Ang takot na hindi namin matatakasan 'to.

"Patayin mo na ako, huwag mo lang idadamay dito ang mga kaibigan ko!" sigaw ko sa babaeng kasama namin na kanina pa walang kibo.

"No Icah! Nahihibang ka na ba?! Kung papatayin ka nila, patayin niyo na rin kami! Nangako tayong hanggang dulo walang iwanan kaya hanggang kamatayan, magkakasama tayo!" sigaw din naman ni Maureen pero wala pa din kibo ang babaeng kinakausap namin.

Bingi ba siya?! Sa ngayon, takot na takot kami. That feeling na gusto mong lumaban pero wala kang magawa dahil alam mong wala ka ng laban.

Nag-umpisa itong maglakad dahilan para muli kaming kaladkarin kaya paulit-ulit kaming sumisigaw, "Pahirapan niyo na 'ko pero huwag niyo ng idamay pa ang mga kaibigan ko dito!"

"Bakit niyo ba 'to ginagawa?!"

"Is it what council really does?!"

"Bitawan niyo kami!" sigaw namin habang patuloy pa rin sila sa pagkaladkad sa amin at natahimik na lang kami ng, "S-sorry po! H-hindi ko...p-po sinasadya- patawarin niyo ako! Parang awa niyo na! G-gagawin ko lahat...n-ng gusto niyo basta...h-huwag niyo lang akong parusahan!" nanginginig na sabi ng isang babae ng mabangga niya ang president. Lumuhod pa ito at nanginginig ang buong katawan niya.

Tumabi naman ang president kaya tumabi rin ang mga lalaking humahawak sa amin kaya napasunod kami. Napatingin ang nagmamakaawang babae ng dahan-dahan sa president at sinenyasan siya nito na parang sinasabing makakadaan na siya.

Noong una ay hindi rin namin maintindihan pero nakuha rin namin kaya, "M-maraming salamat po! H-hindi na mauulit!" sabay takbo nito ng mabilis palayo.

Seryoso bang ginawa niya 'yon? O nagpapakitang-tao lang siya?

Tumalikod ang kasama namin para tignan yung babaeng pinatakas niya. Muli niyang sinenyasan ang mga kasama naming anim na lalaki. Hindi ko alam kung bakit pare-pareho naming naiintindihan ang ipinapakita niyang sign language.

Pinapahabol niya...at pinapahuli yung babaeng pinatakas niya kanina?

Wait?! Is that true?! 'Yon ang naiintindihan ko sa sinenyas niya sa mga lalaki. So, pagkatapos niyang patakasin, ipapahuli niya? Hindi ako makapaniwala. So kunwari lang pala ang lahat?

Binitawan nila kami at sabay-sabay silang nag-bow sa kanya bago tuluyang umalis. Nagkatinginan kaming tatlo at alam kong nakuha rin nilang dalawa ang pagkakaintindi ko sa sign language ng presidente.

Binigyan ko sila ng 'Bakit hindi natin siya lusubin tutal siya na lang din naman mag-isa' look at nakuha naman nila 'yon kaya patago silang tumango.

Aktong lulusubin ko siya ay natigilan ako at natulala. Ang kamay ko na handang dumapo sa mukha niya ay unti-unti kong naibaba sa pagkabigla, "F-fortune...Beatrice?" halos mawalan ako ng boses ng sabihin ko 'yon dahil inalis nito ang maskara niya.

Una kong nakita ang mga mata nito, nakilala ko na siya at alam kong ganon na din ang naging reaksyon ng dalawa ko pang kasama. Ang planong lusubin siya ay biglang natigil.

Tinignan nito ang buong hallway at nagsalita, "If you still want to live, follow me... quietly" saad nito na tinalikuran na kami. Nagkatinginan kaming tatlo at noong umpisa, ayaw namin dahil mula umpisa wala na kaming tiwala sa kanya pero tumango ako para sabihin na sundin na lang ang utos niya.

Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa akin para pumayag sa gusto niya.

Sinundan namin siya na pumasok sa isang tagong kwarto na sa pagkakaalam namin, wala pang nakakapasok sa kwartong 'yon. Pagkapasok namin ay walang kalaman-laman ang kwarto. Ang akala namin ay may kung ano ang nandito dahil nakalock, pero wala naman pala.

Pagpasok namin ay muling niyang isinara ang pinto. Tinignan namin siya na nakatalikod sa amin kaya matapang akong nagsalita, "Nagulat kaming makita ka dito...pero hindi na ako magtataka" napangiti na lang ako ng masama, "Dahil sigurado naman kaming ito ang utos ni Augustus sa'yo, right?"

Ilang segundo bago ito humarap sa amin, "Hindi 'yan ang pinunta ko dito" sagot nito.

Her beautiful face is as dangerous as her mask. Maganda, pero may tinatago.

"Then what? Are you going to kill us using that d*mn game of yours?" pinagtaasan naman siya ng kilay ni Maureen.

She meant the Carnival Game Punishment: Reverse Game.

"Pinlano mong targetin si Icah just to make her choose which among us would take the punishment" dagdag pa ni Hadlee.

Sa ngayon, hindi namin alam kung ano talaga ang pakay niya pero kailangan maging alerto kami dahil kung kami man ang pinunta niya dito, for sure gusto niya kaming patayin.

"I am not that kind to use such games to kill. You know that I could kill you right away kung gugustuhin ko. It was the doing of other officers and you should be thankful because I'm saving you" pahayag nito.

Hindi ko ba alam kung magtataka ako o matatawa sa sinabi niya.

"Thankful for what?" tanong ko na nagkibit-balikat.

"Because you were chosen to play the game. Sa ngayon, hinahanap na kayo ng mga officers at nakipag-unahan lang ako para mailigtas kayo...because I made a promise to your friend" at sa sinabi niyang 'yon ay nagtaka kami.

"W-what do you mean?" tanong ni Maureen.

"Bliss Syden" dahil sa sinabi niya ay nag-alala kami.

Syden? Pero bakit?

"Why would she ask for help to someone like you?" tanong ko.

"Dahil gusto niya kayong iligtas" sagot niya na pinaniwalaan namin na gusto nga talaga kaming iligtas ni Syden pero hindi namin paniniwalaan na gusto nga talaga ni Fortune na iligtas kami.

"Pero ikaw? As if gusto mong iligtas kami? Sabihin mo nga sa amin, ano ba talagang balak mong gawin? Kung papatayin mo kami, tapusin na natin 'to ngayon!" panghahamon ni Maureen sa kanya. Lahat kami, kumukulo ang dugo sa kanya.

"No. I will transfer you to my building kung nasaan ang kaibigan niyo because of two reasons" at muli kaming nagtaka.

"What are those?" masama kong tanong.

I badly want to know kung ano nga ba talagang plano ng babaeng 'to.

"First, it was a promise I made to Bliss Syden and second..." ngumiti ito ng masama na hindi namin nagustuhan, "I want you to protect Khai, I'm really sure that you already met her. The one who saved you once" nagulat kami ng marinig ang pangalan na 'yon.

Na-meet lang namin siya dati pero ang tagal na rin naming hindi siya nakikita. Pero bakit at ano ang kinalaman niya dito kaya 'to sinasabi ni Beatrice?

"Bakit napunta si Khai sa usapan?" tanong ko.

"Part ba siya ng council?" -Hadlee.

"No, she's not" agad namang sagot nito.

"Of course, we'll protect her dahil naging kaibigan na rin namin siya and you're right, she saved us once pero bakit mo 'to sinasabi. Anong kinalaman niya dito?" -Maureen.

Gusto naming marinig ang isasagot niya dahil sa biglaang pagpasok ni Khai sa usapan na 'to, "Soon, she'll be in my building. If that happens, protect her if you don't want to regret everything in the end, that's all I could say"

"What if we don't want to?" tanong ko para alamin ang magiging reaksyon niya.

"Don't underestimate me, we must work harder with this one, three eagles. Baka nakakalimutan niyong nanggaling lang tayo sa iisang samahan?" at 'yon ang tuluyang nakapagpatigil sa amin.

To be continued...