✿ Dean Carson's POV ✿
Halos buong araw kaming nasa Rebel's house dahil sa training kaya't gabi na rin kami nakabalik dito sa Black House. Pagkarating namin dito ay diretso silang pumunta lahat sa kusina at sumunod naman ako kay Syden papunta sa kwarto niya. Binuksan niya ang pintuan ng kwarto niya at humarap siya sa akin dahil napansin niya ang pagsunod ko, "Hindi ka ba magpapahinga?" tanong nito sa akin kaya nginitian ko siya, "Maybe later. May pag-uusapan pa kami ng grupo" sambit ko dito at hindi ko maiwasan na sa tuwing tinitignan ko siya, napapatitig ako sa kanya, sa kanya lang. Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa kanya na parang ayaw ko ng mawala pa siya sa paningin ko. This is the girl that I don't want to lose because she's my everything. Kung mawawala siya sa akin, then I'll lose everything.
"Halos buong araw kayong nagte-training, pwede bang bukas niyo na lang pag-usapan kung anuman 'yan, you need to rest" sambit nito at kitang-kita ko na nag-aalala siya at doon pa lang, natutuwa na ako. Bigla ko na lang naalala si Roxanne hindi dahil mahal ko pa ang babaeng 'yon, kundi dahil sa laki ng pagkakaiba nila, no doubt na nagustuhan ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Si Roxanne kung ipagtulakan niya ako noon, gusto niya ay mag-training lang kami ng mag-training samantalang si Syden, gusto niyang magpahinga na kami at ipagpaliban na lang 'yon. Pero hindi basta-basta ang pag-uusapan namin dahil sobrang mahalaga 'yon para sa amin. Hindi lang basta-basta ang pag-uusap na 'yon.
"Don't worry, we can handle it" saad ko dito habang nakangiti pa rin sa kanya. Nakikita ko pa lang siya, napapangiti na ako. Makita ko lang siya, sapat na, pero yung makita kong nasasaktan siya, hindi na tama.
"Sige, matutulog na ako" pagkatapos ay ngumiti na rin ito kaya nagsalita na ako, "Good night, sweetie!" sabay kindat ko dito kaya mas lalo pa siyang napangiti at kagaya ng inaasahan ko, of course hindi niya ako sinabihan ng I love you too dahil sinara na niya ang pinto. Napayuko na lang ako habang nakangiti at napailing. Pasalamat talaga siya mahal ko siya kaya okay lang kahit na hindi niya ako sinabihan. For her, we're good people. Iba kami sa paningin niya. But for other we're the worst. Honestly, we're not kind and we don't pity other people. We don't have conscience at hindi kami nakikipaglokohan dahil seryoso kami sa lahat ng bagay. She thinks that we're good people, that we are her friends, dahil sa kanya lang kami mabait at totoo ang ipinapakita namin sa kanya because she accepted us for who we really are.
Ngunit napatingin na lang ako sa pintuan ng kwarto niya at dahan-dahang napatingala. Ang mga mata kong maayos na nakatingin sa kanya kanina ay kusang nag-iba. Naging masama ang pagtingin ko dito dahil hindi pa tapos ang lahat. Mag-uumpisa pa lang. Nananahimik lang ang grupo pero ang pinakaayaw namin sa lahat ay yung ginugulo o sinasaktan ang isa sa amin, lalung-lalo na ang mga taong importante sa amin. Dumiretso ako sa kusina kung saan naghihintay ang mga members ko, dahil may mahalaga kaming pag-uusapan at gagawin ngayong gabi. Natahimik na lang silang lahat ng dumating ako doon, nakita kong nakaupo silang lahat at may isang bakanteng upuan na nasa pinakaharapan kaya doon ako umupo dahil para sa akin naman talaga 'yon.
Lahat sila ay hinihintay lang ako sa pagsasalita kaya inumpisahan ko na, "Vipers, we're going to spread some blood again" ngumisi ako ng masama habang tinitignan silang lahat, "Ngayong gabi na ba mismo gagawin ang plano?" tanong naman ni Dave kaya mas lalo pa akong napangisi, "I can't wait any longer. Let's do it tonight" tinignan ko sina Caleb at Stephen bago muling nagsalita, "Alam niyo na ang plano. Do it now" masama kong sabi sa mga ito at tumango naman sila, "Siguraduhin niyong hindi makakatakas ang dalawang 'yon" dagdag ko pa bago sila tumayong dalawa at naglakad papalabas kaya't sumunod na rin ang mga kasama nila.
Naiwang kasama ko sa Black House ang mga main members dahil maghihintay lang kami at kahit baguhan pa lang ang iba, alam kong mabilis silang gumalaw dahil minsan na rin silang naging grupo, "Unfortunately, silang dalawa lang naman ang binanggit ni Syden. Akala ko pa naman marami" walang ganang sambit ni Dustin kaya napatingin kami sa kanya. Hindi naman kasi kami mahilig sa isahang parusa, ang gusto namin maramihan. Pero wala kaming magagawa kung dalawang pangalan lang ang binanggit ni Syden, "You should be thankful dahil nagbigay siya ng pangalan. I know her at hindi ko inexpect na magbabanggit siya ng pangalan" sambit ni Sean habang nakangiti. Well, aminin man namin o hindi ay nahawa na siya sa grupo at parang normal na lang din sa kanya ang gumawa ng ganitong bagay.
"Ano bang gagawin natin sa kanila?" tanong naman ni Dave. Kinuha ko ang kutsilyo sa bulsa ako at hinagis-hagis 'yon para lagruan habang nakangiti ng masama, "We're just gonna torture them really, really bad. It's not just a punishment, it's my punishment" sambit ko kaya napatingin silang lahat sa akin. Medyo matagal ko na ring hindi nagagawa ang punishment na ako mismo ang gumawa. Black Viper's punishment is different from Dean Carson's punishment.
"Seriously?" gulat na tanong ni Dustin, "Don't worry, I instructed them kung anong gagawin nila kaya wala tayong magiging problema" saad ko dito habang nakangiti pa rin. Noong umpisa ay ikinagulat nila ang sinabi ko, pero hindi rin nagtagal ay nagtinginan silang lahat at ngumiti din ng masama, "Tell us more about it Dean" interesadong sabi ni Nash. Minsan lang naman siyang magsalita kaya sige, pagbibigyan ko siya.
"My punishment is not just a punishment at alam niyo 'yon. Dahil sa parusang ginawa ko, hindi siya pwedeng basta-basta sumuko..." tinignan ko muna sila isa-isa at seryoso silang nakatingin sa akin, "Once na sinukuan niya ang parusa ko, ibang tao ang mamamatay that's why he needs to fight for it kahit gaano kahirap, at gaano kasakit. I told you, I'll let them taste what's worst at maling tao ang kinalaban nila. Galawin na nila lahat ng estudyante except her, not her" noong mga oras na 'yon ay napatingin ako sa hawak kong kutsilyo at naging seryoso ang itsura ko.
"Kasama ba sa parusa mo si Max?" tanong ni Sean.
"No exemptions, Sean" maikling sagot ko at alam kong naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. It will be his first time na makita kung anong klasing parusa ang kaya kong gawin.
Pagkatapos noon ay nanatili lang kaming nakaupo at tahimik na naghihintay. Bigla na lang naming narinig ang pagbukas ng pintuan kaya napatingin kami doon at nakita namin sila Stephen at Caleb kaya lumapit sila sa amin, "We're all ready" sambit ni Stephen sa akin kaya muli akong napangiti ng masama, "You did well. Maiwan na kayo dito at bantayan niyo siya" sambit ko sa kanilang dalawa at tumayo na ako kaya tumayo na rin ang mga members. Napatigil na lang ako sa paglalakad ng magsalita si Sean kaya napatingin kami sa kanya, "Dean, pwede bang ibalato mo na sa akin si Blake?" seryosong sabi nito at napansin kong napaka-seryoso niya. But sorry, I can't.
"And why would I do that?" tanong ko kaya nagkatinginan silang lahat, "Kasi gusto kong ipaghiganti yung kapatid ko dahil sa ginawa nila sa kanya"
"Gusto ko rin namang ipaghiganti ang taong mahal ko" seryoso kong sabi dito at diretso kaming nakatingin sa isa't-isa. Alam kong gustung-gusto niyang puruhan ang Blake na 'yon and I won't stop him, why would I stop him?
Inayos ko ang tayo ko habang nakatingin pa rin sa kanya at muli akong nagsalita, "Sean, bakit ko naman siya ibabalato sa'yo? Kung pwede naman natin siyang pahirapan ng sabay?" sarcastic kong sabi at nakita kong napangiti na lang din siya ng masama dahil sa sinabi ko.
"Thanks bro!" inilahad nito ang kamay niya kaya nakipag-apir na rin ako sa kanya at tuluyan na kaming lumabas. Just you wait, I'll make this hell even better to live in.
Nag-umpisa na kaming maglakad para pumunta sa kaisa-isang classroom na pagmamay-ari namin. Kami lang ang pwedeng gumamit noon dahil doon lang naman namin dinadala ang mga biktima namin. Kasama ko ang mga main members at hindi ko na pinasama sina Stephen at Caleb para bantayan si Syden. Yung mga members naman nila na members ko na rin, nandon sa loob kwartong 'yon kung saan kami papunta.
Pumasok kami sa building at naglakad papunta sa pinakadulo ng hallway. Habang papalapit kami doon ay natanaw na namin ang ibang members na nakabantay sa room na 'yon, that room is what we call the punishment room. Nakita nila kaming papalapit kaya humarap sila sa amin hanggang sa tuluyan na kaming makapunta sa harapan ng punishment room, "Is everything settled?" tanong ko sa isa sa kanila kaya tumango siya, "Oo. Nasa loob na silang dalawa" seryosong sabi nito kaya muli akong napangiti ng masama.
Tumabi silang lahat sa daraanan namin kaya binuksan ko na ang pintuan at pumasok na ako kasama yung mga main members at naiwan sa labas yung mga bago. Pinakahuling pumasok sa amin si Nash kaya siya ang nagsara ng pintuan. Nakita ko na lang ang dalawa kaya mas lumawak pa ang ngiti ko, "Look what we have here!" sigaw ko habang sinasabi 'yon sarcastically at nakatingin sa kanilang dalawa.
Blake is standing on the right side, nakatali ang mga kamay pataas at kitang-kita ko na nangangawit na siya. While that Maxine is seated on the left side, nakaupo sa electric chair, nakapatong ang kamay sa may arm rest at nakalock ang mga ito gamit ang mga bakal kaya hindi niya 'yon maigagalaw, even her feet. Sa ulo niya, may nakalagay na parang helmet na gawa sa bakal at mula doon ay may dalawang patusok na bakal na nakatutok sa mata niya. Let's see what would be their reaction? Isang maling galaw nila, may mamamatay.
Dahan-dahan kong nilapitan si Blake at matapang siyang nakatingin sa akin. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang tapang na 'yon.
"My girlfriend's ex boyfriend!" malakas kong sabi at dinig 'yon sa buong room, napatingin na lang ako sa mga members ko na masama ding nakangiti habang nakatingin kay Blake at mas lalong-lalo na si Sean.
"And my sister's fake bestfriend!" pagsasalita naman ni Sean kaya napatingin kami sa kanya habang nakatingin siya kay Maxine.
"Anong gagawin niyo sa amin?" matapang na tanong ni Blake kaya tinapatan ko siya.
"What do you think?" I asked sarcastically.
"Pakawalan niyo kami dito!" sigaw naman ni Max kaya napatingin kami ng masama sa kanya at natuwa ako ng makita kong matapang din pala siya, "Be careful Maxine. Isang maling galaw mo pwede kang mabulag" masama kong sabi dito kaya napatingin siya doon sa dalawang matulis na bakal na nakatapat sa dalawa niyang mata at unti-unti na itong nababalutan ng takot, "W-what do you mean?!" takot na sabi nito habang nakatingin pa rin doon sa mga bakal na nakatutok sa mata niya.
Tumayo na lang ako ng maayos at pumunta sa pinakagita ng room at muli kong hinarapan ang dalawa, "Well, let me give you the summary of my plan" I said using a proud tone habang nakangiti at tinitignan silang dalawa, "You..." tinuro ko si Blake at nakita ko pa rin na matapang siyang nakatingin akin, tignan na lang natin kung kaya niyang gawin 'yon sa maririnig niyang sasabihin ko, "Are standing there na nakatali ang kamay pataas"
"But it's always easy to escape" sambit nito na mas lalo ko pang ikinatuwa. Alam ko kung bakit niya nasabi 'yon, dahil maluwang ang pagkakatali sa kamay niya at kasama 'yon sa mga plano ko, "Fine you can escape now, Blake. But what do you think will happen kapag nahila pababa ang taling 'yan?" I asked sarcastically at alam kong ikinagulat niya 'yon. Napasunod na lang siya sa direksyong tinitignan ko, mula sa lubid na nakatali sa kamay niya ay sinundan ko ng tingin ang lubid na 'yon papunta sa kisame hanggang sa makarating sa electric chair na kinauupuan ni Maxine papunta sa helmet na nakalagay sa ulo niya na gawa sa bakal.
Pero kitang-kita pa rin naman ang itsura nito dahil hindi naman natatakpan ang buong mukha niya. Ibinalik ko ang tingin kay Blake at nakita kong kinakabahan na rin siya kaya napatingin siya sa akin, "Once na hinila mo pababa ang taling nasa kamay mo" muli akong napatingin sa dalawang patusok na bakal na nakatutok sa mata ni Max kaya tinignan niya rin 'yon, "Mabubulag ang girlfriend mo dahil tuluyang papasok sa mga mata niya ang dalawang bakal na 'yan. At kung sakaling matanggal sa kamay mo ang tali dahil maluwang ito, mahihila ito pataas papunta sa electric chair na kinauupuan niya at walang humpay na pagkakakuryente ang mangyayari sa kanya. It's either you let go or kusang matatanggal ang tali sa kamay mo, and your girlfriend will take the punishment for your failures. Kung ayaw mong mapahamak siya, hold it whatever happens" tinignan ko ito ng maayos at nakita kong nagagalit na siya. He has no choice but to hold it.
"Walang hiya kayo!! Demonyo ka Dean Carson! Demonyo kayo!" sigaw nito at napansin kong halos hindi na gumalaw si Max dahil sa takot. Bigla ko na lang siyang nilapitan at hinawakan ko ng mahigpit ang baba nito, "I am the worst and most evil creature in this place because it's my home, and let me welcome you to hell where I live as the king, my special guest"
masama kong sabi dito.
"Bakit niyo ba ginagawa 'to sa amin?!" takot na tanong ni Max kaya muli akong napatingin sa kanya at binitawan ko si Blake, "Ask yourself kung bakit namin ginagawa 'to!" sagot naman ni Sean na lumapit kay Max at sinamaan ito ng tingin, "She chose you instead of me, but ended up being betrayed! Sinaktan niyo ang kapatid ko kaya nawala siya sa sarili niya at ang sakit sa part ko na makita siyang ganon lalo na't hinayaan ko siyang maging masaya kasama kayo kahit na naiisip kong pinagpalit niya ako sa inyo. Pero anong ginawa niyo? Niloko niyo siya! You made her suffer. She's not just my sister because she's also our Queen, my Queen" galit na sabi nito na nagpipigil pa rin habang nakatingin kay Max.
"She's our queen. And we won't let anyone lay a hand on her, dirty hand like yours" dagdag pa ni Dustin at lahat kami, nakangiti ng masama.
"Dirty hands?! Anong tawag sa inyo? Mas marumi ang mga kamay niyo kaysa sa amin!" sigaw ni Max kaya kaagad ko siyang nilapitan, "We can always fill our hands with blood para lang hindi siya madumihan"
"But your Queen is dead! Kahit pa pahirapan niyo kami, hindi niyo na siya maibabalik!" sigaw nito kaya nagtaka ako, "Dead?" sarcastic kong tanong dito. What is she saying? Hindi pa man namin napapahirapan, nababaliw na ata ang isang 'to at kung anu-ano ang pinagsasabi niya.
"Oo patay na siya! Kaya niyo nga kami ginagantihan dba?!" dagdag pa nito kaya napatingin ako sa mga kasama ko. Napailing na lang kami at hindi napigilang matawa pero sandali lang naman 'yon, "Dean, mukha atang hindi pa man kinukuryente ang utak niyan, natamaan na siya!" saad ni Dave kaya muli silang nagtawanan ng masama.
"Our Queen is not dead! She's now sleeping, natutulog ng mahimbing habang kayo, nahihirapan at nasasaktan. Just like what you did to her! Maling tao ang kinalaban niyo, so blame yourselves" seryoso kong sabi dito at tumayo ako ng maayos. I don't have to waste my time explaining everything. It's time to repay.
Nilapitan ko ang mga members ko at alam kong nangangati na ang mga kamay nila but I will give them chance to have some fun tonight in hell. Nakangiti sila ng masama at naghihintay na lang sa sasabihin ko.
"Gawin niyo lahat ng gusto niyong gawin sa akin but don't hurt Max! Huwag na huwag niyo siyang sasaktan!" galit na sabi ni Blake kaya napatingin kami sa kanya.
"Don't worry, we won't hurt her because it is you who will save or kill her" masamang sabi ko dito na mas lalo pang ikinatakot ng mukha niya at tinignan niya si Max. His girlfriend can't even look at him dahil nakatingin lang ito sa harapan niya at hindi siya makagalaw. How sweet.
But our love is sweeter than them.
"It's time to receive your punishment and we don't have to entertain you anymore. I hope makayanan niyo, at kapag nakalabas kayo dito, do me a favor at ipagkalat niyo ang nangyari para sa ganon, maging aware silang lahat kung paano kami magiging kalaban" pahayag ko sa kanila at nilapitan ko na si Blake.
I started to punch him on his stomach dahil alam ko naman na mas mahihirapan siya kapag 'yon ang tinira ko. I did it many times at pinigilan ko 'yon but I just can't stop, "You had the wrong choice of victim" sambit ko dito. Well, that's not just a punch. It hurts more because I forgot to remove my ring that's made of metal but I decided na huwag na lang 'yon tanggalin. Habang paulit-ulit kong ginagawa 'yon, nag-uumpisa na rin siyang manghina. Hanggang dito lang ba ang kaya niya, well may mas mahirap pa.
"Stop it! Pakawalan niyo na kami dito!" sigaw ni Max na hindi pa rin makagalaw pero umiiyak na siya. Pinipigilang gumawa ng ingay ni Blake kahit alam kong nasasaktan na siya. Nilapitan ni Dustin si Maxine at nakita 'yon ni Blake kaya nagsalita siya, "Huwag niyong idamay si Max dito! Kill me if you want but not her!"
"It's you who will just kill her Blake" saad ko dito at muli ko siyang pinagsusuntok. Halatang namamalipit na ito sa sakit but guess what? Tinitiis niya just because of that thing na nakatali sa kamay niya. He must not let go or let that thing be taken off from his hand or else his girlfriend will die. Everything depends on him. When it comes to the punishment I've made, you can't just give up because giving up means sacrificing other's life for you to be saved.
"STOP IT! PLEASE?! MAAWA KAYO SA AMIN!" muling sigaw ni Max and this time si Sean na ang nagsalita, "Maawa?! Bakit naawa ba kayo sa kapatid ko nung sinaktan niyo siya?! Alam niyo ba na halos ikabaliw niya yung ginawa niyong panloloko sa kanya?!"
"Hindi ba dati pa naman baliw ang kapatid mo?!" sambit ni Blake kaya hindi ko na pinigilan si Sean ng lusubin niya ito at bugbugin ng paulit-ulit si Blake hanggang sa maglabas ito ng dugo mula sa kanyang bibig.
"GAGO KA TALAGA! HINDI KA NA NAKUNTENTO NA SINAKTAN MO NA SIYA DATI, INULIT MO PA NGAYON! SA GINAWA MO SA KANYA, IKAW ANG BALIW! MAS BALIW KA SA KANYANG G*GO KA!" at mas lalo niya pa itong pinagbubugbog kaya hindi na namin siya inawat. This time, he became different and we can't blame him.
"Stop it! Tigilan niyo na siya!" sigaw ni Maxine kaya napatingin sa kanya si Sean, aktong lalapitan niya ito ay hinarangan siya nina Dave dahil ang plano, masasaktan lang si Maxine kapag sumuko si Blake. Napatingin si Sean kina Dave at alam na niya ang ibig sabihin non kaya tumigil rin siya, "My sister trusted you Max! Pero anong ginawa mo? Nilandi mo ang boyfriend niya at sinaktan mo siya!"
"Kasalanan ko bang mas nagustuhan ako ni Blake kaysa kay Syden!? Eh baliw naman kasi talaga siya kaya siya iniwan ni Blake!" dahil doon ay muling nilusob ni Sean si Max pero pinigilan pa rin ni Dave.
"Tanggapin mo na lang...na baliw siya! Na baliw talaga ang kapatid mo!" sigaw ni Blake kaya hinayaan ko na lang sila kung anong gusto nilang gawin sa lalaking 'to. Nilusob siya ni Dave at tinira ito sa kanyang paanan gamit ang hawak nitong bakal kaya napasigaw siya sa sakit, Dave is known for being the brutal one na nilalampa ang kalaban, "What did you just say? Hindi namin narinig" sambit nito habang namamalipit na sa sakit ng katawan si Blake.
Tinignan kami ni Dave at masama lahat kaming nakangiti at alam ko na kung saan aabot 'to, "Your Queen is insane! Kailangan ko pa bang ulit-ulitin para lang maintindi- " bigla na lang siyang tinira ulit ni Dave sa kabilang binti kaya muli siyang napasigaw at dinig na dinig namin ang pagkaputol ng binti nito, "Oo. Kailangan mong ulit-ulitin hanggang sa magtanda ka!" masamang sabi nito.
"Kahit kailan hindi ko babawiin 'yon! Na mahal ko si Max kaysa sa baliw niyong- " this is becoming fun than what I've expected.
Naglabas na lang ito ng dugo sa bibig niya ng makita naming nasa likuran na lang niya si Dustin at may hawak itong sinturon. Ang sinturon na hawak ni Dustin ay gawa sa bakal kaya 'yon ang pinang-lalatigo niya para mas masaktan ang kalaban at hindi namin siya pinigilan dahil mas lalo pa kaming natuwa, "Dustin, hinay-hinay lang bro. Blake wasn't aware" saad sa kanya ni Dave at nagtawanan silang lahat habang nakangiti lang ako ng masama.
"Ano nga kasi yung sinasabi mo?" habang nasa likuran ni Blake si Dustin ay lumapit si Dustin sa kanyang tainga at bumulong habang nakangiti ng masama dito, "Hinding-hindi ko babawiin 'yon! Baliw siy- " hindi na siya nakapagsalita pa ng mas maglabas ito ng maraming dugo at alam kong sobrang hapdi na ng likod niya dahil muli siyang inilatigo ni Dustin. Pumunta na lang ako sa likod ni Blake at alam kong kahit dalawang latigo lang ang natanggap niya kay Dustin, ay lapnos ang balat nito.
Don't try us. We show no mercy.
Napatingin ako kay Maxine na umiiyak na ng sobra habang naririnig ang bawat suntok at hampas na ginagawa namin kay Blake pero yung dalawang bakal na nakatutok sa mata niya ay papalapit na ng papalapit dito kaya muli kong tinignan si Blake. Nakita ko namang lumapit si Nash dito at ipinakita niya sa amin ang hawak niyang bote, "I need to hear it again" sambit nito habang nakangiti pa rin ng masama at nakatingin sa hawak niyang bote.
If I were Blake, huwag na siyang magsalita at magmatigas pa dahil hindi niya gugustuhin ang mangyayari sa kanya kapag ibinuhos ni Nash ang hawak nitong bote na may laman sa pagmumukha ni Blake, "Say it again" bago pa man magsalita si Blake ay unti-unti ng binuhos 'yon ni Nash sa paanan niya kaya ito ang pinakamalakas na sigaw na nagawa niya. Ano bang laban niya sa acid?
Nakita namin ang pagkalapnos ng balat nito sa isang binti at tila gusto na niyang bumitaw pero pinipilit niya pa ring lumaban, "Kaya pa ba o susuko na?" tanong ko kay Blake kaya tinignan niya ako. Kitang-kita ko ang namamaga niyang mga mata, puno ng dugo ang kanyang labi at buong katawan, lapnos ang balat sa likod at sa isang binti.
"I will never give up Vipers!" ngumiti ito kahit hirap na hirap na siya. Tinignan ko si Max kaya't tumingin rin sila lahat sa kanya, "Mukha kasing sumusuko ka na" sambit ko. Muli ko siyang tinignan at nagulat siya ng makitang medyo bumaba ang taling nakatali sa kamay niya kaya't isang galaw pa, ay tuluyang mabubulag si Max.
"No! Let her go! Patayin niyo na ako basta pakawalan niyo lang siya!" sigaw ni Blake na natataranta na.
"Sige. Magmatigas ka pa!" sagot naman ni Sean kay Blake. Nagtinginan kaming lahat at ngumiti ng masama. Tila nakuha naman nila ang ibig kong sabihin kaya nilapitan namin si Max na mas ikinataranta pa ni Blake.
Napatingin na lang kami sa biglaang pagbukas ng pintuan at nabigla kami ng makita namin si Oliver. Nakabantay lang siya sa labas kanina at hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumasok, "What are you doing here?" tanong ko dito.
"Sorry to interrupt but actually kakaalis lang ni Stephen dahil galing siya dito. Hinahanap niya daw tayo sa Black house and they don't know what to say. Should we just tell her the truth?" pahayag ni
Oliver.
"No. There's no need for that. We'll go back" sambit ko kaya nabigla sila, "But how about them?" tanong ni Dustin.
"Papakawalan na natin. Alam ko namang hindi magugustuhan ni Syden na malamang patay na ang dalawang 'to. At least they had their very first encounter with Black Vipers" tinignan ko sina Blake at Max ng seryoso at sinamaan sila ng tingin, "You should be thankful dahil kundi dahil sa kanya, baka tinuluyan na namin kayong dalawa" saad ko at nag-umpisa na akong maglakad papalabas kaya't sumunod na rin sila sa akin.
Other members will do the rest.
...................
✿ Someone's POV ✿
Nakaupo ako ngayon sa gitna ng isang kwarto habang nagyoyosi at umiinom. All the members are just around me, waiting for my command. Bigla na lang may pumasok na isa pa sa mga members ko kaya inilagay ko sa lamesa ang hawak kong baso pati na rin ang sigarilyo.
"Boss, the girl is alive" napaupo na lang ako ng maayos ng sabihin niya 'yon habang nakatayo siya sa harapan ko.
"What are you talking about?"
"The Viper's girl is alive" sambit nito na labis kong ikinagulat. Ako pa talaga ang lolokohin niya?! Pathetic.
"Alive?! Stop kidding me!" masamang sabi ko dito.
"I'm not kidding. I really saw her" dagdag nito at tinignan ko siya sa mata para malaman kung nagsisinungaling ba ito o hindi. But he's not lying.
"Are you sure? How come na buhay siya?! Ang sabi ni Blake okay na, na patay na siya! Tapos sasabihin mo buhay pa siya?!" sigaw ko.
"Boss I've seen her too. She's really alive" saad pa ng isa kong member na ikinabigla ko.
"It's true, nakita ko siyang kasama ang Vipers. She's not dead" dagdag pa ni Ava pero hindi ako makapaniwala. HOW?!
"What's the meaning of this? Paano?! Blake and Maxine told me na nainjectionan na siya. Bakit buhay pa?!"
"Yon ang hindi namin alam. Basta nakita namin siya at 'yon ang totoo boss"
"So Blake and Max lied?! Hindi nila pinatay ang babaeng 'yon?!"
"We can't blame them, alam naman natin na bestfriend ni Max ang babaeng 'yon at ex girlfriend ni Blake kaya siguro hindi nila siya nagawang patayin"
"Kaya nga sila ang inutusan ko na tirahin ang kasamang babae ng Vipers dahil mas mapapabilis ang plano dahil malapit sila sa babaeng 'yon. But what's the meaning of this?!! Kaya pala wala sila dito dahil malalaman natin ang kasinungalingan nila! Dalhin niyo ang dalawang 'yon sa akin! Ngayon din!"
Nagkatinginan silang lahat at tila hindi makapagsalita, "HINDI NIYO BA AKO NARINIG?!"
"Boss, we can't. Vipers already got them" saad nito na ipinagtaka ko. Wth?!
"What?! Bakit naman sila kukunin ng Vipers?!"
"Maybe, nagsumbong 'yung babae na binalak siyang patayin ni Blake at Max" saad ni Ava.
"Can't you see buhay siya?! Mag-isip nga kayo. Buhay siya dahil tinulungan siya nina Blake at Max! Paano mo nasabing nagsumbong yung babae sa Vipers kung tinulungan naman pala siya nung dalawang 'yon?!"
"Boss, pero....hindi ba natin sila tutulungan? Hawak sila ng Vipers" sambit ni Ava habang tinitignan ang ibang members.
"Tutulungan?! Pinasali ko sila sa grupong 'to para proteksyonan sila pero kailangan nilang gawin ang gusto ko. Nagawa ba nila? Hindi dba? Sa bakit natin sila tutulungan?! Kaya kayo..." tinuro ko silang lahat na napayuko sa ginawa ko, "Umayos kayo, huwag na huwag kayong gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan kung gusto niyo pang mabuhay!"
"We understand. Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Von.
"Alamin niyo kung anong nangyari sa babaeng 'yon, kung bakit buhay pa siya" muli akong uminom sa harapan niya.
"Boss, dalawang bagay lang naman 'yon" tinignan namin si Ava dahil doon.
"What do you mean?" nagtataka kong tanong.
"It's either pinatakas siya nina Blake at Max or maybe, nainjectionan siya pero nakaligtas pa rin" saad nito na nakapagpatahimik sa amin pero hindi ko pa rin maiwasang magalit.
"Isa lang 'yon, pinatakas siya ng dalawang member natin at nagsinungaling sa atin. You know it's impossible na may makaligtas sa injection na ginawa natin!" sambit ko sabay tingin sa pintuan. There's no cure.
"Anong ginagawa ng Vipers sa kanila?" tanong ko bago uminom.
"They are being tortured right now" sagot nito.
"Tortured? Kadalasang ginagawa lang naman ng grupong 'yon ay pahirapan ang may atraso sa kanila. Kung pinatakas nina Blake at Maxine yung babae, hindi sila babalikan ng Vipers" muli kong ibinaba amg hawak kong baso at nag-isip. Ano ba talagang nangyari at buhay ang babaeng 'yon?
"Anong atraso nila sa Vipers kung tinulungan nilang makatakas yung babae?"
"Boss, maybe there's other reason kung bakit ganon"
"Fine. Alamin niyo kung bakit buhay pa yung babae"
Nakuha naman nila ang ibig kong sabihin kaya tumayo na ako at lumabas sa kwartong 'yon. Soon, they will know my name. Lalo na't wala na yung matinding kalaban ko sa Chained School.
To be continued...
✟✞♥✞✟