webnovel

Chapter One

"Let's break up."

Nangunot ang noo niya dahil sa mga sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahang lalabas ang mga salitang yun sa bibig ko. Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya pero mabilis niya ding itinikom iyon.

"Let's break up," I repeated.

Pain crept on her almond shape eyes. Hindi ko magawang tignan siya sa mata kaya nag-iwas ako. Nakakaguilty pucha!

"Nagbibiro ka lang naman di ba? Hahaha Jin naman eh. Hindi bagay sa'yo maging comedian." Pinilit niyang ngumiti kahit alam ko namang naiiyak na talaga siya.

Napabuga na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko siya sinalubong muli ng tingin.

"Ali, tapusin na natin 'to. Ayoko na kasi eh. Seryoso ako, gusto kong maghiwalay na tayo," I said firmly.

"Sige, alis na ko. Yun lang naman ang gusto kong sabihin."

Tumalikod na ko at nagsimulang humakbang palapit sa malaking pinto ng music room. Sinubukan niya pa akong pigilan pero tinanggal ko agad ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. Doon ko siya narinig na umiyak. Nakulob sa loob ng music room ang malalakas na hikbi niya. Bago ko pa man buksan ang pinto ay biglang lumabas ang mga kaibigan kong kanina pa nagtatago sa likod ng malalaking kurtina.

"Aliiiii, it's a prank!" sabay sabay nilang sigaw, mga nagtatawanan pa.

Sa kaba ko ay mabilis akong naglakad pabalik sa girlfriend ko na parang naestatwa sa kinatatayuan niya. Patuloy pa rin sa pagtakas ang luha sa mga mata niya kaya mahigpit ko siyang niyakap.

"Babe, sorry. Joke lang! I love you. Hindi totoong makikipagbreak na ko," pagpapatahan ko sa kanya pero mas lalo lang itong humagulgol. Patay ako!

"Ayan! Sumobra ata kayo. Sabi ko sa inyo huwag niyo nang gawin eh," sermon ni Zoey. Pinatay niya ang camera na hawak niya at isinabit niya ito sa leeg niya. Lumapit na rin siya sa akin para tulungan akong patahanin si Ali.

"Prank pa more!"

Agad kong sinamaan ng tingin si Yubin, isang batok naman ang natanggap niya mula kay Bowen. Napabusangot pa ito dahil nagulo ang pagkakaayos ng man bun nito dahil sa ginawang pagbatok ni Bowen sa kanya. Guluhin mo na ang buhay niya, huwag lang ang buhok niya.

"Problema mo?" singhal nito.

"Tsk! Makapang-gatong ka diyan. Ikaw kaya nag-suggest na i-prank natin si Ali," paalala ni Bowen.

Oo nga pala. Walang hiyang Yubin 'to. Siya naman talaga ang may pasimuno ng kalokohang 'to. Dapat talaga hindi ako nakikinig sa labanos na 'to.

"Nag-suggest lang ako. Pumayag si Jin, so fault niya pa din yun."

Lulusot pa ang gagong 'to. Binaling ko na nga lang ulit ang atensyon ko kay Ali.

"Babe, tahan na. Sorry na. Bati na tayo," panunuyo ko.

Nag-angat si Ali ng tingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. Naramdaman ko na lang na tumalsik ako malapit sa pintuan. Tinulak ba naman niya ko nang pagkalakas-lakas.

"Anong sorry? Siraulo ka! Paano kung totohanin kong magbreak na talaga tayo? Akala mo nakakatuwa yang biro mo? Bwisit ka!"

Sigaw siya ng sigaw. Hindi na ko nakapalag nang lumapit siya sa akin at hampas-hampasin niya ko sa braso. Battered boyfriend na ko pero ayos lang, kasalanan ko naman.

"At kayo naman? Talagang nagsabwatan pa talaga kayo? Pati ikaw Zoey? Sino bang bestfriend mo? Mga feeling vlogger kayo!" Parang dragon na bubuga na ng apoy si Ali anumang oras.

Sabay sabay kaming napalunok. Pinagpapawisan ng malapot. Napaatras si Zoey para magtago ulit sa likod ng kurtina, samantalang sina Yubin at Bowen naman ay pinagkasya ang mga sarili sa ilalim ng piano.

Ali's always so soft and sweet. She have a gentle heart and soul, that's what I love about her. Huwag na huwag mo nga lang talaga siyang gagalitin.

Nang humupa ang inis sa amin ni Ali, nagpasya kaming tumambay muna sa isang cafe malapit sa Yunmeng Gym, isang maliit na dance studio kung saan suki na din kami dahil dito kami nagpapraktis ng mga kaibigan ko.

"Alam mo beshy, ang liit ng katawan mo pero ang lakas lakas mong kumain. Hinay naman," sita ni Zoey. Nakakatatlong cake na kasi ito.

"Bakit ba? Masarap kaya kumain lalo na kung libre niyo," katwiran nito bago sumipsip sa paborito niyang java chip frapuccino. "Hindi ba kayo kakain?"

Napansin niya siguro na panay tubig lang kami. Naubos na niya ang laman ng mga wallet namin. That's too much for a punishment! Hinding hindi ko na talaga i-paprank ulit ang girlfriend ko, mamumulubi talaga kami.

"Makita ka lang namin na masayang kumakain, busog na kami," anas ni Yubin. Ilang beses ko din siyang nakikitang lumulunok. Kunwari pa, eh mukhang naglalaway na siya sa cake na kinakain ni Ali.

"Oo nga pala guys! May sasabihin ako sa inyo."

Sabay sabay kaming napatingin kay Zoey nang bigla na lang siyang napa-palakpak. May kinuha siya sa bag niya, isang puting sobre. Malapad ang ngiti sa labi niya nang iabot niya ito kay Bowen.

Saglit kaming natahimik habang pinagmamasdan namin si Bowen na binubuksan ang sobre at inilabas ang isang sulat. Nagliliwanag ang mukha niya habang binabasa niya ang nilalaman ng sulat. Ano kayang nangyari dito?

"Hoy! Ano yan bossing?" Yubin nudged Bowen with his elbow. Para itong kiti-kiting hindi mapakali. Hinarang niya pa ang ulo niya para masilip kung ano ba talagang meron sa sulat na hawak nito.

"Search for the next idol group? Seryoso ba 'to?! We will participate on this?" Halos manlaki ang mga mata ni Yubin na napatingin kay Zoey.

"Yup!" she answered

enthusiastically.

Out of curiousity ay inagaw ko yung sulat mula sa kanila. Halos hindi rin ako makapaniwala sa nabasa ko.

"It's a boy group survival show guys. Huwag kayong mag-alala dahil nai-email ko na ang mga profile niyo pati video ng dance cover niyo nung nakaraang araw pa. That letter serves as your official ticket to stardom! Kailangan niyo na lang umattend sa mismong screening at kapag nakapasa kayo pasok kayo sa next evaluation!" Zoey explained.

"What? You did that without even consulting us?"

Zoey just shrugged. Ito ang ayaw ko sa kanya minsan, basta na lang gumagawa ng desisyon na hindi man lang hingin muna ang opinion namin. Hindi sa ayaw ko ng ideya niya, I just don't want to get my hopes up high. Ilang audition na ang nasalihan namin pero hanggang ngayon mailap pa rin ang swerte sa grupo namin.

"Game ako dito. Wala namang masama kung susubukan?" wika ni Bowen. Tumango-tango naman si Yubin bilang pagsang-ayon.

"And one more thing, yung anim na makakapasok sa final line up will debut as a group and will sign a 5 years contract under C.R.E. Guys, it's Cloud Recesses Entertainment! The biggest talent agency in the country! Napakagandang opportunity nito para sa inyo!" Zoey added, her eyes twinkling in excitement.

"Babe, just give it a try. Malay niyo, ito na ang big break niyong tatlo 'di ba?" Hinawakan ni Ali ang kamay ko, parang may humaplos sa puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang napakalaking tiwala niya para sa akin. At sino naman ako para biguin siya?

"I know it's your dream since you were a kid. There's nothing wrong with following your heart. Whatever happens, Zoey and I will always be here for you guys," she said lovingly.

Her and her faith in me, I couldn't help but smile at her. Napahimas ako sa magkabilang sentido ko at mariing napapikit. Nang magdilat ako, lahat sila ay nakatingin sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

Can we really do it? Bahala na nga. Tumango ako at inilahad ang kamay ko sa harap nila. Isa isa naman nilang pinatong ang kamay nila sa kamay ko, sabay sabay kaming mangangarap ulit.

"Okay, let's do this!"