webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
71 Chs

CHAPTER 24

AMIRA'S POV

Nakangiti akong tumatakbo patungo sa kwarto ni mr.linc. I will ask him since he's also a man. Pumasok agad ako nang mabuksan na ang pinto.

Nakita ko pa siyang nakatayo habang may hawak na papel at may kausap sa cellphone.

"Hey"

"Trust me"

"What are you doing here?!" gulat na tanong niya. Tinignan ko siya na nilagay sa lalagyan ang mga papel at humarap sa akin.

"What do you think mr.linc? You stopped us last night so better make it up to me. So what do you think about ace?" nakangiting tanong ko habang nakadapa sa higaan "He's sincere, right?"

"No" walang ganang sagot niya. Lumapit pa siya kaya umupo ako para hilahin ang braso niya sabay kagat "Argh!!"

"Nanggigigil ako~"

"Just leave!" hinihila niya ako sa paa kaya umangal ako kahit nagugulo na ang higaan niya.

"Wait wait dito muna ako! Hindi na kita kakagatin promise. Nasa sala yung lima kaya dito muna ako tatambay buong hapon! Sige na!" pumalag pa ako pero hindi ko inasahang may masagi.

*blag* napatingin ako sa nahulog mula sa drawer niya, sorry~

"Why aren't you knocking?!! I was on a phone!" binitawan na niya ako. Tinignan ko lang yung nahulog, shaks! Nabasag pa!

"I'm sorry mr.linc" sinuri ko pa kung may malaking danyos ba sa snow ball. Sa tingin ko kasi kanya talaga ito dahil may L na nakalagay sa ilalim tapos may maliit na lalake sa gitna.

"Forget it! Just leave miss amira! I'm sorry I don't have right but please" tumayo ako sa higaan at tumalon.

Mas malambot pa yung sa kanya. Did ate zai really personalized these for him? Naririnig ko din sa mga katulong eh naiinggit nga sila! Ako din! I didn't noticed this place before, I just thought this is also an storage area.

"I won't do anything promise"

"Kahit na! Lumabas ka! Every--WE are on our day off I can't watch you this time!"

"Ano ba ginagawa mo?" tanong ko sabay nguso dun sa ginagawa niya kanina. Napatingin din siya doon.

"Leave" malamig na sabi niya at binuksan ang pinto para sa akin.

"Nooo~" napakamot ako sa batok at mangiyak ngiyak na tumingin sa kanya "Ayoko sa labas, wala akong magagawa dun"

"I still have works to do"

"Then do it, matutulog lang ako dito" inayos ko muna ang mga unan at humiga na.

"I'll just leave" nakapikit akong tumango tsaka inayos na ang kumot para makatulog agad.

"Okay just leave the door open" unti unti akong dumilat nang bumukas-SARA ang pinto.

"Mr.linc?!" umayos ako ng upo dahil walang sumasagot sa labas.

Tumakbo ako papunta doon at mabilis na binuksan ang pinto. Paglabas ko mukha niya agad ang bumungad sa akin.

"Give me my day off miss amira" seryosong pakiusap niya kaya bumuntong hininga na lang ako at naglakad palabas.

"Mr--"

*BLAG* nagulat ako nang isara niya agad ang pinto. MALAKAS.

"I'll wait here mr.linc!" nakatayo lang ako dito. I'll just wait until he finish his works.

***

Minuto hanggang sa naging oras na hindi pa rin siya lumalabas, buuusy siyyaa!!

"Mr.linc are you done?" tanong ko at kumatok lang ng isang beses para hindi siya madisturbo.

"Where are you going? Hmm?" tumingala ako nang bumukas yun at malakas na pabango agad ang bumungad sa akin. Humarang ako sa harap niya at ngumiti.

"Somewhere" maikling sagot niya. Pwersahan niya akong pinatabi!!!!!

"Can I go with you?"

"No" nakaakyat na kami sa sala at saktong nakita ko ang mga minions na nakaupo doon.

"Mr.linc sige na~ sandali ka lang diba?"

"No"

"Pupuntahan mo ba si ate?"

"No" malapit na siyang makalabas pero biglang may pumasok. Tinignan lang nila kami kaya kumunot ang noo ko.

"Who are you?" tanong ko dahil dumiretso lang sila paakyat ng hagdan. Maski si mr.linc napatigil din. Mga nasa walo sila. 4 babae at 4 lalake pero mukhang below age sila sa akin.

"Kaibigan kami ni nathalie" nakangising sagot nung babaeng ang kapal ng make up.

"You can't enter this house without papá's consent!" sigaw ko pero dumiretso pa rin sila. Naglakad ako papunta sa dining area kung saan si nathalie, nakita ko siya kanina "NATHALIE!"

"What weirdo?" tanong niya habang naglalagay ng chips sa bowl.

"Nat, papá will not like it kapag nalaman niyang may dinadala ka dito. Ask his permission first before you proceed" ayos lang sana kung doon sila sa may pool area kaso doon pa sa taas na sobrang pinagbabawalan.

"Huwag mo nga pakialam ang buhay ko! Psh!" tinulak niya ako sa balikat at pupunta na sana sa refrigerator nang hilahin ko siya palabas "ANO BAAA?!! AHHH!!"

"We will call papá" nakarating na kami sa sala kung saan ang telephone. Hinawakan ko ng mabuti ang braso niya para hindi makatakas.

"WEIRDO!! AHH!!" pilit siyang lumayo habang nagtitili. Yung mga minions nakatingin lang sa amin.

Napatigil ako nang maalalang hindi ko alam ang number ni papá.

"Do you know his number there? Or the hospital?" tanong ko sa mga minions. Umiling sila kaya tumingin ako kay nathalie na nakaalis sa kamay ko.

"Kung may problema ka! Wag kang mandamay!! Sandali lang naman kami dito tsaka naiinggit ka kasi wala kang kaibigan niisa!" tinignan ko lang siya dahil mukhang maiiyak na.

"I am concern with papá's consent nat, ask him first before you proceed" kalmadong sabi ko.

"Sandali nga lang kami!!"

"Remember papá's rule no. 16 wait for his permission--or I can go with you, titignan ko lang kayo"

"Ahh!" nagulat ako nang hilahin niya ako sa buhok at mabilis na inuntog sa may telepono.

*blag* napahawak ako sa gilid dahil umikot bigla ang paningin ko. Sinuri ko ang noo ko dahil sa konting basa. D-dumudugo ang kanang kilay.

"You're too unfair!! Pinapayagan ka ni papá tapos ako hindi?! Wag na wag mo talaga subukang magsumbong!!"

"I won't" mahinang sabi ko dahil patuloy lang ang paglabas ng dugo. Hindi naman ganoon ka lala pero mahapdi.

Tinignan ko lang si nat na umakyat sa taas. Hindi ko mauutusan ang mga minions na magbantay sa taas dahil nakaday off nga sila. Napatingin ako kay mr.linc na lumapit at hinawakan ang kilay ko.

"A-aray"

"Kunin niyo ang first aid kit dali" hinila niya ako paupo sa sala pagkatapos utusan ang mga minions.

"Mr.linc may lakad ka pa" paalala ko habang sinusuri niya ng mabuti ang sugat. Hinarang pa niya ang hintuturo para hindi tumulo sa mata ko ang dugo.

"I don't even want to get fired because I left you wounded!" may halong inis na sabi niya kaya yumuko ako. I-I-I know I'm just a pain to their heads. 

"I'm sorry mr.linc"

"Can you please next time kapag nasa day off kami huwag kang gumawa ng kung ano ano!!" inabot na sa kanya ang kit. May kinuha muna siya doon at mabilis na inangat ang mukha ko.

"Ahh!" napadaing ako dahil agad niyang nilagay sa sugat ang cotton, diniinan niya pa! Hahawakan ko na sana yun nang tabigin niya ng malakas ang kamay ko.

"Stop so I can finish this quickly!" tumahimik na lang ako at humiga sa likod ng sofa. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya habang ginagamot ako. Ngumiti ako kaya tumingin siya doon tapos sa mga mata ko.

"Can I go with you now?"

"No" umiwas siya at nilagyan na ng bandage ang sugat.

"But I want to go out~"

"I said no. I'll go now" tatayo na sana siya nang may marinig kaming sasakyan sa labas. May pumasok na mga armadong lalake at dumiretso paakyat ng bahay.

"Wait! Just leave them" sabi ko at naunang tumakbo sa kanila.

"I'm sorry miss but we didn't receive any sign of response from sir alejandro" sabi ng head nila. Alam kong pinadala sila ng mga operator ng cctv dahil bago nga kasi ang pumasok plus wala pang pasabi sabi si nathalie.

It's NAT, kahit nandyan siya sa tabi ng mga kasama niya at kapag walang salita kay papá, gagalaw talaga to sila. She thought it is okay because I, ate and kuya used to do it before, but this time it's NAT!! Bata pa rin siya sa paningin namin kaya wala siyang masyadong access dito.

"They had my permission at least?" inangat ko pa ang mga kamay ko.

"Miss don't block our way they might be a threat, let us get them" nilampasan na nila ako kaya bumalik ako sa tabi ni mr.linc na nakatingin lang.

"I'm sorry mr.linc, I think you can't go outside this time"

"ANOO BAAA!?!" rinig kong sigaw ni nathalie.

Sumunod din ang mga kasama niya. Pwersahan silang pinababa. Naawa ako kay nathalie na umiyak na talaga.

"Tawagan mo agad si papá para pakawalan nila kayo" paalala ko nang ilabas na sila. Pumasok naman yung ibang security at naghiwahiwalay sa buong bahay.

"Search the area, don't let anyone leave this place" unti unti akong humarap kay mr.linc na blangko lang ang ekspresyon na tumingin din sa akin. Umiwas na naman siya at naglakad pabalik sa kwarto niya.

LINC'S POV

Sinara ko ng malakas ang pinto at napakuyom na lang. She's a piece of sh*t. Mauudlot pa ang pagpunta ko kina cj. They've noticed that bea went to the hospital--she keep on going in and out from that hospital!

Lumalayo na sila sa galaw nila kaya doon ako naiinis! Nalaman nilang may koneksyon sina bea at mama sa kanila kaya gusto ko lang silang kausapin tungkol dyan dahil pati sila binantayan na nung dalawa.

"Mr.linc I'm sorry" hindi ko siya pinansin at humiga lang.

I know that I should not worry too much about them because they know their line especially to our family background.

Dahil lang naman to sa kanya bakit umiinit ang ulo ko! She made everything complicated to me.