webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
71 Chs

CHAPTER 17

AMIRA'S POV

Nakahawak siya sa magkabilang braso habang pinapakiramdaman din ang leeg ko. Sasandal na sana ako sa gilid nang buhatin niya ako.

"Anong nangyari?!!" niyakap ko ang sarili nang makaramdam pa ng sobrang lamig. Lahat ng parte ng bahay nakaaircon! Napatingin ako kay yaya na nilaglagyan ako ng kumot.

"Are you nuts?! She's burning like hell! Don't you know that????!" hinawakan din nila ang noo ko at biglang tumakbo sa kung saan. Naglakad si Mr.linc paakyat kaya hinarangan agad kami ni tita elisa.

"Saan mo siya dadalhin?!! I didn't told you to help her!" napatingin din ako kay ate zaira na biglang sumulpot sa kung saan.

"Wait!! Let him do it!! From now on he will also be stupid's PERSONAL bodyguard and everything will be on his decision on how he will handle stupid!!"

"What?! No!! Sundin niyo ang sasabihin ko dahil ako--"

"What?!! Ako ang legal dito!! Hindi uobra yang mga kinuha mo!! Ako ang masusunod dito!! Right mom?!" hindi na sila pinansin ni mr.linc at bumaba na sa basement.

*cough*

"Ma!" inihiga ako ni mr.linc sa maliit na higaan at tinawag si nanay. Napapikit ako dahil hindi ko na kaya.

"Nandito na kami!!" lumapit na sina yaya sa akin at inasikaso ako.

***

*cough* napaiyak ako dahil sa sakit ng lalamunan ko. Anong nangyari? Arghh ang sakit ng buong katawan ko! Para akong sumabak sa away! Ang sikip sikip ng buong katawan ko na ewan!!

*sobs* sobrang bigat ng pakiramdam ko to the point na hindi ko kayang bumangon magi-sa.

Dahan dahan akong lumingon sa maliit na ilaw mula sa labas ng bintana. Umiiyak lang ako habang nakatingin doon.

"A-ang l-lamig" mahinang sabi ko kaya napatingin ako sa taong lumapit at inayos ang kumot na hanggang leeg ko. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko siya masyadong naaaninag mula dito.

"M-ma~" humarap ako sa kesame at hinayaang tumulo ang mga luha sa mukha ko.

"Hmmm?" inangat niya ako ng konti tsaka may pinainom. Dahil sa pagyuko niya tuluyan ko na siyang nakilala.

"A-ace?" tawag ko. Inayos na niya ulit ako sa pagkakahiga at nilagyan pa ng isang kumot.

"Non allucina"

*pak* nagising ako dahil sa matinding kati sa braso. Nilibot ko ang paningin at nakitang medyo padilim na ang labas sa bintana.

*cough* dahan dahan akong umupo at inayos ang kumot sa harap. Hindi na masama. Hindi na din masyadong mabigat ang pakiramdam ko. Tumingin ulit ako sa bintana at napatulala na lang.

Ace.

"Ace?" tumuwid ang likod ko sa naalala. Si ace tama!! Panaginip ba yun??? Sana hindi!! Kailangan kong kumpirmahin!! Inayos ko ang nighties at kinuha ang maitim na blazer na nakasabit sa likod ng upuan.

"Sa likod muna tayo" mabilis akong nagtago sa likod ng pader nang marinig ang boses ng mga minions.

Nakita ko silang naglakad palabas ng bahay kaya maingat akong naglakad ulit para hindi nila ako mahuli. Nakarating na ako sa taas at tinungo agad ang kadalasang tinutulugan ni ace kapag nagoovernight siya dito.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng master's bedroom. As I remember, sampung beses na niya dito ngayon kaya pleasure sa akin na napupunta siya dito. Kahit si ate o kuya ang pinupunta niya dito blessed pa rin ako kasi nakakapunta ako sa kwarto niya at natitigan ko siya habang natutulog.

"H-huh?" napaayos ako ng tayo nang makitang walang ace sa loob--

*click* mabilis akong pumasok sa loob at sinara ng konti nang makitang bumukas ang pinto ng kwarto ni ate zaira.

"Subukan mo din kaya ang gusto ng papá mo, ang sama mo naman sa kanya"

"Stop it ace haha"

"What?~ I'm just telling the truth hahaha"

"Pasalamat ka mabait ka sa akin ngayon kaya hindi kita papalayasin dito"

"Lalabas ka din naman kasi lalabas tayong dalawa"

"Haha let's go, that stupid might see us alam mo naman yun may gusto sayo kaya ayoko ng makakita ng baliw dito. I still need to clean my image to her" napaface palm ako at nagtago pa sa likod ng pinto nang dumaan sila. Alam niya??? Hindi pa ako nakapagconfess may nagsabi na!

Lumabas ako dahil wala na akong marinig na yabag ng paa. Nakatingin lang ako sa dinaanan nila at unti unting napangiti.

"Kyaaaa" mahina akong napatili at nagtatalon sa kinatatayuan. It's not a dream~ he took care of me~ he cared for me~ sumasayaw lang ako nang biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni papá.

"Wala dito" rinig ko pang sabi nung isa. Ngayon ko lang sila nakita.

Sa kabilang direksyon sila dumaan kaya sumunod ako at pumantay ng lakad sa kanilang dalawa. Hindi naman siguro sila masamang tao? They can't enter papá's room unless they hold his room card to open the door.

"Who are you looking for?" magalang na tanong ko. Napatigil sila kaya tinitignan ko sila mula ulo hanggang paa. They are also wearing clothes like how Mr.linc dressed himself. Nakapanlakad lang at hindi sinusunod ang clothing attire ng mga bodyguards na meron kami but they are wearing earbud as what every guards should have.

Ngumiti ako sa kanila dahil parang hindi na nalalayo ang edad naming tatlo. Bigla silang yumuko kaya sinundan ko lang sila ng tingin.

"We are hired by Mr.smith to watch his room"

"Ay ganun ba? then where are you going?"

"He called us"

"Ahhh okay sige ihahatid ko na kayo sa baba" bigla naman silang umayos ng tayo at sabay na tumingin sa akin.

"Do you have something to do with us miss?" umiling lang ako. Hindi ako pwedeng makita ni tita dito sa itaas.

"Ah wala naman"

"You can go to your room miss" palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Maya maya pa ay gulat akong napalingon sa likod nang makarinig ng yabag ng paa.

*sigh* Akala ko si tita na! Si mr.linc lang pala!! Nakatingin lang siya sa mga kasama ko habang naglalakad palapit sa likod ko.

"Who--who are they?" tanong niya kaya humarap ulit ako sa dalawa, bakit sila nagtitigan?

"Ihahatid ko lang sila pababa" sagot ko dahil hindi ko din naman sila kilala.

"We will go now" naglakad na sila palayo kaya sumunod ako. Sinubukan pa akong pigilan ni mr.linc pero nilampasan ko lang siya.

"Bago kasi kayo dito kaya lahat ng sulok ng bahay na to may cctv, baka mapagkamalan kayo nung taga monitor nun na magnanakaw hahaha mahirap na" natatawang pinagmasdan ko lang sila nang ilibot nila ang tingin--wearing their look like 'kung meron nga bang nakalagay' pati si mr.linc nilibot din ang tingin, he don't know?

"Tsk wala naman" napatingin ako sa isang lalake na parang may binubulong pero halos hindi ko na marinig.

"Let's go" yaya ko at tinungo na ang daan pababa. Nakarating na kami sa main door kaya huminto na ako at kumaway sa kanila na dumiretso lang palayo.

"Mr.linc where's tita?" humarap ako kay mr.linc na nakasunod lang sa likod ko.

"They all went outside with the other maids" ngumiti ako ng malaki sa kanya nang maalala ko na naman ang tungkol kay ace. Sarap talaga tumili! Kumunot naman ang noo niya kaya mas lalo pa akong kinilig dahil sa isipang ikukwento ko sa kanya.

"Guess who took care of me last night?" tanong ko habang abot tenga ang ngiti at napapasuntok sa ere.

"Davvero?(Really?)"

"Ace! He took care of me~ he took care of me~ yiiee" hindi siya kumibo at napamulsa pa kaya tumigil agad ako. Pinagmasdan ko siya tsaka unti unting nawala ang ngiti.

"He can't speak italian" bulong ko 'Non allucina' means don't hallucinate. Italian na walang kaalam alam si ace tungkol sa lenggwahe. Sumama ang mukha ko at napanguso. Tumalikod siya at naglakad na palayo.

"I'll pretend that WE don't know" sabi niya kaya hindi na talaga maguhit ang mukha ko! Umasa ako~

*CRACK* gulat kaming napalingon sa bintana nang may nagbato nun. Nabasag at tumilapon sa bandang harap ko ang mga bubog. Kung hindi ako nagkakamali sa nakikita ko bilog na bakal ang binato dahil pati tiles ng sala umingay.

*wiwiwiwiwiw* tumunog na ang alarm ng bahay kaya tinignan ko si mr.linc na tumatakbo papunta sa akin habang nakahawak sa earbud niya.

"Cover yourself miss amira" tumango ako tsaka umupo at nilagay sa ulo ang mga kamay.

*CRACK* sumunod pa ang isang bintana kaya humakbang pa palapit si mr.linc para itago ako sa likod niya.

"Sh*t I'm still here"

"Nandito din ako! W-what's happening mr.linc???"

*BOOOOOM*

"Ahh!" tumili ako nang may malakas na pagsabog sa labas pero medyo malayo ang ingay. Pumasok na ang mga minions at mabilis akong pinalibutan.

"Miss amira get down!"

"May nangyayaring engkwentro sa kabilang bahay" maya maya pa ay nawala na ang pagbato sa bintana. Tumahimik na ang paligid. Bakit may sumabog sa labas?!! Waaa kakatakot!

"Let's call a cops!!"

"Wag, problema yan sa kabilang bahay, huwag na tayong makialam sa personal na problema nila" sabi ni mr.linc kaya bumalik ako sa pagkakaupo.

"May dadating ding tulong dito mamaya. Nakikita 'to ng operator ng cctv kaya tumawag na yun sila ng backup"

"No way"