webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
71 Chs

CHAPTER 14

AMIRA'S POV

Iniescort na kami ngayon ng event organizer papunta sa venue ng party ni nat. Nakasunod lang sa akin sina minions at yaya pero wala si mr.linc!! Hindi na nagpakita sa akin simula nung makauwi kami! Nagtago na ata dahil ayaw niya suotin ang prince costume niya!!

"Maam nandito na po tayo" sabi nung babae kaya binuksan na ng minions ang pinto para sa akin.

*gasp* pagkapasok na pagkapasok ko tinginan agad ang sumalubong sa akin. Tinitignan nila ako mula ulo hanggang paa. Yung iba natatawa pang tinuturo ako.

"Miss amira dito po tayo" hinarangan na ang mga minions kaya sumunod na lang ako kina yaya at pumunta sa round table, yung tatayo ka lang, ganun.

"O.m.g ilayo niyo yung red carpet baka ilipad niya ang lugar na to hahaha"

"Hahaahaaha!!"

"Why is she wearing like that?!"

"Diba yan yung palaging kinikwento ni nath na weirdo niyang half sister??"

"Omy baka nga!!"

"Dami nakapalibot sa kanya gaash baka mga psychiatrist niya yan? Hahahahah" bumuntong hininga lang ako at tumingin sa pagkain.

"Huy special! Bakit ka nakasuot ng ganyan?!!" mahina pero galit na tanong ni ate zaira nang makalapit sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko kaya tumingala ako sa kanya.

"Is there something wrong with my outfit?" gusto ko lang maiba! Pare pareho naman silang lahat ng suot. Dress. Cocktail tsk!

"Malaki!! Nagpapahiya ka lang dito!! Go home!!"

"No!~"

"Wag na wag kang magtatagal dito!! Umalis ka agad!! Arghh!!" umalis na siya kaya tinungo ko na ang cr.

"Huuuy weirdo!!! Late ka na nga nilalapastangan mo pa ang debut ko!!" napatingin na naman ako kay nathalie nang salubungin niya ako.

"Hahaha nathalie was right, she's weird" bulong pa ng kasama niyang babae. Hindi ko sila pinansin at pumasok na sa cr. Nagpaiwan na sa labas sina yaya.

"Anong problema dito?" tanong ko sa sarili habang tinitignan ang suot. Kitang kita yung tiyan--wait baka naiinggit sila dahil ang sexy ko? Psh!

Inayos ko na lang ang buhok kong naka crown braid tsaka pumasok na sa isang cubicle at umupo. Dito lang muna ako dahil panigurado puro pangungutya lang ang maririnig ko.

"Where the hell did she get that idea. Nasaan si aladdin??? Hahahaha"

"NOO baka naglayas si aladdin dahil narealize niyang adik si jasmine pfffttt hahahahaha"

"Haha you're so matalino!! I remember nung debut din ni zaira nagpahiya lang din siya hahaha"

"Talaga ate joan?!!~ Si ate zaira at kuya ethan maayos naman sila haaay sayang lang taken na si ethan kyaa!!!" nakarinig na ako ng pagbukas-sara ng pinto. Bumuntong hininga ako.

"Pati dito meron din" lumabas na ako ng c.r at naglakad. Bahala na!

"Ahm miss pwede papicture?" napatingin ako sa grupo ng mga kabataan. Ngumiti lang ako sa kanila kaya pumwesto na sila sa tabi ko habang yung isa ang taga-picture.

"Ayos bro! Jackpot!!" natatawang nagkibit balikat ako. At least may nagustuhan ang suot ko ngayon hehehehe.

"Ladies and gentlemen, I would like to inform you that after we eat there's a game" sabi ng emcee kaya pumunta na ako sa mga pagkain.

"Amir!" nagulat ako nang may tumawag sa akin.

"A-a-a-ace???" kinabahan ako nang maglalakad siya palapit sa akin. Si ace nga!! Ang gwapo! Bigla niya akong inakbayan kaya napahawak ako sa pisngi. Kung nandito lang si bea!!!

"How are you??" naglakad kami papunta sa isang table kung saan nandun si ate zaira.

"Fine, ikaw?"

"Same as yours, join us" ngumiti ako sa kanya at tinitigan lang siya. Shaks pogi talaga. He is kuya's closest friend too. Matagal na din kaming magkakilala like dunkan pero siya talaga yung crush ko.

Napatingin ako kay dunkan na nasa tabi ni ate zaira, kumaway siya sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Why did you brought her here ace?! Nakakahiya siya" yumuko ako sa sinabi ni ate zaira.

"Nah hindi ka pa nasanay kay amir" natatawang sabi ni ace. Napangiti naman ulit ako "So amir I heard that you will be also the future holder of smith's corporations?"

"A-ahh h-hindi naman" nauutal ako sa kanya!! Nakakakilig naman kaseeee!!!

"Naku! Dapat pumasok ka na sa workshop para magkatrabaho na tayo" tumuwid ang likod ko at tumingin ng diretso sa kanya. M-magkasama na kami kapag mapapasa na sa akin ang kompanya? Reaalllyyy????!!!! Ngumiti lang ulit ako sa kanya kaya tinap niya ang ulo ko na usually ginugulo niya.

"I-I'll try hehehe I'll help a-ate zai" hinawakan siya ni ate zaira sa balikat at pinaharap sa kanya tsaka may sinabi tungkol sa business. Sayang! 

Kumakain lang ako habang pinagmamasdan si ace na nakaakbay pa rin sa akin. Posible yung sinabi ni ace! Pwede kaya?!! Tatanungin ko si---

*GAASP*

"The prince is coming kyaaaaa!!!"

"Where's the princess?!!!"

"The prince is killing me!!"

"Buuuurn he's so hot!!! He's getting us kyaaaa!!!" tumalikod ako at kunot noong hinanap yung hinihiyawan ng mga babae. It must be?

Inalis ko ang pagkakaakbay ni ace sa akin dahil hindi ko alam kung saan ako kinikilig, kung sa akbay ba niya o sa NAPAKAGWAPONG PRINSIPE na naglalakad papunta sa direksyon ko!!?! Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto na siya sa harap ko. Mr.liiiiinc~

"L? Seriously??" humarap ako kay ate zaira at ngumiti sa kanya.

"Hehe I told him to wear this!"

"Huwag mong dalhin sa iba ang pagiging special mo amira! I know you threatened him or what!" hindi na ako sumagot at sumenyas kay mr.linc na pumunta sa tabi ko.

Bumalik ulit sa dating gawi ang lahat kaya napapatingin na naman ako kay ace na nakahawak sa likod ni ate zaira habang masayang nagkukwentuhan. Ang close nila~ VEEEERY CLOSE!! Napapansin ko ding natitingin si ate kay dunkan at kay mr.linc!!

"Ah" napadaing ako nang masugatan ng serving knife ang dulo ng hintuturo ko.

Hindi ko yun pinansin at tulala pa rin habang tinitignan silang dalawa ni ate zaira na sobrang dikit na habang yung kamay tuluyan ng humawak sa bewang ni ate. That's--that's--ahhh!! That's too close! Walang nakapansin nun kaya pilit akong ngumiti kay dunkan na may kausap din sa tabi niya.

"Miss amira we have to cure this" napaangat ang tingin ko kay mr.linc nang hawakan niya ang kamay kong dumudugo.

"Ah oh sige" sumunod ako sa kanya na papunta sa pinakasulok nitong lugar. Umalis siya saglit kaya sinandal ko ang siko sa table habang tumitingin sa mga taong dumadaan. 

Kumunot agad ang noo ko nang may makita akong lalake sa labas ng bintana habang kumukuha ng litrato--sa direksyon ko? Kung photographer siya edi sana nandito siya sa loob? Mukhang napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tumakbo siya palayo. Ano yun?!!

"What are you looking at??" aalis na sana ako nang magulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mr.linc.

"Ahy! W-wala m-may nakita lang" umayos ako ng tayo para simulan na niya ang panggagamot sa sugat ko. Nakatingin lang ako sa kanya dahil parang hindi mapakali ang mga mata niya.

"Do you know who it is?" umiling ako kaya sumulyap siya saglit.

"I think he loo--" tinignan ko siya ng masama nang bigla niyang ipahid sa sugat ang cotton na may alcohol! Ang hapdi!

"Ladies and gentlemen, the mother of the debutant just arrive. Let us welcome madam elisa smith!" humarap na kami ni Mr.linc sa stage habang pumalakpak.

"Guest, visitors, friends and business partners, we are greatly thankful for your presence in this night. I am so sorry for being late in this important celebration but I will assure you that you will enjoy this party!"

*clapclapclapclap*

"Tonight my daughter just turned 18. I will give her the best gift she would have. I want my smiths to come here as they are also part of this gift" nakasunod lang ang tingin ng lahat kay nat habang iniescort siya papunta sa tabi ni tita. Sumunod din sina kuya ethan at ate zaira kaya susunod na din sana ako nang magsalita si tita.

"My apologies that my husband can't come here in front" ngumiti na lang ako at tinignan silang may inabot kay nathalie "As our youngest we would like to give this to her as she's in her legal age"

"A key?!! Wow thank you!!! Kuya!! ate!! mom!!" pilit akong pumalakpak kasabay nang pagbagsak ng balikat ko.

"I am also a smith, right?"

"Kyaaa swerte!!!" naghiyawan na ang mga tao kaya humarap na ako kay mr.linc tsaka pilit na ngumiti sa kanya.

"Anyway is this true mr.linc???" tanong ko tsaka hinugot ang sword sa gilid niya. Winagayway ko yun sa ere. Namamangha ako!

"Nah" tinignan ko yun ng mabuti at mukhang hindi naman totoo pero halatang gawa sa bakal.

"I am princess jasmine and you are blessed under my name as you became my faithful warrior hahaha" sinundot ko siya na tahimik lang habang nilalagyan ng band-aid ang hintuturo ko "Mr.linc makisabay ka nga sa akin!"

"Tsk" nilagay ko na sa tabi ang sword at tinignan ang buong katawan niya. Really! Bagay na bagay sa kanya! Teka n-nakita niya bang napanganga ako kanina?!! Turned off na ako tapos ganun reaksyon ko? Pwede bang bawiin??? Y-yung naturn off na ako??

"W-what's that?" tanong ko nang maagaw ng necklace niya ang atensyon ko. Hinawakan ko yun at tinignang mabuti ang pendant na pabilog. Para siyang coin pero iba ang nakasulat doon, hindi din naman siya italian kaya hindi ko talaga alam anong nakasulat.

"Tss"

"Can I have?? So amazing! Ang ganda! So unique!" nabitawan ko ang kwentas nang tanggalin niya yun at lumipat sa likod ko.

"Don't lose it" bahagya akong lumingon sa kanya na seryoso pa rin ang mukha.

"Thank you mr.linc!"