Ah wag na lang natin kaya ituloy Thiara…"
Napangunot-noo ako kay Candy, sa pagkakaalam alam ko ay siya yung mapilit sa akin kagabi na go lang kami para dito sa final project tapos siya ngayon ang sumusuko?
"Candy, andito na tayo at isipin mo nga na ikaw yung sobrang nagpilit talaga na ituloy eto."
Nag-pout sa akin si Candy tapos tumahimik na lang siya sa likuran ko.
"Ah good morning po ulit…" Napatingin ako dun sa lalaking mukha atang janitor ng cabaret. "Kami po yung galing sa review center at pinapunta kami dito ng professor ko for our final project. Pwede ka bang ma-interview?"
Yung si Kuya Janitor parang nagdadalawang-isip, tumingin muna siya sa likuran niya tapos sa buong paligid at marahang tumango.
"Bilisan lang natin mga miss dahil baka dumating si Madam…" Mahina niyang bulong sa amin sabay pinaupo niya kami sa mga upuan.
"Thank you po at pasensiya na dito sa malaki naming abala.." Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya rin ako ng ngiting mukhang nababalutan ng kaba at pagkatakot. Bakit kaya? Siguro natatakot talaga siya dun sa sinasabi niyang madam kanina…
"Ako nga ho pala si Thiara Marielle Walton at siya naman ho yung kaklase at kasama ko sa project si Candy Versoza."
"Ako naman si Tanny Malusdos, matagal na akong waiter dito sa cabaret mga pitong taon na. Tungkol nga pala saan yang proyekto nyo?"
"Tungkol ho sa pag-alam namin sa buhay ng mga taong nagtratrabaho sa isang Cabaret. Manong Tanny na lang ho ang itatawag namin sa inyo kung ayos lang po?"
Tumango si Manong Tanny at bahagyang ngumiti sa amin. "Unang tanong ho Mang Tanny kailan ho ba na-"
Napahinto si Candy sa pagtatanong at para naman nanigas yung katawan ni Manong Tanny dahil sa umalingawngaw na malakas na sigaw.
"Tonta! Tanny!"
Napatayo si Manong Tanny at mabilis na kinuha yung basahan sa katabing lamesa. Napatingin kami sa paparating na dalawang anino. Ewan ko pero parang nagsitaasan lahat ng balahibo ng katawan ko.
"Thiara umalis na kaya tayo dito…" At hinihila na ni Candy yung sleeves ko, ako naman parang nanigas na ako sa pwesto ko.
Unti-unting papalapit na sa amin yung dalawang anino at yung bibig ko biglang nagbukas tapos napatikom. Kaya naman pala natatakot si Manong Tanny sa tinatawag niyang Madam eh katatakot-takot talaga yung hitsura niya!
Napatingin siya sa aming dalawa ni Candy at ako naman napalingon sa kasama niyang lalaking napakalaki ng katawan!
"Tanny, tonta ka talaga... Ano na naman ba ng pumasok sa kokote mong bobo ko at nagpapasok ka ng mga tao dito?"
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nung taong nasa harapan ko na natatakpan ng makakapal na kolorete sa mukha at nakasuot ng pambabaeng damit na napakaraming kulay at disenyo na sobrang nagpahapit sa mataba niyang katawan.
"Ah Madam kasi…"
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa kaharap ko. Sa lahat ng baklang nakita ko sa buong buhay ko ngayon pa lang akong sobrang natakot.
"Magandang umaga ho, huwag nyo na hong pagalitan si Manong Tanny actually kasalanan ho namin…"
"Tanny umalis ka ngayon sa paningin ko kung ayaw mong maimbyerna! Dali!" At mabilis na tumakbo si Manong Tanny na nangagatog pa yung mga paa niya patungo dun sa pinanggalingan ni Madam at yung malaking tao na kasama niya.
"So what brings you here, you two good looking girls? Unfortunately I am more sexy and hotter than you two!"
"Ah andito ho kami para sa interview at-"
"Sa pagiging worker nyo Madam…"
"Madam Butterfly, so kayo pala yung pinapunta dito ni Ramon para magtrabaho para ngayong gabi para sa project nyo?"
Napatango naman kami ni Candy at si Candy mukhang masaya pero ako may iba akong nararamdaman, parang ayoko yung pagkakasabi niyang magtratrabaho…
"Well you can do any interview to any of our workers here not until you do not agree with my terms."
"Terms? Ano pong terms?"
"Well, katulad nga ng sinabi sa akin ni Ramon ako na raw ang bahalang magbigay sa inyo ng trabaho at tutal naman once in a lifetime experience nyo itetch! Ibibigay ko na sa inyo yung naisip ko agad na trabaho na talagang babagay sa inyo."
Tumahip yung dibdib ko at bigla akong kinabahan sa mga narinig ko.
"Ano pong trabaho yun?"
Ngumiti si Madam Butterfly at bahagyang hinawakan yung mukha ni Candy at pagkatapos nun ay hinawakan niya yung balikat ko.
"Dahil andito na kayo, wala na etong atrasan, alam kong kailangan na kailangan nyo eto kaya alam kong hindi kayo aalis dito o kaya tatakasan ako bilang worker of my day or should I see, dolls for the night?"
Lalong tumaas yung balahibo ng katawan ko. Sinasabi ko na ayoko ng trabahong ibibigay niya. Oh My God! Ano ba etong napasukan ko?
"What do you mean by that Madam Butterfly?" Excited at parang tuwang-tuwa pangwika ni Candy.
'Well my dears, you will be my special flavors for tonight…"
KEANNE'S POV
Katatapos lang namin sa napakahirap na pinagawa dito sa Camp John Hay at malapit ng mag-alas nuwebe ng gabi. Tapos na rin ang task namin bilang soldier for a day, napaupo ako sa locker room at naalala ko bigla si Thiam. Kumusta na kaya siya?
"Hello honey, tapos na kami, kayong dalawa ni Keira kamusta?"
Tinapik ko yung balikat ni Kendrick at tumabi ako sa kanya na mukhang kausap si Nancy.
"Ah okay pupunta na ako diyan para sunduin kayo. Is Thiara there?" I hope Thiara is with them.
"Ano? Nasaan siya?"
Napatingin ako bigla kay Kendrick na bahagyang napasigaw. Mukhang may nangyari kay Thiara. Naku hindi ko mapapatawad kung meron. Shit!
Inagaw ko yung cellphone ni Kendrick…
"Hello Nancy, si Thiara nasaan siya?" Napakamot ako ng ulo dahil sa sobra kong kaba.
"Why should you not say? What if something will happen to her there?" Nanginginig yung mga kamay ko sa sobrang halo ng emosyon na nararamdaman ko.
Binalik ko yung cellphone ni Kendrick sa kanya at mahinang bumulong, "If ever something will happen to Thiam I will never forgive myself! Shit!"
Napatingin sa akin si Kendrick at hindi niya na ako napigilan kung kinuha ko yung jacket ko at malakas na binagsak yung lock ng locker ko.
END OF KEANNE'S POV
Always be waiting
Always be waiting for you
I'm your savior into pieces
Take me with you tonight
It's all over when I'm with you
I'm your savior tonight
I'll be by your side
-Die Happy
"Can we just not continue this?" Napatingin ako kay Candy na patapos na sa pagmamake-up samantalang ako magulo pa ang buhok, wala ni ano man make-up sa mukha at halos nakakalahati pa lang ako sa pagsuot ng costume ko.
She put down the lipstick she's holding and stares at me. "Hope we can. Tulad mo kinakabahan na ako dito sa gagawin natin pero wala tayong magagawa, imposible tayong makatakas diyan sa dalawang goons na nasa pintuan."
Napasimangot ako, oo nga wala na talagang chance na makatakas kami dun sa dalawang lalaking ang lalaki ng katawan na nagbabantay sa amin.
Bumukas yung pintuan at ang tila nag-grand entrance pa ay si Madam Butterfly na ang garbo ng suot parang pang-Star Awards. Napangiti siya ng makita si Candy at ng napalingon sa akin ay napasimangot at bahagyang nangunot ang noo.
"You will be the next Candy kaya be ready. Bakla ka! Gustung-gusto ko yung ginawa mo sa sarili mo! Hindi katulad ng isa diyan…" Sabay tingin sa akin ng masama, hindi ko talaga gagawin yung gusto mo!
"Halika na Candy, darling ikaw na ang isasalang ko sa entablado at para makita naman ng mga papable diyan sa labas!" Hinawakan niya sa balikat si Candy at parang bata etong inakay palabas sa pintuan. Napahinto si Madam Butterfly at bahagyang may binulong kay Candy, tumango siya sa kanya at naglakad na eto, hindi ko alam kung diresto na ba sa stage o kung saan?
Tumingin siya sa akin at muling pumasok sa loob ng dressing room. "Hoy ikaw na malandi ka, ayusin mo yang hitsura mo! Ayoko ng intribida at ang arte dito! Pagbalik ko sana maayos na hitsura mo, tonta!" Pakembot-kembot siyang lumabas ng kwarto na sinundan ng pagsipol kuno ng dalawang goons.
Grr! Nakakainis! Napasalampak ako sa upuan at tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Maayos pala ang hitsura ha, tignan natin… At napangiti ako sa sarili ko dahil may plano akong naisip.
"Good evening mga papa! Ang daming gwapo ngayon ha! Naku tiyak na matutuwa kayo. Dalawa ang special flavors ko ngayon at sila ay sina Sweet Candy and si Princess Thiara! So gusto nyo na ba silang makitang gumigiling-giling sa entablado?"
"YEAH!!!"