webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Bücher und Literatur
Zu wenig Bewertungen
48 Chs

chapter 27

Eh di mabuti yun…" At pangiti-ngiti si Aling Susan habang naglalakad pabalik sa kusina. Bakit naman kaya?

"So what do we have to do today Thiam?"

Aba milagro! Masyado atang excited ngayon etong si Keanne ha. " We will have stretching exercises for today." Nagkasabay pa kaming dalawa na matapos kumain. Ang weird ng araw na eto…

"Aray! Sabi ng wag diyan…" Napatingin ako kay Keanne na nakataas ang kilay. "Ngayon ko lang nalaman na ang arte mo!" Sino ba naman hindi maasar sa lalaking eto! Paano ba naman medyo pina-stretch ko lang sa kanya ng konti yung kaliwa niyang paa kung makasigaw akala niya wala ko sa harapan niya! Buti na lang palang hindi physical therapist ang kinuha ko! Kalma lang Thiara…

"Hindi ako maarte, nagsasabi lang ako ng masakit sa parte na yun. Are you really a physical therapist?" Sapakin ko kaya etong lalaking eto! Tinatanong niya sa akin kung PT ako eh siya nga ang naglagay sa akin dun sa posisyon na yun! Bakit kasi hindi mo pa aminin sa kanya na psychologist ka hindi nurse at mas lalong hindi physical therapist! Hindi pa yung tamang panahon ngayon…

"For your information Keanne, ikaw ang nagtulak sa akin na maging Physical Therapist mo. Kaya sad to say, magtiyaga ka sa akin!" At sinamangutan ko talaga sabay hinga ng malalim.

"Ha ha..."

Napatingin ako sa kanya, ano naman kaya ang nakakatawa? "What's so funny?" At binitawan ko yung paa niya na nakapatong sa lap ko!

"Aray! Thiam you are being personal!"

"Eh ikaw naman ang may kasalanan! Ano bang nakakatawa? May dumi ba yung mukha? Mukha ba akong monster?" Teka anong monster eh siya yun! "Basta nakakainis ka..." At tinalikuran ko siya. Bahala nga siya sa buhay niya!

Naramdaman kong bigla niyang tinap yung shoulder ko.

"Alam mo Keanne kung mang-aasar ka pwede ba tigilan mo ko! Meron ako ngayon at pagna-high blood ako naku mas matindi pa sa sabog ng bulkan!" Sa totoo lang wala pa naman ako pero feeling ko malapit na. Excuse ko lang yun sa kanya para tigilan niya na ako. Akala ko pa naman kasi magiging okay na kami since yung nangyari kagabi. Hindi pa pala…

"Thiam…" Tinatawag niya ako pero matigas pa rin ako at nakatalikod ako sa kanya.

"Halika ka nga dito…" At hinila ba naman niya ako bigla papunta sa kanya. Ang nangyari dahil nagulantang ako ay napasubsob tuloy ako sa tiyan niya! In fairness wala siyang 'flabs' instead meron siyang 'abs'...

"Ano ba Keanne..." Naramdaman ko na lang na bumilis yung tibok ng puso ko at bahagyang hindi ako makahinga.

Ngumiti siya ng napatingin ako sa kanya. "Wag ka ng mainis. Hindi mo ba alam na nakakatawa yung mukha mo pagtuwing naiinis ka? Para kang nagiging gorilla..." Ano ba! Hindi ba niya talaga ko titigilan sa pang-aasar! Nakakainis na talaga siya! Akala ko pa naman na hihingi siya ng sorry! Hindi pala!

"Alam mo K-"

"Shhh…" At nilagay niya yung daliri niya sa bibig ko. "Ang daldal mo talaga but you know Thiam…"

Tinitigan niya ako bago ngumiti sa akin. The real smile of Keanne…

"I really adore you…"

I really adore you… Ano kaya iba niyang sabihin dun? Hindi kaya may crush na siya sa akin? Eh ikaw Thiara ano ba nararamdaman mo sa kanya? Siguro crush din… Ewan!

Napahiga ako sa kama ko. Alas-otso na ng gabi at katatapos lang naming kumain ng dinner. Pagkatapos niyang sabihin na he adores me ay natapos na rin yung session namin. Paano ba naman hindi na ako halos makatingin sa kanya ng diresto sa sobrang hiya at hindi ko alam yung sasabihin ko. Ang dila ng pagiging psychologist ko umurong sa mga panahon na yun.

Matutulog na sana ako dahil mula pa ako sa puyat ng naramdaman kong may malamig na hangin na dumaan sa katawan ko.

Bahagyang nanlamig ako at kinabahan... Bakit kaya? Huminga ako ng malalim para mawala yung kabang naramdaman ko. Wala naman siguro yun… Tinignan ko yung bintana, nakasarado tapos yung aircon low cool pa lang naman siya. Ngumiti ako sa sarili ko.

"Alaine… Wag mo kong takutin…"

Pinikit ko yung mata ko at tinaas ng bahagya yung kumot hanggang sa mabalot nito hanggang sa chest ko.

Konti na lang ay nararamdaman ko ng namimigat yung mga mata ko ng biglang…

***KRING***

Napamulagat ako agad at kinapa yung cellphone ko sa cabinet.

"Hello…"

"Thiara…"

"Ate Corrs?" Hindi ko inaasahan na tatawag siya, hindi ko kasi tinignan yung pangalan basta sinagot ko na agad. Natuwa ako ng narinig ko yung boses niya. Namimiss ko na sila…

"Ate napatawag ka… Kumusta na yung preparations nyo sa kasal mo? Sorry wala ako para tumulong at oo nga pal next week na pala yun. Kailangan na ba ako diyan?"

"Thiara…"

"Ate bakit? Did something happen?"

Kinabahan ako bigla kasi narinig ko yung paghinga niya ng malalim sabay iyak.

"Si Papa..."

When she cries (she cries) at night (at night)

And she doesn't think that I can hear her

She tries (she tries) to hide (to hide)

All the fears she feels inside

So I pray (i pray) this time (this time)

I can be the man that she deserves

'Cause I die a little each time

When she cries

She's always been there for me

Whenever I've fallen

When nobody else believed

She'd be there by my side

I don't know how she takes it

Just once I like to make it

Then there'll be tears of joy

To fill her loving eyes

-Restless Heart

KEANNE'S POV

What the hell came to my mind? Why did I said, "I adore her!" Keanne! Stupid! I sat down. Well, I couldn't sleep. I couldn't forget what happened early that morning. I should have said, "I like you…" But I didn't like Thiam… Okay I will admit this, I becoming to like her. Especially her smiles and the way she pouted her lips. They are just unique, interesting. What are you thinking Keanne? I sat down to my bed and looked at the watch beside my bed, it just nine in the evening. I'd better sleep to take away this troubling mind!

I sat down to the wheel chair and went out to my room. I need milk to make me sleep.

Just as I'm about to pass Thiam's room I heard sobs.

END OF KEANNE'S POV

"Ate anong nangyari kay Papa?"

"Thiara si Papa… PATAY NA SIYA…"

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone. Hindi… Hindi totoo yun… Naramdaman ko ulit yung malamig na hangin. Papa…

Kinagat ko yung labi ko. Hindi ko kayang pigilan… "Ate Corrs… Anong… Anong nangyari? Paano namatay si… Pa… Papa…" Napalunok ako at unti-unti ng bumabagsak yung luha sa mga mata ko.

"Katatawag lang sa amin ng matalik na kaibigan ni Papa sa AFP. Sinabi niyang sinugod ng Abu Sayyaf yung hide out nila Papa at isa-isa silang pinagbabaril."

"Hindi! Hindi totoo yan… Si Papa…" At napailing-iling ako habang iniisip ko ang karamal-dumal na ginawa ng mga taong yung sa Papa ko. Sa Papa kong walang inaatrasan, sa Papa ko na nakikipaglaban sa kapakanan ng nakararami, sa Papa ko na ang masakit kahit kailan ay hindi ko na makikita. Bakit may mga taong masama?

"Alam kong mahirap tanggapin Thiara pero kailangan. Tulad mo hanggang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari."

"Ate… Si Mama, kumusta siya?"

"Kasama niya si Kuya Tux at hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iiyak sa kwarto niya at nahimatay na nga siya kanina, buti na lang nasalo siya ni Kuya."

Ang kawawang si Mama tiyak sobrang sakit nun para sa kanya. Napapikit ako at pinunasan ang mga luha ko. "Please Ate paki-alagaan muna si Mama habang wala pa ako diyan. Magpapaalam ako kay Mrs. Lacey…"

"Sige alagaan mo rin ang sarili mo Thiara at parati kang mag-iingat..." At ng binaba na ni Ate Corrs, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulgol na ng tuluyan.

KEANNE'S POV

"Ate Corrs… Anong… Anong nangyari? Paano namatay si… Pa… Papa…"

Hindi ako yung tipo ng tao na mahilig makinig at makielam sa buhay ng ibang tao pero hindi ko alam kung ano ang tumulak sa akin na marahang buksan ang pintuan ni Thiam at sumilip.

Ng marinig ko ang sinabi niya at nakita ko siyang umiyak, naramdaman ko ang sakit na nasa puso niya ngayon. Hindi ako sensitive pero ng nakita ko si Thiam na parang mababaliw na kakaiyak, nasaktan ako. Ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng umiiyak.

Ang una kong gusto kong gawin ay lumapit sa kanya at yakapin siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Mas kailangan niya ang yakap at pagmamahal ng isang ina…

END OF KEANNE'S POV

"Sino yan?" Napaupo ako sa kama ko at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.

"Anak, si Aling Susan eto..."

Napatayo ako at agad na binuksan ang pintuan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko ng mahigpit si Aling Susan at umiiyak ulit.

"Anak, anong nangyari?"

"Aling Susan… Ang Papa ko po…"

Hinagod ni Aling Susan ang buhok at mahigpit din akong niyakap. "Tahan na Thiara…"

KEANNE'S POV

"Ma…"

"Oh Keanne I'm surprise to hear your voice. How are you?"

I couldn't think of anybody. I know I have to do this. I'm doing this for her.

"I called up because I need your help…"

I can see the pain living in your eyes

And I know how hard you try

You deserve to have so much more

I can feel your heart and I sympathize

And I'll never criticize

All you've ever meant to my life

I don't want to let you down

I don't want to lead you on

I don't want to hold you back

From where you might belong

You would never ask me why

My heart is so disguised

I just can't live a lie anymore

I would rather hurt myself

Than to ever make you cry

There's nothing left to say but goodbye

-Air Supply

"Okay na po ako Aling Susan." Napatingin sa akin si Aling Susan at binitawan niya ako. Napangiti ako, ang bait-bait ni Aling Susan. Mula kasi ng dumating siya kagabi hanggang ngayon alas-singko ng umaga ay hindi niya ako iniwan. Habang umiiyak ako at nakayakap ako sa kanya, nami-miss ko na tuloy si Mama.