"Hindi ko na po talaga kaya Mam! Ayoko na ho." Natatakot at mabilis na tumakbo si Nurse Farrah papunta sa akin. Kadarating ko lang. Kakausap ko lang sa kaibigan ko sa malapit na pay phone.
"Bakit ho? Anong nangyari?"
"Mam sobra na ho talaga siya. Hindi ko na siya makontrol baka mamatay ako na wala sa panahon."
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pang-walo na si Nurse Farrah sa kinuha kong magagaling at primyadong nurse dito sa Pilipinas pero wala pa rin nakatagal sa kanila. Mukhang maloloka na ako sa nangyayari. Hay naku dapat hindi ko maramdaman eto. Psychologist ka tandaan mo yan...
"Pwede ho ba kahit konting panahon na lang ho kasi mahihirapan po akong makahanap ng kapalit nyo."
"Wala na kayong mahahanap pa Mam... Wala na talaga makakatagal sa sama ng ugali niya! Walang modo! Bastos! Demonyo! >:(" Halos maluha-luha na siya. Naawa na ako pero wala naman akong choice.
Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya. Ang laking problema talaga niya! Kung bakit kasi pumayag ako dito… Kainis! Ngayon I'm suffering!
"Sige ho ganito na lang, mag-extend pa kayo kahit hanggang bukas. Dada-"
"Hindi na ako makakatagal na kahit isang minuto pa dito... Aalis na talaga ako at kahit na hindi mo na ako bigyan ng sweldo basta aalis na ako..." At parang kasing bilis ni Flash ang takbo niya habang pababa ng hagdan.
Each passing days, he's getting worse! Ano na ba talaga ang gagawin ko sa kanya?
Kung hindi lang sa kanila…
"Please take care of him for me. I know you will take good care of him like you did to me. You've been one of the closest people I have in this world."
"Pakiusap hija, may problema lang kami dito. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Malaki ang tiwala namin sa iyo dahil malapit kang kaibigan ni Alaine."
Napailing ako at wala na talaga ng choice. Mukhang kailangan ko na siyang harapin…
Pumasok ako ng kwarto niya at halos isang buwan na siya dito. At sa halos isang buwan na yun hindi ko pa siya nakita o nasilayan, ngayon pa lang…
Napalunok ako habang nakatingin sa anyo niya. Totoo pala ang sinasabi ng mga nurse na kinuha ko. "Mam nakakatakot ho talaga ang hitsura niya... Kung mas may nakakatakot sa monster siya na ho yun."
Ang gulo ng kwarto niya at parang kadadaan lang ng ilang tornado at hurricane dito. Pinulot ko yung kumot at ilalagay sana sa kama niya ng sa wakas nakita ko na siya.
"Ikaw na ba ang kapalit nung matandang hukluban? Ang bilis naman niyang sumuko..."
Hindi ko alam kung ano talaga yung dati niyang mukha pero masisilayan yung kagwapuhan niya kahit na may benda ang mukha at ang haba na ng buhok niya pati ang balbas. Ay! Bakit ko ba iniisip yun? Kanina lang sinabi ko na naniwala nga ako sa mga sinabi nila na mukha siyang monster tapos... Ano ba naman eto! Ang gulo ko!
"Natatakot ka din sa hitsura ko tulad nila. Dapat lang. :)"
"Alam mo hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanila at umalis silang lahat pero isa lang ang sasabihin ko, hindi ka uubra sa akin!" At mukhang desidido na ako, tatanggapin ko na ang: Ang pagiging nurse niya! Gulp!
Hindi talaga dapat ako matakot sa kanya! Sino ba siya?
"Tignan na lang natin…" At hinagis niya yung kumot sa mukha ko.
Naku! If this will be my worst nightmare, God must hate me...
Accept my sacrifice
Chorus:
You know that something ain't right
It's a sacrifice
Why must I pay this price?
Accept my sacrifice
Emptiness so full
I cap it off with expectations
A sight not to behold
I cover all in explanations
Chorus
It's a sacrifice
No no no no
It's a sacrifice a sacrifice
-Suicidal Tendencies
"Sandali… Ulitin mo nga yun sinabi mo? Tama ba ang narinig ko o nahihibang lang ako?"
Kung siya nga hindi makapaniwala, paano pa ako? Saan ba kasi galing yung desisyon na yun? That one very crazy idea!
"Ate Corrs, please isa lang naman yung hiling ko eh na sana hindi eto makakarating kay Ma."
Napaupo siya sa sofa at napatingin sa akin with her rolled eyes.
"Kanina sinabi mo lang na you will be a nurse with this guy na hindi mo naman kilala and now you want a favor from me? What happen to our dearest smart psychologist ha?"
Napaupo na ako sa harapan niya. In all of those people I knew ang hirap talagang mag-explain kay Ate Corrs! Nope hindi makitid ang utak niya but dahil nga isa siyang certified public accountant lahat sa kanya dapat liable ang reason. All may explanation. By the way, her full name is Corsage Anna Prieta Walton. Nice name di ba? She is my only sister and she will be married soon to Mr. Arnulfo Rivales, a known business man who has lot of different food franchise in our country.
"Ate please naman, for your only little sister, secret natin eto. Alam mo naman na ayokong magalit si Ma sa akin lalo dito sa gulong napasukan ko."
"At ano naman yung gulo na yun Thiara?"
Sabay kaming napatingin ni Ate Corrs sa dumating. Hala lagot si Kuya Tux!
Nakatingin siya sa amin at alam namin parehas ni Ate na sa mga ganitong tingin niya, we need to explain a fully length explanation.
"Just leave it to me, ako na ang bahalang mag-explain sa kanya but I will not promise na magugustuhan din niya yang ginawa mo." At lumapit na siya kay Kuya at nag-usap na sila.
I just sat on the sofa and sigh deeply. What the hell I am thinking awhile back there? Bakit ko ba kasi naisip na maging nurse nung monster na yun?
Oo nga pala bago ko makalimutan, the guy who just came was my only brother. His name is Tux Rye Jonathan Walton. Kung si Ate Corrs sobrang hirap paliwanagan si Kuya Tux namin ang hirap talagang pakiusapan as in talaga... He is an ultimate bachelor. He is 34 years old and still single, he is not playboy but he is a one good hunk! Siyempre ba naman kapatid ko yan!
"Ano bang pumasok diyan sa utak mo ang nakapagdecide ka ng ganun?"
Sinasabi ko na nga ba… Hooh kaya ko eto…
"Kuya please, ngayon lang ako nakikiusap sa iyo, wag nyo na akong pigilan. I did this not for me but for Alaine. Alam nyo naman na she's one of the very close person I had maliban sa inyo."
Napakamot siya ng ulo at alam kong naiinis na siya sa akin.
"Bakit ba kasi napasok ka sa sitwasyon na yan? Sabihin mo nga napasubo ka ba?"
Tumango ako sa kanya. I have no choice na talaga.
"Sinabi ko na nga ba!" At tumalikod siya sa amin. Lumaka-lakad siya then he look at both of us.
"Alam namin na hindi ka na namin mapipigilan. You have a decision pero eto lang ang sasabihin ko sa iyo Thiara, you're decision will change the career ahead from you." Mukha nga… Sorry psychology, kakalimutan muna kita pansamantala. Hay...
"Malaki ka na, you are 23 years old and you should now be a certified psychologist but I think you want that to slip away. We will not say this to our mother but we cannot promise that your secret will not reveal."
Tumango-tango ako sa kanya. Naiintidihan ko si Kuya. Siguro nga tama siya pero wala ng bawian yung napagdesisyunan ko.…
"Thank you Kuya Tux."
"Basta paghindi mo na kaya ang pagiging nurse mo sa kanya, tigilan mo na yan. Ayaw namin tuluyan mawala ka sa limelight ng pagiging psychologist mo."
"Thank you Ate Corrs." At niyakap ko siya. One problem solved… Well, the sure thing is I just have to accept my sacrifice.
Pagkatapos kong makausap yung mga kapatid ko, bumalik na ulit ako sa ospital. First hindi ako na-eexcite kaya bumalik ako agad, second hindi pa ako handa na makita siya at lastly pumunta ako dito to explain to him everything. Sana nga lang makinig siya!
Pumasok ako sa kwarto niya. As usual, makalat pa din. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang kalat-kalat sa kwarto niya samantalang hindi naman siya makatayo para magwala dito at guluhin ang ayos ng mga bagay-bagay.
He is sitting at his wheelchair near the window. Aba kakaiba ata etong nakikita ko. Mukhang hindi niya ata ako napansin na pumasok. That's good for me.