webnovel

SEAWEEDS

"May ibat ibang uri ng sabon, may powder, may bar, may liquid, alin dun ang gamit mo?" tanong ko

"Liquid?" confuse nya pang sagot

"Yung totoo? Tao ka ba? Bakit hindi mo alam kung ano ang sabon, lahat ng tao alam kung ano yan" confuse ko ding sabi sa kanya, ngumiti naman sya sakin kaya automatic napangiti din ako, sobrang ganda nya kapag nakangiti, napakurap kurap na lang ako habang nakatitig sa kanya.

"Tao ako" nakangiti nyang sagot sakin kaya napatango tango ako.

"Well malamang" sagot ko na lang, ano ba kasing klaseng tanong yang pinagtatatanong mo sa kanya Kendrick.

"Sige na tara na" sabi ko, tapos inakay ko na yung kamay nya, napatigil naman sya ng paglalakad nung lulusong na sana kami sa tubig.

"Bakit?" tanong ko agad sa kanya

"Bilin ni Ezra, wag ako lulusong sa tubig dagat kapag may kasama ako" sagot nya sakin

"Huh? Ang weird naman ni Ezra ha" sagot ko, kumurap kurap lang sya sakin.

"Okay sige, papasanin nalang kita" sabi ko, tapos medyo niluhod ko yung kabilang tuhod ko. Inaantay ko naman bumaba sya sakin pero hindi sya nababa, kaya lumingon ako.

"Ano gagawin ko?" tanong nya, kaya napatayo ulit ako sabay kamot sa ulo.

"Seriously???? Hindi ka marunong bumaba? Ano ba tinuturo sa inyo dun sa caribean at wala kayong kaalam alam tungkol sa mga ganito?" kamot ulo kong tanong sa kanya, inosenteng nakatitig lang sya sakin.

"Sige ganito, pag lumuhod ako dyan, ganito gagawin mo" paliwanag ko, tapos pumunta ako sa may likuran nya at itinuro yung gagawin nya, napatigil na lang ako nung naamoy ko yung buhok nya, sobrang bango, walang kasingbango, ngayon ko lang naamoy yung ganitong uri ng kabanguhan, tapos sobrang lambot ng buhok nya.

"Ano shampoo mo?" tanong ko ulit.

"Ano yung shampoo?" tanong nya din kaya napakunot ako ng noo.

"Huh????? Kulang na lang isipin ko isda ka eh" sagot ko sa kanya, ngumiti naman ulit sya sakin, sa tuwing nangiti sya gumagaan pakiramdam ko, sobrang nakakatagos sa puso yung pag ngiti nya.

"Ituturo ko mamaya sayo sa bahay, tara na muna" sagot ko na lang, tapos pumunta na ulit ako sa may harapan nya at niluhod yung kaliwang tuhod ko, agad naman sya bumaba sakin gaya ng turo ko kanina, pag katayo ko nagulat na lang ulit ako dahil akala mong bulak lang yung dala ko dahil sobrang gaan nya.

"Kumakain ka pa ba? Ang gaan mo" tanong ko sa kanya, ramdam ko naman na tumango sya. Well, so glad naman at alam nya yung salitang kumain. Pag kadating namin sa resthouse, ibinaba ko naman sya dun sa kama ko, yes pasan ko sya hanggang resthouse, ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagod, akala mo nga na wala ako buhat eh.

"So, ano gusto mo kainin?" tanong ko

"Seaweeds" sagot nya sakin kaya napatawa pa ako

"Huh??? Seaweeds? Yan lang ba kinakain mo kaya sobrang gaan mo?" tanong ko, tumango naman sya sakin.

"Huh???? Yung totoo?" tanong ko ulit, tumango naman ulit sya sakin.

"Kawawa ka namang bata ka, sige ipagluluto kita" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nakain ka ba ng seafoods?" tanong ko, agad naman sya umiling sakin.

"Allergy?" tanong ko

"Ano yung allergy?" tanong nya din.

"Arrghhh! Oo na, hindi na lang ako mag tatanong sayo, gulay na lang iluluto ko" sagot ko, ngumiti naman ulit sya sakin kaya napahawak ako sa dibdib ko, ang hirap irefuse ng ngiti nya, talagang mapapasagot ka na lang ng ngiti sa kanya. Pagkatapos ko naman magluto, sinundo ko na sya sa kwarto ko. Habang nakain, hindi ko maalis mata ko sa kanya, hawak nya lang yung kutsara at tinititigan.

"Wag mo sabihin na hindi ka marunong gumamit nyan?" tanong ko, tumingin naman sya sakin at umiling.

"Huh??????? Ano bang klaseng nilalang ka at wala kang kaalam alam?" tanong ko sa kanya habang nakahawak sa noo.

"Ganito, gayahin mo ako" sagot ko sa kanya, tapos lahat ng kilos ko ginagaya nya, pagkasubo nya, napatingin naman ulit sya sakin.

"Anong klaseng seaweed to?" gulat nyang tanong kaya hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o ano.

"Ang weird mo talaga, mushroom yan hindi seaweed" sagot ko sa kanya.

"Masarap" sagot nya din sakin

"Syempre ako nagluto eh" pagmamayabang ko naman, nakaka tatlong subo pa lang sya ng--

"Salamat, nabusog ako" sabi nya kaya napakunot ako ng noo.

"Huh??? Tatlong subo pa lang nakakain mo ah" taka kong tanong sa kanya, hindi na ako magtataka kung bakit sobrang gaan nya.

"Madami na ako nakain, salamat" sabi nya ulit sabay ngiti.

"Oh sige na, sige na, wag ka lagi ngingiti sakin, hindi ko mapigilan din ngumiti" reklamo ko sa kanya

"So paano ka uuwi dun sa caribean?" tanong ko habang nakain ako.

"Bukas, lalangoy ako" sagot nya, halos malunok ko naman yung kutsarang gamit ko sa pagkain.

"Nagbibiro ka ba? Kita mo yung malalakas na alon kanina? Walang makakaligtas sa alon na yun!"

"Sa ilalim ako dadaan" sagot nya sakin kaya napakunot ako ng noo.

"Ilalim???" Tanong ko, ngumiti lang sya sakin at hindi sinagot tanong ko

"Oo na, sige na, siguro dito ka na lang muna sakin habang hindi nakalma ang alon dun sa inyo, pag kalmado na, ako pa maghahatid sayo" sabi ko sa kanya, kaso nakangiti lang sya sakin.

"May mga damit dyan yung kapatid kong babae na hindi na ginagamit, yun na lang muna suotin mo" sabi ko tapos tumango tango sya sakin

"About sa kwarto, usually salo kami ng kapatid ko sa kama, pero kung nailang ka sa sahig na lang ako tutulog ikaw sa kama" suggest ko.

"Kama?" tanong nya, kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sige, tuturuan kita ng mga bagay na hindi mo alam" nakangiti kong sabi sa kanya.

Pagkatapos namin kumain, naghilamos na ako sa banyo, pagkalabas ko, nakita ko syang nakaupo sa harap ng piano ko habang nakahawak sa mga keys at nakapikit, nakatapos na ako't lahat magbihis, andun pa din sya sa may piano, nakaupo at nakapikit.

"Azaria" tawag ko sa kanya kaso akala mong hindi nya ako narinig, tatawagin ko na sana sya ulit kaso ibubuka ko palang bibig ko, iminulat na nya yung mata nya sabay tingin sakin at ngumiti.

"Alam ko na" sabi nya