webnovel

AZARIA

Kinabukasan.....

"Pa, meron ka bang babaeng napapansin dito sa Wisconsin na grey ang buhok?" tanong ko

"Madaming babaeng gray ang buhok dito kendrick" sagot nya habang may tinitignan sa microscope.

"Hindi pa eh, iba yung pagkaabo ng buhok nya, ang kintab tapos for sure pag hinawakan mo yun sobrang lambot at madulas" sagot ko habang nagdedescribe.

"San mo nakita yung babaeng yan na sinasabi mo?" tanong nya

"Dun sa may resthouse, nakaupo sya dun sa may malaking batuhan kagabi" sagot ko

"Baka daan lang yun" sagot nya ulit, hindi eh. Yung itsura nya kagabi pakiramdam ko parang ---- ang hirap ipaliwanag eh, pero hindi mawala sa isipan ko yung tinig ng boses nya, paulit ulit ko naririnig kahit nakapikit ako, parang gusto ko ulit ulitin pakinggan, para bang na kakaadik yung tinig nya.

"Baka nga ho" sagot ko na lang.

Kinagabihan, habang nag reresearch ulit ako dito sa may balcony ng resthouse namin, pakiramdam ko may nanonood sakin, agad ko naman binaling yung mata ko dun sa batuhan kung san ko nakita yung babae kagabi, napatingin naman ako sa orasan ng laptop ko, mag aalastres na ulit. Tumingala naman ako at tumingin sa buwan saka pumikit, malinaw na malinaw ko pa din nakikinig sa isipan ko yung boses nya, malinaw na malinaw ko pa din nakikita mukha nya habang nakapikit ako.

Kinabukasan--

habang itinotour ko sarili ko dito sa seaside ng Wisconsin. May nakita akong butas di kalayuan, kaya agad ako pumunta, mukha syang kweba kaya agad ko pinasok. Hindi pa naman ako nakakalayo dun sa entrance nitong kwebang pinasukan ko, may isa na naman akong butas na nakita, kinapa kapa ko naman yung bulsa ng pantalon ko, napakamot na lang ako sa ulo nung hindi ko nakapa cellphone ko, gusto ko sana picturan dahil sobrang ganda dito sa loob, makikita mo yung blue sky pag tumingala ka dahil may malaking butas kapag tumingala. Nilinga linga ko yung buong paligid netong kweba, sobrang tahimik, wala ka maririnig kundi patak ng mga tubig, pinasok ko naman yung isa pang butas na nakita ko, napangiti na lang ako ng makita ko kung gaano kaganda dito sa loob. Makalipas ang ilang minuto na patayo tayo at pag mamasid masid, paalis na sana ako nung may narinig na naman akong isang boses ng babae na sa tansya ako ay andun lang sa may likod ng malaking bato dito sa sa kweba, dahan dahan naman ako lumapit at sumilip. Napanganga na lang ulit ako nung makita ko yung babaeng nakita ko kagabi na nakanta habang namumulot ng seashells. Kinakanta nya yung musika na kinakanta nya din kagabi.

Hindi ko na nagawa pang umalis, muli akong namangha sa ganda at boses nya sa ikalawang pagkakataon na to. Hindi ko maipaliwanag nararamdaman ko habang pinapanood ko sya, ang lambing ng boses nya, sobrang nakakagaan sa pakiramdam na akala mo ay wala kang problema na dinadala sa buhay kapag narinig mo sya kumanta, tagos na tagos sa puso mo yung boses nya, napatigil naman sya sa pagkanta nung nakita nya ako, tapos nanlalaki yung mata nya habang nakatingin sakin, kaya agad ako lumabas dito sa pinagtataguan kong bato.

"Wait wait wait, hindi ako masamang tao, alam kong aalis ka na naman" sabi ko sa kanya tapos sya naman nakatingin na nakatingin lang sakin.

"Gusto ko lang malaman pangalan mo" sabi ko

"Azaria" malambing na boses sagot nya sakin kaya napangiti ako

"May damit ka na, nung nakita kita kagabi wala ka damit" pabiro kong sabi sa kanya kaso sya nakatingin lang sakin, ni hindi man lang sya nangiti.

"By the way i'm Kendrick, bakasyon ako dito, dun ako natuloy sa resthouse" nakangiti kong sabi sa kanya "Marunong ka ba magsalita?" tanong ko ulit kasi nakatulala lang sya sakin.

"San ka nakatira?" tanong ko ulit, tumuro naman sya dun sa kabilang isla na natatanaw dito sa pwesto namin.

"Huh? Di ba wala nakakapunta dun? Ang lalakas ng alon dun, hindi kaya puntahan ng bangka, speed boat or kahit nga siguro cruise ship hindi makakatawid dun dahil sa lakas ng alon" sagot ko sa kanya, never pang may nakapunta dun, dati sinubukan na nila papa pero hindi na sila tumuloy dahil akala mong tsunami yung mga alon dun.

"Pano ka nakatawid dito? May tinutuluyan ka ba dito?" tanong ko sa kanya, umiling naman sya sakin, napakamot naman ulit ako sa ulo ko. Akala mong nakikipag usap ako sa bato, umiling naman sya ulit sakin.

"Huh? Eh san ka natulog kagabi? San galing yan damit mo?" tanong ko.

"Sa Caribean" mahinhin nyang sagot habang nakaturo dun sa kabilang isla.

"Caribean?" tanong ko

"Caribean ang tawag sa isla na yun" sagot nya ulit, sobrang hinhin at malambing ng boses nya, kaya yung feeling na mapapangiti ka na lang sa kanya.

"Sige ganito, wala ng bangka ang babyahe ngayon patawid dun, sakin ka na muna tumuloy" suggest ko sa kanya, agad naman sya tumango, sobrang dali nya kausap.

"Ano gagawin mo dyan sa mga shells?" tanong ko ulit.

"Ibibigay kay Ezra" sagot nya

"Sinong Ezra?" agad ko ding tanong

"Sya yung nagpalaki sakin" sagot nya ulit.

"Ah mama mo?" tanong ko, agad naman sya umiling.

"Tita?" tanong ko ulit, umiling din naman ulit sya sakin

"Katulong!" tuwa ko pang sabi pero umiling ulit sya.

"Eh ano?" confuse ko ng tanong sa kanya.

"Sabi ni Ezra wag ko daw sasabihin kung ano sya" sagot nya sakin kaya napakamot na naman ako sa ulo.

"Oh sige, ganito pumunta na tayo dun sa resthouse ko, kumain ka na ba?" tanong ko, umiling ulit sya sakin, kaya agad ako lumapit sa kanya para sana akayin sya kaso.

"Sabi ni Ezra, wag daw ako hahawak kahit na kaninong lalaki" medyo takot nyang sabi

"Naintindihan ko si Ezra, pero hindi ako katulad ng mga lalaki na yun, mabait ako" nakangiti kong sabi sa kanya

"Sabi ni Ezra lahat daw ng lalaki mag kakapareho" sagot nya, mukhang nasaktan ng sobra yung Ezra na sinasabi nya ah.

"Hindi lahat ng lalaki magkakapareho, iba ako sa kanila" sagot ko naman.

"Totoo?" tanong nya sakin, nakangiting tumango naman ako sa kanya.

"Tara na?" tanong at akit ko habang inaabot ko sa kanya kamay ko, agad naman nya binigay sakin kamay nya, nagulat na lang ako sa sobrang lambot ng palad nya na akala mong parang bulak sa sobrang lambot.

"Ano sabon mo sa kamay?" tanong ko habang pinipisil pisil palad nya.

"Ano yung sabon?" tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya

"Hindi mo alam yung sabon?" tanong ko, umiling naman sya sakin