webnovel

Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO)

Sin Mideo A La Muerte Babz07aziole Paranormal/Romance Carrieline Monteclaro She's define beauty and success to all women in her generation. Lahat, gusto niya'y nasa ayos. Mula umpisa hanggang katapusan. Ayaw niyang nagkakaroon ng kaunting aberya, dahil para sa kaniya, pagkatalo ang hatid niyon. She's respectable, ni isa walang makaarok sa kaniyang standard. Napapaikot niya ang lahat sa gusto niyang gawin. Pero may isang pangyayari ang never niyang maisasatupad... Iyon ay pagtagpuin sila ng taong nakatadhanang magkaroon ng malaking papel sa buhay niya. Masasagot lahat ng katanungang matagal na bumabagabag sa kaniya, mga katanungang kawangis ng isang mapait na nakaraan. Papahulog ba siya sa mahika nito, O tuluyan siyang iiwas. Kahit ang totoo bago pa man niya ito matagpuan, nahulog na siya rito. BOOK TWO OF "ANG MISTERYONG BUMABALOT SA KUPAS NA LARAWAN"

Babz07_Aziole · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
26 Chs

Kabanta 1

NAPABALIKWAS ng bangon si Carrieline, tigbi-tigbi at pawisan siya sa mga sandaling iyon. Kagigising niya lang ngunit hinihingal siya na akala mo'y nakipagkarera siya sa pagtakbo. Marahan niyang dinama ang dibdib, patuloy pa rin ang mabilis na pagtahip ng tibok ng puso niya. Mabilis niyang iginala ang paningin sa kabuuhan ng kaniyang silid ngunit kadiliman ang siyang nangibabaw.

Dahan-dahan niyang hinagilap sa kaniyang side table ang salaming gamit niya sa mata.

Tuluyan na niyang binuksan ang lampshade na nasa tabi. Tumayo siya at hinayaan niyang maramdaman niya ang malamig na marmol ng kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa bintana ng kaniyang kuwarto.

Marahan niyang hinawi ang kurtinang nakatabing dito. Muli, Sinalubong siya ng dilim. Walang buwan o bituin ang maaaninag sa labas, napakatahimik. Ni huni ng kahit anong hayop, wala siyang marinig.

Unti-unti niyang binuksan ang nakasarado niyang bintana. Hinayaan niyang yakapin siya ng malamig na simoy ng hangin.

Ipinikit niya ang mga mata, muli umukit sa kaniyang balintataw ang mukha ng lalaking nasa kaniyang panaginip. Ang maamo nitong mukha ay nagsisilbing tanda sa kaniya. Bawat detalye sa kaniyang panaginip ay masyadong malinaw rito, tila totoong nagaganap ang napaginipan niya.

Bata pa lang siya nang una niya itong mapaniginipan. Ang lalaking may maamong mukha ay laman lagi ng kaniyang panaginip.

Mabilis niyang yinakap ang sarili. Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na pagtahip ng tibok ng kaniyang puso.

Sa dalas ng pananaginip niya rito, kabisadong-kabisado na niya ang bawat detalyeng naroon sa kaniyang panaginip. Twenty-five na siya kaya halos sampung taon na rin itong laman ng kaniyang panaginip.

Kung ano man ang ibig sabihin ng panaginip niya rito'y hindi niya pa alam.

Matagal na siyang naghahanap ng kasagutan sa lahat pero nanatiling wala siyang makuhang sagot. Isang beses, may nagpayo sa kaniya na baka ang lalaking napapaginipan niya ay nakasama na niya noong nakaraang buhay niya o hindi kaya ang lalaking makikila pa lang niya sa hinaharap. Mga haka-hakang lalong nagpapagulo sa kaniyang isip.

Sunod-sunod siyang napalunok. Nahahapo siyang humakbang, dahan-dahan siyang napa-upo sa upuan kung saan kaharap na niya ang draw board. Kung saan muli niyang ipipinta ang lalaking nasa kaniyang panaginip.

Mabilis na nagsigalawan ang kaniyang kamay, hindi alintana ang mga sandaling nagdaan. Hindi siya nakaramdam ng pangangawit pagkatapos.

Matapos ang mahaba-habang sandali, pinagmasdan niya ang katatapos na obra maestra. Hindi siya nakaramdam ng pagkahapo, kahungkagan at pangungulila ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

Dahan-dahan niyang pinaglandas ang daliri sa lalaking kaniyang ipininta. Tila may bikig siya sa lalamunan ng mga sandaling iyon.

"Sino ka nga ba at ano ang kaugnayan mo sa akin?" Katanungang naisatinig ni Carrieline habang nanatili siyang nakatunghay sa imahe ni DEXTER..