webnovel

Chapter 55- Elevator's Trap

Nang araw din iyon, dumako naman tayo sa Aguire Aegis Industries. Kung saan, abala ang lahat ng mga empleyado sa kanilang mga ginagawa, kabilang na sina Mark at Lucile na inaasikaso ang mga nakatambak ng mga papeles sa loob ng kanilang opisina.

Mark: "Hay...andami na namang ng mga paperworks."

Lucile: "Oo nga po, Sir. Paano namang hindi po kayo tatambakan eh nakatutok na naman po kayo lagi sa inyo pong Android Phone?!"

Mark (denial tone): "Well, anyway Lucile. Mabuti pa siguro kung kumain na lang muna tayo tsaka natin ituloy etong tinatrabaho natin."

Lucile: "Sir?! Huwag niyo naman pong balewalain yung tinatanong ko po sa inyo!"

Mark: "Ano pa bang tinatayo mo pa diyan, Lucile? Halika na! Lumabas na tayo at nagugutom na ako."

Sabay tayo at mabilis na naglakad si Mark palabas ng kanyang opisina. Tila napansin ni Lucile na umiiwas sa kanyang tanong si Mark dahil na rin sa nahalata niyang tinatamad ito sa pag-aasikaso ng mga tinatrabahong ng mga papeles at sa kanya rin ito ipinapagawa.

Lucile: (Grabe naman kayo, Sir. Talagang sa akin pa talaga ipaubaya lahat na dapat sana'y trabaho niya? Nakakahalata na ako. Parang panunuhol niya ata sa akin yung panglilibre niya ng pananghalian sa labas ng building.)

Dahil lumabas nang building si Mark, wala nang nagawa si Lucile kundi ang sundan ito at sundin na lamang ang gustong mangyari ni Mark.

Pagdating nila sa isang kainan sa labas ng kanilang building, tinanong ni Mark si Lucile.

Mark: "Lucile, anong gusto mong kainin?"

Lucile (shy): "Ah Sir Mark, hindi na po. Nakakahiya na po sa inyo kung palagi niyo akong nililibre ng pananghalian."

Mark: "Ano ka ba naman, Lucile? Ako na ang bahalang magbabayad sa pananghalian mo. Kaya pumili ka na kung ano ang kakainin mo?"

Lucile: "Pe-pero po sir-!"

Mark: "Ah basta! Ako na ang bahala bibilhin mong pagkain. Kaya huwag ka nang mahiya."

Lucile: (Sinasabi ko na nga ba! Ginagawa niyang dahilan ang panlilibre ng pananghalian bilang suhol, para makalibre ng oras sa trabaho. Hay....Bakit pa ba akong nakatsamba ng boss na tamad?!)

Nang mapansin ni Mark ang pananahimik ni Lucile, muli siyang nagtanong rito.

Mark: "Lucile, may problema ka ba? Ang tahimik mo ata?"

Lucile: "Wa-Wala naman po, Sir. Nag-iisip lang po ako kung ano ang aking kakainin?"

Mark: "Ay...Ganun ba? So, may napili ka na ba?"

Lucile: (Hay...mapilit talaga siya at ako na naman ang sobrang pagod mamaya. Sakyan ko na nga lang siya. Total, manlilibre naman.) "Sir, gusto ko po ng Bicol Express, tatlong cups of rice at Iced Tea na panulak."

Mark: "Okay, masusunod ang iyong gusto."

Sabay tinawag ni Mark ang atensyon ng Tindera ng kainan at sinabi ang pagkain nila ng kanilang inorder.

Mark: "Ale! Pabili po ako ng Bicol express, tatlong rice at Iced Tea. Tsaka, the same order na rin po yung sa akin."

Tindera1: "Pares po ba, Sir?"

Mark: "Opo."

Tindera1: "Okay po. Pakihintay na lang po."

Lucile: (Ha?! Parehas kami ng order ni Sir? Pinili ko na nga yung pagkain na tatanggihan niya pero nag-order pa rin siya para sa kanyang sarili? Mukhang gusto niya akong sabayan para masiguro niyang makakalibre siya ng oras mamaya sa trabaho.)

Matapos maka-order, naghanap si Lucile nang mauupuan habang si Mark naman ay hinihintay ang pagkain na kaniyang inorder.

Pagdating ni Mark dala ang kanilang pagkain, agad nila itong pinagsaluhan ni Lucile.

Habang sila ay kumakain, halata sa namumula at pinapawisang mukha ni Mark na napasubo ito sa inorder nitong Bicol express at pilit nitong sinasabayan si Lucile sa pag-ubos nito.

Mark: "WOOH! Ang sarap naman ng luto nila sa pagkaing ito. Tama lang ang pagkakaluto."

Lucile: "Sir, puwede niyo naman ipabalot sa tindera yung ulam po ninyo. Kung hindi niyo na po maubos."

Mark: "Ipabalot? Ha! Walang balot-balot sa akin! Tsaka alam mo ba Lucile? Kulang pa nga sa akin itong ANGHANG ng ulam natin. Kaya huwag kang mag-alala, mauubos ko to."

Napasimangot na lang si Lucile sa sinabi ni Mark at iniisip na hindi na nito kaya ang Anghang ng kanilang kinakain.

Lucile: (Sir, huwag na po kayong magkunwari dahil halata naman po sa inyong mukha na hindi niyo na po kaya ang anghang ng Bicol Express. Tsaka halos maubos niyo na po ang isang Pitsel ng tubig sa tabi ninyo.)

Bagamat hindi na kaya ni Mark ang pagkain na kanilang ulam, pinilit pa rin nitong kinain ang ulam nilang Bicol Express.

Kaya nagpatuloy lang ang dalawa sa pag-ubos ng kanilang pananghalian, tsaka sila sandaling nagpababa ng kinain at umalis pabalik sa kanilang opisina.

Pagbalik sa pinagtratrabahuhang building, agad pumasok sa Elevator sina Lucile at Mark, tsaka pinindot ang 49th floor button kung saan ang lokasyon ng kanilang opisina.

Habang magkasama ang dalawa sa loob ng Elevator, napansin ni Lucile na napapahingal pa rin sa bibig si Mark dahil na rin sa kanilang kinaing pananghalian. Kaya tinanong niya kung maayos pa ba ang kalagayan nito.

Lucile (worried): "Sir? Okay lang po ba kayo? Kailangan niyo pa po ba ng tubig na maiinom?"

Mark: "Hay...Lucile. Okay lang ako. Tsaka huwag kang mag-alala, hindi ko na kailangan ng tubig.....HOOOH!" (GRABE!! ANG ANGHANG!!)

Lucile: "Sigurado po ba kayo?"

Mark: "Oo naman! Ako pa!" (Pambihira!! Carolina Reaper ba ang inilagay nung Tindera sa ulam kanina?! Halos patayin na ako sa ANGHANG! Tsaka, ba't wala man lang talab yung anghang ng Bicol Express kay Lucile?!)

Lucile: "Okay. Sabi niyo po yan ha? Pero kung kailangan niyo na po ng tubig, huwag po kayong mahiyang magsabi."

Mark: "Oo naman." (Grabe! Saan ba gawa ang bibig ng babaeng ito?! Ni hindi man lang siya humihingal sa anghang!"

Patuloy pa rin sa pagpapakitang-gilas ni Mark at tiniis ang sobrang anghang na kanyang nararamdaman sa kanyang bibig.

Patuloy naman sa pag-andar ang kanilang sinasakyang Elevator nang biglang namatay ang ilaw ng Elevator at bigla itong huminto. Maya't maya, biglang umilaw ang pulang bumbilya ng Elevator.

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nataranta at nagsimula nang mag-alala si Lucile sa nangyayari.

Lucile: "Sir Mark?! Ano pong nangyari?!"

Mark: "Naku Lagot."

Lucile: "Ano pong "Lagot"? May masama po bang nangyari sa Elevator?"

Mark: "Lucile, Okay lang tayo dito sa loob."

Lucile: "Okay lang po tayo?! Pero ba't hindi po tayo umaandar? Tsaka bakit pula ang ilaw dito sa loob ng Elevator?!"

Mark (calm tone): "Lucile, huminahon ka..."

Lucile: "Tsaka, kung hindi tayo umaandar, possible po bang sira ang Elevator?! Kung sira ang Elevator, paano kung biglang mawala ang ilaw?! Paano kung makulong tayo dito sa loob?! Paano kung hindi na tayo makalabas?! Paano na si Emily kung may mangyari sa akin na masama?! Paano kung..?!"

Mark (annoyed): "LUCILE! HUMINAHON KA NGA!"

Nagulat si Lucile matapos siyang sigawan ni Mark at agad naman siyang nanahimik.

Pero habang nanahimik si Lucile, napansin naman ni Mark ang labis na panginginig nito na tila kinakabahan o natatakot sa isang bagay.

Hanggang sa maisip ni Mark kung ano ang dahilan ng labis na pagkataranta ni Lucile.

Mark: "Lucile, pasensya na kung nasigawan kita."

Lucile: "O-Okay lang po, Sir. Pa-Pasensya na rin po kung nairita po kayo sa ini-asal ko po kanina."

Mark: "Lucile, tapatin mo nga ako? Claustrophobic ka ba?"

Nang marinig ito ni Lucile, patuloy pa rin siya sa panginginig at sa labis na pagpapawis ng kanyang mukha.

Ngunit tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa itinatanong sa kanya ni Mark.

Mark: "Hay... Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala sa tuwing sasakay tayo ng Elevator ay hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo."

Lucile: "Pa-Pasensya na po.. Sir.."

Mark: "Okay lang. Pero kung hindi ka kumportable sa kinatatayuan mo, umupo muna tayo sa sulok."

Tahimik lang na tumango si Lucile sa sinabi ni Mark at umupo ang dalawa sa kanang sulok habang hinihintay nilang bumalik sa normal at magkakuryente ang Elevator. Ngunit patuloy pa rin sa panginginig at pagkataranta si Lucile.

Pero muli na naman niyang tinanong si Mark kung ano ang nangyari sa sinasakyan nilang Elevator.

Lucile: "S-Sir, ba-bakit po tumigil ang Elevator?"

Mark: "Sa tingin ko, nagkaroon ata ng Power interruption sa labas. Kaya umandar ang Back-up generator ng ating Building."

Lucile: "Ba-Back-up Generator? Di ba dapat umaandar ang Elevator kung umandar din ang Back-up generator ng ating Building?"

Mark: "Pasensya na, Lucile. Pero para sa kaalaman mo, nakakonekta lamang ang Back-up Power sa mga ilaw at Ventilation system dito sa building. At hindi kasama ang Elevator sa koneksyon ng Generator."

Lucile: "Ku-Kung hindi po kasali ang Elevator na nakakonekta sa Generator? Eh di hindi tayo makakahinga!"

Mark: "Lucile, huminahon ka nga? Pwede? Hindi mo ba napansing may maliit na Air Vent malapit sa Emergency Trap Door sa kisame ng Elevator? Yan maliit na Air Vent na nakikita mo, may maliit na Blowing fan sa likod niyan at dahil siguro Black-out sa buong bayan, huminto ang Blowing fan. Pero atleast, nakakahinga pa rin tayo dahil may daanan pa rin ng hangin. Kaya huwag kang masyadong mataranta? Okay?"

Muling nanahimik si Lucile pero muli na naman siyang tumango. Maya't maya, tinanong na naman ni Lucile si Mark.

Lucile: "Si-Sir, makakahingi po ba tayo ng tulong mula sa labas?"

Mark: "Tulong? Ah! Oo! Buti naipaalala mo! Pwede pala nating tawagan ang Maintenance crew kung magagawa ba nilang mapagana ang Elevator."

Agad kinuha ni Mark ang kanyang Android phone mula sa kanyang bulsa at susubukan sanang tawagan ang Engineering office ng kanilang kumpanya. Ngunit nadismaya lang siya nang makita ang kanyang Android phone.

Mark: "Hay.. Pambihira."

Lucile: "Ba-Bakit po, Sir?!"

Mark: "Walang signal."

Lucile: "Ha?! Pa-Paano na po yan?!"

Mark: "Eh di maghintay na lang tayo dito hanggang sa magkakuryente sa labas at gumana ang Elevator."

Lucile: "Sir, kailangan po nating humingi ng tulong!"

Mark: "Lucile, natataranta ka na nama-!"

Sa sobrang pagkataranta, biglang tumayo si Lucile tsaka nito pinilit na humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagsigaw at pagkalampag sa pinto ng Elevator.

Lucile (shouting): "TULONG! MAY TAO BA DYAN SA LABAS?! TULUNGAN NIYO KAMI!"

Dahil sa labis na pagkataranta, lalo pang nilakasan ni Lucile ang pagkalampag sa pinto. Ngunit nairita si Mark sa ginagawa ni Lucile.

Kaya agad din siyang tumayo at nilapitan si Lucile sabay hila sa kanyang kanang braso.

Nagulat naman si Lucile sa ginawang paghila ni Mark at sa lakas ng paghila nito, napaharap siya sa direksyon ni Mark.

Mark: "Lucile! Makinig ka! Kapag hindi ka pa tumigil sa ginagawa mo, mapipilitan akong suspendihin ka sa trabaho!"

Lucile: "Pe-Pero Sir Mark, ayokong makulong dito! Ayokong mamatay dito sa loob ng Elevator! Ayokong-!"

Mark: "Nakikiusap ako sayo, Lucile! Huminahon ka nga! At hindi ka mamamatay!"

Sabay ipinatong ni Mark ang kanyang mga kamay sa mga balikat ni Lucile para pigilan ito sa pagkataranta. Tsaka pa siya dumagdag ng sasabihin.

Mark: "Please, Lucile. Alam kong takot ka dahil sa kasalukuyang sitwasyon natin ngayon pero hindi makakabuti sa kalusugan mo kung patuloy ka magpapadala sa nararamdaman mong takot. Kaya nakikiusap ako sayo, pilitin mong huminahon at ipinapangako ko na walang mangyayari sayo na masama kapag sinunod mo ang mga sinabi ko."

Sandaling hindi kumibo si Lucile sa sinabi ni Mark.

Bagamat ramdam pa rin ni Lucile sa kanyang sarili ang takot sa masikip na espasyo, sinubukan naman niyang sundin ibinilin sa kanya ni Mark.

Lucile: "Si-Sige po, Sir. Susubukan ko po. Tsaka pa-pasensya na rin po."

Mark: "Mabuti naman kung ganon. Ngayon, lumayo ka na muna sa pinto ng Elvator at uupo ulit tayo doon sa sulok."

Lucile: "O...Okay."

Mark: "At habang naglalakad tayo, huminga ka ng malalim tapos Exhale."

Lucile: "Si-Sige po."

Matapos makumbinsi ni Mark si Lucile na huminahon, hinawakan ni Mark ang kanyang kaliwang kamay at mabagal silang naglakad papunta sa kanang sulok ng Elevator at muli silang umupo rito. Sinunod naman ni Lucile ang sinabi sa kanya ni Mark.

Pagdating sa sulok, sandaling nanahimik ang dalawa at patuloy naman sa paghinga ng malalim si Lucile. Makalipas ang ilang minuto ng pananahimik, tinanong naman ni Mark si Lucile.

Mark: "Oh? Kamusta pakiramdam mo?"

Lucile: "O-Okay naman po, Sir."

Mark: "Huwag mo sanang masamain, Lucile. Pero gusto ko sanang malaman kung saan o kailan ba nagsimula iyan Phobia mo sa masisikip na espasyo?"

Nang marinig ni Lucile ang tanong sa kaniya ni Mark, biglang itong nanahimik at tumingin sa sahig ng Elevator.

Muli sanang magsasalita si Mark para huwag pilitin si Lucile, nang magsalita rin ito para magpaliwanag kay Mark.

Lucile: "Nagsimula ito noong 5 years old pa lang ako."

Biglang nanahimik si Mark matapos niyang mairinig na magsalita si Lucile at handa na rin siyang makinig rito. Nagpatuloy naman si Lucile sa kanyang sasabihin.

Lucile: "Noong mga panahong iyon, nakatira pa kami sa sarili naming bahay at masaya ako dahil nakatuon ang pa lang sa akin ang atensyon ng aking mga magulang. Tsaka noong panahong din na iyon, hindi pa ipinapanganak si Emily."

Mark: "So, doon na ba nagsimula yung takot mo sa masisikip na lugar?"

Lucile: "Hindi po, Sir. Nagsisimula pa lang po ako sa pagkukuwento."

Mark (irrirated): "Straight to the point ka na nga. May pa intro ka pang nalalaman. Hindi naman iyan ang sagot sa itinatanong ko. Tsaka, madali akong ma-boring sa mahahabang kuwento mo."

Lucile: (Grabe. Ang ikli pala ng pasensya ni Sir sa pakikinig sa mga kuwento.) "Oh, sige po, Sir. Sasabihin ko na po ang..... nangyari."

Tuluyan nang natuon ang atensyon ni Mark, matapos sabihin ni Lucile na sasabihin na nito ang dahilan ng pagkakaroon niya ng Phobia.

Pero huminga muna siya ng malalim upang masabi niya ng malinaw ang kanyang sasabihin.

Lucile: "Eto, noon po kasi-"

Mark: "Hay....Jusko! Intro na naman?"

Naiinis naman si Lucile nang barahin siya ni Mark sa kanyang sasabihin.

Dahil rito, namula ang pisngi ni Lucile sa sobrang inis at basta na lang niyang binanggit ang dahilan ng pagkakaroon niya ng Phobia.

Lucile: "Pumasok ako sa loob ng kabinet at aksidente akong nakandaduhan sa loob, noong nagtataguan kami ng mga pinsan ko! At maggagabi na noong mapansin nilang wala pa ako sa bahay!"

Mark: "Ha? Ganun ba ang nangyari? Kaya ka may Phobia?"

Lucile: "Oo! Ganun na nga! Alam mo ba yung hirap na maabutan ka ng gutom sa loob ng kabinet habang sumisigaw ka at humihingi ng saklolo?! Ang nakakainis noong mga panahong iyon, natsambahan namang nagpapalagay ng kahoy na kisame yung Tatay ko sa Tito ko! Kaya hindi nila ako marinig dahil sa lakas ng pukpok ng martilyo!!"

Mark: "Ah.. Kaya pal-"

Lucile (annoyed): "Ano?! Masaya ka na?! Alam mo na ba kung bakit ayoko sa mga masisikip?! At ayoko na dito sa loob ng Elevator!"

Labis ang inis at pagmumukmok ni Lucile habang nakaupo sa sahig.

At halos mangiyak-iyak na rin ito dahil na rin sa takot na manatili sa loob ng Elevator.

Pero imbes na bigyan ng konting malasakit ni Mark si Lucile dahil sa ikuwinento nitong dahilan ng pagkakaroon niya ng Phobia, hindi inasahan ni Lucile ang mga sinabi ni Mark at nang makita niyang nakasimangot ito sa kanya.

Mark: "Alam mo, Lucile. Medyo hindi ko nagugustuhan ang pagtataas mo ng boses sa akin kanina."

Lucile (confused): "A-Ano pong ibig ninyo pong sabihin?"

Agad nagpunas ng luha si Lucile mula sa kanyang mga mata at nagtataka sa naging kakaibang reaksyon ni Mark. Maya't maya, muling dumagdag ng sinabi si Mark.

Mark: "Una sa lahat, Lucile. Baka nakakalimutan mong ako ang Boss mo."

Lucile: "Huh? Uhmm.. Opo. Kayo nga po ang Boss ko."

Mark: "Pangalawa, nakalagay sa Worker's Hand book na dapat maging magalang sa isa't isa ang mga Empleyado ng kumpanya, hindi ba?"

Lucile: "O-Opo. Tama po ang sinabi niyo."

Mark: "Pangatlo, sino sa tingin mo ang may-ari ng kumpanya?"

Lucile: "Ang Pamilya niyo po.... Si-!"

Bago pa man matapos ni Lucile ang kanyang sasabihin, bigla niyang naalala na ang katabi niya ay isa sa miyembro ng pamilya na nagmamay-ari sa pinagtratrabahuhan niyang kumpanya.

Kaya biglang nabaling ang kanyang pagkataranta kay Mark at biglang nawala sa kanyang isip ang takot sa masikip na espasyo ng Elevator.

Lucile: "Ay! S-Sir.. Pasensya na sa mga nasabi-"

Mark: "You're Fired!"

Nagulat at lalong nataranta si Lucile sa kanyang narinig. Kaya tinanong niyang muli si Mark para kumpirmahin kung nagbibiro lamg ito o hindi.

Lucile: "S-Sir.! Nagbibiro lang po ba kayo hindi po ba?"

Nang marinig ni Mark ang tanong, biglang itong ngumisi. Ngunit may kaakibat namang nakakakilabot na tingin, tsaka siya tumingin sa mga mata ni Lucile habang mabagal na yumuko at inilapit ang kanyang mukha.

Mark: "Sa tingin mo, Lucile? Mukha ba akong nagbibiro sa mga sinabi ko sayo?"

Lucile: "Eh.. S-Sir? S-Seryoso po ba kayo?"

Mark: "Siguro.. Pero pwedeng nagbibiro ako. Pwede din namang hindi."

Lucile (begging): "Sir, huwag naman po kayong magbiro ng ganyan! Huwag niyo naman po akong tanggalin sa trabaho!"

Mark: "Alam mo, Lucile. May mga oras na seryoso ako sa aking sinasabi. Kung minsan naman nagbibiro naman ako."

Lucile: "Sir.! Please naman. Huwag naman po kayo magbiro ng ganyan!"

Nang makuha na ni Mark ang atensyon ni Lucile dahil sa pagpapaalala nito na siya ang isa sa Boss ng kumpanya.

Naisip niyang tumayo ulit at sabihin kay Lucile ang kanyang dahilan kung bakit niya pinagbabantaan na tanggalin ito sa trabaho.

Mark: "Oo na, Lucile. Hindi na ako magbibiro. Actually, trip ko lang sabihin yung "You're Fired.""

Lucile: "Pambihira naman po kayo, Sir! Nagbibiro lang kayo?!"

Mark: "Oo, Lucile."

Lucile: "S-Sir! Ba't niyo naman ginawa yun?!"

Mark: "Lucile, kanina ka pa kasi natataranta dahil sa Phobia mo dito sa Elevator. Kaya nasabi ko na lang yun para malaman ko kung saan ka mas natatakot."

Matapos sabihin ni Mark ang kanyang simpleng dahilan, biglang nanahimik si Lucile nang maisip niyang kanina pa ito naiirita sa kanya dahil sa kanyang Phobia. Kaya naman, nagkaroon ng sandaling pananahimik sa pagitan ng dalawa at kalauna'y nagsalita si Lucile.

Lucile: "S..Sir, patawarin niyo po ako sa inasal ko po kanina."

Sabay iniyuko ni Lucile ang kanyang ulo sa kanyang mga braso na nakahawak sa kanyang mga binti at tuhod habang siya'y nakaupo.

Dahil na rin na kanyang inasal sa harap ng kanyang Boss na dahilan din para sobra siyang mahiya rito.

Pinili na lang niyang manahimik upang hindi mairita sa kanya si Mark, sa kabila na nanginginig pa rin siya sa takot sa loob ng elevator.

Ngunit hindi inasahan ni Lucile ang sumunod na mga nangyari, nang marahan na lumapit si Mark at tumabi ito sa kanya. Tsaka siya nito inakbayan, sabay pilit na inilalapit ang kanyang ulo sa dibdib ni Mark. Nagulat si Lucile sa ginawa nito, kaya agad niya itong tinanong.

Lucile: "S-Sir?! A-Ano pong ginagawa po ninyo?"

Mark: "Tinutulungan kang mahimasmasan."

Lucile: H-Ha?! P-Pero..!"

Mark: "Shhh..Tahan na.."

Lucile: "Sir.. Hindi na po ako bata."

Mark: "Hay...manahimik ka na nga dyan at subukan mo na lang umiglip."

Lucile: "Sir.. Bakit niyo naman po ako pinapaiglip?"

Mark: "Para hindi mo mamalayan na nasa loob ka ng Elevator. Tsaka kailangan mo din magpahinga. Alam kong sobra ka nang stressed sa trabaho."

Lucile: "Yun lang po ba ang dahilan?"

Mark: " Oo, Lucile. Bakit? May iba pa bang dahilan?"

Lucile: "Kung yun po ang sinabi niyo, wala po akong dahilan para magreklamo. Tsaka tama po ang sinabi niyo. Pagkakataon ko na rin po ito para makapagpahinga." (Pero sana man lang hindi po kayo tsumatsansing sa akin ngayon. Dahil lang sa pareho tayong nakakulong dito sa loob ng Elevator. At isa pa, ang bango ni Sir Mark. Ano kayang pabango itong gamit niya?)

Bagamat duda si Lucile sa inaalok ni Mark na umiglip muna, panaunlakan naman niya ito at idinikit ni Lucile ang kanyang tagiliran at inunanan ang kanang balikat nito.

Habang magkatabi, tila nahimasmasan at nalimutan ni Lucile ang kanyang takot sa masisikip na lugar dahil natuon ang kanyang atensyon sa marahang paghimas ni Mark ng kanyang kanang kamay sa kanyang ulo.

Tila napapalapit na rin ang loob ni Lucile kay Mark dahil na rin sa kakaibang pag-aasikaso nito sa kanya.

Ilang sandali pa, makakaiglip na sana si Lucile sa kanang balikat ni Mark nang biglang marinig ng dalawa ang isang malakas na kalampag mula sa kisame ng Elevator.

Nagtaka naman ang dalawa matapos marinig ang hindi inaasahang pagkalampag mula sa kisame.

Kaya agad tumayo ang dalawa, tsaka nagtanong si Lucile kung ano ang kanilang naririnig.

Lucile: "Sir Mark? Ano yung kumalampag mula sa kisame?"

Mark: "Hindi ko din alam, Lucile. Pero sana man lang, hindi iyan galing sa Top Flo-"

Bago pa man matapos ni Mark ang kanyang sasabihin, nagulat ang dalawa nang marinig ang malakas na pagtadyak mula sa Trap Door ng kisame na siyang dahilan para ito ay bumukas at lumusot ang isang binti mula rito. Maya't maya, bumalik sa labas nang kisame ng Elevator ang naturang binti, at ikinagulat nila Mark at Lucile ang kanilang nakita nang pumasok at bumaba mula sa Trap Door ang tao mula sa itaas ng Elevator, gamit ang isang lubid.

Lola Delia: "Okay Boys! All Clea-! Ay! Mali! May tao pala!"

Lucile: "Ma-Madam?!"

Mark: "Ma!? A-Ano na naman po iyan ginagawa niyo?!"

Lola Delia: "Siyempre! Tsine-Check ang mga Elevator kung may lamang mga tao o wala."

Mark: "Alam ko po, Ma! Pero bakit kayo mismo ang bumababa at pumapasok sa loob ng Elevator?! Hindi po ba dapat trabaho iyan ng Maintenance Crew?!"

Lola Delia: "Aba! Siyempre! Trabaho nga nila! Pero gusto ko din mag-Rappel!"

Mark: "Ma! Ano na naman pong naisip niyo at gusto niyong mag-Rappel sa daanan ng Elevator?!"

Lola Delia: "Wala. Gusto ko lang mag-Rappel."

Mark: "Yun lang po ang dahilan po ninyo?! Para lang mag-Rappel?!"

Lola Delia: "Hindi naman sa ganon, Iho. Nakita ko kasi yung mga tauhan ng Maintenance Department na sobrang nag-aalala at baka daw may nakulong sa loob ng Elevator. Tsaka karamihan sa kanila, mga baguhan pa sa trabaho at takot mag-Rappel. Kaya nagboluntaryo na ako."

Mark: "At pumayag naman silang kayo ang mag-Rappel pababa sa Elevator?!"

Lola Delia: "Oo."

Mark: "At bakit naman po sila pumayag sa gusto ninyo?!"

Lola Delia: "Simple lang naman ang sagot ko diyan, Anak. Wala silang matatanggap na sahod sa buong taon kapag hindi sila pumayag. Kaya sinunod lang naman nila ang gusto kong mangyari."

Napakamot na lang ng ulo si Mark matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang Nanay. Ganun pa man, napabuntong hininga na rin ito nang maalala niyang may karapatan pa rin ang kanyang Ina sa pamumuno ng kanilang kumpanya.

Samantalang napangiwe na lang si Lucile matapos marinig ang sinabi ng matanda.

Mark: "Hay grabe.... Si Mama talaga.."

Lucile: "Hehe.. Oo nga po, Sir Mark. Ibang klase po talaga si Madam."

Lola Delia: "So? Tatayo na lang ba kayo dyan? O gusto niyo nang umalis dito sa loob ng Elevator?"

Lucile: "Tutulungan niyo po kaming makaalis dito sa Elevator?"

Lola Delia: "Oo naman, Iha. Bakit? Ayaw mo bang umalis dito sa loob ng Elevator?"

Lucile: "Siyempre po! Gusto ko na pong umalis po dito magmula pa po kanina."

Lola Delia: "Eh di halika na, Iha. Lumapit ka sa akin nang maisuot mo na itong Safety Harness na dala ko."

Matapos sabihin ni Lola Delia na may dala itong Safety Harness, nagmadaling lumapit si Lucile sa matanda at agad kinuha ang naturang bagay.

Tsaka niya ito isinuot sa kanyang katawan at ikinabit sa lubid na ginamit ni Lola Delia sa pagra-Rappel.

Lola Delia: "Okay! All Set! Kumapit kang mabuti, Iha."

Lucile: "Opo, Madam."

Lola Delia: "Boys dyan sa itaas! Pakihila niyo na yung lubid!"

Mark: "Sandali po, Ma! Paano naman po ak-"

Bago pa man matapos ni Mark ang kanyang sasabihin ay agad na hinila ng mga empleyado ng Maintenance Crew palabas ng Trap Door ng Elevator ang lubid kung saan nakakapit sila Lola Delia at Lucile.

Tsaka sila hinilang paitaas papunta sa pinakamalapit na pinto ng Elevator.

Mark: "Teka lang! Ma! Paano naman ako?!"

Tila nakalimutan ni Lola Delia at nang Maintenance Crew si Mark matapos mailabas mula sa Elevator si Lucile papunta sa 32nd Floor, tsaka sila umalis at ginamit ang hagdan sa Fire Exit, pababa ng kanilang gusali para magmeriyenda.

Mark (shouting): "Heeelloooo?! May tao pa ba diyan sa itaas?!"

Sandaling hinintay ni Mark kung mayroong tao na sasagot sa kanyang tanong, ngunit ni bulong ay wala siyang narinig.

Mark: (Grabe naman! Nakalimutan ba nilang may tao pa dito sa loob ng Elevator?! Sana pala hindi na lang ako nagreklamo kung bakit nagra-Rappel si Mama.)

Bagamat nakalimutan at naghintay ng labing limang minuto sa loob ng Elevator, sa wakas ay bumalik na rin ang kuryente sa buong bayan at umandar na rin ang sinasakyang Elevator ni Mark.

Ngunit dumiretso pa rin papunta sa 49th Floor ang Elevator at dun ito huminto.

Pagdating ni Mark, napansin niyang wala nang tao sa kanyang opisina at kanyang nakita ang isang maliit na sulat mula sa kuya niyang si Ansyong na nagsasabing pinauwi nila ng maaga ang kanilang mga Empleyado dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente at pinapayuhan na huwag nang gamitin ang Elevator, imbes ay gamitin na lang ang hagdan sa Fire Exit.

Mark: "Pambihira! Utusan ba naman ako ni Kuya na gamitin ang hagdan! Hindi na ako gagamit ng hagdan dahil may kuryente na!"

Napakamot ng ulo si Mark nang makita ang maliit na sulat at binalewala ang bilin sa kanya na nakasulat sa papel.

Tsaka siya naglakad pabalik papunta sa Elevator dahil sa inaakalang hindi na mawawalan pa ng kuryente.

Pero bago pa man makabalik si Mark ay muli na naman nawala ang kuryente na dahilan para ito ay magalit dahil na rin sa kanyang nararanasan na matinding kamalasan.

Mark: "NAGBIBIRO BA KAYO?! WALA NA NAMANG KURYENTE?!" (Kanina nananghalian ako ng ulam na sobrang anghang! Tapos nakulong naman ako sa Elevator ng ilang oras! Ngayon, palalakarin naman ako pababa ng hagdan magmula dito sa 49th Floor?! Grabe!! Sobra na ang kamalasan ito!! Ano ba ang nagawa kong mali para parusahan ako nang ganito ni Tadhana!)

Pero dahil kailangan na din umuwi ni Mark, wala na siyang nagawa kundi ang bumaba ng hagdan mula sa 49th Floor.

Gayun pa man, nakababa naman si Mark at magdadapit-hapon nang makababa at makalabas mula sa Building ng kanilang kumpanya.

Pagdating sa kanyang sasakyan, nadatnan naman niya sila Lucile at Lola Delia na kanina pa naghihintay sa kanya.

Lola Delia: "Mark, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinihintay dito ni Lucile."

Lucile: "Uhm...Madam, naiwan po nati-"

Lola Delia: "Iha, huwag ka na muna magsalita. Alam kong naistress ka kanina sa pagkakakulong mo sa loob ng Elevator. Kaya magpahinga ka na muna, ha?"

Lucile: (Madam, pakiusap naman po. Magmula po kanina, gusto ko pong ipaliwanang sa inyo na nakalimutan po natin si Sir Mark sa loob ng Elevator. Pero kanina niyo pa po akong pinagsasabihan na magpahinga at huwag muna magsalita para hindi po ako mapagod. Hanggang sa makalimutan niyo na po ng tuluyan si Sir Mark.)

Bagamat pagod sa paglalakad mula sa hagdan at sa tila walang pakialam na reaksyon ng kanyang ina, minabuti na lang ni Mark na huwag nang magsalita at agad na lang siyang sumakay sa kotse.

Tsaka niya ito pinaandar at ihinatid sila Lola Delia at Lucile sa kanilang tinitirahang barangay.

Pagdating sa barangay, agad ihininto ni Mark sa tabi ng kalsada ang kanyang kotse at agad din bumaba dalawa niyang sakay. Nagpasalamat naman si Lucile kay Mark dahil sa paghatid nito sa kanilang bahay.

Lucile: "Sir Mark, thank you po sa paghatid po sa amin ni Madam."

Mark: "You're Welcome, Lucile. No problem."

Lola Delia: "Mark, mag-ingat ka sa pag-uwi mo. Huwag ka nang maglakuwatya, ha?"

Mark: "Hay... Oo na, Ma. Mag-iingat po ako sa daan. Tsaka aalis na rin po ako."

May ibibilin pa sana si Lola Delia pero agad pinaandar ni Mark ang kanyang sasakyan, tsaka ito umalis.

Pagka-alis ni Mark, napansin ni Lucile ang tila naiinis na inasal ni Mark sa kanyang Ina, ngunit tila balewala lang ito kay Lola Delia.

Lola Delia: "Ano na naman kayang nakain ng batang iyon? Ba't pinaharurot niya ng husto ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan?"

Napangiwe na lang si Lucile sa kanyang sarili matapos niyang marinig ang mga napakainosenteng tanong ng matanda.

Lucile: (Ibang klase po kayo Madam! Hindi niyo man lang napansin na naiinis po sa inyo ang sarili niyo pong anak?) "Ma'am, pagod lang po siguro si Sir Mark dahil po sa pagkakakulong po namin kanina sa loob ng elevator."

Lola Delia: "Ay... Ganun ba, Iha? Marahil siguro ay tama ka. Baka pagod lang siguro si Mark...Oh siya, uuwi na rin ako sa bahay at baka hindi na naman nagsaing yung Apo ko."

Lucile: "Opo. Mabuti pa nga po."

Tsaka sabay na umuwi at pumasok sa kanilang mga bahay sila Lucile at Lola Delia.

At gaya ng inaasahan ni Lola Delia, hindi na naman nagluto ng kanin si Kit at nakatambay na naman ito sa harap ng mga nag-iinumang mga lasing na matanda.

Samantalang laking tuwa naman ni Lucile nang madatnan niya ang kanyang kapatid na si Emily na abala sa pagluluto ng kanilang hapunan at matapos makapagluto ay agad din naghapunan ang dalawa.

At kung nagtatapos ang buong araw nila Lucile at Lola Delia sa isang maayos at matiwasay na hapunan.

Kabaliktaran naman ang inabot ni Mark, matapos niyang mai-park sa Garahe ng kanyang bahay ang kanyang sasakyan at saktong sumabog ang parehong gulong nito likod ng kanyang kotse. Na siyang dahilan para mapasigaw ito sa sobrang inis.

Mark (annoyed): "AARRGGHHHH!! MALAS!!"

Dahil sumabog ang parehong likod na gulong ng kanyang kotse, wala na din siyang nagawa at pinabayaan na lang ito, dahil na rin sa hindi siya marunong mag-ayos.

Kaya naisip na lang niyang maghapunan, magshower at matulog ng maaga para kalimutan ang mga naranasan nitong mga kamalasan sa buong maghapon.