Kinaumagahan, pumunta sa Eskwelahan ang lahat ng mga estudyante kasama ang kanilang magulang upang mag-rally at pigilan si Ramon sa pagpapasara ng Eskwelahan. Ngunit, pagdating nila, nadatnan nilang nakabantay sa Gate ang ilang mga pulis kasama si Ramon at ang kanyang Boss sa trabaho.
Maya't maya, dumating ang Founder sakay ng Honda Civic para pakiusapan muli si Ramon na huwag ituloy ang pagpapasara sa Eskwelahan.
Ngunit, pinag-initan ito ng mga dumalong mga magulang ng makita nilang nasa loob ng kanyang sasakyan.
Parent Man1 (irrirated): "Hoy!! Mr. Seladona! Napakawalang hiya mo! Pinagbayad mo pa kami ng mahal na Tuition ng mga anak namin tapos ipasara mo lang pala ang Eskwelahan!"
Parent Woman1 (annoyed): "Oo nga!! Dapat ibalik mo yung sobrang pera na ibinayad namin sayo!!"
Founder (begging): "Nagkakamali po kayo! Wala po akong planong ipasara ang Eskwelahan! Nandito pa nga po ako para makiusap na huwag nang ipasara ang ating School!"
Matandang lalaki (irrirated): "Sinungaling! Nandito ka lang para kunin ang natitirang pera na itinatago mo!!"
Young Man Parent1 (annoyed): "Tama si Manong! Baka pumunta lang dito yan para kunin ang natitira niyang ini-scam na pera mula sa atin!!"
Young Man Parent2 (cold tone): "Lahat kayo!! Baliktarin natin ang kotse niya!!"
Founder: "Te-Teka! Sandali! Huwag niyong gawin-! AAAHH!!"
Sa galit ng mga magulang sa Founder, pinagtulungang inuga ng ilang mga kalalakihan ang kotse ng Founder at pilit siyang pinapalabas mula sa kotse. Hanggang sa bumaliktad na ng tuluyan ang kanyang sasakyan.
Matapos mabaliktad ang kanyang kotse, lumabas ang Founder mula sa bintana ng kanyang kotse.
Ngunit, kinuyog naman siya ng mga galit na magulang ng mga estudyante. Nanonood naman sa di kalayuan ang kadadating lang na sila Emily, Nina kasama ang Nanay nito, at si Mrs. Sarmiento.
Mrs. Samiento: "Hay.....yan tuloy napala mo Mr. Seladona. Panigan mo pa kasi yan Agent na yan. Nabaling tuloy sayo lahat ng sisi."
Nina: (Buti nga sayo, Panot. Wala ka kasi sa katwiran. Ibigay pa talaga si Emily bilang kapalit na bayad sa utang ng School. Kaya yan din ang karma sayo.)
Aling Saling: "Ma'am, yung lalaking nakasuot ng Beige na Tuxedo na nasa tabi ng pulis, siya po ba yung sinasabing Ahente na pinagkakautangan ni Mr. Seladona?"
Mrs. Sarmiento: "Opo. Siya po yun."
Aling Saling: "Kung ganon, sino po yung matandang nakapusturang lalaki na naka itim na tuxedo?"
Tinignang mabuti ni Mrs. Sarmiento ang lalaking tinuturo ng nanay ni Nina. Ngunit walang ideya si Mrs. Sarmiento kung sino ang lalaking nakatayo mismo sa gitna ng Gate.
Hanggang sa dumating si Sir Joey at nakisali sa pinag-uusapan nina Mrs. Sarmiento at ng nanay ni Nina.
Sir Joey: "Good morning po, Ma'am. Ang aga niyo po ata ngayon."
Mrs. Sarmiento: "Oo, Sir. Kailangan para malaman natin kung ano ang mangyayari sa School natin."
Emily: "Good morning po, Sir."
Nina: "Good morning din po."
Sir Joey: " Good morning din. So, Ma'am? Ano na po ang nangyayari?"
Mrs. Sarmiento: "Sa ngayon, kinukuyog lang naman ng mga galit na parents ang ating Founder. Habang pinagtatawanan naman siya ng mga pinagkakautangan niyang tao sa kabilang Gate."
Dahil sa usapan ito ng mga matatanda, tahimik lang na nakikinig sina Emily at Nina sa pinag-uusapan ng tatlo.
Tiningnan naman ni Sir Joey ang mga nagkukumpulang mga magulang na kumukuyog sa Founder ng kanilang School. Napangisi na lang si Sir Joey at tinanong si Mrs. Sarmiento.
Sir Joey: "Eh....Ma'am, hindi po ba natin tutulungan si Founder?"
Mrs. Sarmiento: "Ayoko. Baka madamay pa ako sa pambubugbog ng mga Parents sa kanya."
Sir Joey: "Hindi po ba dapat, nagtatawag na po tayo ng Ambulansya? Tsaka bakit hinahayaan lang ng mga pulis na bugbugin si Sir Seladona?"
Mrs. Sarmiento: "Uhm...Siguro hindi muna. Tsaka hindi naman agad mamatay ang masamang damo. Pero sa mga pulis....may punto ka nga. Pinapanood lang nilang bugbugin ng mga parents si Mr. Seladona."
Sir Joey: "Sa tingin niyo po ba, mga binayaran ang mga iyan?"
Mrs. Sarmiento: "Oo. Hinala ko rin. Baka mga tiwaling pulis na binabayaran nung Boss ng Ahente ang mga iyan."
Aling Saling: "Mawalang galang na po Sir at Ma'am. Pero, may ideya po ba kayo kung sino po ang matandang nakapusturang lalaki na naka itim na tuxedo?"
Nang makita ni Sir Joey ang tinutukoy ng nanay ni Nina, nagulat siya ng ito ay kanyang mamukhaan.
Sir Joey: "Sandali?! Si Mr. Bugas ba yan?!"
Mrs. Sarmiento: "Mr. Bugas?"
Aling Saling: "Ano? Bogus?"
Nina: "Ano daw? Butas?"
Emily: "Hindi. Baka Hudas"
Allan: "Mali! Si Barabas yan!"
Allen: "Oo nga! O kaya si Hestas!"
Bigla namang dumating ang Kambal at nakisali sa usapan ng mga matatanda. Pero hindi natuwa ang nanay ni Nina sa inasal ng mga Teeanager.
Aling Saling: "Ahem! Mga bata. Ipapaalala ko lang. Hindi kayo dapat nakikisali sa usapan ng mga matatanda. Hindi magandang asal ang ginagawa ninyo."
Nina: "So-Sorry po, Nay. Hindi na po mauulit."
Emily: "Sorry din po."
Mrs. Sarmiento: "Okay, mabalik tayo. Sino nga ulit yan Bugas na iyan, Sir Joey?"
Sir Joey: "Ma'am, para malinawan po kayo, si Mr. Bugas po ay ang nagmamay-ari ng Bugas Lending Corporation. Isa sa malaking Lending Corporation dito sa bansa."
Mrs. Sarmiento: "Nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking Lending Company dito sa bansa?!"
Nagulat si Mrs. Sarmiento sa sinabi ni Sir Joey na isa sa nagmamay-ari ng malaking kumpanya sa bansa ay nasa harap nila mismo at kanilang natatanaw.
Tila napanghinaan ng loob si Mrs. Sarmiento nang maisip nito na isang mayamang tao ang kinakalaban ng kanilang Eskwelahan.
At naisip niyang, wala nang pag-asa para pakiusapan ang mga ito na ipagpatuloy ang operasyon ng kanilang School. Lalo na't lumalabas na kanang kamay nito si Ramon.
Mrs. Sarmiento: "Kung isa nga siya sa mga mayayaman na tao dito sa bansa, mukhang lumalabas na kahit mag-rally pa sa harap ng School Gate ang mga parents ng mga estudaynte, wala din silang magagawa dahil madali lang sa kanya ang ipasara ang School."
Aling Saling: "Ma'am? Sinasabi niyo po ba na kahit dumagsa pa ang mga katulad kong magulang para tumulong sa pagpigil sa pagpapasara, ay maipapasara pa rin ang School?!"
Malungkot na tumango si Mrs. Sarmineto dahil sa kahit ano pa ang kanilang gawin ay wala silang magagawa para pigilan ang pagpapasara sa Eskwelahan.
Malungkot ding dumagdag si Sir Joey sa mga sinabi ni Mrs. Sarmiento.
Sir Joey: "Tsaka isa pa pong problema ay ang hindi mabayarang utang ng School sa kanyang kumpanya. Kaya kahit mag-ingay pa ang mga tao, hindi na nila mapipigilan ang pagpapasara ng School."
Nina: "Kung ganun, yung kahapon pong pasok po namin, ang huling araw na papasok kami sa School?"
Mrs. Sarmiento: "Oo, Nina. Siguro nga."
Emily: (Kahapon.... Oo nga. Baka yun na nga ang huling pagpasok namin sa School.)
Pero habang inaalala ang mga naganap kahapon, naalala ni Emily ang ipinangako ni Kit na pipigilan si Ramon sa pagpapasara sa School at naalala din niyang sinabi kay Kit na may tiwala siya rito.
Kaya ipinaubaya na lang ni Emily sa sinabi ni Kit sa kung anuman ang gagawin nito sa araw na ito.
Emily: (Kit, kung anuman ang iniisip mong plano. Sana maging milagro ang gagawin mo.)
Habang malungkot sila Emily, Sir Joey at ang iba pa nilang kasama sa Store na malayo sa mga nagra-Riot na mga Parents at hinihintay ang sasabihin ng Boss ni Ramon sa mga tao, nakalusot mula sa Gate ang Founder at agad itong lumapit kay Ramon.
Tsaka ito nagmaka-awang nakikiusap na huwag ipasara ang kanyang Eskwelahan.
Founder (begging): "Mr. Ferrer! Nakikiusap ako sa inyo! Huwag niyo pong ipasara ang School!"
Ramon (annoyed): "Lumayo ka nga sa akin! Panot! Matapos mo akong ipahiya sa harap na lahat ng mga estudyante at guro, nang dahil sa pambubugbog sa akin ng walang disiplina mong estudyante, kakaawaan pa kita?!"
Founder (begging): "Opo, Sir! Pakiusap po! Huwag niyo pong ipasara ang School! Pangako, Sir! Babayaran ko po ang utang ng eskwelahan! Bigyan niyo lang po ako ng panahon!"
Mr. Bugas: "Mr. Seladona, wala nang panahon ang natitira sayo. Lalo na't nangako kang babayaran ang 2 milyong halaga ng pera na hiniram mo sa loob ng tatlong buwan."
Nakisali naman sa usapan ang Boss ni Ramon, matapos nitong marinig ang nakikiusap na Founder ng eskwelahan. Ngunit patuloy sa pagmamaka-awa ang Founder sa Boss ni Ramon.
Founder (begging): "Mr. Bugas! Pakiusap ho! Huwag niyo pong ipasara ang Eskwelahan! Kahit gaano po katagal, babayaran ko po ang pera na hiniram ko po sa inyo!"
Tahimik lang na tinitigan ng Boss ni Ramon ang Founder ng School.
Hanggang sa naisip nitong makipagbulungan kay Ramon at lumapit naman si Ramon sa kanyang Boss.
Tsaka sila nag-usap malayo sa Founder.
Mr. Bugas: ("Ramon, hindi pa ba dumarating ang Court order laban sa kanya?")
Ramon: ("Wala pa po, Sir. Hindi pa po dumarating.")
Mr. Bugas: ("Pambihira! Akala ko ba, sinuhulan mo na yung Municipal Judge ng 500,000 pesos para mapabilis ang Release ng Court Order?!")
Ramon: ("Eh...yun na nga po, Sir, ang ipinagtataka ko. Ipinadala ko na po mismo sa Judge ang pera. Kaya dapat, kanina pa inilabas ng Judge ang Court Order.")
Muling tinignan ng dalawa ang Founder at mga galit na parents ng mga estudyante na patuloy sa pagdagsa at nagrarally sa harap ng Eskwelahan.
Tila napansin nilang, hindi umaayon sa kanilang plano ang kakaiba at mabagal na pagdating ng Decision ng Judge mula sa Korte. Hanggang sa nagtanong si Ramon sa kanyang Boss.
Ramon: ("Sir, anong gagawin natin? Masyado nang matagal ang pagdating ng Court Order ng Judge.")
Mr. Bugas: ("Oo nga. Masyado na itong matagal. Dapat eksaktong 9 AM ay nakapagrelease na dapat ang Judge. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Pakiramdam ko, may kung sinong pumipigil sa plano natin.")
Ramon: ("A-Ano pong ibig niyong sabihin? Sinasabi niyo po bang may kung sino pang mas maimpluwensya at mas mayaman pa sa inyo, ang kaya kayong tapatan?")
Sandaling tumahimik ang Boss ni Ramon at nag-iisip kung sinong mas mayaman at mas maimpluwensya pa kaysa sa kanya ang pwedeng pumigil sa kanilang mga plano. Ngunit, naisip ng Boss ni Ramon na imposibleng mula sa limang pinaka-mayayaman na tao ang kasalukuyang pumipigil at humaharang sa kanyang plano na pag-papasara sa Eskwelahan.
Mr. Bugas: ("Imposible! Imposibleng mangyari yun! Tanging ang limang pinakamayayaman na angkan lamang dito sa bansa ang pwedeng makipagtapatan ng yaman at impluwensya sa akin. Kaya imposibleng may isa sa kamag-anak ng limang mayaman na angkan, ang nag-aaral dito sa bulok na Eskwelahan na ito!")
Ramon: (Kamag-anak ng limang pinakamayayamang angkan?)
Tila may naalala si Ramon sa sinabi ng kanyang Boss at naalala nito na nakipagmayabangan siya kahapon, sa taong bumugbog sa kanya. At ang taong yun ay walang iba kundi si Kit.
Sa pagkaka-alala niya, nabaggit din nito na sinabi ni Kit ang mga katagang: "Ganun ka rin! Humanda ka rin bukas!".
Ramon: (Po-Posible kayang...?! Ang binatilyong iyon!)
Kaya kinilabutan si Ramon sa kanyang naisip na posibleng mangyari na isang bakal na pader ang kanyang binabangga at marahil ay kabilang din sa limang mayayamang angkan si Kit.
Kaya agad siyang humiwalay sa kanyang Boss at agad na nilapitan ang Founder tsaka niya ito galit na kinausap, sabay dinukot at hinihila ng kanyang kanang kamay ang collar ng tuxedo nito, tsaka inilapit ang mukha nito sa kanyang mukha. Nagtaka naman ang kanyang Boss sa kanyang ikinilos.
Ramon: "Hoy! Panot! May itatanong ako sayo! Kaya sagutin mo ako ng maayos!"
Mr. Bugas: "Ramon? A-Anong nangyayari? Bakit mo tinatanong si Mr. Seladona?"
Ramon: "Sino yung binatilyong nanipa at nanuntok sa akin kahapon ha?!"
Kinakabahan namang sumagot ang Founder kay Ramon dahil sa baka suntukin nito ang kanyang mukha sa harap ng maraming tao. Gayun pa man, sinagot naman niya ng maayos si Ramon.
Founder: "Si-Si Kit po ba ang tinutukoy ninyo? Mr. Ferrer?"
Ramon: "Ano ang buo niyang pangalan?!"
Mr. Bugas: "Oy! Ramon! Itigil mo yan! Lalo ka lang gumagawa ng atensyon sa mga tao na nasa Gate!"
Sinita si Ramon ng kanyang Boss, ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa pagtatanong sa Founder.
Hindi naman makasagot ng maayos ang Founder sa takot na suntukin siya ni Ramon. Kaya muling inulit ni Ramon ang kanyang tanong.
Ramon: "Uulitin ko, Panot! Ano ang buong pangalan ng walang hiyang iyon?!"
Founder: "Ki-Kit! Kit Zacarias!"
Ramon: "Ano ang kanyang Middle Name?!"
Founder: "Hi-Hindi ko alam!"
Ramon: "Anong hindi mo alam?!"
Founder: "Ma-Maniwala ka sa akin! Hi-Hindi ko po talaga alam! Pero ku-kung gusto mo, titingan ko sa Student Records!"
Napansin ni Ramon na hindi talaga alam ng Founder ang Middle name ni Kit. Kaya pumayag siya sa mungkahi nito na hanapin ang Student Records.
Kaya binitawan ni Ramon ang Founder tsaka niya ito panaalis para hanapin ang Student Records sa loob ng eskwelahan.
Ramon (demanding tone): "Sige! Hanapin mo ang Student Records! At ibigay mo sa akin ngayon din mismo! Tsaka dalian mo!"
Agad tumakbo papasok sa loob ng Eskwelahan ang Founder at hinanap sa Registrar's office ang listahan ng mga estudyante sa Section ni Kit.
Habang naghahanap ang Founder, muli na naman sinita si Ramon ng kanyang Boss.
Mr. Bugas: "Ramon! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Alam mo bang pinapahiya mo ako sa harap ng maraming tao sa ginagawa mo sa Founder, ha?!"
Ramon: "Sorry po, Sir. May gusto lang po kasi akong siguraduhin."
Mr. Bugas: "At alin naman ang sinisigurado mo?"
Maya't maya, mabilis na lumapit ang Founder at maging ito ay kinakabahan din sa kanyang nadiskubre, nang makita ang nilalaman ng Student Records. Tsaka niya ito ibinigay kay Ramon.
Founder: "Jusko! Katapusan na nating lahat!! Tingnan mo to!"
Mr. Bugas: "A-Anong ibig mong sabihin?! At ano yan?!"
Ramon: "Student Records po, Sir! Tsaka akin na nga yan!"
Hinablot ni Ramon ang listahan ng mga estudaynte na naka-enroll sa eskwelahan at agad hinanap ang buong pangalan ni Kit. Nang makita ito, muli niyang tinignan ang lahat ng pangalan sa bawat pahina ng listahan upang masigurong hindi siya namamalik-mata sa kanyang nakita.
Ngunit, sa pangalawang pagkakataon, hindi na namalik-mata si Ramon sa kanyang nakita at kinakabahan na sa mga susunod na mangyayari.
Ramon: "Boss.... katapusan na natin. Sa maniwala po kayo't sa hindi. Siya lang ang may ganitong pangalan sa Eskwelahang ito."
Mr. Bugas: "A-Anong ibig mong sabihin?!"
Ibinigay ni Ramon ang Student records sa kanyang Boss at ipinakita ang buong pangalan ni Kit.
Nagulat naman ang kanyang Boss at hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita.
Mr. Bugas (shocked): "Kit Aguire-Zacarias?! A-Ano?! AGUIRE!!"
Muling dinobleng tinignan ng Boss ni Ramon ang Student records sa bawat pahina at inulit na naman niya itong tiningnan at umaasa na kaapelyido o kaya nagkataon lang na kapareho lang ng spelling na "Aguire" ang Middle name ni Kit.
Ngunit, pagkatapos ng pangatlong ulit na pagtingin sa Student Records, tinanggap na lang ng Boss na tanging si Kit ang "Aguire" sa Student Records at wala nang iba pang estudyante na may kaparehong apelyido.
Kaya nangangamba si Ramon, pati na rin ang kanyang Boss na baka galing sa isa sa limang pinakamayamang angkan na "Aguire" si Kit.
Mr. Bugas: "Lintik! Tapos na tayo, Ramon! Sa oras na totoong galing sa mayayamang angkan na "Aguire" ang pangalan na itinuro mo, siguradong sa mga oras na ito, nagsusumbong na kay Amancio Aguire ang binatilyong iyan!!"
Founder: "Amancio Aguire? As in... Amancio Aguire Jr.?! Yung pangatlong pinakamayaman na tao dito sa bansa?! At yung may-ari ng kumpanyang Aguire Aegis Industries?!"
Mr. Bugas: "Oo.. Siya nga!"
Founder: "Ju-Jusko! Lagot na nga talaga kayo! Lalo na't maraming koneksyon sa Gobyerno si Amancio Aguire Jr.!"
Mr. Bugas (smirk): "Mr. Seladona!! Huwag kang magmalinis! Damay ka na din sa problema namin dahil may mga utang ka pang hindi pa nababayaran sa kumpanya namin!"
Founder: "Oo nga noh. Pero pwede ko siyang pakiusapan na hayaan mag-operate ang Eskwelahan! Kahit na makulong ako dahil sa hindi ko pagbabayad sa mga utang ng inyong kumpanya! Total, nag-aaral din naman dito sa Eskwelahan ang kanyang kamag-anak, sigurado akong hindi siya papayag na ipasara ang Eskwelahan!!"
Mr. Bugas: (Bw*s*t ka din! Panot ka! Isa kang balimbing!! Kapag nagsama tayo sa iisang kulungan, pahihirapan kita!)
Maya't maya, may tatlong mga itim na Armored na kotse, isang pulang Ford Everest, dalawang Police Mobile, sakay ang apat na tao sa bawat mobile, at apat na Police motorcycle na tig-dalawa sa harap at likod bilang Convoy, ang biglang dumating.
Nagsitabi naman ang mga nagrarally na mga parents at estudyante, matapos makita at marinig ang sirena ng mga pulis.
Nagtaka naman sila Emily, Nina, Sir Joey at Mrs. Sarmiento na nakatayo sa harap ng Store, nang makita ang mga dumating na sasakyan.
Mrs. Sarmiento: "Te-Teka?! Saan galing ang mga sasakyan na iyan?!"
Sir Joey: "Hi-Hindi ko po alam, Ma'am. Pero yung logo na nakikita ko sa tatlong itim na sasakyan ay galing sa Office of the Secretary of National Defense, National Security Agency at Department of Justice."
Mrs. Sarmiento: "A-Ano?! G-Grabe naman! Sino kaya ang nagsumbong sa kanila?! Jusko! Mga bigating tao sa ahensya ng Gobyerno pa ang sinumbungan ng taong iyon!"
Aling Saling: "Ma'am, nakita ko din na may tatak ng Aguire Aegis Industries yung pulang kotse."
Mrs. Sarmiento: "Manang! Si-Sigurado po ba kayo?!"
Sir Joey: "Hi-Hindi po ba kayo nagbibiro?!"
Nina: "Sir Joey at Ma'am Sarmiento, mawalang galang na po. Pero ba't parang gulat na gulat po kayo nang marinig niyong Aguire Aegis Industries ang logo sa Pulang kotse?"
Emily: "Oo nga po. Ano pong mayroon sa kanila?"
Sir Joey: "Guys! Para madali niyong maintindihan, eto ang masasabi ko. Ang Aguire Aegis Industries ay ang pangatlo sa pinakamayamang kumpanya dito sa bansa. At ang nagmamay-ari din sa Aguire Aegis Industries na si Amancio Aguire Jr. ay ang pangatlo ding pinakamayaman na tao at isa din ang Aguire clan sa limang mayayamang angkan dito sa ating bansa! Tsaka maidagdag ko lang, ang Aguire Aegis Industries din ang pinagkakatiwalaang kumpanya ng Gobyerno sa paggawa ng Bullet Proof Gear ng mga sundalo at pulis, mga Sandatang pandigma, Self-Defense Gear at Items, at kasama na ang Armored Limousine ng Presidente ng bansa."
Nina: "Sir! Sobrang yaman naman niyan kung ganyan ang business niya!"
Nagulat sila Emily, Nina at ang Nanay ni Nina ng malaman nilang dumating sa kanilang Eskwelahan ang sasakyan mula sa pangatlong pinakamayamang kumpanya sa bansa.
Ngunit ang palaisipan sa lahat kung sino ang sakay ng mga sasakyang ito. Hanggang sa lumabas ang mga taong sakay ng mga naturang sasakyan at ikinagulat ng lahat ang kanilang nakita.
Parent Man1: "Jusko! Yung Defense Secretary, Secretary of Justice at yung Director General ng mga kapulisan ang mismong sakay nung tatlong itim na sasakyan?!"
Parent Man2: "Oo! Kita ko nga!"
Tatay ni Axel: "Te-Teka?! Ba-Ba't sila nandito sa School? Anong nangyayari?!"
Nanay ni Althea: "Hindi lang sila ang mismong nagpunta dito, tingnan niyo rin yung sakay ng pulang kotse!"
Tatay ni Ruby: "Si Mr. AGUIRE?! Hindi ko maintindihan?! Ba't siya pumunta mismo dito sa School?!"
Ruby: "Papa! Bakit pumunta dito sa School ang tatlong matataas na opisyal ng Gobyerno? At pati yung isa sa mayayamang tao dito sa bansa ay dumating din?!"
Tatay ni Ruby: "Hindi ko din alam, anak. Pero kung pumunta mismo si Mr. Aguire dito, ibig sabihin may malapit na kamag-anak siguro siya na nagsumbong sa kanya."
Ruby: "Pero, sino naman kayang malapit sa kanya, ang may anak na nag-aaral dito sa School?!"
Emily: (I-Ito na ba marahil ang sinasabing plano ni Kit?! Pe-Pero paano siya nakapagtawag ng mga Opisyal mula sa Gobyerno?!)
Patuloy din ang pagdagsa ng mga tanong sa isipan ng mga estudyante at magulang na nagrarally dahil na rin sa biglaang pagdating ng apat na maimpluwensyang mga tao sa harap ng Eskwelahan.
Maya't maya, nagsidatingan din ang Media at mga reporter mula sa iba't ibang istasyon ng TV at Radyo para ibalita ang biglaang pagdating mga Opisyal ng gobyerno sa Eskwelahan.
Hanggang sa kinuha ng Director General ang kanyang Megaphone mula sa loob ng itim niyang sasakyan at inanunsyo sa lahat ang kanyang sasabihin.
Director General: "Paumanhin po sa inyong lahat kung naguguluhan po kayo sa biglaan naming pagdating. Pero ito lang po ang aking masasabi, nagkataon lang po na kami ay naparito para i-serve ang Warrant of Arrest laban sa Presidente ng Bugas Lending Corporation na si Mr. Barboso Bugas at ang kasabwat nitong si Mr. Ramon Ferrer sa mga patong-patong na mga kasong pangingikil, Estafa, panloloko at ang nakakahindik sa lahat, ay ang pagpatay sa tatlong bugaw sa isang Night Club."
Parent Man1: "A-Ano?! May mga kaso ang mga iyan!!"
Tatay ni Axel: "Pambihira!! Mga Kriminal pala ang mga nagpapasara sa eskwelahan!!"
Nanay ni Althea: "Palabasin niyo sa Gate ang mga Kriminal na iyan! Bugbugin ninyo!!"
Young Parent1: Oo!! Tama! Palabasin niyo sila!! Ang lakas ng loob niyong ipasara ang School!! Tapos may mga kasalanan pala kayo sa batas!! Lumabas nga kayo diyan!!"
Matapos marinig ng mga Magulang ang anunsyo ng Director General, nagkaroon ng gulo sa labas ng gate dahil na rin sa galit ng mga tao.
Agad naman inutusan ng Director General ang mga kasama nitong pulis na pigilan ang mga tao sa pagkuyog kila Ramon at sa kanyang Boss.
Takot at natataranta sina Ramon at ang kanyang Boss nang makita ang galit na mga tao sa labas ng Gate.
Hanggang sa iniutos ng Defense Secretary sa Director General na papasukin ang mga pulis at hulihin sila Ramon at ang kanyang Boss dahil na rin sa may atraso din ang mga ito sa Nanay ng Defense Secretary.
Defense Secretary: "General! Hulihin niyo yan dalawang, walang hiya na iyan!! Pagtangkaan pa talagang kikilan ang Nanay ko ng 1 Bilyon sa kanyang Bank account! Gusto kong mabulok sa kulungan ang dalawang iyan!!"
Director General: "Opo, Secretary."
Tsaka pumasok sa gate ang mga pulis para hulihin sina Ramon at ang kanyang Boss. Lumapit naman si Ansyong sa Defense Secretary at kinausap ito.
Ansyong: "Sir, buti na lang, tinawagan ko po kayo kagabi."
Defense Secretary: "Oo, Ansyong. Buti tinawagan mo ako at namomoroblema ka na sana sa pagpigil sa pagpapasara sa Eskwelahan dito ng pamangkin mo."
Ansyong: "Oo nga po. Tsaka hindi ko po malalaman na may mga nakabinbin palang kaso yan si Dugas."
Defense Secretary: "Ansyong, Bugas ang apelyido niya."
Ansyong: "Ganun na rin po yun, Sir. Wala naman pong pinagkaiba. Tsaka ano naman pong atraso ni Hudas este Bugas sa Justice Secretary?"
Defense Secretary: "Nagsumbong yung Municipal Judge sa kanya na sinuhulan siya ng 500,000 pesos. Kaya dagdag kaso na rin ang panunuhol laban sa kanya."
Ansyong: "Kung ganun, sorry na lang siya. Dahil baka wala pang isang linggo ay Guilty na agad ang desisyon ng husgado sa kanyang mga kaso. Justice secretary pa naman ang nakalaban niya."
Maya't maya, marahas na dinaganan ng mga pulis sina Ramon at ang kanyang Boss.
PO1: "Kayo! Taas ang kamay!"
SPO1: "DAPA!"
PO2: "FBI!! Mga Pedophile!!"
Hepe: "Tanga! Pulis tayo! Hindi FBI!"
PO2: "Sorry, Sir!"
Mr. Bugas: "Anong Pedophile?!! Etong si Ramon ang Pedophile!! Mahilig gumalaw ng bata yan!"
Ramon: "Sir! Huwag kayong magsinungaling!! Hindi po yan totoo!!"
Hepe: "Daganan niyo yung isa!! Huwag niyong patatakasin!"
All Pulis: "Yes, Sir!"
PO3: "Etong bagay sayo!! Pedophile!"
S.W.A.T. 1: "F! B! I!"
S.W.A.T. 2: "Oy!! Sira! "S.W.A.T." tayo! Hindi F.B.I.!"
S.W.A.T. 1: "Ay.... Oo nga pala. Nakalimutan ko. Teka ulitin ko lang... S! W! A! T!!!"
Ramon: "Teka! Sanda-! AAHHHK!!"
Hanggang sa dinaganan si Ramon ng mga pulis na huhuli sa kanya at pati mga S.W.A.T. ay nakidagan na din, habang siya ay nakadapa.
Habang dinadaganan ng husto si Ramon ng lahat ng mga kapulisan, natutuwa naman ang kanyang Boss dahil nabaling sa kanya ang lahat ng mga pulis at dalawang pulis lang ang dumagan at nagpadapa sa kanyang Boss.
Nadamay naman ang Founder at pinagkamalan itong kasabwat nina Ramon at ang kanyang Boss, kaya pinadapa din ito ng mga pulis tsaka pinosasan.
Pagkatapos maposasan, inilabas mula sa Gate ng School ang mga ito at isinakay sa Police mobile.
Ngunit ng makita ni Ansyong ang Founder ng School, nilapitan niya ang Justice Secretary para humingi ng pabor.
Ansyong: "Ma'am, pwede pong makahingi ng pabor?"
Justice Secretary: "Ano ang maipaglilingkod ko, Mr. Aguire?"
Ansyong: "Pwede po bang paki-pakawalan niyo si Mr. Seladona?"
Justice Secretary: "Ha?! Bakit?"
Ansyong: "Sa nakikita ko po, biktima din siya ng panloloko ng mga dalawang iyan. Tsaka gusto ko din po siyang kausapin, regarding sa sitwasyon ng paaralan."
Tinitigan ng Justice Secretary ang seryosong mukha ni Ansyong. Kaya pinagbigyan siya ng Justice Secretary.
Justice Secretary: "Oh sige. Kaso, may nakasalang na kaso si Hudas... I mean Bugas kay Mr. Seladona na nagsasabing hindi ito nagbayad ng utang sa kanilang kumpanya. Pero maari siyang maabswelto kapag nabayaran nito ang 1,005,000 pesos na natitira niyang utang. Pero dahil na din sa posibleng Guilty ang ipataw na hatol kay Bugas dahil sa kanyang mga kaso noon, maaring mabalewala ang isinalang niyang kaso kay Mr. Seladona. At sa halip, maari pa siyang magkontra demanda laban kay Bugas. Pero dahil mga posibilidad lang ang mga sinabi ko, hindi pa rin lusot sa pagkakakulong si Mr. Seladona."
Ansyong: "Kung ganun, isa na lang ang naiisip kong paraan."
Justice Secretary: "Anong ibig niyo pong sabihin, Mr. Aguire?"
Naglabas ng isang Ballpen at tila note book na bagay sa kaliwang kamay ni Ansyong, tsaka niya ito sinulatan.
Matapos sulatan, ibinigay ni Ansyong ang papel na isa palang Tseke sa Justice Secretary.
Ansyong: "Ma'am. Tanggapin niyo po, bilang pagtulong ko kay Mr. Seladona. Tsaka huwag niyo po sanang isipin na suhol ang binibigay ko. Ayoko din pong maipasara ang Eskwelahan ng pamangkin ko. Kaya ibinibigay ko po ang eksaktong halaga ng utang ni Mr. Seladona at para maabswelto na rin po siya."
Kinuha at tiningnan naman ng Justice Secretary ang Tsekeng iniaabot ni Ansyong at nakita nyang tunay na Tseke mula sa Bangko na pirma at buong pangalan ni Ansyong ang nakalagay.
Nakita rin niyang eksakto ang halaga ng utang ng Founder ang nakalagay sa Tseke. Tinanggap naman ng Justice Secretary ang Tsekeng ibinigay ni Ansyong.
Justice Secretary: "Oh sige. Ilalagay kong donasyon mo, ang perang ito para kay Mr. Seladona at bilang kabayaran sa kanyang mga utang. Tsaka dahil binayaran mo na kanyang utang, abswelto na siya sa kanyang kaso. Kaya pwede ko na siyang pakawalan ngayon."
Ansyong: "Salamat po, Ma'am."
Matapos bayaran ni Ansyong ang utang ng Founder, agad ipinag-utos ng Justice Secretary na pakawalan ang Founder. Nagulat naman sina Ramon at ang kanyang Boss ng makita nilang pinakawalan ang Founder at pinalabas sa Police mobile.
Agad namang umalis ang tatlong sasakyan, kasama ang dalawang Police mobile matapos mahuli si Ramon at ang kanyang Boss.
Kasabay ng pag-alis ng mga sasakyan ay ang pag-alis din ng mga usiserong media. Ngunit, naiwan naman sa harap ng Gate ang pulang Ford Everest at si Ansyong.
Nagtataka naman ang lahat ng mga tao na kanina'y nagrarally, kung bakit hindi kasamang nakulong ang Founder.
Tatay ni Daniel: "Teka?! Ba't hindi kasamang nahuli yung panot na iyan?!"
Nanay ni Althea: "Oo nga! Nakita kong kasama niya yung dalawang Kriminal sa loob!"
Ansyong: "Mga Parents at Students na nandidirito ngayon. Gusto kong, makinig po kayong lahat sa akin nang maipaliwanag ko kung bakit po ako nandirito. At ipapaliwanag ko rin po kung bakit hindi po nakulong si Mr. Seladona."
Lumapit naman sila Emily, Nina, Sir Joey at Mrs. Sarmiento, matapos nilang marinig na nagbibigay ng talumpati si Ansyong. Gumaan naman ang loob ni Emily, matapos makita sa kalayuan ang paghuli kay Ramon ng mga pulis.
Gayun pa man, nakinig ang lahat ng mga parents at estudyante sa sasabihin ni Ansyong.
Ansyong: "Sasagutin ko na po muna kung bakit ako nandirito. Nandirito po ako, kasi po may kamag-anak po akong nagsumbong po sa akin na ipapasara ang School. Tsaka bilang proteksyon sa pagkakalilanlan ng aking kamag-anak, hindi ko na po babanggitin ang kanyang pangalan."
Biglang nag-usap at nagbulungan ang mga tao matapos nilang marinig mismo kay Ansyong na mayroon iyong kamag-anak na nag-aaral sa eskwelahan.
Sir Joey (shocked): "A-Ano?! Mayroon siyang kamag-anak na nag-aaral sa School?!"
Mrs. Sarmiento: "Pe-Pero sino naman kaya iyon?! Tsaka wala man lang akong kamalay-malay na may kamag-anak pala siya dito."
Emily (shocked): (Kamag-anak?! Hi-Hindi kaya si Kit ang tinutukoy niya?! Sandali...kung kamag-anak niya si Kit ibig sabihin ay...) "Isa siyang Milyonaryo?!!"
Nina: "Hoy Emily! Anong sinasabi mo dyan?!"
Emily: "Wa-Wala! Wala naman, Nina."
Nina: "Sigurado ka? Parang nagulat ka sa kung anong bagay."
Emily: "Hehehe....Hayaan mo na." (Wow! Milyonaryo pala siya. Kaya pala napakasalbahe niya.)
Maya't maya, ipinagpatuloy ni Ansyong ang pagsagot sa pangalawa niyang tanong.
Ansyong: "Dahil nagsumbong sa akin yung aking kamag-anak, siyempre katulad din ninyo, hindi rin ako pumayag sa gustong mangyari ng mga manlolokong iyon. Kaya tinawag ko ang lahat ng mga opisyal sa gobyerno para tulungan na huwag ipasara ang eskwelahan. At isang bagay pa, biktima din po ng mga manlolokong iyon ang ating Founder na si Mr. Seladona. Kaya naman po, nakiusap ako sa Justice Secretary na pakawalan si Mr. Seladona. At binayaran ang kanyang mga utang."
Tatay ni Axel: "A-Ano?! Binayaran niyo po ang kanyang utang?!"
Ansyong: "Opo! Tama po kayo sa narinig niyo."
Founder: "Mi-Mister Aguire?! Hi-Hindi po ba kayo nagbibiro?! Binayaran niyo po ang aking mga utang?!"
Biglang napaluhod sa lupa ang Founder, tsaka ito napaiyak dahil sa kanyang narinig na binayaran ni Ansyong ang lahat ng utang ng eskwelahan, pati na rin ang pagkakaabswelto nito sa kasong isinampa ng Boss ni Ramon. Inalalayan at pinatayo naman ni Ansyong ang Founder.
Ansyong: "Sir, ikinalulugod ko lang pong makatulong. Tsaka alam ko po ang pakiramdam na mabaon sa utang. Kaya naman, tumayo na po kayo at ianunsyo sa lahat ang kailangan niyo pong ianunsyo."
Tumango ang Founder sa sinabi ni Ansyong at inanunsyo sa lahat ang kanyang sasabihin.
Founder: "Sa lahat ng Parents Guardian, at mga Estudyante na dumalo at nakiisa para pigilan ang pagpapasara sa mahal ninyong Eskwelahan. Kaya ako po'y nagpapasalamat sa pagsuporta sa aking Eskwelahan. Kaya naman, ikinagagalak ko pong ianunsyo sa lahat na ang Seladona Junior Science High School ay muli na naman pong magbubukas at balik na naman po aming ang operasyon!!"
Laking tuwa ng mga dumalo sa rally ng sabihin ng Founder na balik na sa operasyon ang Eskwelahan at makakapasok na muli ang mga estudyante.
Kaya matapos ianunsyo ng Founder ang kanyang Speech, pumasok sila ni Ansyong sa loob ng School Building para pag-usapan pa ang ilang mga bagay.
Natuwa din sina Sir Joey at Mrs. Sarmiento, dahil sa makakapagtrabaho pang muli sa Eskwelahan sa mga susunod na linggo.
Nagsiuwian naman ang mga tao matapos mapigilan ang pagpapasara ng eskwelahan. Ang iba namang mga estudyante ay tumabay pa sa School para magliwaliw.
Kabilang sina Emily at Nina sa mga tumambay at sandaling namasyal sa loob ng paaralan.
Habang nasa loob ng Principal's Office, nag-usap sina Ansyong at ang Founder.
Founder: "Mr. Aguire, sobra po akong nagpapasalamat sa inyong ibinigay na tulong sa akin."
Ansyong: "Mr. Seladona, tatapatin ko na po kayo. Pero hindi po ako ang inyong dapat na pasalamatan."
Founder (confused): "A-Ano pong ibig niyo sabihin?"
Ansyong: "Sige, para malinawan kayo...."
Lumapit si Ansyong sa pinto ng Principal's office, tsaka niya ito binuksan at pinapasok ang taong may dahilan kung bakit hindi naipasara ang eskwelahan.
Founder: "Ki-Kit! Kit Zacarias."
Ansyong: "Opo, Mr. Seladona. Sa kanya po dapat kayo magpasalamat. Dahil kung hindi niya sinabi sa akin ang lahat ng mga nangyayari mula kahapon. Baka sa mga oras na ito ay humihimas na kayo ng rehas."
Seryoso lang na tinitigan ni Kit ang Founder. Ngunit, napaluha ang Founder matapos nitong maalala ang paninisi nito kay Kit, kahapon.
Hindi inakala ng Founder na sa kabila ng lahat ng masasakit na salitang kanyang binitawan ay nagawa pa rin siyang tulungan ni Kit.
At ang nakakamangha pa ay hindi man lang nakaisip na gantihan ni Kit ang Founder. Kaya humingi ng tawad ang Founder kay Kit.
Founder: "Ki-Kit! Pa-Patawarin mo sana ako sa mga nasabi ko sayo, kahapon. Sobrang naging desperado lang ako dahil baon ako sa utang. Sana mapatawad mo ako."
Kit: "Sir, pinapatawad ko na po kayo. Tsaka wala po akong hihingin na kapalit sa inyo. Pero isa lang ang gusto ko, yun ay ang huwag niyo pong ipagsabi sa lahat na pamangkin ako ng isa sa pinakamayaman na tao sa bansa at miyembro ng pamilya ng mga mayayaman. Dahil kapag nagkataon, maaring mapahamak yung mga taong malapit sa akin. Kaya hinihiling ko po na isekreto niyo lang po mula sa lahat ang nalalaman ninyo."
Founder: "Oo. Naiintidihan ko. Sisiguraduhin kong, pagdating ng lunes ay tratratuhin kita ng gaya ng dati. Pero asahan mong may konting pagbabago sa aking pakikitungo ko sayo."
Kit: "Salamat po, Sir."
Naunawaan ng Founder ang ibig sabihin ni Kit sa kanyang sinabi.
Kaya nangako ito na hindi ipagsasabi kahit na kanino ang tunay na estado ng buhay ni Kit.
Kaya matapos mag-usap ang Founder at si Kit, sandaling nag-usap muli si Ansyong at ang Founder tungkol sa pagdodonate nitong muli ng pera para sa mga susunod na Activities ng School.
Muli na namang nagpasalamat ang Founder sa pagiging galante ni Ansyong, tsaka sila umalis at umuwi sa kanilang bahay.
Matapos mamasyal sa School, habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay, nakita nina Emily at Nina si Kit na naka-abang at naghihintay sa kanila sa tabi ng daan.
Nina: "Oh? Kit. Anong ginagawa mo dito? May hinihintay ka ba?"
Kit: "Nina, pwede ko bang kausapin si Emily?"
Emily: "Ha? Gusto mo akong kausapin?" (Ano kaya pag-uusapan namin? Tungkol kaya ito sa nangyari kanina?)
Nina: "Bakit, Kit? Ano bang gagawin mo sa kanya?"
Kit: "Wala akong gagawin, Nina. Kaya maari ba?"
Nina: "Ano sa tingin mo, Emily?"
Nag-iisip si Emily kung papayag ba siya sa gusto ni Kit.
Pero dahil sa ilang metro na lang ang bahay ni Nina mula sa kanilang kinatatayuan, pumayag si Emily na kausapin si Kit.
Emily: "Nina, total, malapit lang naman tayo sa bahay. Wala naman sigurong magiging problema kung kakausapin ko si Kit."
Nina: "Oh sige. Ikaw bahala. Basta sumigaw ka lang ng pagkalakas-lakas kapag may ginawa siyang kalokohan."
Emily: "Oo, Nina."
Nina: "Sige! Kita na lang sa bahay."
Agad umalis si Nina at naglakad ito pauwi sa kanilang bahay.
Naiwan naman si Emily na nagtataka sa kung ano ang sasabihin ni Kit sa kanya. Kaya agad niyang tinanong si Kit, kung ano ang pakay nito.
Emily: "Kit, kanina mo pa ba kami inaabangan dito ni Nina?"
Kit: "Oo."
Emily: "Bakit naman? May sasabihin ka ba?"
Kit: "Oo."
Emily: "Anong gusto mong sabihin?"
Sandaling hindi kumibo si Kit sa itinanong ni Emily at maya't maya ay sinabi na nito ang kanyang pakay.
Kit: "Emily, kung maalala mo, tinanong kita kung may tiwala ka ba sa akin sa aking plano, kahapon, hindi ba?"
Emily: "Oo....Te-Teka? Wa-Wag mong sabihing ikaw yung....!"
Kit: "Oo. Nagsumbong ako sa Uncle ko. Kaya dumating siya kanina."
Emily: "U-Uncle mo?! I-Ibig sabihin-!"
Pinigilan ni Kit si Emily na magsalita dahil na rin sa napapataas na ang kanyang boses sa pagkagulat.
Kit: "SHHHH! Huwag kang maingay."
Emily: "I-Ibig sabihin, totoong Uncle mo yung sinasabi ni Sir Joey kanina na Mr. Aguire?"
Kit: "Oo."
Emily: "Eh di kung ganon, mayaman ka?"
Kit: "Ayokong isipin na mayaman ako."
Emily: "Tsaka kung mayaman ka, bakit hindi mo pinapagamot yung Asthma mo?"
Kit: "Ginagamot ko na. Mula pa noon. Tsaka mahirap ipaliwanag kaya huwag mo nang alamin."
Emily: "Eto huling tanong, ano ba ang ipinunta mo dito at bakit mo sinasabi yan?"
Kit: "Gusto kong malaman kung nagtitiwala ka na ba sa akin."
Natigilan si Emily nang marinig nito ang sinabi ni Kit na gusto nitong malaman kung nagtitiwala na ba siya rito.
Base na rin sa mga naganap kanina, pakiramdam ni Emily ay nagtitiwala na siya kay Kit. Kaya sinagot ni Emily ang kanyang sinabi.
Emily: "Eh...Oo. Parang ganun na nga."
Kit: "Kung ganon, pwede ka bang tumayo ng diretso at pumikit? Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama."
Bahagyang nagduda si Emily sa sinabi ni Kit, pero dahil sa tiwala naman siya na walang gagawing masama si Kit. Sinunod na lang niya ang kanyang sinabi.
Emily: "Hayan. Nakapikit na ako. Anong susunod kong gagawin?"
Kit: "Pambihira! Nawawala!"
Emily: "Nawawala ang alin? May ibibigay ka ba?"
Kit (panic): "Eh...Ano.. Basta! Sandali hanapin ko lang sa bulsa ko yung-!"
Emily: "Imumulat ko na nga yung mga mata ko. Ang tagal mo naman."
Kit: "Te-Teka lang! ...Hay.....Bahala na nga!"
Bago pa man maimulat ni Emily ang kanyang mga mata, biglang may naramdamang mainit na bagay ang dumampi sa mga labi ni Emily.
Dahil sa kanyang naramdaman sa labi, biglang iminulat ni Emily ang kanyang mga mata at siya ay nabigla ng maisip niyang hinahalikan siya ni Kit.
Sa sobrang pagkagulat, agad niyang tinulak si Kit sabay sampal sa kaliwa nitong pisngi.
Emily: "BASTOS!"
Sabay naglakad ng mabilis si Emily habang namumula ang kanyang mukha. Nabigla din si Kit sa kanyang nagawang katangahan.
Kit: "Argh! Ang tanga mo din Kit! Bakit ko nga ba ginawa yun?!"
Ang plano lang sana ni Kit sa pagpapapikit nito kay Emily ay ang ipadampi sa labi nito ang nakabulsa niyang maliit na pakete ng Marshmallow.
Ngunit nataranta siya ng hindi niya mahanap ang binili niyang Marshmallow, at ginawa ang isang bagay na hinding-hindi niya malilimutan kay Emily.
Pagbalik ni Emily sa bahay ni Nina, napansin ni Nina ang pamumula ng mukha ni Emily. Kaya tinanong niya ito.
Nina: "Emily, okay ka lang? Ba't namumulang parang kamatis ang mukha mo?"
Emily: "Nina, okay lang ako. Tsaka magpapalit na ako ng damit."
Agad nagpunta sa kuwarto nila ni Nina para magpalit at nagtataka naman si Nina sa kakaibang reaksyon at ikinikilos ni Emily.
Nina: (Okay lang ba si Emily? Ano kayang ginawa ni Kit sa kanya?)
Matapos makapagpalit ng damit, bumaba si Emily mula sa kanilang kuwarto ni Nina, tumulong sila sa gawaing bahay at nagluto ng hapunan.
Kinagabihan, hindi makatulog si Emily dahil sa hindi din nito malimutan ang ginawang paghalik ni Kit sa kanyang labi. At habang iniisip ito, kasabay din niyang hinahawakan ang kanyang labi.
Emily (blushes harder): (O.M.G! Fi-First ko si Kit! AAAHH!! Bakit mo ginawa yun, Kit?! Ano bang tumatakbo sa isip mo?! Pe-Pero malambot din ang mga labi niya tsaka... AAAAHHH!!! Emily!! Anong nangyayari sayo?!! Hinalikan ka lang ni Kit, magulo na ang utak mo!!)
Naguguluhan man si Emily dahil sa ginawa ni Kit. Gayun pa man, pinilit na lang niya ang matulog kahit na iniisip ang paghalik ni Kit sa kanyang labi.