webnovel

Chapter 32- To the Rescue

Bago pa man makatalon si Emily sa kanyang kinatatayuan, siya'y nagulat ng may mga brasong yumakap sa kanyang baywang.

Mayroon man ang isang metrong haba na Fence na nakaharang din sa pagitan ni Emily at ang taong pumigil sa kanya sa pagtalon, hanggang ibaba naman ng baywang ang naturang harang.

Ngunit ang ikinagulat pa ni Emily ay nang lumingon siya sa kanyang likod at makita ang mukha ng taong pumigil sa kanya mula sa plano niyang pagpapakamatay.

Emily: "Huh?! K-Kit?! Anong ginagawa mo dito?!"

Hindi sinagot ni Kit ang mga tanong ni Emily, ngunit alam ni Kit na mali ang pinaplano ni Emily sa kanyang sarili.

Kaya bago pa man mawalan ng balanse si Kit, agad niyang binuhat at hinihila, si Emily mula sa kanyang baywang tsaka niya inilayo si Emily mula sa mababang Fence.

Napahiga ang dalawa sa sahig ng Roof top at agad tumayo si Kit upang tulungan si Emily na tumayo.

Ngunit, nagalit pa si Emily kay Kit matapos siyang iligtas nito mula sa pagpapakamatay.

Emily (irrirated): "Kit! Bakit mo ako pinigilang tumalon?! Ayoko nang mabuhay pa! Malas ako sa inyong lahat! Hinayaan mo na lang sana akong mahulog diba?!"

Tumitig lang si Kit ng nakasimangot sa naging reaksyon ni Emily na tila walang narinig.

Lalo pang nagalit si Emily sa naging reaksyon ni Kit, kaya sinubukan niyang lapitan ang mababang Fence.

Ngunit naging alerto si Kit sa pagkilos ni Emily at nang mapansin niya na tatangkain muli ni Emily na tumalon, agad niyang pinuntahan ang mababang Fence at ihinarang ang kanyang sarili.

Lalo pang nagalit si Emily sa ginawa ni Kit.

Emily: "Kit! Umalis ka nga diyan! Huwag kang diyan humarang!"

Pilit hinila sa damit ni Emily si Kit, palayo sa hinaharangang Fence.

Ngunit kumapit ng husto si Kit sa Fence at pilit pinipigilan si Emily sa kanyang plano na pagpapakamatay.

Nagalit ng husto si Emily sa ginagawang pagharang ni Kit hanggang sa pinagpapalo at pinagsasampal ni Emily ang mukha at katawan ni Kit ng kanyang mga kamay.

Ngunit hindi natinag si Kit sa ginagawang pananakit ni Emily, hanggang sa maisip ni Emily na banggain si Kit.

Pero naisip din niya na kapag binangga niya si Kit ay mamatay silang pareho mula sa pagkakalalag sa Roof top at ayaw ni Emily na mayroon madamay pang ibang tao sa kanyang pagpapakamatay.

Kaya bago niya banggain si Kit, kinausap niya muna ito.

Emily: "Kit, kapag hindi ka umalis diyan sa harap ng Fence, babanggain kita. Kapag nabangga kita, mahuhulog tayo pareho at agad tayong mamatay, pagbagsak natin sa lupa. Kaya tatanu-!"

Kit: "Isang malaking kasalanan ang pagpapakamatay, Emily. At yan ang dapat mong intindihin. Kung inaakala mo na mapapaalis mo ako, mula dito sa mababang....bakod na ito para isagawa yan pagpapakamatay mo... Pwes, hindi... ako papayag sa gusto mo.... Pero kung...desido kang mamatay... isama mo na lang ako."

Sa unang pagkakataon, narinig ni Emily na magsalita si Kit at naantig siya sa malamig nitong boses.

Ngunit may napansing kakaiba si Emily sa pananalita ni Kit.

Emily: "Kit, bakit ka ganyan magsalita? Parang nahihirapan kang huminga?"

Kit: "....Oo.... <Haah >.... Teka... Sandali.... Pero.....Total..... magpapakamatay ka din.....lang..... Isama mo na...ako....."

Hanggang sa hindi nakayanan ni Kit ang nararamdaman niyang karamdaman.

Kaya napabitaw at umupo sa sahig malapit sa Fence si Kit.

Tila nawala ang galit ni Emily at nabaling ang kanyang atensyon nang makitang nahihirapang huminga si Kit.

Kaya nilapitan niya ito para subukang tulungan si Kit. Ngunit, pinigilan ni Kit si Emily na lumapit.

Kit: ".....Hanggang.... dyan..... ka.... na...lang..!"

Huminga ng malalim si Kit at pinapawisan na parang sobrang pagod, pero nagsalita pa ito.

Nataranta si Emily nang makitang nagiging malala at napapabilis ang paghinga ni Kit.

Emily (worried): "Kit! Anong nangyayari sayo? Kailangan mo na ng tulong!"

Kit: "....Wa...Wag kang....lalapit..! A...Alam ko ang..... gagawin..."

Emily: "Eh di kung alam mo ang gagawin, bakit hindi ka gumagawa ng paraan para tulungan ang sarili mo?"

Kit: ".....Mangako...<haah >.....ka.....!

Emily: "A-Ano yun?! Anong ipapangako ko?!"

Kit: "...Wa....Wag.....Pakama...tay.!"

Hindi na magawa pang magsalita ni Kit dahil sa inaatake siya ng kung anong uri ng sakit.

Nagdadalawang-isip naman si Emily kung susundin ba niya ang sinabi ni Kit, ngunit nag-aalala ng husto si Emily sa kalagayan ni Kit.

Pero dahil ayaw idamay ni Emily ang ibang tao sa plano niyang pagpapakamatay at ayaw din niyang nakikita si Kit na nahihirapan sa kakaiba nitong kalagayan, pinili na lang niyang mangako sa gustong mangyari ni Kit.

Emily: "O-O sige! Pangako! Hindi na ako magpapakamatay! Ngayon Kit, Anong gagawin ko?!"

Bagamat nagpapang-abot si Kit ng hininga, umiiling siya sa tanong ni Emily.

Naguluhan si Emily sa ginawang senyas ni Kit hanggang sa nakita niya na may kung anong bagay na kinuha si Kit mula sa kanyang bulsa.

Pagkakuha ni Kit sa maliit na bagay, inaalog niya ito, at inilagay ang butas nito sa kanyang bibig sabay hinga ng malalim matapos pindutin ni Kit ang buton nito.

Paulit-ulit na huminga ng malalim si Kit sa naturang bagay hanggang sa bumalik sa normal ang kanyang paghinga.

Lumapit si Emily ng makita niyang humihinga na ng normal si Kit.

Ngunit agad itong tumayo at muli na naman ihinarang ni Kit ang kanyang sarili.

Emily: "Ki-Kit? O-Okay ka na ba?"

Kit: "Oo. Pero hindi kita hahayaang tumalon dito."

Emily: "Alam ko dahil nangako ako, hindi ba?"

Kit: "Sigurado ka bang nangako ka? Duda pa rin ako sa pangako mo."

Nang maramdaman ni Kit na napapabilis ang kanyang paghinga at sa tingin niya ay kulang ang kanyang paghigop sa kanyang gamot.

Agad niyang ginamit ang maliit na bagay na kanyang hawak at muli na naman siyang huminga rito.

Habang pinapanood ni Emily ang ginagawa ni Kit, biglang sumagi sa kanyang isipan kung ano ang bagay na ginagamit ni Kit para huminga ng normal.

Emily: "Ki-Kit, inhaler ba yan hawak mo?"

Kit: "A-Asthma inhaler."

Emily (shocked): "Teka? May Asthma ka?!"

Kit: "Mild Persistent Asthma. Pero para akong pinapatay sa tuwing inaatake ako."

Emily: "Sa-Sandali? Di ba nagagamot yan?"

Kit: "Sa kaso ko, hindi."

Emily: "Bakit hindi?"

Hindi sinagot ni Kit ang tanong ni Emily.

Pero hindi maintindihan ni Emily kung bakit hindi gumagaling ang Asthma ni Kit.

Pagkatapos gamitin ni Kit ang kanyang gamot, iniba naman niya ang usapan.

Kit: "Emily, anong naisip mo at gusto mong magpakamatay?"

Sandaling hindi kumibo si Emily sa itinanong ni Kit.

Maya't maya nagsalita si Emily ngunit sinubukan niyang iwasan na sagutin ang tanong ni Kit.

Emily: "Bakit mo pa gustong malaman? Sigurado lang naman ako na hindi ka makikinig."

Kit: "Ba't di mo ako subukan?"

Sa pagkakataong ito, seryosong tinitigan ni Kit si Emily na parang nagsasabi na papakinggan nito ang lahat ng kanyang mga hinaing.

Sandaling pinag-isipan ni Emily ang sinabi ni Kit at naisip niyang subukan ikuwento ang kanyang mga dahilan kung bakit gusto niyang tapusin ang kanyang buhay.

Una munang ikwinento ni Emily kay Kit ang pagtatalo nila ng kanyang Ate noong mga nakaraang linggo.

Sumunod naman niyang ikwinento ang tungkol sa nabanggang Tricycle ng tatay ni Nina at panghuli niyang ikwinento ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang magulang dahil sa iniisip ni Emily na siya ang may dala ng malas sa kanilang pamilya.

Habang ikinikwento ang mga pangyayaring ito sa kanyang buhay, hindi maiwasan ni Emily ang umiyak.

Emily: "A-At yun ang mga nangyari. Kaya Kit, kung ayaw mong malasin at masira ang buhay mo ng dahil sa akin, mas makakabuti kung hayaan mo na lang ako sa gagawin ko."

Gaya ng nakagawian, bumalik sa pagtitig ng nakasimangot si Kit, hindi dahil ayaw niya nang makinig pero dahil sa nabagot siya sa haba ng ikwinento ni Emily.

Nang makita ni Emily ang reaksyon ni Kit, napatigil siya sa pag-iyak at nagsimula na naman siyang mainis.

Emily (irrirated): "Sinasabi ko na nga ba?! Hindi ka lang naman makikinig!"

Kit: "Nakikinig ako."

Emily: "Eh bakit ganyan ang reaksyon ng mukha mo?!"

Kit: "Ang haba ng iyong kwento."

Emily (annoyed): "Eh di ibig sabihin, HINDI KA NAKIKINIG!"

Kit: "Sabing nakikinig ako."

Hindi malaman ni Emily sa kanyang sarili kung bakit pa niya ikwinento kay Kit ang lahat ng mga kamalasang naganap sa kanyang buhay.

Ngunit may sinabing opinyon si Kit tungkol sa paniniwala ni Emily na siya ang nagdadala ng malas.

Kit: "Huwag mo sanang masamain, pero hindi ka malas."

Emily: "Paano mo naman nasabi?!"

Kit: "Simple lang, kanina pa sana ako patay kung nagdadala ka talaga ng malas."

Emily: "Eh siguro nga, hindi ka minamalas ngayon! Pero paano kung sa susunod na araw?! Next week?! Oh kaya sa susunod pang taon?!"

Sandaling hindi kumibo si Kit sa mga sinabi ni Emily hanggang sa naisip niyang sabihin ang bagay na makapagpapatigil kay Emily sa kanyang pagpapakamatay.

Kit: "Para sabihin ko sayo, ako yung tao na matagal nang nabuhay sa mga kamalasan. Kaya tumigil ka sa kakaisip sa sarili mo na nagdadala ka ng malas. Dahil ikaw lang naman ang gumagawa ng malas at swerte sa mga kamay mo."

Napatigil sa pagsabat si Emily sa mga sinabi ni Kit at sandaling pinag-isipan ang kanyang mga sinabi. Maya't maya, dumagdag pa si Kit.

Kit: "Tsaka isang bagay lang, matagal na akong minamalas mula noong ipinanganak ako. Ilang beses na rin akong muntik mamatay dahil sa taglay kong karamdaman. Pero ni minsan, hindi ko sinisi ang mga dagok sa aking buhay. Kaya ako na nagsasabi sayo Emily, hindi ka malas sa ibang tao. At walang taong ipinanganak na malas sa mundong ito."

Tuluyang hindi nakapagsalita si Emily dahil sa mga sinabi ni Kit.

Napansin ni Emily na hinihimok siya ni Kit na magpatuloy pang mabuhay, sa kabila ng mga dagok na kanyang naranasan.

Ngunit desidido pa rin si Emily na tapusin ang kanyang buhay.

Emily (stubborn): "Kit, natutuwa ako dahil hinihimok mo akong magpatuloy sa buhay at nagpapasalamat ako, pero pakiramdam ko, ako talaga nagdadala ng malas sa ibang tao."

Kit: (Ang kulit mo rin ha? Sige, gagawin natin to sa mahirap na paraan. Tingnan natin kung hindi ka pa sumuko.)

Muli na namang tumitig ng nakasimangot si Kit at nadismaya sa sinabi ni Emily.

Kaya naman, nagtanong si Kit ng isang mahirap na tanong.

Kit: "Emily, hindi ka ba natatakot mamatay?"

Emily: "Hindi."

Kit: "Talaga?"

Emily: "Oo! Magmula pa kanina."

Nakita ni Kit sa mga mata ni Emily kung gaano kaseryoso na gawin ang gusto nitong mangyari.

Bagamat seryoso ang kanyang mga mata, napansin pa rin ni Kit na nagaalangan pa rin ito.

Kaya naman, tumigil sa pagharang si Kit at pinalapit niya si Emily sa kanyang kinatatayuan.

Kit: "Kung yan ang gusto mo, lumapit ka dito."

Lumapit si Emily matapos siyang sabihan ni Kit.

Ngunit paglapit ni Emily sa Fence biglang pumunta si Kit sa kanyang likod at hinablot ang Collar ng kanyang damit sabay pilit siyang itinutulak na nakaharap sa kanyang babagsakan.

Emily: "Te-Teka?! Sandali! A-Anong ginagawa mo?!"

Kit: "Tinutulungan ka sa mga pinaplano mo."

Emily: "Teka! Kit! Huwag mo akong itulak!"

Kit: "Akala ko ba gusto mong magpakamatay?"

Emily: "Hi-Hindi sa ganitong posisyon!"

Kit: "Bakit? Kailangan pa bang pormal ang pagpapakamatay mo? Wala namang pinipili ang kamatayan kung paano ka namatay?"

Lalo pang itinulak ni Kit si Emily palabas ng Fence, ang itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Nang makita ni Emily kung gaano kataas ang kanyang babagsakan, siya ay nalula at nagsimula nang matakot.

Emily: "Ki-Kit! Wa-Wag mo akong itulak!"

Kit: "Wala akong naririnig. Pero kapag bumagsak ka sa lupa, bali din ang iyong mga buto. At masakit yun."

Itinulak pa ng husto ni Kit si Emily na halos matumba ito at mawalan ng balanse.

Pero kung hindi dahil sa hinahawakan ni Kit ang collar ng damit ni Emily ay kanina pa dapat ito nahulog mula sa Roof top.

Nanakot pa lalo si Kit sa mga mangyayari kay Emily kapag siya ay nahulog.

Kit: "Naalala ko, ayon sa nabasa ko, kapag nahulog ang tao mula sa mataas na lugar, hindi agad mamamatay ang tao. May 3-5 days pa na mabuhay ang tao kapag nahulog sa 4th floor. Kaya ang mangyayari, makakaramdam ka ng gutom at sakit bago ka mamatay. Kung saan, magsisisi ka din sa huli dahil minadali mong mamatay."

Nakaramdam ng takot si Emily mula sa mga sinabi ni Kit, kapag siya ay bumagsak sa lupa.

Kaya nang manakot pa si Kit, nagmaka-awa si Emily na huwag siyang ilaglag.

Emily (scared): "Kit! Please! Huwag mo akong ilaglag!"

Kit: "Naalala ko, kapag inatake ako ng Asthma, baka mabitawan kita. Tsaka....feeling ko... aatakihin na naman.....ako."

Nang marinig ni Emily ang pagkukunwaring nahihirapan sa paghinga at ang sinabi ni Kit, sumuko na ito sa kanyang pinaplano dahil na rin sa pananakot ni Kit.

Emily: "Kit! Please! Hilain mo na ako! Ayoko pang mamatay!"

Kit: "Sigura-!"

Emily: "Hilain mo na ako! Please! HILAIN MO AKO!"

Napaiyak mula sa pagmamaka-awa si Emily at natuwa naman si Kit nang binawi ni Emily ang desisyon nitong magpakamatay.

Kaya agad hinila ni Kit si Emily palayo sa mababang Fence at napayakap ito dahil sa sobrang takot.

Kit: "Takot ka din lang pala mamatay."

Emily: "Pa-Pasensya na. Pero hindi ko pala kaya."

Kit: "Dapat lang. Tsaka...puwede ka nang lumayo."

Matapos sabihin ni Kit na pwede na siyang lumayo, tinutukoy nito ang sobrang pagkapit ni Emily sa kanyang katawan.

Nang mapansin ito ni Emily, agad siyang bumitaw sa pagkakayakap at lumayo kay Kit.

Sobrang nahiya si Emily dahil sa kanyang ginawa.

Emily: "Uhm...Sorry ulit."

Muli na namang tumitig si Kit sa normal niyang ginagawa.

Lalong nailang si Emily sa kanyang reaksyon.

Emily: "Uhm..Sorry na nga, di ba?"

Kit: "Oo na. Ngayon, hindi mo na ba uulitin ang pagpapakamatay mo?"

Emily: "Nangako ako, hindi ba? Kaya hindi ko na uulitin."

Sa pagkakataong ito, ngayon lang nakita ni Emily ang reaksyon ni Kit na nagbago, nang mapansing tumaas ang kanyang kaliwang kilay.

Tila may naalala si Emily na nakita ang ganitong reaksyon mula sa kung sino. Ganun pa man, sumagot si Kit sa sinabi ni Emily.

Kit: "Wala akong tiwala sa sinabi mo."

Emily: "A-Ano? Bakit?!"

Kit: "Sabi mo kanina, nangangako ka na hindi ka magpapakamatay. Tapos binawi mo yung pangako mo. At ngayon na naman, binawi mo na ayaw mo nang magpakamatay. Dahil pabago-bago ka ng iniisip, napag-isip-isip ko na bantayan ka sa lahat ng oras para hindi mo na naman maisip ang magpakamatay."

Nagulat si Emily nang sinabi ni Kit na babantayan siya nito sa lahat ng oras.

Ngunit akala ni Emily, nagbibiro lang ito sa kanyang mga sinabi. Kaya muli siyang nagdahilan kay Kit.

Emily: "Ha? A-Ano? Babantayan mo ako sa lahat ng oras? Pero nangako ako na hindi na ako magpapakamatay!"

Kit: "Oo. Kahit nangako ka pa."

Emily: "Kahit gabi?"

Kit: "Oo."

Emily: "Kahit umuwi ako sa bahay"

Kit: "Oo."

Emily: "Kahit sa banyo?"

Kit: "Oo."

Emily: "Ha?! Kahit sa banyo?!"

Kit: "Oo."

Emily: "Hindi ka ba nagbibiro?"

Kit: "Oo."

Emily: "Seryoso ka ba?!"

Sa pagkakataong ito, naging seryoso ang tanong ni Emily. Ngunit isang sagot lang ang kanyang narinig.

Kit: "Oo."

Nakita ni Emily sa mga mata ni Kit na seryoso ito sa kanyang sinabi at wala na siyang masabi para mabago ang isip nito.

Pero umaasa si Emily na susuko din lang si Kit sa kanyang sinabi at uuwi din lang pagdating ng gabi.

Pero napansin ni Emily na maggagabi na at nasa Roof top pa rin sila ni Kit at dahil nangako naman siya na hindi na siya magtatangka pang magpakamatay, naisip ni Emily na bumaba mula sa Roof top at umuwi sa kanilang bahay.

Emily: "Kit, maggagabi na. Mabuti pang bumaba na tayo dito sa Roof top."

Tumango si Kit bilang pagsang-ayon kay Emily at bumaba sila mula sa Roof top.

Paglabas nila sa School building, naalala ni Emily na itanong kay Kit kung pano siya nahanap sa Roof Top.

Emily: "Kit, naalala ko lang. Paano mo nalaman na nandoon ako sa Roof top?"

Kit: "Tambayan ko ang Roof top."

Muli na namang nagulat si Emily sa sinabi ni Kit na tambayan nito ang Roof top ng kanilang Eskwelahan. Kaya hindi na nagtaka si Emily kung paano sya nahanap ni Kit.

Emily: "Ah..Ka-Kaya naman pala. Ibig sabihin, matagal ka nang tumatambay dun?"

Kit: "Oo. At ikaw palang ang pangalawang tao na nakadiskubre sa hagdan, papunta sa lugar na iyon."

Emily (shocked): "Ha?! Ako ang pangalawa?!"

Muli na namang nagulat si Emily ng malaman na siya ang pangalawang tao na nakadiskubre sa hagdan papunta sa Roof top. Pakiramdam ni Emily, naging kakaiba ang araw na ito dahil sa mga naganap.

Emily: (Kakaiba ang nangyari sa akin sa araw na ito. Una, kinausap ako ni Kit na sobrang tahimik. Pangalawa, nalaman kong may kakaibang Asthma si Kit. Pangatlo, pinigilan ako ni Kit sa plano kong pagpapakamatay. Pang-apat, nalaman kong Tambayan ni Kit ang Roof Top at pang lima, ako ang pangalawang tao na nakadiskubre sa hagdan papunta sa Roof top! Parang nagiging weird ang mga nangyayari sa akin kapag kasama ko si Kit. Tsaka isang bagay pa, ito rin ang unang beses na kasama ko sa pag-uwi si Kit. Grabe....ang weird nga talaga ng mga nangyayari.)

Napansin ni Kit na hindi na nagtatanong si Emily. Naisip niya, naubusan na ng itatanong si Emily at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Maya't maya, narating nila ang School gate at lumabas. Tsaka nagpaalam si Emily kay Kit at nagpasalamat dahil sa pagsagip nito sa kanya mula sa pagpapakamatay.

Emily: "Kit, sa-salamat kanina."

Kit: "May plano ka na naman bang magpakamatay?"

Emily: "Hindi! At hinding-hindi ko na gagawin yun. Di ba nangako ako?"

Muli na namang tumahimik si Kit ng nakasimangot. Ngunit binalewala na lang ni Emily ang kanyang reaksyon at patuloy na nagsalita.

Emily: "Alam mo, utang ko sayo ang buhay ko. Lalo na't pinaintindi mo pa sa akin na hindi ako handa at takot pa rin akong mamatay. Kasama na din yung sinabi mo na hindi ako malas at natuwa ako noong sinabi mo yun sa akin. Tsaka-"

Kit: "Uuwi na ba tayo?"

Pinigilan ni Kit si Emily na magsalita dahil alam niyang mapapahaba na naman ang ikikwento nito at naisip din ni Emily ang kanyang iniisip.

Emily: "Alam mo Kit, minsan, napakasalbahe mo!"

Kit: "Mapapahaba na naman ang usapan kapag nagsabi ka ng tungkol sa sarili mong opinyon."

Emily: "Salbahe ka talaga! Hindi mo man lang ako pagbigyang magpasalamat?!"

Kit: "Oo na. Napapatagal tayo sa pag-uwi dahil sa sobrang pormal mo."

Emily: "Hay! Ewan ko sayo."

Muli na naman ginawa ni Kit ang nakagawian niyang reaksyon.

Hanggang sa maalala ni Emily na itanong kay Kit kung maayos na ba ang kanyang kalagayan.

Emily: "Kit, bago tayo umuwi, gusto kong makasiguro kung hindi ka na ba inaatake ng iyong Asthma?"

Kit: "Mukha ba akong inaatake ngayon?"

Emily (annoyed): "Kit! Ano ba?! Sagutin mo nga ako ng maayos na sagot?!"

Napikon si Emily sa ginagawang pagsagot ni Kit ng isa pang tanong at naisip ni Emily na hindi sila matatapos sa pag-uusap hangga't hindi siya tumitigil sa pagtatanong.

Kaya sa pagkakataong ito, nagpaalam si Emily para tapusin ang kanilang pag-uusap.

Emily: "Oh Sige. Maglalakad na ako dito sa daan na ito papunta sa bukid. Kita na lang tayo ulit bukas ha?"

Kit (silent): "...."

Hindi sumagot si Kit at basta na lang ito umalis na parang walang nangyari.

Tsaka ito naglakad sa daan, papapunta sa dagat. Nainis si Emily sa ginawa ni Kit na parang hindi siya nakita.

Emily: (Grabe! Kit! Salbahe ka talaga! Nagpaalam naman ako ng maayos sayo! Pero basta ka na lang umalis na parang walang nakita! Ni magsabi ka man lang ng "Good bye" o kaya "Kita na lang tayo bukas", Wala?! Kaunting oras lang kita nakasama, pero lumabas na agad ang tunay mong ugali!)

Bago pa man mainis ng tuluyan si Emily dahil sa pagiging salbahe ni Kit, mabilis siyang naglakad pauwi sa bahay ni Nina.

Ngunit ang akala ni Emily, naghiwalay sila ng daan ni Kit. Walang kamalay-malay si Emily na sinundan pala siya ni Kit mula sa kalayuan, papunta sa bahay ni Nina.

At nang matukoy niya ang bahay kung saan nakatira si Emily, agad din siyang umuwi sa kanyang bahay para kunin ang kanyang mga gamit at para rin tuparin ang kanyang sinabi; Ang bantayan si Emily sa bawat oras.