webnovel

Chapter 30- Big Revelation

Makalipas ang ilang mga linggo matapos lumayas si Emily mula sa bahay ni Ramon, dumating na ang pinakahihintay ng lahat ng mga estudyante kung saan muli na naman silang makakapagbakasyon. Ang buwan ng Disyembre.

Sa unang araw ng buwan, abala sa paglalagay ng dekorasyon ang mga estudyante sa kani-kanilang mga Classroom.

Bagamat, masaya ang karamihan sa kanilang ginagawa, malungkot na nakaupo si Emily sa kanyang upuan at tulala na nakatingin sa bintana.

Dahil sa ilang linggo na din ang nakakalipas magmula ng umalis ito sa bahay ni Ramon, ilang linggo din na hindi tumatawag ang kanyang Ate sa kanyang Android phone at offline din ito sa Messenger.

Pakiramdam ni Emily sa kanyang sarili, tuluyan na siyang inabandona ng kanyang kapatid dahil sa inaakala niya sa kanyang sarili na siya ang malas sa kaniyang pamilya.

Maya't maya, biglang nagulat si Emily ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likod.

Nina: "Uy! Emily! Tulala ka na naman!"

Emily: "Huh?! Uhm..Nina. Huwag ka naman nangugulat."

Nina: "Ay...Nagulat ba kita? Sorry ha."

Emily: "Hi-Hindi. Okay lang."

Lalong naging malapit sa isa't isa sina Nina at Emily magmula noong nagkasama sila sa iisang bahay.

Lagi din tumutulong si Emily sa gawaing bahay ng pamilya ni Nina at tumutulong din siya pagtitinda ng gulay kasama ang Nanay ni Nina.

At dahil sa mga ginagawang pagtulong nito, parang naging parte ng pamilya ni Nina si Emily.

Ngunit, madalas pa ring napapansin ni Nina ang lungkot mula sa mga mata ni Emily.

Kung kaya't sa tuwing nakikita ni Nina na malungkot si Emily, sinusubukan niya itong pasayahin.

Ngayon, mabalik naman tayo kung saan, katatapos lang gulatin ni Nina si Emily at muli na namang nagulat si Emily.

Sa pagkakataong ito, pati din si Nina ay nagulat

Nina: "Teka?! Anong ginagawa ni Kit diyan sa bag mo?!"

Emily (shocked): "Huh?!"

Lumingon si Emily sa kanyang kanan ng makita nito si Kit na kinakalkal ang kanyang bag.

Sa hindi din malaman na dahilan, basta na lang sumulpot sa gilid si Kit ng hindi nila nalalaman.

Nainis si Emily ng makita niyang pinapakialaman ang kanyang bag.

Kaya agad din hinablot ni Emily ang kanyang bag mula kay Kit at galit nya itong pinagsabihan.

Emily (unamused): "Hoy! Ano bang sa tingin mo ang ginagawa mo?! Tsaka ba't ba basta ka na lang kumukuha ng bag na hindi naman sayo?!"

Gaya ng nakagawian, tumitig ng nakasimangot si Kit sa babaeng kanyang kaharap.

Nag-aalala naman si Nina sa kung ano ang gagawin ni Kit dahil sa mga balitang, basta na lang itong nangunguryente ng kapwa estudyante gamit ang tinatago nitong Taser sa kanyang bulsa.

Maya't maya, basta na lang ito naglakad palayo kila Emily at Nina.

Nina: "Hay! Grabe! Ano kayang hinahanap niya sa bag mo?!"

Emily: "Hi-Hindi ko din alam."

Nina: "Mayroon ka bang gamit diyan sa bag mo na nakapukaw sa kanyang mga mata?"

Matapos itong itanong ni Nina, agad binuksan ni Emily ang kanyang bag para tingnan kung ano ang hinahanap ni Kit sa kanyang bag.

Ngunit, napansin ni Emily na kumpleto ang lahat ng kanyang gamit sa loob ng bag.

Kaya nagtaka sila ni Nina kung ano ang hinahanap ni Kit sa kanyang bag.

Emily: "Hindi ko maintindihan? Wala naman siyang kinuhang gamit sa aking bag."

Nina: "Kung wala siyang kinuha sa bag mo, ano kaya ang hinahanap niya?"

Tila naging palaisipan sa dalawang magkaibigan kung ano ang hinahanap ni Kit sa bag ni Emily.

Hanggang sa biglang tumunog ang bell na siyang hudyat na magsisimula na ang kanilang klase.

Agad umupo ng maayos at nanahimik ang mga Estudyante matapos marinig ang Bell.

Tsaka dumating ang kanilang guro na si Sir Joey at nagsalita upang ianunsyo ang isang bagay.

Sir Joey: "Okay, Class! TAHIMIK!"

Student Boy1: "Sir, kanina pa po kami nananahimik."

Sir Joey: "Ay.....Ganun ba? Pasensya na. Nakagawian na kasi. Anyway, may isa na naman akong magandang balita sa inyo."

Nagsimula na namang magbulungan ang mga estudyante ng marinig ang sinabi ng kanilang guro.

Maya't maya, muli na naman nagsalita si Sir Joey.

Sir Joey: "Siguro, eto na ang clue ko para sabihin ang aking nakagawian linya: "LAHAT KAYO! TUMAHIMIK KAYO!""

Agad naman tumahimik ang mga Estudyanteng nagbubulungan mula sa likod ng Classroom matapos sumigaw ang kanilang guro.

Nang mapansin ni Sir Joey na tahimik na ang lahat, sinimulan na nitong sabihin ang kanyang magandang balita.

Sir Joey: "Dahil sa Disyembre na naman.... Alam niyo na siguro ang mga magaganap. Kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Second week ng Disyembre, magkakaroon tayo ng Christmas party dito sa ating Eskwelahan at gaya ng nakagawian, kanya-kanyang Christmas Party sa mga bawat Section. Kaya naman, magbubunotan tayo sa araw na ito nang makapaghanda kayo kung ano ang ireregalo niyo sa mga taong nabunot ninyo. Pagkatapos ng bunutan, tsaka natin plaplanuhin kung ano ang gagawin sa inyong Christmas Party. Kaya, maglabas na rin kayo ng papel at isulat niyo na ang inyong mga pangalan tsaka ninyo ilagay sa Fish bowl na aking dala."

Dahil sa excited ang lahat ng mga estudyante ng 10-A kung sino ang kanilang mabubunot, naglabas ang mga ito ng maliit na piraso ng papel at isinulat ang kanilang mga pangalan.

Nang maisulat ang kanilang pangalan, pumunta ang mga estudyante sa mesa ng kanilang Guro at inilagay ang papel na may nakasulat na pangalan.

Inalog naman ng kanilang Guro ang Fish bowl matapos mailagay ng huling estudyante ang papel sa Fish bowl.

Matapos alugin ni Sir Joey ang Fish bowl, sinimulan nitong maglakad papuntang likod ng Classroom para pabunitin ng papel ang mga estudyante.

Ngunit, inabisuhan ng kanilang guro na huwag munang buksan ang mga papel at sabay nilang lahat na bubuksan ang kanilang nabunot na mga papel.

Nang makabunot na ang lahat, sinabi ng kanilang guro ang kanyang hudyat.

Sir Joey: "Guys! Pagsabi ko ng GO! buksan niyo na ang inyong mga nabunot na papel. 3.....2.....GO!"

Nagulat ang karamihan ng mapasabi ng GO ang kanilang Guro.

Ganun pa man, tinignan ng mga estudyante kung sino ang kanilang nabunot.

Isaac: (Yess! Si Nina ang nabunot ko!)

Daniel: (Walang hiya! Bakit si Jackson ang nabunot ko?!)

Jackson: (Heh! Si Allan. Reregaluhan kita ng sangkatutak na suntok!)

Allan: (Oy! Si Samantha! Hindi na rin masama. Pero ba't parang kinikilabutan ako?)

Allen: (Uy! Si Ivy! Pero parang may mali.)

Althea: (Allen?! Pambihira! Ihagis ko na lang kaya siya sa bintana habang kasagsagan ng Christmas Party!)

Ruby: (Hmm....Edward. Nagkataon lang ba eto?)

Samantha: (Kainis! Ibang tao.)

Ivy: (Mukhang sa pagkakataong ito, hindi ko ka-close na kaklase ang reregaluhan ko.)

Edward (disappointed): (Wala sa mga kaibigan ko ang nabunot ko. Sayang naman.)

Axel: (Grabe naman ang tadhana. Hindi ko nabunot si Emily o kahit na sino sa mga kakilala ko.)

Nina: (WOW! Tadhana ba to? Si Isaac ang nabunot ko!)

Claire: (Si Axel? Totoo ba to?)

Emily: (Si Claire! Mukhang kailangan ko siyang usisain kung ano ang mga gusto niyang regalo?)

Matapos makita ng mga estudyante kung sino ang kanilang mga nabunot, inabisuhan pa ng kanilang guro ang mga ito na huwag makikipagpalit ng nabunot na papel.

Tsaka nila pinag-usapan kung ano ang kanilang ihahanda sa Christmas Party at bumalik sa normal ang kanilang klase matapos pag-usapan ang plano sa Christmas Party.

Pagdating ng tanghali, sama-sama sa isang mesa sa Canteen ang mga magkakaibigang sila Emily, Nina at Althea kasama sina Isaac at Daniel.

At pinag-uusapan kung sino ang kanilang mga nabunot.

Sakto namang wala din silang pasok sa hapon, kaya pinaplano na rin nilang mamasyal sa Mall pagkatapos mananghalian.

Nina: "Guys! Huwag sana kayong ma-offend sa itatanong ko. Sino-"

Daniel: "Ang nabunot ko?! Siyempre! Si Jackson lang naman!"

Althea: "Oy... Daniel, sobrang high blood mo ata? Tsaka, talagang ipinagsabi mo pa talaga sa amin ang nabunot mo."

Daniel: "Eh si Jackson lang naman! Kahit hindi mo na regaluhan yan, matutuwa na yan sa panununtok ng ibang mga estudyante."

Nina: "Grabe ka naman, Daniel. Bigyan mo rin naman siya ng regalo. Kahit simple lang."

Daniel: "Simple lang?! Nina, sinasabi mo ba sa akin na regaluhan ko siya ng Punching bag?!"

Nina: "Daniel, hindi naman Punching bag ang kailangan mong iregalo kay Jackson. Ang sinasabi ko, regaluhan mo siya ng isang bagay na simple at kung saan siya matutuwa?"

Daniel: "Yun na nga ang pinupunto ko, Nina. Mahilig manuntok si Jackson at masaya siya dun. Kaya Punching bag lang ang bagay ng kanyang ikatutuwa."

Nina: "Kung sa bagay, may punto ka. Pero mabalik tayo sa tanong. Althea, sinong nabunot mo?"

Althea: "Hay....Sa maniwala kayo't sa hindi, si Allen ang nabunot ko."

Daniel (shocked): "Ano?! Si Allen?!"

Althea: "Oo. Si Allen. At pagdating ng Christmas Party, gusto siyang ihagis sa bintana."

Nina: "Bakit naman, Alt?"

Althea: "Kasi ayoko sa kanya! Baka pa nga magrequest pa siya ng picture ng panloob ni Claire!"

Daniel: "Alt, kung ayaw mo lang naman kay Allen, ba't di mo na lang siya ibigay sa akin at iregalo ko na lang siya kay Jackson bilang Punching bag?"

Althea: "Aba! Magandang ideya yan, Daniel!"

Nina: "Grabe naman kayong mag-Jowa. Hindi na kayo naawa kay Allen. Bigyan niyo naman siya ng matiwasay na libing."

Isaac: "Hay...Nina. Pati pa ba naman ikaw? Gusto mong ipa-salvage din si Allen?"

Nina: "Isaac, kung ako lang ang masusunod, pati na rin sana si Allan, isama na rin natin."

Isaac: "Hay..... Jusko. Magpapasko na. Emily, wala ka bang masasabi para pigilan ang tatlong to?"

Bagamat kasama nila si Emily, napansin ni Isaac na tulala at wala sa sarili si Emily habang hinahalo ng paulit-ulit ang sopas na kanyang kakainin.

Hanggang sa tinawag ni Isaac si Emily ng malakas.

Isaac: "Emily!"

Emily: "Huh?! Ah...Ano.. Si Claire ang nabunot ko!"

Napansin ng apat nitong kasama ang biglang pagsabi ni Emily sa kanyang nabunot na pangalan kahit hindi pa siya tinatanong.

Dahil dito, tinanong ni Nina ang kanyang kalagayan.

Nina: "Emily, okay ka lang? Wala pa naman kaming tinatanong sayo."

Emily: "Ah...Ga-ganon ba? Hehehe.. Mukhang napa-aga ata yung sagot ko sa tanong mo."

Althea: "Emily, napansin ko, parang noong nakaraang linggo ka pang wala sa sarili mo? Sigurado ka bang, okay ka lang?"

Emily: "Oo, Alt. Okay lang ako."

Althea: "Okay, sabi mo eh."

Emily: "Guys, mauuna na muna ako. May bibilhin lang ako saglit sa labas ng School. Kita na lang tayo sa Gate mamaya."

Agad umalis si Emily mula sa kanyang mga kasama at lumabas ng Canteen.

Duda naman sila Nina, Althea, Isaac at Daniel sa ipinapakitang reaksyon ni Emily.

Althea: "Nina, duda ako sa sinabi ni Emily sa atin."

Nina: "Oo. Ganun din ako, Alt."

Isaac: "Guys, sa tingin niyo, ano kaya ang nangyari kay Emily at kung bakit siya, parang wala sa sarili?"

Althea: "Huh? Isaac, hindi mo pa alam?"

Isaac: "Hindi pa alam? Ang alin?"

Daniel: "Oo nga. Malaman ang ano? Girls! May tinatago ba kayo?"

Althea: "Nina, hindi mo pa sinasabi kay Isaac ang nangyari?"

Nina: "Alt, pati din naman ikaw ah."

Althea: "Eh sabi mo, huwag kong ipagsabi kahit kanino, hindi ba?"

Isaac: "Girls! Puwede ba? Sabihin niyo na muna sa amin kung ano tinatago niyo? Para maunawaan namin ni Daniel kung ano ang nangyayari?"

Nina: "Uhm... Isaac, sorry kung hindi ko pa sayo sinabi yung kuwento ha.

Isaac: "Okay lang, atleast sasabihin mo na sa amin kung ano nangyari?"

Daniel: "Guys! Pakikuwento na, Okay? Kanina pa nakahanda ang tainga ko dito."

Nina: "Okay, ganito kasi yon. Pero ipangako niyo na hindi nyo ipagsasabi kahit kanino."

Isaac: "Sige, nangangako ako. "

Daniel: "Ako din."

Ipinaliwanag ni Nina sa dalawang lalaki ang tungkol sa nangyaring paglayas ni Emily sa kanilang bahay.

Alam na din ni Althea ang tungkol sa nangyari kay Emily dahil ikiwinento ni Nina sa chat ang tungkol sa paglayas nito, isang araw, matapos nitong lumayas.

Habang ikinikuwento ni Nina sa dalawang lalaki ang nangyari sa paglayas ni Emily, abala si Emily sa paglalakad para hanapin si Axel.

Dahil na rin sa mula noong lumayas at nakitira siya sa bahay ni Nina, hindi na rin niya nabibigyang pansin ang kanilang relasyon.

Isa pang dahilan kung bakit niya ito hinahanap ay para magpaliwanag kung bakit siya laging tulala at wala sa sarili sa tuwing siya ay kinakausap ni Axel at minsan, hindi din siya nakikinig sa mga ikinikwento nito.

Ngunit nauuwi sa pakikipag-usap kay Claire ang ginagawa ni Axel sa tuwing siya'y tulala noong mga nakaraang linggo.

Naisip hanapin ni Emily si Axel sa sikreto nilang tambayan sa likod ng eskwelahan, kaya pumunta siya rito.

Ngunit hindi inaasahan ni Emily ang kanyang nakita. Pagdating niya sa Secret garden, nagulat siya ng makitang hinalikan ni Claire si Axel sa labi.

Nagulat din ang dalawa nang dumating si Emily at naaktuhan ang kanilang paghahalikan.

Axe (shocked): "Emily?!"

Emily: "Axel at Claire?! Ka-Kayong dalawa?!"

Claire: "Emily, makinig ka muna sa akin. Magpapaliwanag ako."

Biglang nakaramdam ng galit si Emily dahil sa kanyang nakita.

Gusto sana niyang sabunutan si Claire, ngunit hindi niya ito magawa dahil sa iniisip niyang kaibigan pa rin niya ito.

Ganun pa man, pakiramdam ni Emily ay niloko siya pareho nina Axel at Claire, ngunit pinili pa rin niyang pakinggan ang kanilang mga paliwanag.

Claire: "Emily, patawarin mo sana ako. Pero gusto ko din si Axel. At gusto ko na siya magmula pa noong nasa Elementary pa kami."

Emily (irrirated): "Gusto mo siya?! Eh bakit ngayon ka lang nagpakita ng motibo sa kanya?!"

Claire: "E-Emily, ku-kung maalala mo, plinano mong ligawan yung mga boys para sa pangarap mong magka-boyfriend sa darating na Prom next year. Pero hindi ko inasahan na sasagutin ka ni Axel. Noong mga panahong yun, handa na akong bumwelo para magtapat ng nararamdaman para kay Axel, pero nauna ka niyang sinagot. Kaya itinago ko na lang sa sarili ko ang nararadaman ko para sa kanya."

Hindi makapaniwala si Emily sa kanyang mga narinig mula kay Claire at nalaman niyang matagal na pala itong may gusto kay Axel.

Maya't maya, si Axel naman ang tinanong ni Emily.

Emily: "Axel, matagal mo na bang alam, ang mga sinabi ni Claire?!"

Axel: "Oo, Emily. Akala ko noong una, wala siyang plano na magtapat ng nararamdaman sa akin."

Emily: "Wala kang alam sa plano ni Claire?! Kaya ba sinagot mo ako sa panliligaw ko sayo?!"

Axel: "Oo. Kaya pinili kong sagutin ka sa panliligaw mo sa akin. Pero noong mga nakaraan, nagsimula na akong maguluhan sa sarili ko, matapos kong maalala yung pagiging malapit namin si Claire noong nasa Elementary pa kami. Hanggang sa naramdaman ko ulit yung pagiging malapit namin ni Claire noong mga nakaraang linggo. Kung saan, hindi mo ako pinapansin."

Emily (annoyed): "Dahil lang ba sa hindi kita pinapansin?! Kaya ba, pinili mo ulit si Claire?! Dahil ba duda ka na baka hindi kita kayang mahalin?! At iniisip mo na kasangkapan lang kita sa pangarap kong makasayaw ang sarili kong Boyfriend sa Prom?!"

Nagsisimulang tumutulo na ang mga luha ni Emily sa kanyang mga mata matapos malaman ang totoo sa pagitan nina Axel at Claire.

Ngunit naghihintay pa ng sagot si Emily mula kay Axel.

Axel: "Hi-Hindi naman sa ganun, Emily. Ayaw kong masira ang pangarap mo at wala din akong intensyon na saktan ang damdamin mo. Kaso madalas ka na lang tulala at para bang hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko."

Emily (hurt): "Walang intensyon na saktan ako?! Para sabihin ko sayo, sinaktan mo na ako, Axel!"

Gusto pa sanang magpaliwanag ni Axel, ngunit tuluyan nang umiyak si Emily sa kanyang kinatatayuan.

Hanggang sa nagsalita pang muli si Axel.

Axel: "Emily, ma-mahal ko na si Claire. Patawarin mo sana ako. Maniwala ka, wala akong planong saktan ang damda-."

Emily: "Pare-pareho kayong lahat! Gusto niyo lang akong saktan!" (Hindi ako makapaniwala! Sobrang tanga ko!)

Hanggang sa napatakbong umiiyak si Emily palayo ng Secret garden.

Dahil sa sobrang sama ng loob na nararamdaman ni Emily, tingin niya sa kanyang sarili ay nagdadala siya ng kamalasan sa mga taong nasa kanyang paligid.

Sinisisi ni Emily ang kanyang sarili sa panliligaw kay Axel dahil kung hindi na lang niya sana ito ginawa, siguro ay nagtapat ng maaga si Claire kay Axel at hindi pa sana nasaktan ang kanyang damdamin.

Hanggang sa sinisi na rin niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng Boyfriend na makakasayaw sa Prom.

Emily (disappointed): (Sana, hindi ko na lang niligawan si Axel noong una! Sana pala, hindi ko na lang plinano ang pagkakaroon ng Boyfriend na makakasayaw sa Prom! Kung hindi ko na lang sana plinano yun, hindi na sana ako nakaperwisyo sa pagmamahalan nina Claire at Axel! Eh hindi na sana ako nasasaktan na makita silang dalawa!)

Dahil sa sobrang sama ng loob, pinunasan ni Emily ang kanyang mga luha.

Tsaka niya itinext kay Nina na uuwi na lang siya ng maaga at hindi na rin siya makakasama sa pamamasyal sa Mall.

Pinili na lang ni Emily na umuwi sa bahay ni Nina. Ngunit, habang naglalakad, isa na namang dagok sa buhay ni Emily ang naghihintay sa kanya, pagdating sa bahay ni Nina.