webnovel

Chapter 18- Second Activity (Finding Flag)

Kinaumagahan, bumangon ang mga grade 10 students sa kani-kanilang mga higaan at excited ang mga ito sa kanilang gagawin na activity.

Habang nagsasalo sa almusal ang lahat ng mga estudyante at ang kanilang mga guro sa isang malawak na espasyo sa Camp, dumating ang Vice-Principal para makisabay sa kanilang agahan at inanunsyo ang kanilang gagawing Activity sa araw na ito.

Mrs. Sarmiento: "Good morning, Grade 10 students!"

All students: "Good morning din po, Maam!!"

Mrs. Sarmiento: "So, excited na ba ang lahat?! Kung excited na kayo, ipapaalam ko lang muna sa inyo ang Rules and Regulations ng ating Second Activity."

Nagbulungan ang ilang mga estudyante sa kung ano ang sasabihin ni Mrs. Sarmiento sa kanila. Nagpatuloy naman sa pagsasalita ang kanilang Vice-Principal.

Mrs. Sarmiento: "So Students, eto ang magiging Rules natin. Una, ang inyong mga Teachers ang magbabantay sa lahat ng inyong mga gagawin. Pangalawa, lahat ng estudyante sa bawat Section ay magpaparticipate sa paghahanap ng flag na nakatago sa bawat sulok ng Camp!!"

Habang nagsasalita ang Vice-Principal, napansin ni Althea ang kakaibang reaksyon ng dalawa nyang kaibigan.

Althea: "Emily, bakit parang ang saya mo ata ngayon? Anong bang nahalo sa pagkain mo at parang tuwang-tuwa ka?"

Emily: "Alt, kasi naman makakasama natin si Axel sa paghahanap ng Flag, di ba Nina?"

Nina: "Oo. Pareho pala tayong iniisip. Makakasama natin ang mga jowa natin sa paghahanap ng Flag!"

Althea: "Ah..... Ganun ba? Sana tayo ang unang mga makahanap sa Flag na iyan." (Magmula noong magkajowa ang dalawang eto, wala nang iniisip ang mga ito kundi ang makasama ang kanilang mga jowa nila.)

Nang mapansin ni Claire si Althea na malalim ang kanyang iniisip, agad niya itong tinanong.

Claire: "Alt, parang ang lalim ng iniisip mo? Hindi ka ba excited sa gagawin nating activity na ipapagawa sa atin ni Maam Sarmiento?"

Althea: "Claire, okay lang ako. Tsaka iniisip ko na nga yung activity kung paano natin hahanapin yung Flag?"

Claire: "Uhm....Ganun ba? Tsaka kung nag-aalala ka kung mahihirapan tayo sa paghahanap sa Flag, mag-enjoy lang tayo sa gagawin nating activity."

Althea: "Okay sige. Salamat Claire."

Samantala, nagbubulungan naman ang magkaibigang sina Ruby at Ivy sa likod ng ilang mga estudyante.

Ruby: "I can't believe na makakasama ko, si Axel my love, sa gagawin nating activity."

Ivy: "Oo nga eh.."(Hay.....Sabi ko na nga ba at si Axel pa rin ang nasa utak mo. Baka eto ang dahilan pa ng pagiging kulelat ng ating Section kapag hindi ka nakisama sa ating activity.) "Tsaka Ruby, I think na mag-eenjoy naman tayo kahit hindi mo kasama si Axel diba?"

Ruby: "No Ivy, I will never give up pa rin si Axel my love ko kay Emily! I will make sure na maiinlove siya sa akin at hindi sa Emily na iyan!"

Ivy: "Ewan ko sayo, Ruby. Bahala ka nga."

Sa kabilang parte ng mga nagbubulungang mga estudyante, nag-uusap naman ang mga kaklaseng mga lalaki.

Allan: "Magiging masaya eto, Tol! Makakasama din natin si Claire!"

Allen: "Oo nga, Tol! Pagkakataon na din natin ito para isagawa ang plano natin kay Claire!"

Allan: "Oo tol! Kaya mayroon akong magandang ideya kung papaano natin siya masisilipan?"

Allen: "Sang-ayon ako dyan sa iniisip mo, Tol!"

Axel: (Paano kaya nagkakaintindihan ang dalawang magkapatid na ito? Sumang-ayon agad si Allen kahit na hindi pa sinasabi ni Allan ang kanyang plano? May telepathy ba ang magkapatid na to? Anyway...) "Sa wakas makakasama ko ulit si Emily dito sa activity ni Maam! Diba Isaac?"

Isaac: "Oo, Tol! Pati din si Nina. Makakasama din natin."

Daniel: "Jowa niyo na naman ba ang iniisip niyo? Pwede bang sa Activity nga muna tayo magfocus? Baka mamaya ma-disqualify tayo dahil nakafocus kayo sa mga babae niyo, imbes na naghahanap kayo ng Flag."

Edward: "Oo nga naman. Tama ang sinasabi ni Daniel. Kaya magfocus muna tayo sa paghahanap ng Flag."

Axel: "Hay...Sige na nga. Sa activity muna kami magfofocus."

Habang nag-uusap at nagsisimula ng mag-ingay ang ilang estudyante. Sa kasamaang palad, hindi napakinggan ng ilang mga estudyante ang pangatlo at pang apat na rules na sinasabi ng kanilang Vice-Principal. Kaya ipinagpatuloy na lang nito ang kanyang pagsasalita.

Mrs. Sarmiento: "Alam kong excited na ang lahat para sa second Activity! At Guys! Kung handa na kayo, maaari niyo nang simulan ang paghahanap sa Flag, pagkatapos ninyong kumain ng agahan!"

All students: "Yes, maam!"

Matapos ianunsyo ni Mrs. Sarmiento ang gagawing second Activity ng mga estudyante, bumalik sa pagkain ng agahan ang ilan, naghugas at iniligpit ang kanilang kinainang mga plato at baso pabalik sa loob ng kanilang Camphouse. Matapos magligpit, agad pinulong ng bawat Adviser ng mga sections ang kanilang mga estudyante nila.

Sir Joey: "Guys! Makinig muna. Alam ninyo na ba ang gagawin sa ating Activity?"

Emily: "Sir, Sa pagkaka-alala ko po, sinabi po ni Ma'am Sarmiento kanina na maghahanap po kami ng Flag."

Sir Joey: "Maliban sa mga sinabi niya, ano pa ang naalala ninyong sinabi ni Ma'am Vice?"

Mula sa puntong ito, hindi na nakasagot sa ang mga estudyante ni Sir Joey. Kung kaya't napakamot na naman siya ng ulo dahil sa kanyang inakala.

Sir Joey: "Sinasabi ko na nga ba? Hindi kayo nakikinig sa announcement ni Ma'am Sarmiento kanina! Sa tingin niyo, paano kayo mananalo sa Activity ninyo kung hindi niyo alam ang inyong gagawin?!"

Allan: "Sir pasensya na po! Sobra po kasi kaming na-excite kaya hindi na po namin napakinggan si Ma'am."

Allen: "Oo nga po, Sir!"

Sir Joey: "Hay...Pambihira talaga kayo. Buti tinipon ko kayo para itanong sa inyo kung ano ang inyong mga gagawin?"

Emily: "Sorry po, Sir."

Humingi din ng pasensya ang ilan sa mga estudyante ni Sir Joey. Dahil sa nakikita niyang excited ang kanyang mga estudyante sa gagawing Activity, inanunsyo nito ang pangatlo at pang-apat na mechanics ng Activity.

Sir Joey: "Okay guys! Makinig ang lahat para alam niyo ang inyong mga gagawin. Ang mga Flag na nakatago at nagkalat sa kung saang parte ng buong Camp ay may mga kulay? Bawat kulay ng mga flag ay may kani-kaniyang puntos, 5 points sa red flag, 10 points sa yellow flag, at 20 points sa white flag. Ang Section na may pinakamataas na points ang siyang mananalo. Kaya....maliwanag na ba sa inyo ang mga sinabi ko?"

10-A students: "Opo, Sir!!"

Sir Joey: "Kung wala na kayong iba pang mga tanong, sa pagplaplano kung paano kayo mananalo? Pero hintayin niyo muna ang "Go signal!" ni Ma'am Sarmiento mamayang alas otso ng umaga.

10-A Students: "Yes Sir!"

Matapos kausapin ni Sir Joey ang kanyang mga estudyante, agad pumunta sa Quadrangle ng Camp ang mga estudyante at hinihintay ang sinasabing "Go Signal!" ang mga estudyante. Sa sobrang excited, hindi na naisip pang gumawa ng plano ang Section ni Emily at ang mga kaklase nito. Hanggang sa dumating ang kanilang Vice-Principal upang ibigay ang "Go Signal!".

Mrs. Sarmiento: "Guys! Ready na ba ang lahat?! Kung handa na kayo, let's start the activity!"

Matapos tanungin ng Vice-Principal ang lahat ng mga estudyante na sumama sa Camp, ihinanda nito ang isang Starting Pistol at ini-angat sa ere ang hawak nitong bagay. Tsaka niya pinaputok ang bagay na hawak ng Vice-Principal kung saan, doon nag-umpisang tumakbo ang lahat ng mga grade 10 students upang hanapin ang mga flag sa bawat sulok ng camp.

Habang tumatakbo ang karamihan sa mga estudyante, aksidente namang natamaan ng Plastic Bullet ang isang lumilipad na Kalapati na bumagsak mula sa himpapawid na siya ring dahilan para pulutin ni Kit ang naturang ibon tsaka niya ito idinala sa Kusina ng kanilang Camp House. Napansin naman ito ni Sir Joey at nang kanilang Vice-Principal na tila walang itong interest sa paghahanap ng Flag at mas inasikaso pa ang pagkatay sa napulot na ibon. Wala nang nagawa si Sir Joey sa kanyang nakita at humingi na lamang ng paumanhin sa Vice-Principal dahil sa ipinakita nitong asal na siya naman nitong ikinawalang bahala.

Makalipas ang ilang minuto, nagsisimula ng mapagod si Nina sa paghahanap ng flag kaya nilapitan siya Isaac upang kamustahin ang kanyang kalagayan.

Isaac: "Okay ka lang ba, Nina?"

Nina: "Oo okay lang ako, bakit?"

Isaac: "Sa tingin ko kasi hindi ka okay, Nina."

Nina: "Isaac, paano mo nasabi na hindi ako okay?"

Isaac: "Kanina ko pa napapansin na ang bilis mo mapagod. Kung gusto mo, buhatin na lang kita."

Namula ang pisngi ni Nina matapos marinig ang sinbi ni Isaac. Tila nahiya si Nina sa inalok ni Isaac sa kanya.

Nina: "Hindi mo na ako kailangan pang buhatin, Isaac. Kaya ko pa naman ang sarili ko."

Isaac: "Nina, huwag ka nang mahiya. Inaalok na nga kitang buhatin, ayaw mo pa."

Nina: "Eh nakakahiya kasi, Isaac."

Isaac: "Nahiya ka pa. Halika na! Pasanin na lang kita sa likod ko."

Nina: "O-Okay. Kung yan ang gusto mo."

Walang nagawa pa si Nina at nagpabuhat na lang siya sa likod ni Isaac. Samantala, ilang 30 minuto matapos magsimula ang paghahanap sa mga Flag, nakuha naman nila Emily, Axel at Ivy ang 3 white flag, 10 red flag at 2 yellow flag na siyang ikinagulat ng mga girls sa kanilang tatlo.

Althea: "Believe na ako sa inyong tatlo! Nakatatlo kayo ng white flag na siyang may malaking puntos!"

Nina: "Oo nga, Guys! Sigurado na ang panalo ng section natin!!"

Ivy: "Siyempre kami pa! Kapag Section natin ang involve sa ganitong group Activity, makikipagtulungan naman ako sa inyo. Di ba, Axel?"

Axel: "Oo. Tama ka diyan, Ivy."

Claire: "Guys, napansin niyo ba? Kanina pa nawawala yung babaeng maarte."

Emily: "Claire, si Ruby ba ang tinutukoy mo? Ayun oh. Kanina pa niya nirereklamo yung puno ng Mangga."

Nina: "Bakit naman siya nagrereklamo sa harap ng puno ng mangga, Emily?"

Emily: "Tanungin niyo na lang sa kanya kung ano ang pinoproblema niya?"

Agad pinuntahan ng mga magkakaklase si Ruby sa harap ng puno ng Mangga at napansin nilang tila pagod at galit na nagrereklamo sa kasama nitong si Jackson.

Ruby: "Grrr! I hate this I will not make takbo ulit again, grabe nakakapagod pala! Tsaka Jackson, hindi mahuhulog ang Flag na nasa sanga kung pagyugyog lang sa makapal na puno ang ginagawa mo!"

Jackson: "Huwag kang mag-alala, Ruby. Mahuhulog na yan flag na iyan kapag ginamitan ko ng Headbutt ang katawan ng puno."

Ruby: "Gagamitan ng Headbutt ang...WHAT?!"

Bago pa man mapigilan ni Ruby si Jackson sa pinaplano nito, iniutog nito ang kanyang ulo sa puno na siyang dahilan para ito'y mahilo at bumulagta sa lupa. Napakamot na lang ng ulo si Ruby dahil sa ginawa ng inutil niyang kaibigan.

Ruby: (Hay.....Pambihira. Ako pa ang responsible sa pagiging stupid ng Gorilla na to. Dapat si Ivy ang nagbabantay sa malaking walang brain na eto.)

Sakto namang dumating ang grupo ni Emily at ang kaklase nilang mga lalaki.

Althea: "Ruby, Ayos ka lang ba? Tsaka ba't nakahiga sa lupa si Jackson?"

Ruby: "Well...Just let the Big Guy sleep for a while. And it's because hindi ako nakapaghanda sa ibinigay na activity ni Mrs. Sarmiento sa atin! Kaya nagpapahinga ako dito. Tsaka akala ko, simple lang yun pinapagawa niya! Yun pala hindi!"

Nina: "Kaya pala kanina pang hindi maganda ang mood mo na sabi nila Emily sa amin! Totoo pala ang sinasabi nila sa amin?"

Ruby: "Yeah right! Also I will not do these ever again!"

Althea: (Okay. Sabi mo eh. Talagang napaka arte mo, Ruby.)

Nagpatuloy pa rin ang mga estudyante sa paghahanap ng ibang flag sa bawat sulok ng Camp. Matapos ang ilang oras na paghahanap, bumalik ang lahat ng mga estudyante sa kanilang mga guro upang ipakita ang kanilang hawak na mga flag at inilapag sa isang nakahandang mesa. Sakto namang nag-iikot ang kanilang Vice-Principal upang bilangin ang mga flag na nahanap ng mga estudyante sa bawat Section.

Joey: "Guys! Congratulations! Mukhang nag-enjoy kayo sa inyong second activity." (Maliban kay Kit dito sa tabi na abala sa pag-iihaw ng napulot niyang Kalapati.)

Althea: "Opo Sir. Nag-enjoy po kami sa paghahanap ng mga Flag."

Emily: "Kaya nga lang po, Sir, medyo kaunti lang po ang nahanap po naming mga Flag."

Nina: "Sana manalo pa rin tayo. Kahit na medyo kakaunti yung flag na nahanap natin."

Claire: "Oo nga, Nina. Sana nga manalo pa rin tayo."

Ruby: "Hay....How will we win if yung isa dyan na kasama nating abnoy, don't even cooperate?!"

Ivy: "Kaya nga! Imbis na tumulong sa paghahanap ng Flag, pag-iihaw pa ng maliit na manok ang inaatupag!"

Claire: "Ivy, Kalapati ang iniihaw niya. Hindi ang manok."

Ruby: "We don't care! Mute Girl! Our point here is he didn't cooperate to us!"

Althea: "Ruby? He didn't cooperate na sabi mo? Eh anong nai-ambag mo sa paghahanap ng flag kanina ha?

Emily: Oo nga! Tama nga naman si Alt. Nakatunganga ka lang naman sa harap ng puno ng Mangga at hinihintay mong mahulog yung Puting Flag na nasa sanga ng puno, imbes na akyatin mo na lang ang puno nang nakapuntos pa tayo!"

Ruby: "Hoy! Emily! Not because na kasama mo si Axel my love ko, ikaw na ang nakahahanap sa karamihan ng mga flag! Baka you forget na kasama niyo din kanina si Ivy!"

Emily: "Ruby, anong gusto mong palabasin? Na kung hindi dahil kila Axel at Ivy wala akong mahahanap na Flag? Buti pa nga yung ibang mga kaklase natin, may nahanap na flag kahit na Pula pa ang nakita nila! Samantalang ikaw, Puti na nga ang nasa harapan mo, hindi mo pa paghirapang kunin!"

Bago pa man mag-away sina Emily at Ruby tungkol sa hindi nila pagtutulungan sa paghahanap ng Flag. Pumagitna na ang kanilang guro at pinatahimik ang lahat ng kanyang mga estudyante.

Sir Joey: "Okay! Lahat kayo! Tapos na ang paghahanap sa flag! Kaya kung anuman ang hindi niyo pagkakaunawaan sa Activity natin, mabuti pang itigil niyo na ang pag-aaway at iwan niyo na rin dito sa Camp ang alitan ninyo! Dahil nakakahiya sa Vice-Principal kapag naabutan pa niya kayong nagbabangayan sa harapan niya! Kaya mas mabuti kung manahimik kayo!"

Emily: "Opo, Sir. Pasensya na po."

Ruby: "Yeah right." (Pero hindi pa tayo tapos, Emily. Titigilan lang kita kapag nakuha ko na mula sayo si Axel my love ko.)

Matapos mapatahimik ng kanilang guro ang nag-aaway na si Emily at Ruby, dumating naman ang kanilang Vice-Principal na si Mrs. Sarmiento upang bilangin ang mga nakuha nilang flag. Matapos magbilang, bumalik ito sa gitna upang ianunsyo sa lahat kung aling Section ang nanalo sa kanilang Activity.

Mrs. Sarmiento: "Guys! Nag-enjoy ba kayong lahat sa second activity?"

All students: "Yes Ma'am!"

Mrs. Sarmiento: "Sa nakikita ko, mukhang nag-enjoy naman kayo sa inyong ginawang Activity. Kung ganun, para matapos na ang ating Camping Event, sasabihin ko na kung aling Section ang nanalo sa ating Finding the Flag Activity."

Matapos magsalita ng Vice-Pricipal, tahimik na naghintay ang lahat sa sasabihin nito at nagulat sila sa kanilang narinig na resulta.

Mrs. Sarmiento: "Ang nanalo ngayon ay walang iba kundi ang-!."

Ruby: (Sana kami ang manalo diyan, kasi I give my best effort dito eh!)

Althea: (Ma'am pwedeng iannounce niyo na po agad ang nanalo? Kasi kanina pa kami nagugutom. Dahil Nakakagutom kasi yung amoy na iniihaw ni Kit.)

Nina: (Iniisip ba ni Althea kung mananalo ba kami? Well, sana magkakatotoo yung sinasabi niya sa amin kanina.)

Emily: (Nakakagutom pala ang paghahanap sa flag.)

Claire: (Ang bango naman nun. Nakakagutom.)

Allan: (Sayang ang pagkakataon namin ni utol kanina. Hindi namin nakasama si Claire.)

Allen: (Oo nga!! Tama si utol, hindi namin nakasama si Claire!)

Ivy: (Well, ang sa akin lang, gusto ko ng umuwi sa bahay at matulog maghapon.)

Jackson: (Ang sakit ng ulo ko. Matigas pala ang puno ng mangga.)

Daniel: (Ang tagal naman mag-anunsyo ni Ma'am! Sabihin niyo na kasi at huwag niyo nang patagalin pa!)

Axel: (Masamang impluwensya pala yung na-aamoy kong iniihaw ni Kit. Pakiramdam ko, kulang yung kinain kong agahan kanina.)

Edward: (Madam pakibilisan naman po, may mga naiwan pa po akong trabaho sa Student Government Office.)

Mrs. Sarmiento: "Dahil sa nag-effort at nag-enjoy naman kayo sa inyong Activity, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kaya ang nanalo sa ating activity ay walang iba kundi ang Section-G!"

Section-C Male Student: "Section-G na naman?!"

Section-F Student: "Bakit po Section-G?"

Mrs. Sarmiento: "Kasi Guys, nagtulung-tulong sila sa paghahanap ng mga flag. Hindi lang sa lupa, pati rin sa itaas ng mga puno. Kaya sila ang nanalo. Pero huwag kayong mag-alala, dahil mayroon naman kayong 20 points direct sa inyong grade para sa ibang mga estudyante na nakilahok sa ating Camping. Kaya hindi naman kayo uuwi na walang pinagpaguran"

Emily: (20 points? Mukhang hindi na rin masama. Tsaka direct din naman sa aming Grade.)

Jackson: (Hahaha! Buti sumama ako. Kahit alanganin na ako sa Math, may grade naman akong direct sa aking card.)

Allan: (Buti sumama kami ni Utol. May pangdagdag points kami sa aming Grade!)

Allen: (Oo nga!)

Ruby: (20 points? Ano pang silbi ng points kung hindi mapapasa akin si Axel my love?!)

Ivy: (Hindi pa ba tayo uuwi?)

Matapos ianunsyo ang nanalo sa kanilang Activity, agad nagluto ng pananghalian ang mga estudyante. Pagkatapos nilang magluto, agad din silang nananghalian.

Naging abala sa pagkain ng pananghalian ang lahat ng mga estudyante, kasama ang kanilang mga guro sa bawat Grade 10 sections. Nasarapan ang lahat sa kanilang nilutong pagkain, tsaka nila iniligpit ang kanilang mga kinainang pagkain. Habang nagliligpit, muli na naman naglakad sa bawat Section ang kanilang Vice-Principal upang ianunsyo ang oras ng kanilang pag-uwi.

Mrs. Sarmiento: "Guys! Makinig! Alam kong marami sa inyo ang gusto nang umuwi sa kanilang mga bahay. Kaya naman, mamayang 2 pm, mag-assemble na tayo sa mga naka-parking na bus sa Parking Area ng Camp at sumakay na din kayo sa sinakyan din ninyong Bus. Para maka-alis na din tayo dito sa Camp. At isang bagay pa, siguraduhin niyo ding kumpleto kayo ng mga kaklase ninyo sa loob ng Bus, para wala tayong maiwan na kaklase niyo dito sa Camp."

Matapos ianunsyo ng Vice-Principal ang oras ng kanilang pag-uwi, pumunta naman ito sa kabilang Section.

Emily: "Hay....makakauwi na din tayo sa Seladona." (Parang mas gusto ko pang lumayo na lang sa bahay na yun at tumira na lang dito.)

Nina: "Oo nga Emily! Kasi namimiss ko na din ang pamilya ko!"

Althea: "Ako din! Mahirap din pala ang ganitong experience."

Nina: "Oo, sinabi mo pa, Alt! Atleast nag-enjoy naman tayong lahat diba, Emily?"

Emily: "Oo naman!" (Buti pa kayo, wala kayong problema sa mga bahay niyo. Samantalang ako, proproblemahin ko na naman yung ingay nung isang kasama namin sa bahay.)

Masayang sumagot ng "Yes Ma'am!" ang karamihan sa mga estudyante, matapos magpalipat-lipat na inanunsyo ng Vice-Principal ang oras ng kanilang pag-uwi sa iba pang mga Section. Tsaka naghugas at iniligpit ng mga estudyante ang kanilang kinainang plato at baso ibinalik sa loob ng kanilang Camphouse. Matapos magligpit, agad ibinalik ng mga estudyante ang kanilang mga dinalang gamit sa dala nilang bag at nang makita nilang wala na silang naiwan ay pumunta na ang ilan sa mga estudyante sa Parking area.

Saktong 2 PM, agad pumasok ang mga estudyante sa kanilang mga naghihintay na bus sa Parking area at nang matiyak ng mga guro na kumpleto ang lahat ng mga estudyante ay agad na umandar ang mga bus, pabalik sa Seladona.

Makalipas ang ilang oras, nakabalik na rin ang mga bus sa Seladona Junior Science High School at nagsibabaan ang lahat ng mga estudyante na sakay nito tsaka sila umuwi sa kanilang mga bahay.

Masayang umuwi ang karamihan sa mga estudyante, maliban kay Emily na tila malungkot itong naglalakad, pauwi sa bahay na kanyang tinitirahan.