Makalipas ang ilang araw matapos ianunsyo ng kanilang guro ang tungkol sa kanilang Camping, maagang nagkita-kita ang lahat ng Grade 10 Students sa harap ng kanilang school at hinihintay ang iba pang mga Estudyante.
Nakita naman ni Emily ang lahat ng kanyang mga kaklase at excited sa magaganap na Camping.
Ngunit mag-aalas singko na ng umaga, wala pa rin ang bus na kanilang sasakyan.
Kaya nag-uusap muna ang ilan sa mga estudyante habang hinihintay ito.
Althea: "Akalain mo yun? Makakasama din natin si Ruby!"
Emily: "Oo nga. Sigurado ako mayroon na naman siyang binabalak sa atin."
Nina: "Hindi lang si Ruby, pati rin ang kambal, at ang boyfriend ni Ivy. Nandito din sila!"
Nang makita din ni Ruby ang magkakaibigan, lumapit ang grupo nito sa apat.
Ruby: "Well, well, well! Nandito ulit ang mga talunan!"
Ivy: "Oo nga!! Akalain mo, sasama din ang apat na Losers?!"
Althea: "Sinong tinatawag mong Losers diyan, Ruby?!"
Ruby: "Eh sino pa ba sa tingin mo? Eh kayo lang naman ang mga Losers na tinatawag namin!"
Ivy: "Tama si Ruby. Kaya manahimik na lang kayo diyan!"
Nina: "Aba! Iba rin tabas ng dila mo Ivy? Porket kasama mo lang yung Boyfriend mo!"
Ivy: "Oo naman!l! Atleast ginagamit ko ang bibig ko sa gusto kong sabihin! Hindi tulad mo na bulag sa lahat ng oras kapag walang kang salamin!"
Nina: "Ano kamo?!"
Bago pang magsabunutan ang dalawang grupo ng mga babae, sakto namang dumating ang bus na kanilang sasakyan kasama ang ilang mga guro na magbabantay sa kanilang pagbiyahe at natigil ang dapat sanang pag-aaway ng dalawang grupo.
Sir Joey: "Okay, class! Pasok na sa bus nang maka-aalis na rin tayo. Tsaka, DALIAN NIYO! Huwag nga kayong babagal-bagal nga dyan!"
Agad pumasok ang mga estudyante sa bus matapos silang abisuhang pumasok ng kanilang mga Guro.
Habang naghahanap ng upuan ang mga estudyante, lumapit naman si Axel kay Emily nang makita niyang nakaupo ito sa gitnang parte ng bus.
Axel: "Ah Emily, puwede ba akong tumabi sayo sa upuan?"
Emily: "Oo naman, Axel! Puwedeng-Puwede kang tumabi sa akin!"
Axel: "Okay, sige. Salamat sayo."
Uupo na sana si Axel sa tabi ni Emily nang bigla siyang hinila ni Ruby at magsisimula na itong magreklamo.
Nagulat naman si Axel sa ginawa nito.
Ruby: "How dare you, Loser?! Dapat ako yung katabi ni Axel, my love ko! At hindi ikaw!"
Emily: "Ruby, hindi ka ba marunong tumanggap ng pagkatalo mo? Boyfriend ko na si Axel at kalat na sa buong school ang balitang, "Si Emily ang Girlfriend ni Axel!" noong nakaraang mga araw!"
Ruby (irrirated): "So what?! Kung kalat na sa buong school na ikaw ang jowa niya?! Nagsisimula pa lang naman kayong maging kayo! Tsaka, ako lang ang dapat na maging Gf niya at hindi ikaw!"
Axel: "Ruby, kung okay lang sayo, lumayo ka na lang mula sa amin ni Emily."
Ruby: "What?! Why?! Axel my love! Bakit mo nasasabi yan sa akin?! Alam mong, I like you so much!"
Axel: "Simple lang, Ruby. Gaya ng mga narinig mong mga tsismis noong nakaraan, Girlfriend ko na si Emily. Pangalawa, ayaw kitang makatabi sa upuan. At pangatlo, hindi kita gusto. Kaya pasensya ka na. Tsaka, kung maaari lang, maghanap ka na lang din ng bakanteng upuan."
Hindi makapaniwala si Ruby sa mga sinabi ni Axel dahil hindi niya inakala na seseryosohin ni Axel ang pakikipagrelasyon kay Emily. Kaya padabog na umalis si Ruby mula sa kinauupuan ng dalawa at naghanap ng upuan.
Ngunit, may namuong galit sa loob ni Ruby matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Axel.
Ruby (anger): (Si Emily? Ang magiging jowa ni Axel for the rest of his life?! Hindi ako papayag na mapasakanya ang Axel ko! I will make her life miserable ng ma-realize ni Emily loser na hindi dapat ako ang kanyang kinakalaban!)
Kaya, nang nakahanap si Ruby ng upuan, agad siyang umupo.
Sumunod namang umupo sa kanyang tabi sina Ivy at Jackson.
Magkatabi naman sina Isaac at Nina sa pangdalawahan na bakanteng upuan, at todo sa pagkwekwentuhan ang dalawang.
Habang sina Claire at Althea naman ay magkatabi at nakaupo din sa pangdalawahang tao na upuan.
Magkatabi din ang dalawang Kambal na sina Allan at Allen sa pang dalawahang upuan habang nag-iisip ang mga ito ng masamang plano sa kasamahan nilang mga babae.
Si Daniel naman, nai-ilang na makatabi si Edward dahil sa hindi sila gaanong close sa isa't isa.
Kaya nang umandar ang bus, hindi nag-uusap ang dalawang ito sa buong biyahe.
Habang umaandar ang bus, nagsimula na rin sa pagche-check ng attendance ang kanilang guro na si Joey nang may mapansin itong kakaiba.
Sir Joey: "Okay, Guys! Dahil sa katorse lang na estudyante ang sumama mula sa Section 10-A, at the rest ay galing sa 10-B, magche-check ako ng inyong attendance. Kaya itaas niyo lang ang inyong mga kamay kapag tinawag ko ang inyong mga pangalan!"
Lahat: "Yes, Sir!"
At sinimulang tawagin ng kanilang guro ang pangalan ng mga estudyanteng nakasama sa kanyang bus.
Habang tinatawag nito ang pangalan ng kanyang mga Estudyante, napansin ni Sir Joey ang hindi pagresponde ng isa sa kanyang mga estudyante.
Sir Joey: "Kit Zacarias! Oy Kit! Nandito ka ba?!"
10-B Student1: "Sir! Kanina pa po nawawala si Kit magmula nung umandar ang Bus."
10-B Student2: "Oo nga po, Sir! Tsaka, kanina pa din po kami nagtataka kung kanino po ang bag na nandito sa upuan. Marahil, sa kanya po ang bag na nandito."
Sir Joey: "Teka.... Ano bag?!"
Agad nilapitan ni Sir Joey ang bag na nasa dulong upuan ng bus at nakumpirma niyang, bag ito ni Kit.
Ngunit nagsisimula na din mag-alala ang Guro dahil sa pagkawala ng isa niyang estudyante sa bus na kanilang sinasakyan.
Sir Joey: "Hay.....Pambihira talaga itong si Kit. Saan na naman kaya siya nagsususuot?! Sana naman, hindi natin siya naiwan sa school."
10-B Student1: "Sir, sa klase ng ugali na mayroon si Kit, sa tingin ko po, gumagawa na naman po yun ng ka-weirduhan sa loob ng Bus na ito. Kaya hindi po siguro siya basta mai-iwan."
Sir Joey: "Kung sabagay, tama ka diyan. At marahil nasa kung saang sulok lang ng bus na ito si Kit? Sige, babalik na ako sa aking upuan." (Pero sana man lang, hindi namin siya naiwan sa school. Dahil kapag nagkataon, baka isumbong niya ako sa Principal at mawalan ako ng trabaho.)
Labis na nag-aalalang bumalik sa kanyang upuan ang adviser ng 10-A.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Sir Joey, sinadyang iniwan ni Kit ang kanyang bag at sumakay sa kabilang bus sa kadahilanang makaka-away nito ang bully na si Jackson.
Makalipas ang tatlong oras na biyahe, nakarating na rin ang mga bus sa Tanod's Camp kung saan magaganap ang Camping ng mga Grade 10 students mula sa Seladona Junior Science High School.
Ngunit nang magpapark na sana ang bus, biglang nagpreno ang Driver kung saan sumubsob sa likod ng mga upuan ang karamihan sa mga Estudyante kasama na ang kanilang Guro na si Sir Joey.
Nagalit ang lahat matapos itong gawin ng Driver ng Bus, habang bumababa ang galit ng mga Estudyante.
Sir Joey (annoyed): "Manong! Ano bang ginagawa niyo?! Ba't naman kayo biglang nagpreno?!"
Driver: "Naku, pasensya na po sa inyong lahat. Kasi may nakita ako kaya nagpreno ako agad."
Sir Joey: "Ano po bang nakita niyo, Manong?!"
Driver: "Sir! May nakita akong Tupa sa harap kaya nagpreno po ako."
Agad tinignan ng mga estudyante at ni Sir Joey ang sinasabing Tupa na nakita ng Manong Driver.
Ngunit lalong nai-inis ang mga ito sa kanilang nakita.
Sir Joey: "Eh Manong! Logo ng Tanod's Camp nakita ninyo! Hindi po tunay na Tupa!"
Nina: "Oo nga, Manong! Tsaka impossible naman po yung sinasabi niyo na may Tupa sa daan!"
Hanggang sa may dumaan ngang matabang tupa sa kanilang harapan at pumasok sa loob ng Camp.
Napangiwe na lang ang lahat sa kanilang nakita.
Daniel: "Ayan oh! May Tupa nga!"
Ruby (disgusted): "Ewww! Kadiring Tupa!"
Emily: "Ibig sabihin ba nito? Nagsasabi ng totoo si Manong Driver?"
Sir Joey: "Kung ganun, pasensya na rin po, Manong, kung hinusgahan po namin kayo."
Driver: "Okay lang po yun, Sir. Hindi ko naman po sinasadya na biglang magpreno. Kaya pasensya na rin po kayo."
Althea: "Sa susunod po Manong, mag-iingat po kayo para hindi naman kami mabasagan ng bungo sa pagsakay sa inyo!"
Matapos ang sandaling pag-uusap ni Sir Joey at ng ilang Estudyante sa Driver, pumasok sa loob ng Tanod's Camp ang lahat at nagtipon sila sa Reception Area.
Habang naglalakad, nawili ang ilang mga estudyante sa kanilang nakikita sa paligid ng Camp.
Emily: "Wow ang ganda pala dito sa Tanod's Camp!"
Althea: "Oo nga, Emily! Ang daming damo at puno pala dito!"
Kit: "....Ang dami ding Tupa...."
Nina: "Sinabi mo pa, Althea! Tsaka, Kit, kanina ka pa ba diyan sa tabi ni Alt?"
Kit: "...Huwag mo akong pansinin..."
Huminga ng malalim si Claire habang naglalakad kasama ang kanyang mga kaibigan.
Claire: "Sariwa din ang hangin dito!"
Nina: "Alt, buti na lang nakasama ka ngayon sa amin!"
Althea: "Oo nga eh.. Tsaka excited na din ako sa mga ipapagawa ni sir Joey sa atin!"
Claire: "Oo nga. Mukhang nakakaexcite nga mamaya ang mga gagawin nating activities."
Habang nag-uusap ang mga magkakaibigan, tila namangha sina Ivy at Jackson sa mga halaman na kanilang nakikita sa paligid.
Habang si Ruby ay nai-inis dahil sa mga nagkalat na photobomber na mga Tupa. Kung kaya't hindi siya makapagselfie ng maayos, gamit ang kanyang android phone.
Ivy: "Wow ang gaganda ng mga halaman dito Jackson!"
Jackson: "Oo nga, Ivy. Tsaka manipa kaya ako ng mga Tupa dito?"
Ivy: "Oy! Huwag ka ngang manipa ng Animals! Baka ikapahamak pa natin yan sa gagawin mo!"
Ruby (irrirated): "Buwisit ng mga Tupang to! Hindi ako makakuha ng magandang Shots dahil sa mga mababahong panggulo sa Screen!"
Ivy: "Ruby, huwag mo na kasing pansinin ang mga dumadaan na tupa sa likod mo! Magselfie ka na lang!"
Matapos ang mahabang paglalakad ng mga estudyante mula sa parking lot, nakarating na rin sa Reception Area ang mga ito.
Pagdating nila, agad umupo ang lahat habang ine-enjoy ng mga estudyante ang kanilang mga nakikita.
Ngunit biglang may isang babaeng nasa edad 40 ang naglakad sa harap ng Reception area tsaka ito nagsalita sa nakahandang Mic.
Babae: "Hello! Students! Nakikinig na ba ang lahat?"
Nabaling ang atensyon ng mga estudyante sa boses ng nagsalitang babae hanggang sa nagulat sila at bigla silang nagsi-ayos ng kanilang pag-upo.
Nagbulungan naman ang mga estudyanteng nasa likod matapos nilang makita kung sino ang nagsalita.
Nina: "Teka? Si Mrs. Sarmiento ba yan?"
Emily: "Oo, Nina. Siya nga yan."
Althea: "Alam niyo, naiinggit ako sa kanya kasi ang ganda at ang seksi niya pa rin kahit na may edad na siya."
Nina: "Oo nga. Sana pagtanda ko, ma-maintain ko ang ganyang pangangatawan."
Claire: "Speaking of pangangatawan, sa nakikita ko, mukhang problemado na yung Kambal na mahilig manilip."
Althea: "Ha! Talagang magkakaproblema yung kambal kapag natsambahan nila si Mrs. Sarmiento. Dahil kapag nagkataon, siguradong patatalsikin sa school ang dalawang iyan.
Para sa kaalaman ng lahat, si Mrs. Maribel Sarmiento ay ang Vice-Principal ng Seladona Junior Science High School.
Sa kabila ng pagiging Vice-Principal nito, mabait at palakaibigan sa estudyante at guro si Mrs. Sarmiento.
Kung kaya't gusto siya ng karamihan sa mga Estudaynte.
Bagamat mabait at palakaibigan, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging estrikto dahil na rin sa kanyang trabaho.
Allan: "Oh my Dogs..! Tol.! Sumama pala si Madam Vice-Principal..?!"
Allen: "Oo nga, Tol..! Nagulat din ako. Di ko akalain na sasama pala siya sa Camp.
Allen: "So paano na nating, isasakatuparan yung plano natin..? Tol..."
Allan: "Ang mabuti pa siguro, Tol, maglay-low na muna tayo. Baka i-expell tayo ng magandang Vice-Pricipal natin sa school kapag nagkataon.
Nang makuha ni Mrs.Sarmiento ang atensyon ng lahat ng mga estudyante, nagsimula na itong magsalita.
Mrs. Sarmiento: "Hello sa inyong lahat, mukhang nageenjoy kayo ah?! So, bago natin umpisahan ang activity natin ngayong araw, ipapaalam ko lang sa inyong lahat na ang mga Teachers ang magbabantay sa lahat ng inyong mga gagawin. Pinapayuhan ko din na huwag din kayong gagawa ng kung anong mga bagay na ikakapahamak ninyo habang tayo ay nandito sa Tanod's Camp. At ang reason kung bakit kayo nandito ay para matuto sa mga ipapagawa sa inyo ng inyong mga Teachers? Dun sa mga nag-aalala kung saan kayo matutulog... Huwag kayong mag-aalala dahil may mga Camphouse naman tayong matutulugan mamayang gabi. Kaya naman....EXCITED NA BA KAYO?!"
Masayang sumagot ng "Yes Ma'am!" ang karamihan ng mga Estudyante, maliban kay Kit na tahimik lang sa sulok at nakikinig, at handa na sa mga gagawin nilang mga Activities.
Kung kaya't hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang Vice-Principal.
Mrs. Sarmiento: "So guys! Ganito ang mangyayari sa First day ng Camp. Una, maghahanap kayo ng kahoy na panggatong na gagamitin sa pagluluto ninyo ng pananghalian at hapunan sa gubat. Ngunit take-note, mga lalaki lang ang inaatasan kong maghahanap ng mga kahoy at bahala na din ang inyong mga Advisers sa pag-group sa inyo. Second, ang mga babae ang magluluto ng inyong pananghalian at hapunan. Bahala na din ang inyong mga Advisers sa pag-group at supervise sa inyo. And lastly, gagawa kayo ng bitag o "Trap" para hulihin ang mga manok na papakawalan nung may-ari ng Camp para sa inyong lutuin at kainin kinabukasan. Tsaka kung iniisip niyong makakahuli kayo ng tupa, pasensya kayo. Kasi habang nagsasalita ako sa harap niyo ngayon, kasulukuyan nang hinuhuli ng mga Care taker ng Camp ang mga nagkalat na tupa at ililipat sa ibang kulungan. Kaya pagpasensyahan niyo na."
Student1: "Ay! Ano ba naman yan?! Akala pa naman namin makakatikim na kami ng karne ng Tupa!"
Student2: "Oo nga!"
Daniel: "Sayang naman!"
Mrs. Sarmiento: "Anyway, kalimutan niyo na ang makahuli ng libreng tupa at simulan na natin ang Camping!"
Matapos magsalita ng Vice-Principal, opisyal na nitong sinimulan ang Camping.
Agad nagsipunta sa kani-kanilang mga Adviser ang mga Estudyante tsaka nila sinundan ang mga ito sa kanilang tutuluyang Camp House.
Pagdating sa Camp House, agad nagsagawa ng Grouping ang kanilang mga Adviser.
Sir Joey: "Okay, Guys! Gaya ng sinabi ng Vice-Principal, kaming mga Adviser niyo ang magsusupervise sa inyong mga gagawing mga activity kaya ang mangyayari, hahatiin ko kayo sa Two Groups!"
Emily: (Sana makasama ko si Axel sa gagawin naming activity!!)
Nina: (Mukhang magiging masaya to! Kasi makakasama ko ang mga kaibigan namin!)
Althea: (Ganun din ako, ayaw ko pa naman mahiwalay sa mga kaibigan ko.)
Claire: (Excited na ako!)
Allan: (Pagkatapos ng activity namin, may tsansa na makasama ko si Claire mamayang gabi! Hahaha!)
Allen: (Ako din! Magiging masaya ito! Kapag tapos na ang activity, matsatsambahan ko si Claire mamayang gabi. Hehehehe...)
Ruby: (Grrr! I hate this, hindi ako makakapayag na makakasama ni Emily si Axel my love ko sa activity namin!)
Jackson: (Dapat ibigay ni Sir sa amin si Kit nang maupakan ko na siya! HAHAHA!)
Sir Joey: "Okay! Nakapagdesisyon na ako kung sino ang magkakasama sa First group!"
Biglang tumahimik ang magkakaklase ng marinig nilang nakapagdesisyon ang kanilang Adviser kung sino qng magkakasama sa Group 1.
Sir Joey: "Group 1! Mga Boy Kahoy! Edward, Isaac, Axel, Daniel, dalwang kambal at si Kit. Kayo ang encharge sa paghahanap ng kahoy."
Nina (shocked): "A-Ano?!"
Emily (surprised): "Lahat ng Boys?! Magkakasama?!"
Sir Joey: "Hindi lahat. Jackson, maiwan ka dito kasama ng mga babae. At samahan mo sila sa pagluluto."
Jackson (shocked): "A-Ano po, Sir?!"
Nagulat at tila nainis si Jackson sa ginawang desisyon ng kanilang guro na paggrouping sa kanila. Kaya umangal si Jackson.
Jackson (annoyed): "Sir! Bakit ako pa ang napili niyong maiwan na makasama sa pagluluto ang mga ito?!"
Ivy: "Oy! Jackson! Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo ha?! Ayaw mo ba akong makasama ako sa pagluluto?!"
Jackson: "Ivy! Hindi naman sa ganun! Pero..."
Nina: "Ay.....Mukhang LQ na sila?"
Claire: "Oo. Mukha nga."
Ruby: "Don't interrupt them mga Losers!"
Althea: "Oy! Don't iterrupt ka dyan! Eh mukhang ikaw pa itong nakikialam sa amin! Hindi ka naman kinakausap! Tsaka ba't pa namin naging ka-grupo etong tatlong tukmol na ito?!"
Ruby: "What?! Tukmol?! Sinong sinasabihan mong tukmol ha?!"
Sir Joey: "Okay! Tumigil kayong lahat at ipapaliwanag ko kung bakit pinagsama-sama ko kayong mga babae sa iisang grupo?! Dahil gusto kong makita kung magtutulungan ba kayo sa gagawin ninyong mga activities at the same din sa boys. Sa kaso naman ni Jackson, alam kong may plano siyang saktan si Kit kaya siya sumama sa Camp. Kaya naisip kong isama siya sa grupo ng mga babae."
Jackson: "Eh Sir! Hindi ko naman po sasaktan si Kit! Maniwala po kayo! Tsaka mas makakatulong po ako sa paghahanap ng kahoy na panggatong dahil kaya kong magbuhat ng mga mabibigat!"
Daniel: "Pare! No offense. Pero hindi lang ikaw ang lalaking kayang magbuhat dito!"
Isaac: "Oo nga! Tsaka sa tono ng pananalita mo parang sinasabi mong hindi kami marunong magbuhat ng mabibigat na kahoy!"
Sir Joey (angry): "Okay! TAHIMIK! TUMIGIL KAYO!"
Napatahimik bigla ang mga estudyante ni Sir Joey matapos siyang sumigaw at galit na pinagsabihan ang kanyang mga estudyante.
Sir Joey: "Eto makinig kayo ha? Kung ayaw niyong sabihin ko sa Vice-Principal ang tungkol pag-aaway ninyo dito sa Camp, magtulungan kayo sa mga gagawin ninyong activity ngayong araw! Baka nakakalimutan niyo kung bakit kayo nandito? Nandito kayo para matutong magtulungan at hindi mag-away! Kaya kung hindi lang naman kayo magtutulungan sa isa't isa, mabuti pang pauwiin ko na lang kayong lahat ng maaga sa inyong mga bahay!"
Hindi kumibo at nagtinginan ang mga estudyante ni Sir Joey matapos niyang pagsabihan ang mga ito.
Hanggang sa naisip nilang sang-ayunan ang pag-grouping sa kanila ng kanilang Guro.
Emily: "Ah...Sir, okay naman po kami paggroup niyo po sa amin."
Axel: "Opo, Sir. Okay na po kami sa group po namin, di ba guys?"
Daniel: "Oo, Tol."
Allan: "Sang-ayon din kami!"
Allen: "Oo nga!"
Jackson: "Ang sa akin lang, hindi naman masama na samahan ko ang mga babae sa pagluluto. Kaya okay na rin ako sa Group ko."
Ruby: "I will only help everyone sa pagbabalat lang ng mga gulay. At don't talk to me kapag nagbabalat ako ng mga prutas and gulay."
Althea: "Oy....Kit, di ba may alitan kayo ni Jackson? Wala ka bang sasa-...."
Nang lumingon si Althea kanyang likuran upang tanungin si Kit kung makikipagtulungan ba ito kay Jackson, hindi nila napansin na wala na pala ito sa kanilang tabi.
Althea: "Aba! Teka?! Saan nagpunta yung isang yun?!"
Sir Joey: "Guys, huwag niyo nang alalahanin si Kit. Agad siyang umalis matapos kong sabihin kanina ang groupings kanina. Sa nakikita ko, excited din siya sa mga gagawin nating mga activities."
Daniel (shocked): "A-Ano?!"
Edward: "Wow! Ang bilis naman niya!"
Allen: "Oo nga!"
Axel: (Sa napansin ko, umi-iwas talaga siya kay Jackson.)
Sir Joey: "Kaya naman, Group 1! Kumilos na kayo! Kung gusto nyong makakain ng pananghalian!"
All Boys (Except Jackson): "Yes Sir!"
Agad nagsitakbo ang mga lalaki matapos silang sabihan ng kanilang guro na maghanap ng kahoy na panggatong sa gubat.
Sir Joey: "Group 2! Habang wala pa ang mga Boys, Ihanda niyo na rin ang inyong mga lulutuin."
Nina: "Yes Sir!"
Emily: "Opo Sir!"
At ihinanda na rin mga babae, kasama si Jackson, ang kanilang mga lulutuin.
Kung saan, naramdaman ng apat na magkakaibigan at ng iba nilang mga kasama ang simula ng kanilang Camping Experience.