webnovel

Chapter 12- Random Things

Matapos ang Intramurals sa Seladona Junior Science High School, nakauwi rin si Emily sa kanilang bahay.

Pagpasok niya sa loob ng kanilang bahay, nadatnan niyang naghahanda ng hapunan ang kanyang ate na si Lucile.

Emily: "Good evening, Ate!"

Lucile: <cough > <cough > "Good evening din, bunso."

Emily: "Ate, kamusta na po ang pakiramdam po ninyo?"

Lucile: <cough > <cough > "Eto bunso, medyo hindi pa rin gumagaling yung ubo ko."

Emily: "Ate kung gusto niyo po, ako na lang magluluto ng hapunan natin. Para naman makapagpahinga na po kayo."

Lucile: "Emily, okay lang ako. Ang mabuti pa, magpalit ka na lang ng damit mo para makakain na rin tayo ng hapunan."

Emily: "Opo, ate."

Pagdating ni Emily sa kanyang kwarto, inalis niya ang kanyang suot na uniform, at isinuot ang damit pambahay.

Pagkatapos niyang magbihis, agad siyang bumaba para kumain ng hapunan.

Saktong pagkatapos magluto ng hapunan ni Lucile, tinawag nito ang kanyang mga kasama sa bahay, kabilang na si Ramon na nanonood ng TV sa sala.

Tsaka sila umupong ang tatlo sa mesa upang kumain ng hapunan.

Ngunit sa hindi inaasahang na pangyayari, muling nagreklamo na naman si Ramon sa hapag.

Ramon: "Ano ba etong sinigang baboy na niluto mo?! Napaka-asim!"

Lucile: "Sorry, honey. Kasi hindi ko kasi malasahan yung niluluto ko."

Ramon: "Magluluto ka na nga lang ng ulam!! Napaka-asim pa! Marunong ka ba talagang magluto o hindi?! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano ka magluto ha?!"

Lucile: "Pasensya ka na honey. Hayaan mo, papalitan ko na lang yung ulam mo ng bago."

Ramon (irrirated): "Anong papalitan?!! Huwag mo nang palitan dahil lagi ka naman palpak sa pagluluto! Wala ka na bang alam na matinong gawin sa buhay mo?!"

Lucile: "Sorry na honey. Please huwag ka naman magalit sa akin! Kung gusto mo ako na lang kakain yan."

Tahimik at masama naman ang loob ni Emily sa kanyang mga naririnig mula kay Ramon at patuloy na lang siya sa pagkain. Hanggang sa tuluyan nang nagalit at nawalan ng gana sa pagkain si Ramon.

Ramon (angry): "ALAM MO, WALA NA AKONG GANANG KUMAIN! WALA KA NANG GINAWANG MATINO! AT LAHAT NA LANG NG GINAGAWA MO, AY PURO PALPAK!"

Lucile: "Pasensya ka na sa akin honey, kung palagi kitang ginagalit. Kasi hindi ko naman ginusto na magkasakit ako ngayon."

Ramon: "So ano gustong mong palabasin, Lucille?! Na ikaw palagi ang tama at ako ang palaging mali?!"

Lucile: "Wala naman akong sinabi na ako yung tama palagi! Tsaka ang sinasabi ko lang, kung ano ang nararamdaman ko ngayon?!"

Hanggang sa naubos ang pasensya ni Ramon at tumayo ito sa mesa tsaka niya sinigawan si Lucile habang dinuduro ang ulo nito.

Ramon (yelling): "PINAGTATAASAN MO BA AKO NG BOSES HA?! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, NAKIKITIRA LANG KAYO NG KAPATID MO SA PAMAMAHAY KO! KUNG TALAGANG KAYA NIYO NANG GUMASTOS NG MALAKI PARA SA RENTA NG IBANG BAHAY AT AYAW MO NA SA LIBRENG PAGPAPATULOY KO SA INYO DITO?! PWES, LUMAYAS NA KAYONG DALAWA NG KAPATID MO! NGAYON DIN MISMO!"

Nabigla at sandaling napaisip si Lucile sa sinabi ni Ramon, hanggang sa naisip niyang magmakaawa rito upang huwag ituloy ni Ramon ang plano nitong pagpalayas sa dalawang magkapatid.

Lucile (begging): "Please naman honey, huwag mo naman kaming palayasin ng kapatid ko! Sorry na kung napagtaasan kita ng boses kanina, tsaka hindi ko na uulitin sa susunod yung mga nasabi ko sayo!!"

Ramon (annoyed): "Dapat lang, Lucile!! At huwag mo na akong pagtaasan ng boses!! Dahil ako lang naman ang nagpapatuloy ng libre sa inyong dalawa ng kapatid mo sa pamamahay ko!!"

Lucile: "Okay honey. Pasensya ka na ulit."

Matapos ang pagbabangayan ng dalawa, umalis mula sa kusina si Ramon at nagpatuloy sa pagkain ng hapunan sina Lucile at Emily.

Pagkatapos kumain ang dalawa, agad iniligpit at hinugasan ni Emily ang kinainang mga plato at kubyertos.

Nagpupunas naman ng mesa ang kanyang Ate at tinulungan naman siya nito.

Matapos mailigpit ang mga gamit sa kusina, agad umakyat ng kanyang kuwarto si Emily tsaka siya nagdasal bago matulog.

Kinabukasan maagang bumangon si Lucile, pero hindi niya nakita si Ramon sa kama, agad siyang bumaba upang maghanda ng kanilang almusal.

Pagdating niya sa kusina, nagulat si Lucille sa kanyang nakita, dahil tapos na naghanda si Emily ng kanilang almusal.

Lucile: "Good morning, Bunso!"

Emily: "Good morning din, Ate!"

Lucile: "Ikaw ba ang nagluto ng almusal natin?"

Emily: "Opo Ate, ako nga po ang nagluto. Baka po kasi may sakit pa po kayo. Tsaka ayoko naman pong pagalitan kayo ulit ni Kuya Ramon."

Lucile: "Ah okay. Buti na lang, mabait ang Bunso ko. Matanong ko lang Emily, nasaan pala si Kuya Ramon mo?"

Emily: "Si Kuya Ramon po? Ayun! Maagang umalis kasi mayroon siyang appointment ngayon."

Lucile: "Pero kumain na ba siya ng almusal?"

Emily: "Hindi nga po siya kumain. Kasi nagmamadali po siyang umalis."

Lucile: "Ah ganun ba? Sige, kumain na rin tayo."

Matapos magluto ni Emily ng agahan, umupo ang dalawa at kumain na rin sila ng kanilang almusal. Habang kumakain, tinanong ni Emily ang kanyang Ate.

Emily: "Ate? Okay na po ba kayo?"

Lucile: "Oo naman, Emily. Okay lang ako."

Emily (worried): "Sigurado po ba kayo ate?"

Lucile: "Oo sigurado ako. Tsaka kailangan ko na rin sigurong pumasok sa work para naman makapag-ipon pa ako ng sariling pera natin."

Emily: Pero Ate, lalo lang po kayo mabibinat kapag pinuwersa niyo pong magwork sa pinapasukan niyo lalo't hindi niyo pa kaya!"

Lucile: "Okay lang ako, Emily. Tsaka, kaya ko pa naman, di ba?"

Emily: "Ate naman! Huwag niyo naman pong pilitin ang pumasok sa trabaho niyo po! Mas makakabuti kung magpahinga pa muna kayo. Para naman makabawi po kayo ng lakas."

Sandaling hindi kumibo si Lucille sa mga sinabi ni Emily sa kanya at mayroon naman itong punto.

Kaya nagpadesisyonan niyang sundin na lang ang mga sinabi ng kanyang kapatid.

Lucile (sighs): "Mukhang tama ka, Bunso sa mga sinasabi mo sa akin. Ang mabuti pa nga siguro, huwag muna akong pumasok sa work ko para naman hindi ka magaalala sa akin. Okay ba yun sayo?"

Emily: "Opo Ate. Tsaka uminom din po kayo ng gamot para mapabilis ang paggaling po ninyo."

Lucile: "Maraming salamat sayo, Bunso. Kasi hindi mo ako pinapabayaan. Tsaka inaalagaan mo ako na dapat sana ako yung nag-aalaga sayo."

Emily: "Huwag niyo na pong sisihin ang sarili po ninyo. Ang mahalaga po sa akin ay ang paggaling po ninyo."

Lucile: "Oh siya, kumain na tayo para makapasok ka na sa school mo."

Emily: "Sige po, Ate."

Nagpatuloy sa pagkain ng agahan ang magkapatid, hanggang sa nailigpit nila ang mga pinggan na kanilang ginamit.

Pagkatapos magligpit, naghanda at agad pumasok si Emily sa kanilang school.

Pagdating ni Emily sa school, agad siyang binati ng kanyang mga kaibigan sa labas ng gate.

Kung saan nila napag-usapang maghintay. Sakto namang napadaan si Kit sa gate.

Althea, Claire at Nina (energetic tone): "GOOD MORNING, EMILY!"

Kit: (.....Ay....Choir sila....)

At naglakad ng diretso palayo sa mga babae si Kit papasok ng kanilang school.

Emily: "Go-good mo-morning din."

Althea: "May problema ka ba, Emily?"

Claire: "Oo nga naman, Emily. Bakit ganyan ang boses mo ngayon?"

Emily: "Okay lang ako, guys. May iniisip lang ako."

Nina: "Ano naman ang iniisip mo, Emily?"

Emily: "Siguro, kailangan ko muna ang mapag-isa. Sige, guys. Mauuna na muna ako sa inyo."

Althea: "Teka!! Sandali—!"

Pagkaalis ni Emily mula sa kanyang mga kaibigan, sakto namang dumating ang kambal upang batiin ang mga girls sa hallway.

Allan: "Good morning! Girls!"

Allen: "Oo nga! Good Morning!"

Althea: "Hay.....Nandito na naman etong dalawang mahilig mamboso!"

Nina (irrirated): "Oo nga. Puwede ba? Lumayo nga kayong dalawa sa amin!! Alam naming na may pinaplano na naman kayong hindi maganda!"

Claire: "Tama si Nina sa mga sinasabi niya."

Nang mapansin ni Allan na hindi kasama nang tatlo si Emily, naisip niyang tanungin ang tatlong babae kung nasaan si Emily.

Allan: "Nasaan pala yung kasama niyong si Emily?"

Allen: "Oo nga! Ba't hindi niyo siya kasama?"

Althea: "Bakit niyo tinatanong? May plano ba kayong silipan si Emily?!"

Allan: "Hindi. Bakit?"

Allen: "Oo nga. At curious lang kami."

Nina: "Anong "hindi" ang sinasabi niyo diyan?! Siguro may plano kayo noh?!"

Allan: "Hindi nga! Tsaka concern lang kami kay Emily."

Allen: "Oo nga! Concern lang kami. At curious din kami sa kanya."

Althea: "Kailan pa kayo naging concern sa kanya?! Ni minsan hindi naman kayo naging concern sa aming mga babae?!"

Allen: "Oo nga!"

Allan (feeling hurt): "Tol! Ba't ka naman sumang-ayon kay Althea?! Tsaka Althea, nakakasakit ka nanaman ng damdamin ko!"

Allen: "Oo nga!"

Althea (sarcastic tone): "Wow! Grabe naman yan! Nasaktan pa kayo sa mga sinasabi ko?! Samantalang, hindi man lang kayo nadadala sa pamboboso niyo sa mga babae dito!"

Allan: "Ba't hindi mo na lang sabihin sa amin kung nasaan si Emily?"

Allen: "Oo nga!"

Nina: "Wala kaming planong sabihin sa inyo kung nasaan ang kaibigan namin!"

Althea: "Oo! Kaya hindi namin sasabihin sa inyo kung nasaan si Emily?!"

Allan: "Grabe na naman kayo sa amin, hindi ba kayo naawa sa amin ha."

Allen: "Oo nga!"

Althea (unamused): "Che! Hindi kami naawa sa inyo kung bobosohan niyo din lang kami! Di ba girls?"

Nina at Claire (nodded): "Oo nga!!"

Allan: (Uy! Duet sila.) "Kung ganun, aalis na muna kami, ha? May hahanapin pa kaming tao!"

Allen: "Oo nga!! Kita na lang tayo mamaya!! Girls!!"

At umalis ang kambal upang simulan ang kanilang sinasabing paghahanap.

Althea: "Wala akong pakialam kung sino ang hahanapin niyo?! Alam naming maninilip nanaman kayo sa mga babae!"

Nina: "Oy.....Alt, tama na yan. Nakalayo na sila. Hindi ka na nila maririnig."

Claire: "Tsaka, kahit kailan, hindi naman nakikinig ang kambal na iyan. Ang mabuti pa eh hanapin na lang natin si Emily."

Nina: "Oo tama ang sinabi ni Claire. Kaya umalis na din tayo bago pa nila mahanap nung dalawa si Emily."

Althea: "Okay sige."

Napagpasyahan ng magkakaibigan na umalis sa gate at hanapin sa hallway si Emily upang balaan ito mula sa binabalak ng Kambal.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ni Emily, pumunta ito sa isang luma at tagong mini garden ng kanilang school.

Kung saan siya ay nakaupo sa bench at umiiyak.

Emily (crying): "Hindi ko inexpect na ganun na pala kalala ang pagtrato ni Kuya Ramon kay Ate!! Hindi naman siya ganun noong una niya kaming pinatuloy sa bahay niya! Sana man lang makaalis na kami sa pader niya, para naman guminhawa ang pamumuhay namin ni Ate."

Habang umiiyak, napadaan ang isang lalaki na tila may hinahanap at napansin ang paghagulgol ni Emily. Kung kaya't lumapit lalaki upang tanungin siya nito at hindi inasahan ni Emily na si Axel pala ang lalaking ito.

Axel: "Emily, bakit ka umiiyak? May problema ka ba?"

Emily: "Ah wala naman Axel, tsaka anong ginagawa mo dito?"

Axel: "Eh kasi kanina pa kita hinahanap sa classroom, kaso wala ka doon? Kaya hinanap kita. Okay ka lang ba?"

Emily: "Oo, okay lang ako. Tsaka huwag mo na lang ako alalahanin."

Axel: "Kung may problema ka, puwede mo naman sabihin sa akin ang mga problema mo."

Emily: "Axel, okay lang ako! Mayroon ka bang sasabihin sa akin?"

Axel: "Oo eh. Puwede ba ako magtanong sayo?"

Emily: "Sige ano yun?"

Axel: "Kung okay lang sayo puwede ba kita yayaing kumain sa canteen?"

Emily (blushing): "Si-sigurado ka ba na yayain mo akong kumain?"

Axel: "Oo naman! So ano? Pumapayag ka ba sa gusto ko?"

Emily: "Okay sige! Alis na rin tayo."

At umalis ang dalawa mula sa mini garden tsaka sila pumunta sa canteen. Pagdating nila sa canteen, nakita nila ang grupo ni Ruby.

Ruby: "Well, well, well....One of the losers is here."

Samantha: "Oo nga! At kasama pa niya si Axel!"

Ivy: "Hindi na siya nahiya! Talagang ginagamit pa niya ang kahinaan ni Axel!"

Emily (irrirated): "Ano bang kasalanan ko sa inyong tatlo? At tinatrato niyo ako ng ganito?!"

Ruby: "Its because you ruined everything! And inaagaw mo sa akin ang prince charming ko lalo na si Axel! Loser!"

Emily (sarcastic tone): "Ows? Really? Kailan ko pa inaagaw sayo si Axel? Sa tingin ko kasi mas pinili niya ako kaysa sayo, Ruby!"

Ruby: "How dare you Loser! Para sabihin mo sa akin ang mga bagay na iyan!"

Bago pa man magkainitan at tuluyang magsabunutan ang dalawang babae, pumagitna si Axel sa pagitan ng mag-aaway at nagsalita upang pigilan ang dalawa.

Axel: "Okay, Guys! Tama na yan. Chill lang kayo. Tsaka huwag na kayong magtatalo kasi si Emily ang pinili kong makadate."

Nagulat at hindi makapaniwala ang grupo ni Ruby na kadate ni Axel si Emily. Mas lalo pang nainis si Ruby sa kanyang mga narinig.

Ruby: "What?! I don't believe on you, Axel!"

Ivy: "Oo nga naman, Axel. Baka nagbibiro ka lang. Kaya nasabi mo iyan."

Axel: "Guys...Hindi ako nagbibiro sa inyo. Tsaka totoo ang mga sinasabi ni Emily sa inyo. Kaya kung puwede lang, huwag na kayong mag-away."

Ruby (annoyed): "Grrr! I hate you Emily! Nakuha mo pa talaga si Axel my love ko!"

Emily: "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Axel sa inyo kanina?"

Ivy: "Tara na Ruby, mukhang hindi nagbibiro si Axel sa sinabi niya."

Samantha: "Oo nga, Ruby. Umalis na tayo dito bago pa gumawa ng gulo si Axel at idamay pa tayo."

Ruby: "Okay! Fine whatever! Pero hindi ko paglalagpasin ang araw na ito Emily! Let's go girls!"

Samantha & Ivy (nodded): "Okay!"

Estudyanteng Tsismosa: (Ay! Duet sila?)

Agad umalis ang Grupo ni Ruby dahil sa sama ng loob nito kay Emily. Gayun pa man, tinanong ni Axel si Emily upang ilibre ito ng makakain.

Axel: "Anong gusto mo pala kainin?"

Emily: "Uhm... gusto ko ng fishball."

Axel: "Yun lang ba ang gusto mong kainin?"

Emily: "Oo. Ikaw? Ano ang gusto mong kainin?"

Axel: "Sige, ganun na din sa akin."

Emily: "Ah okay. Ikaw bahala."

Bumili sila ng fishball ng tig-sampong piraso. Pagkatapos nilang bumili ng fishball, agad silang umupo sa bakanteng upuan upang kainin ang binili nilang fishball.

Ngunit napansin ni Emily na hindi pa ginagalaw ni Axel ang kanyang pagkain. Kung kaya't tinanong niya eto.

Emily: "Ah... Axel first time mo bang kumain ng fishball?"

Axel: "Oo... Bakit mo pala naitanong?"

Emily: "Eh kasi naman, parang hindi ka sanay kumain ng fishball eh."

Axel: "Pasensya ka na, Emily, sa akin. Kasi ngayon lang ako makakain ng fishball sa buong buhay ko."

Emily: "Ah ga-ganun ba? Masarap yan tsaka malinis yan."

Axel: "Si-sigurado ka ba na malinis eto?"

Emily: "Oo naman! Tsaka yan ang palagi kong kinakain! Kaya tikman mo."

Estudyanteng Tsismosa: (Wow! Palagi niyang kinakain ang fishball? Buti hindi ka pa nagkaka-Hepatitis niyan. Lalo na't kada umaga mo kinakain yan.)

Axel: "Okay."

Agad tinikman ni Axel ang fishball at pagkagat niya, nasarapan siya sa fishball na kinakain nito.

Patuloy naman sa pakikinig ang mga tsismosang mga estudyante na nakaupo sa tabi ng kanilang mesa at nakikinig sa kanilang dalawa.

Emily: "Sabi ko naman sayo masarap yung fishball! Tingan mo, mukhang nasarapan ka na sa kinakain mo."

Estudyanteng Tsismosa: (Mas masarap yung kinakain kong Kwek-Kwek. Kaysa dyan sa Fishball. Magkaka-cancer ka niyan!)

Axel: "Oo eh."

Emily: "Sige hintayin na lang kitang matapos kumain. Para naman makabalik tayo sa classroom bago magsimula ang klase."

Axel: "Okay."

Agad inubos ni Axel ang kanyang kinakain na ayon sa sinabi ni Emily.

Pagkatapos niyang kumain ay tumayo silang dalawa at lumabas sa canteen.

Paglabas ng canteen, bumalik ang dalawa sa kanilang classroom bago pa man magsimula ang kanilang klase sa umaga.