webnovel

Si Makisig at Si Maganda (Love is Beautiful)

[Completed] Genre [Mystery, Romance] Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. May pagkakataon pa ba silang magkatuluyan sa huli? Sa pangalan lang ba sila bagay? ****** Nakatingin siya sa lalaki at naghihinagpis ang kalooban niya. Dumadaloy ang luha sa pisngi ni Bea na akala mo ay uubusin nito ang lahat ng natitirang tubig na nagmumula sa mga mata niya. Lumapit ito para yakapin siya pero agad siyang umiwas. "Bea, trust me..." mahinang sabi nito. Mas matagal na nakatitig siya dito, mas lalo nitong pinapatay ang kalooban niya. May mga bagay na hindi talaga tugma kahit napapanahon. May mga bagay na tugma, kahit hindi napapanahon. May mga tao na kailangan lang ang isa't isa kaya nila mahal ang bawat isa. May mga tao na mahal nila ang isa't isa kaya kailangan nila ang bawat isa. May mga tao na para sa isa't isa. At may mga tao na kahit pilitin nila, hindi sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Minahal niya ang lalaking nasa harapan ng sobra-sobra. Halos hindi niya masabi ang mga salita pero kailangan sabihin. "Ayoko na..." Kapag doble-doble ang sakit. Doble-doble ang pahirap. Sa mundo at sa panahon na iyon, alam niya na hindi pa napapanahon. They are not meant for each other, she guessed. "A..alis na ko.. Paalam.." ***** My First Love is a Problem Boy [COMPLETED] My First Love is a Genius Girl [on going] At the end of the rainbow [COMPLETED] Workplace Romantic [COMPLETED] Love Me, My Prince [COMPLETED] The Devious Soul [on going] Thousand mornings with you [on going] ***** Photo © sookimstudio

Feibulous · Urban
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Bakit parang ikaw pa ang lugi?

Tahimik na inisip ni Bea kung saan ba nagkamali ang lahat. Bakit may drawing ng ogre at prinsesa na hawak ang lalaki na may pangalang Makisig?

Hindi niya nakikita na kasama ni Anthony ang lalaki o kaya naman tulala lang siya na nakatitig na madalas kay Anthony, kaya hindi niya napapansin ang lalaki kanina.

'Huhuhu.. Saan po nagkamali ang lahat?' ang tanong ni Bea sa isip.

========

Natapos ang mga klase ni Bea sa araw na iyon. Para siyang mababaliw dahil nakatingin ang lahat ng estudyante sa kanya habang naglalakad siya.

'Anong meron?' tanong niya sa isip.

Kinakabahan si Bea. May lumapit sa kanyang babae na may kasamang dalawang estudyante pa.

"ikaw! Ikaw ba si Beauty?" tanong ng babae na nasa gitna.

Nagtataka siya kung bakit siya nito kailangan.

"Oo" sagot niya dito.

"Bakit mo ina-agaw sakin si Makisig?!"

Bea "...."

'Lord, wala na bang katapusan ito?' parang mababaliw na si Bea.

Nabigla na lang siya ng may umakbay sa kanya. Napatuwid si Bea ng tayo. Nilingon niya kung sino ang may-ari ng braso na nakapatong sa balikat niya.

"Walang ina-agaw si Beauty, dahil hindi naman ako sayo. Diba, Babe?" sabi sa kanya ni Makisig habang pisil-pisil ang pisngi niya.

Halatang nasaktan ang babae. At halata rin na matalim ang tingin nito sa kanya.

"Babe…" mahinang tawag ng babae kay Makisig.

Naguguluhan na si Bea. Pinagtitinginan na siya ng mga tao.

"Let's go, Babe!" nakangising sabi ng lalaki at inakay na siya palabas ng eskwelahan.

Paglabas nila ng eskwelahan…

"Hoy, Ikaw!" sabi niya sa lalaking katabi.

"Pwede bang kalimutan mo na iyong sulat at kung ano pa man na nangyari ngayong araw?" pakiusap niya.

Pakiramdam ni Bea, iyon lang ang tanging solusyon para matapos na ang problema niya na iyon.

"No!" nakangising sabi nito.

Bea "...."

Nag-iinit na ang ulo niya.

"Bakit?" wala siyang nagawa kundi ang magtanong.

"Dahil, nag-eenjoy ako. Wala pang naglakas ng loob na magbigay sakin ng love letter, dahil karamihan ng babae ay takot kay Diane." sabi nito na hindi nawawala sa labi ang pagkangisi.

"Pero, hindi talaga para sayo ang love letter. Isa pa, mali ang nasa loob ng sobre. Hindi ko alam kung kanino ang drawing na ipinakita mo." katwiran niya.

Nginisian lang siya nito.

"Sorry na lang sayo Beauty… ikaw lang ang tanging paraan para layuan ako ni Diane. Nagsimula na ang laro natin kaya hindi ka na makakatakas." sabi nito habang nakalapit sa mukha niya ang mukha nito.

Parang maiiyak si Bea.

"Anong kasalanan ko Lord nung past life ko?" hindi niya alam na nabigkas niya na pala ng malakas ang mga salitang iyon.

Humalukipkip si Makisig. "Miss Beauty, bakit kung makapag-reklamo ka parang ikaw pa lugi ah"

Napatuwid si Bea sa sinabi ng lalaki. Napayuko siya. Medyo napahiya kasi siya sa sinabi nito.

Totoo kasi na sa kanilang dalawa, lamang na lamang ng ilang paligo ang lalaki kaharap kung ikukumpara sa kanya.

Bagay dito ang pangalan na Makisig. Samantalang siya…

'Okay, next!' Ayaw niya nang pag-usapan pa.

"Kaya Miss Beauty sa ayaw at sa gusto mo. ako ang boypren mo mula ngayon. Okay?"

Parang maiiyak siya sa sinabi nito. Nagka-boypren siya ng hindi niya gusto at sa paraang hindi niya alam kung paano.

"Ngayon, Dalhin mo ito!" sabi sa kanya. Ipinatong nito sa balikat niya ang bag nito.

Sumakit ang balikat niya sa bigat ng bag nito.

"May tanong ako." sabi niya sa lalaki.

Makisig "hhm?"

"Pwede na bang makipag-break?" seryosong tanong niya.

Makisig "..."

Hindi makahanap ng sasabihin si Makisig.

Kanina pa siya naiinis sa babaeng ito. Binigyan siya ng Ogre at Prinsesa na drawing, na naglalarawan sa kung paano nito inabot ang sulat sa kanya nung umaga.

Matapos iyon, pinakita ng babaeng ito na halos pandirihan siya. Halatang ayaw nito sa kanya.

At ngayon, hindi pa natatapos ang araw, gusto nang makipag-hiwalay nito sa kanya? Iba rin!

"Miss Beauty, inuubos mo ba ang pasensya ko?" tanong ni Makisig kay Bea.

Kinabahan siya dahil halatang nag-iba ang awra nito.

"Ngayon palang binabalaan na kita, hindi ka pwedeng makipag-hiwalay. Ako lang ang may karapatan." banta nito.

"Huwag mo nang pangarapin na makakatakas ka dahil kapag sinabi mo pa ulit na naghiwalay na tayo… Ikakalat ko sa buong school na niligawan mo ako ng umaga, ginamit mo ang katawan ko ng buong maghapon at hindi ka nasiyahan sa katawan ko kaya naghanap ka ng iba." sabi nito habang nakangisi.

Bea "...."

"Malinaw ba, Miss Beauty?" nang-iinis na sabi nito.

Naiinis na siya sa kakatawag nito ng 'Beauty'.

"Tawagin mo akong Bea sa susunod!" ang tangi niyang nasabi.

"Okay!" masayang sabi nito.

Para makatakas sa lalaki, nagpasya nang umuwi na si Bea.

Nakasalubong nila si Jace at kumunot ang noo nito nang makitang nakaakbay sa kanya si Makisig.

Nakasimangot si Jace. "Sino ito?"

Bago pa siya makasagot, inunahan na siya nito. "Boypren niya."

Jace "...."

"Aalis na kami ng girlfriend ko. Ba-bye!" sabi nito na parang walang nangyari.

"K-kay Jace na lang ako sasabay. Magkapitbahay kami." sabi niya kay Makisig.

Tiningnan siya ng lalaki, matapos iyon. Inilipat nito kay Jace ang tingin.

"Hindi ako sanay ng may ka-share, kaya sori!" nang-iinis na sabi nito.

Umiinit na ang ulo ni Bea.

Inapakan niya sa paa si Makisig at saka hinila si Jace. At tumakbo silang dalawa ng matalik na kaibigan papalayo sa lalaking namimilipit ang paa.

Naiwan si Makisig na nagdilim ang paningin. Mukhang inuubos ng Beauty na iyon ang pasensya niya.

May pinadala siyang mensahe sa kaibigan niya na nasa Student's council.