Izumi Pov
Pag sapit ng gabi ay nakahanda na ako sa aking pag alis. Nakasuot ako ng itim na kasuotan at mayroong balabal na nakatakip sa aking ulo at mukha. Kinuha ko rin ang kahoy na espada na gagamitin sa oras na may mangyari sa akin.
Matapos nun ay dahan dahan kong binuksan ang pinto, palinga linga ako sa buong paligid upang masiguro kung may tao o wala. At nang masiguro kong walang tao ay lumabas ako sa aking silid at dahan dahan din isinara ang pinto. Maingat akong nag lakad upang hindi makagawa ng ingay na maaaring mag pagising sa mga tao dito
Maya-maya lang ay nakalabas na ako ng tahanan at saka mabilis na umalis. Nang matanaw ko na ang palasyo, nakita ko ang isang kabayo na nakatali sa puno at walang nag babantay. Napangiti ako dahil doon kaya naman agad agad akong nag tungo.
Nang makalapit na ako sa kabayo ay tumingin tingin ako sa paligid.
"Swerte, walang tao..."bulong ko. Tinanggal ko mula sa pag kakatali sa puno ang kabayo. Matapos nun ay hinawakan ko ang tali, bago ako umalis ay hinimas himas ko sya upang mapaamo. Kaagad naman sya nag ingay bilang pag tugon kaya naman nataranta ako bigla.
"Shhhh...wag kang maingay. Baka mahuli ako"sabi ko. Matapos nun ay binaybay ko ang daan palabas ng emperyo habang hila-hila ang kabayo hanggang sa nakalabas kami ng tarangkahan.
Tuloy lang ang aking pag lalakad hanggag sa nakarating ako sa gubat. Napalunok ako ng makita ang napakadilim na paligid at ang ingay ng gubat. Hindi ko naisip na mag dala ng bagay na maaari kong magamit sa lugar na ito. Napakamot na lang ako dahil sa sariling katangahan.
Nakakatakot naman dito, sana makarating ako ng ligtas sa paroroonan ko.
Napabuntong hininga na lang ako kaya naman umakyat na ako sa ibabaw ng kabayo, sinipa ko ito at saka hinila ang tali ng kabayo kaya naman nag simula na itong tumakbo.
Malamig na hangin ang humahampas sa akin habang binabayo ang daan. Kahit madilim ang buong kapaligiran hindi alintana ang dilim ngunit binagalan ko lang ang pag takbo sa kabayo dahil dito.
Panay ang lingon ko sa buong paligid upang pakiramdaman kung may nakaambang panganib sa akin. Ngunit natigilan ako bigla ng may humawak sa kamay ko kaya naman hindi ko mapigilan ang sumigaw.
"Ahhhhhh!!!"sigaw ko. Ngunit kaagad kong tinakpan ang bibig ko ng mapagtantong sobrang lakas ng pag sigaw ko na maaaring marinig sa emperyo. Paniguradong mapapansin iyun ng mga kawal na nag babantay.
"Shhhh! Bakit ka naman sumigaw?"kaagad akong napatingin sa nag salita.
"Sino ka ba? Bakit ka bigla-biglang nanghahawak?!"inis na sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang pag taas ng boses dahil sa inis.
"Patawad, binibini..."sabi nito. Kaagad tumaas ang kilay ko dahil parang pamilyar aa akin ang boses nito.
Ang mahal na prinsipe ba ito? Kung siya nga ito...anong ginagawa nya dito?
Kaya naman bumaba ako sa kabayo at saka lumapit sa kanya. Mas lumapit pa ako sa kanya upang tingnan ang mukha niya habang siya naman ay umaatras.
"A-anong ginagawa mo?"tila kinakabahang tanong niya. Napangisi na lang ako dahil tama nga ang hinala ko.
"Nais kong tingnan ang iyong mukha, pamilyar kasi sa akin ang iyong tinig..."sagot ko.
"Ah talaga?"nawala ang ngiti ko ng bigla niyang nilapit sa akin ang mukha niya "iyan, tingnan mo na!"napaatras na lang ako sa kanya.
"Nakakatuwa ka talagang asarin hahaha!"natatawang saad niya. Pumaikot na lang ang mga mata ko.
"Kung wala na kayong sasabihin kailangan ko ng umalis. Nag mamadali ako"muli na akong umakyat sa ibabaw ng kabayo at sinimulan itong patakbuhin ngunit napatigil ako ng pigilan niya ako.
"Sandali..."sambit niya. Napakunot ang noo.
"May kailangan ba kayo, kamahalan?"
"Wala, ngunit saan ka pupunta ng ganitong hating gabi? Alam ba ni heneral na aalis ka?"tanong niya. Umiling lang ako sa kanya at saka pinatakbo ng mabilis ang kabayo papalayo sa kanya.
"Sandali, binibini!"sigaw niya. Hindi ko na sya pinansin pa at itinuon na lang sa aking ginagawa.
Nangangamba ako na baka maaari niyang sabihin kay heneral ang ginawa ko, maaari akong maparusahan kapag nangyari yun. Kailangan ko na talagang mag madali...
Mga ilang sandali lang ay narating ko na ang bayan ng shikawa. Kaagad akong dumiretso sa emperyo at maya maya lang ay nasa harap na ako ng tarangkahan. Ngunit napatigil ako ng harangin ako ng kawal.
"Tumigil ka..."pag titigil sa akin ng kawal. Pinatigil ko ang kabayo sa pag lalakad upang makababa ako at lumapit sa kawal.
"Saang bayan ka nanggaling? Anong kailangan ng tulad mo dito na hindi naman taga rito?"tanong niya agad.
"May nais akong sabihin sa emperador, may kinalaman ito sa emperyo ng seikkin. Napaka importante nito kaya't hayaan mo sana akong makapasok at makausap ng personal ang emperador"sabi ko. Hindi agad siya nag salita at tumingin sa isang kawal na kaagad namang lumapit.
"Anong problema?"tanong niya pag kalapit.
"Ang babaeng ito, nais makausap ang ating mahal na emperador. May kinalaman daw sa emperyo ng seikkin"sagot niya. Napatingin sa akin ang pangalawang kawal.
"Sabihin mo sa amin kung ano ang tungkol sa emperyo ng seikkin..."napatingin ako sa lalaking nag salita malapit sa amin. Napansin ko na naiiba ang kanyang kasuotan kumpara sa mga kawal.
Isa ba syang heneral?
"Heneral..."napatingin ako sa isang kawal ng mag salita sya. Nakayuko sila pareho.
"Mag salita ka, ano ang tungkol sa emperyo ng seikkin?"pag uulit niya. Napalunok ako sa paraan ng pag titig niya sa akin. Yung tipong tingin na lalamunin ka.
"Ahh...ano...ano kasi..."nauutal na sabi ko.
"Mag salita ka na!"sigaw niya. Napatalon ako sa gulat dahil sa pag sigaw kaya naman hindi agad ako nakapag salita. Ngunit napatingin naman ako ng kinalabit ako ng isang kawal na katabi ko.
"Bilisan mo na mag salita. Ayaw niya sa mga taong mababagal..."saad niya. Tumango na lang ako at saka huminga ng malalim. Lumapit ako sa kaniya.
"Plano ng emperyo ng seikkin na lusubin kayo bukas ng gabi upang mapasakanila ang buong emperyo ninyo. Nais din nila na lahat ng kayamanan ay kukuhanin nila,nais rin nila na patayin lahat at walang ititira maski isa. Pati ang mga babae na makukuha nila ay gagawin nilang alipin..."sagot ko. Bigla syang napangisi habang umiling-iling.
"Ang taong yun, hindi marunong makuntento. Sinasabi ko na nga ba at kami naman ang lulusubin nila"sabi niya.
"Alam mo ang...tungkol doon?"
"Hindi, pero sa isang katulad nya na hindi marunong makuntento alam kong isusunod naman niya ang ibang emperyo. At matagal ko na rin iniisip na baka kami naman ang isunod. At hindi nga ako nag kamali sa aking naisip"
"Kung ganoon, ano ang inyong plano?"tanong ko.
"Ang plano tungkol sa pag lusob nila ay matagal na naming pinag handaan. Hinintay lang namin ang tamang oras kung kailan malalamin namin ang petsa ng kanilang pag lusob"sagot niya.
To be continued.