webnovel

9. Physical Training

(Shantell POV)

Nagising ako sa isang maliit na kwarto, kulay puti ang buong silid. Argh!! Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Ano bang nangyari?

"Salamat naman at gising ka na" si Lucy. Hindi ko aakalain na siya ang kasama ko ngayon. Hindi din naman ako nag eexpect na may sasama sakin dito sa clinic. Yup! Napagtanto kong clinic ito dahil sa mga maliit na estante dito sa silid na puno ng gamot.

"Mahaba ang iyong naging tulog, gabi na kaya kailangan na natin bumalik sa dormitoryo." Tumango na lang ako a sinabi niya.

Paglabas namin ng clinic, madilim na ang kapaligiran. Medyo nakakaramdam din ako ng kalam ng sikmura. "Lucy, salamat nga pala" taos puso kong sabi sa kanya habang naglalakad sa hallway.

"Wala kang dapat ipagpasalamat, dahil tungkolin ko, namin na alagaan ang isa't-isa. Diba ganun ang magkaibigan?" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Sa konting panahon, itinuring na agad nila akong kaibigan. Napangiti ako ng mapakla, alam ko sa sarili ko na may harang pa din sa puso ko, na iniiwasang mapalapit sa kahit na sino dahil baka sila ang maging dahilan upang piliin kong wag umalis sa mundong ito.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naghanda ako ng kape at tinapay. Nakakahiya naman kung hihintayin ko pa si Almira para magluto.

Pagkatapos ng ilang oras ay nandito na kami sa field exclusive for elementalist. May sariling field din kase ang wizard at summoners which is boring. Di ko man lang nafefeel na may schoolmates ako.

Nakahilera kami at nakaharap sa isang lalakeng may masungit na pagmumukha. Matikas at taas noo siyang nakatayo at nakatingin sa amin.

"Elementalist! Ako sa Ginoong Marcus ang guro ninyo sa Physical Training!" Napangiwo ako dahil nakasigaw siya. Lapit lapit lang naman niya samin.

Ano to? Mandatory Military Service? ROTC? Ganern? Tss.

"Aish! Sakit sa tainga naman" rinig kong bulong ni Damon. Kaya napahagikgik ng tawa si Shia.

"Damon! Shia! 50 push ups NOW!!" The eff?? Seryoso? Parang binagsakan ng langit ang dalawa at nagpupush up.

After nilang mag push up ay sumigaw nanaman siya!

"Jogging! 20 rounds! In the field now!!" Parang bumagsak ang panga ko dahil sa sinabi niya. Seryoso siya? Eh ang lapad lapad nitong field!!

"I SAID NOW!!! " Napapitlag ako at dali dalingtumakbo!

"My god!!! Hindi ko alam na pagpapakamatay tong subject na to!!!!" I shout dahil sa inis.

Nakaka 10 rounds na ako at promise yang 10 rounds na yan malayo na ang mararating ko! Jusko!! Hindi ko na mamalayan ang legs at paa ko. Tinignan ko ang iba at the eff??

Bat parang wala lang sa kanila ito?? Ang unfair!!! Dapat pagod na din sila! Pero hindi!!

Hingal hingal akong nagjojog pinipilit ang aling katawan ng biglang tumabi si Damon sa akin.

"Ayos ka lang ba Shanty? " nakangiting sabi nito. Siningkitan ko ito ng mata.

"Hoy mandaraya kayo. Gumagamit kayo ng magic no? " naiinis kong bulyaw sa kanya ngunit tinawanan lang ako nito.

"Hahahha! Ano ka ba Shanty! Bata palang kami, nakasanayan na naming gawin to. Sige una na ako ah! Goodluck! " aishhh nakakainis ang kidlat na yun ah!

"Breath properly while you are jogging. It helps to maintain the stamina." Seryosong sabi ni Grimuel bago ako nilagpasan.

Sinunod ko ang sinabi niya, at wow!! Oo nga! Namamanage kong makahinga ng maayos habang nagjojog tapos parang napupunan yung hingal na nararamdaman ko.

"Go shanty!!! " rinig kong sigaw ni Shia. Tapos na pala sila! May isang round pako.

Tagaktak na ang pawis ko, super. Basang basa na ang suot kong damit. Konti nalang! Kapit lang Shanty!! Pagkatapos ko ay tuluyang bumagsak ang katawan ko sa damohang field! God!!!

"STAND NOW!" Pwede pahinga muna? Ano to patayan? Gusto kong sabihin yan kaso baka ipapush up pa ako, at baka yun na ang ikamatay ko. Hingal akong tumayo at hinarap si Ginoong Marcus.

"I will see you again next week, same day. Prepare for 50 rounds! Dismiss! " kaya naman pala niya magsalita ng mahinahon eh tss..

Bagsak balikat akong naglalakad papunta sa dorm. Nilingon ko si Shia at Lucy na nasa right side ko samantalang si Almira ang nasa left side habang ang iba ay nasa likod namin.

"Nakakapagsalita ng English si Ginoong Marcus, don't tell me isa siyang prince? " hindi ko alam kung sinong tinanong ko bahala na kung sino ang sasagot.

"Yup! At volunteer siyang nagtuturo dito sa Academy. He is from Earth Palace. Superior ni Lucas kay tahimik lang ang isa kanina sa training" sabi ni Almira.

Napatango ako sa sinabi ni Almira. Yun din ang ineexpect ko, since may pagkatulad sila ng pangangatawan at kulay ni Lucas.

"Teka? Eh diba Prince siya? Dapat sa palasyo siya nila nagtatrabaho, hindi dito" totoo naman diba, ngayon lang ako nakakita ng Prince na Teacher.

"Bago ko sagutin yan, ang batch nila Ginoong Marcus ay ang sinusundan natin, it means senior natin sila. Nalaman ko sa senior ko na siya ang pinakabaliw, nakakatawa at tamad sa grupo. Sabi niya, instead na magtrabaho sa palasyo nila na tambak tambak na gawain, dito nalang siya sa academy dahil utos utos lang daw siya sa mga estudyante niya. See? How crazy! " paliwanag ni Lucy.

Wow! So sila pala ang sinundan namin? Sana makilala ko din yung iba! Gusto kong malaman ang mga naging experience nila!

Pagpasok ko sa silid ko ay binagsak ko ang sarili ko sa sahig dito sa mini salas ko, may red carpet naman kaya okay lang. Ayokong humiga sa kama na amoy pawis no! Just 5 minutes, pahinga lang ako din mag shower after.

After ko mag shower ay lumabas ako sa salas ng dorm. Walang tao dito kaya umupo ako sa sofa ngunit nakita ko ang Lance ni Damon na nakapatong dito. Ano ba yan! Pakalat kalat ang gamit ni Damon huh. Kinuha ko ito at nilagay sa isang tabi bago umupo at nagbasa basa ng libro.

Namimiss ko na ang computer ko! Kung pwede lang kunin yun at dalhin dito ginawa ko na! Pero wala din palang silbi dahil walang wifi dito. Hayst. So kapag bored ako, libro na ang hinahawakan ko instead of my computers!

Lumabas si Damon sa silid niya habang nag hahummm. Masasabi ko na si Damon ang pinakamasayhin sa amin, sumunod si Shia. Bagay nga sila eh hahaha.

"Oh Shanty!! Anjan ka pala." Bati nito habang nilingon lingon ang paligid na parang may hinahanap. Mukhang alam ko na kung ano yun.

"Andun sa gilid ng bookshelf" sabi ko na ikinangiti niya.

"Ahhh, andun lang pal... " napahinto sa paglalakad at tinuro ako nito na naglalaki ang mga mata.

"Teka, jan ko nilagay yun ah, paano napunta dun? " nabibigla niyang tanong.

Huminga ako at tinignan ito. Really?? "Nilipat ko dun, pakalat kalat eh" mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko. Anong bang drama niya? Naguguluhan na ako ah.

"Paano mo nabuhat yung sandata ko? Eh walang sinoman ang makakabuhat niyan kundi ako lang" nagpapatawa ba siya? Eh ang gaan gaan nga nun eh.

"What do you mean?" Sabat ni Almira na nasa likod na pala ni Damon.

Tinuro ako ni Damon habang nakatingin kay Almira. "She just lifted my weapon! " tila nagsusumbong ito kay Almira! Bakit bawal ba hawakan ang mga weapon nila? Tss.

"That's impossible! " sa sinabing iyon ni Almira ay nagtaka ako. Okay may hindi ako nalalaman dito. Lumapit si Almira sa Lance ni Damon at binuhat ito. Nabigla ako dahil hindi niya ito mabuhat buhat! Now what??

"You see Shanty?? Only the user can lift and use its weapon, kaya hindi ko ito mabuhat. So tell me how did you manage to transfer it here? " the eff???