webnovel

CHAPTER THREE

"paano na? ano na ang gagawin natin para malaman kung sinong pumatay sa kapatid ko, kay Jasmin at sa iba pang student?" mahinang saad ni Acxius na sapat lang upang marinig namin ni Ichiro.

Narito pa rin kami sa aming silid kaya hindi kami maaaring mag usap ng malakas ukol dito.

Hindi namin sigurado kung sino rito ang tunay at sino ang hindi, baka mamaya ay mayroon pa lang Spy rito.

"first, we need to know important informations about Jasmin and other students" mahinang tugon ni Ichiro.

"how?" nagtatakang tanong ni Acxius.

"by asking her classmates and her bestfriends as well" tugon muli ni Ichiro saka tumingin sa labas. "all people that might know her"

"kailan naman tayo magsisimulang magtanong saka pa'no kung magtaka sila kung bakit natin kailangan alamin ang tungkol kay Jasmin?" nagtatakang tanong ko.

"well, we need to be honest about that hindi ba?" tugon ni Acxius.

"no, we can't do that. If we will going to tell them what's the real reason of conducting the investigation, the heads and professors might know what we are planning to do" seryosong saad ni Ichiro.

"anong isasagot natin kung ganon?" kunot noong tanong ko.

"Instead of telling them the real reason, we are going to tell them that we'll having a observation and as a President it is my responsibility to monitor every student. We will provide a book where we can write the names of those students who died and we need a short description about them" diretsong saad ni Ichiro. "after that, we need to anlyze those information para magkaroon tayo ng clue or idea kung bakit nangyayari ang lahat" dagdag pa nito saka kami tinapunan ng tingin.

"Anong pinag-uusapan ninyong tatlo dyan at nagbubulungan kayo?" nagtatakang tanong ni Xyreign kaya naman napunta sa amin ang atensyon ng iba pa naming kaklase.

"It's none of your business" walang buhay na tugon ni Ichiro.

"sungit mo nanaman" nakangiwing saad ni Xyreign.

"may regla kasi yan" tatawa tawang saad ni Saji. "joke lang baka mamaya galit ka nanaman" pagbawi nito sa kanyang sinabi.

"wag nyo na lang kaming pansinin, may pinag uusapan lang naman kami tungkol sa mga changes dito sa room" pagsisinungaling ni Acxius saka pilit na ngumiti.

"pwede ba mag suggest dyan? gusto ko sana palagyan niyo ng Aircon itong room nakukulangan ako sa isa eh" saad ni Hailey saka kumindat.

"sige basta magbigay ka raw ng pondo" tatawa tawang saad ni Saji.

Tinaasan lamang sya ng kilay ni Hailey.

" mabuti pa ay gumawa na kayo ng project natin baka wala kayong maipasa kay Prof" mahinahong saad ni Acxius.

Matapos non ay gumawa na nga sila ng Miniature na proyekto namin.

"may extra akong notebook dito na maaari nating magamit para sa susulatan ng names" saad ko saka inilabas ang kulay brown na notebook.

"Great. Any time ay maaari na tayong magsimula" saad ni Ichiro.

"bakit hindi na lang ngayon? may meeting naman ang mga Professors tiyak na busy pa sila" suhestiyon ni Acxius saka tumingin sa akin.

Tumango naman ako simbolo ng aking pag sang-ayon.

"fine, let's go" napilitang saad ni Ichiro saka nagpamaunang lumabas sa silid.

"hoy! saan nanaman kayo pupunta?" kunot noong tanong ni Xyreign.

"akala ko ba gagawa ng project eh bakit lalayas nanaman kayong tatlo ha?" saad ni Hailey saka napangiwi.

"may bibilhin lang kami sa Cafeteria" tugon ko.

"Ano naman ang bibilhin ninyo at kailangan ay tatlo pa kayo? mabigat ba yan?" tanong muli ni Xyreign.

"you're asking too many questions Xyreign, mind your own fucking business" seryosong saad ni Ichiro.

"nagtatanong lang naman eh, masama ba-"

"one more word Xyreign and you're dead" mariing saad ni Ichiro.

Bakas sa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa paulit ulit na tanong ni Xyreign.

"hayaan nyo na lang kasi sila, nakikialam pa kasi kayo eh" boses ni Saji.

"tara na, tara na! hayaan nyo na sila riyan" saad ni Acxius saka naunang naglakad.

Agad din naman kaming sumunod sa kanya.

"nasaan na nga ba ulit ang section 1 dito?" kunot noong tanong ko.

Hindi ko na alam kung nasaan ang silid na iyon, palagi na lamang kasi akong nasa dorm at room namin.

"ayon oh" saad ni Acxius saka iyon itinuro. "may nakalagay na section 1 sa itaas" dagdag pa niya.

"nakalimutan ko na kasi, antagal na rin pala simula noong pumunta ako rito" mahinahong saad ko.

"ulyanin ka na kamo" tugon ni Acxius saka nakakaasar na tumawa.

"too loud" reklamo ni Ichiro.

bahagyang napangisi si Acxius.

"so, sinong magtatanong sa kanila? ako na lang ba?" tanong ni Acxius nang makarating kami sa harap ng Section 1.

"hindi, mas mabuti kung si Ichiro ang magtatanong dahil bukod sa President sya ay kilala rin sya rito bonus na lang na gusto sya ng maraming babae kaya madali nyang makukuha ang atensyon nila" tugon ko saka sinipat sipat ang silid ng Section 1 kung saan nakita kong nakasilip sila upang makita si Ichiro.

Ang iba ay nagbubulungan, mayroong nagtitilian, mga nakangiti at nagkukumpulan.

"you'll use me huh" walang buhay na saad ni Ichiro saka nagpamaunang pumasok sa loob ng silid.

Kung makapasok naman akala mo room nya.

"omg is he even real?"

"dam he's so pogi pala sa malapitan!"

ilan sa mga bulungan na aking narinig nang makapasok kami sa silid.

"Ichiro hm anong ginagawa nyo rito?" abot tainga ang ngiti ng babaeng ito habang itinatanong yon.

"hinahanap ko kung sino rito ang matalik na kaibigan ni Jasmin, I want to talk to her" diretsong tugon nito.

"ako, ako friend nya"

"ako rin kaibigan nya"

"magsitigil nga kayo mga mahaharot" suway ng isang babae sa gilid. Siya lang ata ang hindi natutuwang nandito si Ichiro.

"si Kim, si Kim ang matalik na kaibigan dito ni Jasmin" saad nya saka itinuro ang babaeng natutulog sa upuan sa bandang likod.

"tell her to meet me at exact 3:00 pm on my dorm" seryosong saad nito tiningnan ang kim na sinasabi ng babae.

"Ano ba ang kailangan nyo sa kanya?" nagtatakang tanong muli ng babaeng iyon.

"It's none of your business Ms. Celeste, i just want to talk to her that's it" diretsong tugon ni Ichiro.

Kung ganon ay Celeste pala ang pangalan ng babaeng ito. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang ikinulong ni Rovainne sa Cr noon.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha, maamo ito at mukhang napaka inosente. Napatingin ito sa akin kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin.

"siguraduhin mo lamang na ligtas mo siyang maibabalik dito Ichiro, alam kong mataas ang posisyon mo ngunit hindi mo iyan magagamit kapag nagkaroon muli ng patayan" saad nong Celeste.

"how did you say so?I can use my power Celeste, even in the midst of bloodshed" tugon nito. "I am using it right now, so you better shut the fuck up" taas kilay na dagdag pa nito.

Napatungo na lamang si Celeste saka bumalik sa kanyang upuan.

Sandali pang may kinausap si Ichiro kaya naman dito na lamang namin siya hinintay sa labas.

"gusto kong maging katulad ni Ichiro" out of nowhere na saad ni Acxius habang pinagmamasdan ito sa loob.

Nagtataka naman akong napatingin sa kanya ngunit hindi niya man lang inalis ang kanyang paningin kay Ichiro.

"Alam mo ba Hyacith, naiinggit ako sa kanya. Complete package na si Ichiro eh" pilit na ngiting saad nito. "matalino sya kaya nga sya ang nangunguna hindi lang sa room kundi sa buong unibersidad, nasa kanya rin ang mataas na posisyon dito sa campus, pogi rin sya kitang kita naman sa pagmumukha ng lalaking yan at... mabait din sya hindi nya lang pinapakita dahil nagsusungit sya pero napakabait nya talaga" napangiti sya matapos sabihin iyon.

"yong inggit na naramdaman ko hindi naging dahilan para maging magkaaway kami, hindi naging dahilan para masira ang pagkakaibigan namin kundi yon ang naging daan para gawin kong better din ang sarili ko" saad pa niya saka ako tiningnan saka binigyan ng matamis na ngiti.

"nagtataka ka siguro kung bakit ko to sinasabi ano? well, wala lang gusto ko lang ishare kasi nakakatuwa lang talaga" ani niya.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito.

"what are you guys talking about? are you backstabbing me Acxius?" taas kilay na saad ni Ichiro.

Napatawa naman doon si Acxius.

"pinagsasabi mo dyan? nag ooverthink ka nanaman" tatawa tawang tugon nito.

"whatever, anyway, I already talk to them

so, for now let's go back to our classroom and we'll wait for them at our dorm after the class" ani niya saka muling tiningnan ang loob ng silid.

"ano pa ang mga sinabi mo sa kanila?" nagtatakang tanong ko.

"you'll know later" maikling tugon niya.

Diretso lamang itong nakatingin sa daan habang nakapamulsa. Hindi niya pinapansin ang mga babaeng binabati siya na nadadaanan namin sa bawat silid.

Magkakatabi kaming naupo sa tatlong bakanteng upuan sa likod. Hindi na namin pinoproblema ang Miniature na aming proyekto dahil tapos na kami roon.

Ang aming mga kaklase ay seryoso namang gumagawa nito, mayroon silang kanya kanyang puwesto at wala sa kanila ang hindi gumagawa.

"Saji paabot nama ng pandikit" saad ni Pierre na agad din namang sinunod ni Saji.

"mabuti pa yong iba dyan tapos na" pagpaparinig ni Xyreign.

"ayan ka nanaman sa pagkapakialamera mo Xyreign, bilisan na lang natin gumawa para matapos na tayo" saad naman ni Hailey saka nagpatuloy sa pagdikit.

"well, well, well" saad ni Rovainne na kakapasok lamang sa loob ng silid.

Walang kahit isa ang pumansin sa kanya, patuloy lamang sila sa paggawa ng kani- kanilang Proyekto.

"ano bang problema mo Rovainne?" kunot noong tanong ni Katy matapos masira ang Miniature na kanilang ginagawa nang sipain ito ni Rovainne.

Hindi sumagot si Rovainne, kinuha nito ang Miniature saka binato sa basurahan.

"that's a trash!" mariing sambit nito.

"kung wala kang magawa sa buhay mo huwag mo kaming idamay, nagpapakahirap kami rito para sa proyektong ipapasa bukas!" bulyaw sa kaniya ni Katy saka dumiretso sa basurahan at isa isang kinuha ang parte ng kanilang Miniature.

"Ano nanaman ba ang eksena mo Rovainne? artista ka ba at hindi matapos tapos yang pagganap mo dyan?" kunot noong tanong ni Xyreign.

"gusto mo rin bang magaya yang pangit na Miniature nyo sa miniature nila?" nakangising saad ni Rovainne.

Agad namang hinawakan ni Xyreign ang kanilang Miniature saka kunot noong tumingin kay Rovainne.

"Rovainne..." walang buhay na saad ni Ichiro.

"Ichiro andyan ka pala" nakangiting saad nito.

"Katy give her your Miniature" maawtoridad na utos nito.

Ibinigay naman kaagad ni Katy ang Miniature kay Rovainne na pilit itong tinanggap.

"Ayusin mo yan and give it back to them tomorrow first thing in the morning" seryosong saad ni Ichiro.

"what!? are you kidding-"

"Do i look like I am kidding Rovainne? all of your actions will have a consequences kaya ayusin mo yang pinanggagagawa mo" diretsong saad nito saka siya seryosong tiningnan.

"and if you didn't finish that on time I'll give you more punishment and I'll make sure that you'll live your life like a hell" mariing pang ani nito.

"Arghhh!" inis na saad ni Rovainne saka padabog na lumabas ng aming silid.

"sorry for what she did Katy" mahinahong saad ni Ichiro.

"don't be Ichiro, kasalanan yon ni Rovainne salamat dahil sa ginawa mo" nakangiting tugon nito.

"continue what you are doing, dito lang ako para walang manggulo sa inyo" saad pa niya.

"Ichiro patulong naman dito tol" saad ni Saji.

Lukot na ang mukha nito at puno na rin ng pawis, dalawa lamang sila ni Pierre ang gumagawa ng kanilang proyekto.

"I told you, mabait sya hindi ba?" mahinang saad ni Acxius pero sapat lamang upang marinig ko.

"tara tumulong na rin tayo sa kanila para mas mabilis silang makatapos" nakangiting saad ko saka nagpamaunang tumayo.

"Malapit na pala kayong matapos" saad ko nang makita ang gawa nina Xiana, Xyreign at Hailey.

"Oo nga, ang hirap pa lang gumawa nito pero sa tingin ko worth it naman" nakangiting saad ni Hailey saka pinunasan ang kanyang pawis.

"Hyacith can you please cut it into two?" saas ni Xianna saka inabot sa akin ang isang karton.

Agad ko namang ginawa ang sinabi niya saka iyon iniabot.

"Thankyou"

"at ayan tapos na" nakangiting saad ni Xyreign.

"I admit, ang ganda ng gawa natin mga beh" nakangiting ani ni Hailey saka niyakap ang dalawa.

Mahalaga ang proyektong ito dahil mataas na grado ang maaaring makuha kung kaya dapat lamang na magawa ito ng maayos at maganda.

"Patulong naman dito"

"pakigupit nga to"

"pahiram ng pandikit"

"oy hawakan mo baka matanggal"

Naging mas mabilis ang paggawa ng aming proyekto dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan. Ang mga natatapos na ay tumutulong sa iba kaya naman napapadali ang trabaho nila.

"Sa wakas tapos na tayong lahat" nakangiting saad ni Saji.

"Ilagay na muna natin ito sa gilid para hindi masira" saad ni Pierre saka binuhat ang kani-kanilang mga gawa.

"paano kung sirain nanaman ito ni Rovainne?" nalukot ang mukha ni Hailey pagkasabi non.

"no, I won't let her to ruin everything" diretsong saad ni Ichiro saka pinagmasdan ang gawa ng bawat isa.

Hindi siya ngumingiti ngunit batid kong masaya ito.

Bahagya akong napangiti roon.

"Mabuti pa ay kumain na muna tayo ng Lunch" singit naman ni Acxius.

"anong oras na ba?" tanong ni Katy saka nagahanap ng orasan.

"11:30 na" tugon ni Pierre.

"you can now eat your lunch" utos ni Ichiro.

Kitang kita ang ngiti sa labi ng bawat isa. Hindi dahil magtatanghalian na kundi dahil tapos na ang proyektong pinaghirapan nila.

"mauuna na kami, babye!" nakangiting paalam ng mga ito saka lumabas sa aming silid.

---------------------

---------------------