webnovel

Secret Agreement

Bata pa lamang ay mapagmahal na si Falisha sa kanyang Ina. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay kinakailangang lumisan ng kanyang ina upang may mapangtustos sila pang-araw-araw. Nagdaan ang mga taon at siya ay tumungtong na sa pagdadalaga doon niya nakilala si Freyden Maice ang alaga ng kanyang Ina. Labis na nainis si Falisha lalo na't nalaman niyang kung anong tinatawag niya sa kanyang Ina ay siyang ganon rin pala ang tawag ng lalaki sa kanyang Ina. Hindi lubos na akalain ni Falisha na mahuhulog sya sa lalaking kanyang kinasusuklaman at magiging magkasintahan sila nito. Ngunit dahil sa isang pangyayari ay halos maguho ang kanyang mundo at kanilang samaha'y biglang nagbago dahil sa nalaman niyang may naganap palang isang kasunduan at ang pagtatagpo nilang dalawa ay planado na. Dito naghakaawa at humingi ng kapatawaran ang kanyang lalaking kasintahan. Pero dahil sa lakas ng kapangyarihan ng pagmamahal ay sa huli ay natanggap niya rin ang mga pangyayaring mga naganap.

Ladywithfeelings · Teenager
Zu wenig Bewertungen
5 Chs

Kabanata 1

*Past is not just a past, it can be a way to be strong*

•Third Person's POV•

"Mami, laro po tayo." pangungulit ng batang si Isha sa kanyang ina na kasalukuyang nag-iimpake ng kanyang mga gamit sa salas. Habang isa-isang bumabagsak ang mga butil ng luha sa mga mata nito.

"Mami, bakit po ikaw naiyak?" inosenteng tanong ng panganay niyang anak. "May away po ba sayo?" dugtong pa niya.

Pinunasan nito ang kanyang luha at syaka hinarap ang kanyang anim na taong gulang na anak.

"W-wala anak. Hindi naiyak si Mami" aniya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.

"M-mi. S-sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?" tanong ng isang lalaki na nakatayo sa tabi ng pinto palabas ng bahay. "Ako ang lalaki, ako dapat ang nagtratrabaho para sa atin." naluluhang sabi nito.

Tumigil sa ginagawa ang babae at lakas loob na hinarap ang asawa na karga-karga ang apat na taong gulang na batang lalaki. 

"Oo Di. Syaka dito ka na lang ikaw na mag-alaga sa mga anak natin ha! Wag mong papabayaan mga prinsesa at prinsipe natin." bilin nito. "Pakainin mo sa tamang oras, yang si Isha turuan mo sa mga inaaral nan." aniya pa niya.

"Mami, bakit po dami mo dala?" takang tanong ng batang si Isha. 

"A-ah, anak. A-aalis si Mami pupunta sa ma-malayong hik lu-lugar para may makain tayo." nahihirapang saad nito "Magpapakabait ka ha? Wa-wag mong a-aawayin ka-patid mo bagkus ma-mahalin mo sya. Wag na wag mong papabayaan ha." aniya

"Bakit ikaw alis?" naiiyak na saad nito.. 

"Para may makain tayo. Tapos para makapag-aral ka at mabigyan kayo ng magandang buhay." paliwanag nito.

"Bili mo ako laluan, mame?" tawag pansin ng nakababata nitong anak.

Humarap siya dito. "Oo naman, bibilihan ka ni Mami ng maraming laruan basta't magpakabait ka ha?" sabi niya. Masaya namang tumango ang bunso nito anak habang ang panganay naman ay tuloy pa rin sa pag-iyak.

"O-oh sya Mi, hindi kana maaring magtagal pa dito at mahuhuli ka sa paglipad ng eroplano." tawag pansin ng kanyang asawa. 

Sa huling pagkakataon nagyakapan uli silang lahat hanggang tuluyan nang bumitaw ang kanilang ina.

Kaya lalong lumakas ang palahaw ng nakatatandang kapatid.

"Mamii ko! Wag mo kami iwan!" pagmamaktol nito. "Wag kana alis, Mami!" aniya at yumakap pa sa binti ng kanyang nanay.

Kaya naman ibinaba ng asawa nito ang karga-kargang bunso upang kunin ang panganay na anak sa paanan ng ina nito. 

"Huhuhu Mami ko!" nang maalis ng asawa nito ang kanilang anak ay nagpatuloy na itong lumakad papalabas ng pinto.

Lalong lumakas ang palakat nito at nagpupumiglas sa pagkakahawak ng kanyang amain. Hanggang sa marinig nya ang tunog ng traysikel nagpapahiwatig na tuluyan nang nakaalis ang kanyang ina. Nanghihinang napaluhod na lamang ito at napahagulhol sa bisig ng kanyang ama.

"Wag na ikaw iyak, Ate" lumapit ang bunsong kapatid sa kanila at hinagkan ang naiwang pamilya nito.

"Wag kanang umiyak anak" pagpapatahan nito sa anak at pinunasan ang mga luha nito gamit ang palad.

"M-magpakatatag kayo mga anak, babalik din ang mami nyo. Tapos pagdating nun maraming mga laruan diba yun yung gusto nyo? kaya tumahan na kayo." kahit sa loob-loob nito ay halos patayin na siya dahil ayaw niyang mawalay sa kanyang pinakamamahal na asawa.

"Bakit po aalis si Mami? Meh bakery man tayo diba?" nanigas sa kanyang pwesto ang lalaki dahil hindi nito inaasahan ang tanong ng kanyang anak.

"A-ah k-kailangan kasi anak eh. Wag nang maraming tanong ha? Paglaki nyo maiintindihan nyo rin yon." paliwanag nito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa kaniyang mga anak.

•Grace's POV•

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa aking balitang nalaman. Napakasamang balita na hindi ko na nanaisin pang marinig o bangitin pang muli...

Pabagsak akong umupo sa upuan dito sa may parke ng Downtown Toronto, Canada. 

Bakit kung kailan pa nandito na ako syaka ko malalaman?

Hindi ito totoo! Sabihin nyo sa akin. Bakit ganon naman? Kung kailan nandito na ako syaka ko malalamang NALOKO lang pala ako!

"B-bakit naman may ganoong tao? Kailangan pang lokohin ang kapwa magkapera lang?" mahina kong sabi sa aking sarili habang unti-unting tumutulo ang luha ko.

"Why are you crying?" pinahid ko ang aking luha at nagtaas ng tingin. Bumungad sa akin ang isang gwapong batang lalaki na diretsyong nakatingin sa akin.

"N-nothing, nothing wag mo akong-este don't mind me" nasa canada nga pala ako.

"No your not okay." igiit nito sa akin. "So your a Filipina? Interesting" bahagya akong nagulat ngunit hindi ko ito ipinahalata sa kanya.

Pano nalaman ng isang bata na sa tingin ko ay mas matanda sa aking panganay na isa akong Filipina at sa ibang bansa pa talaga?

"You can understand tagalog words" kunot noong tanong ko.

Ngumiti ito. "Yes, actually I'm also a Filipino we just moved here two years ago because of our family business." napahanga ako dahil sa galing nitong magsalita kung tutuusin ay mas magaling pa ito kaysa sa akin. At talagang makukumbinsi ka sa paraan ng pananalita ng batang ito na animo'y matanda na ang kausap.

"Sus! Pinahirapan mo pa akong bata ka marunong ka naman palang magtagalog" sabi ko at bahagya naman itong natawa. 

Nakakatuwa naman itong batang ito.

Ang kaninang akala mo'y pasanpasan ko na ang problema ng mundo ay sa isang iglap biglang nagbago dahil sa batang ito.

"Freyden! Naku kang bata ka nasan kana ba? Ako ang napapagalitan nina Maam at Sir eh!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Tingin ko ay isa itong nag-aalaga ng bata base sa kasuotan nito.

"Freyden! Jusko kang bata ka!" aniya pa.

"Freyden!" sigaw muli nito.

"I'm here!" agad akong napalingon sa batang nasa aking harapan nang bigla itong sumigaw.

"Freyden! Naku kang bata ka nandyan ka lang pala! Akala ko kung ano nang nagyari sa iyo!" sabi nya at lumapit kay Freyden at sinuri ito.

"Don't hasten your speech, I can't understand it" sagot naman niya.

"I'm sorry Maam my alaga-"paghingi nito ng pauhanhin "Pano ko ba to sasabihin" bulong nito sa sarili kaya napatawa naman ako.

"Wag mo nang pilitin Pilipino rin ako" sabi ko

Tila nabunutan naman ito ng tinik sa lalamunan at  humawak pa sa kaliwang dibdib at huminga ng malalim.

"Naku! Buti naman talagang mahina ako sa mga ingles ingles na iyan eh" pag-amin nito kinarga nito ang alaga at tumabi sa akin. 

"Hey! Put me down. I'm not a kid anymore I'm already seven years old!"

"Ano ka bang bata ka wag mo na akong pahirapan maawa kana." sabi nito kaya tumigil naman ang alaga niya.

"Buti nga at Pilipino ang amo ko ay. Mabait pa kung hindi naku wala talaga akong ipapakain sa pamilya ko sa Pilipinas." kwento nito. "Ikaw ano bang trabaho mo dito? Mukhang bago ka palang ah may dala ka pang maleta." kursoyong tanong nya.

Huminga ako ng malalim. "Yun na nga yung problema ko. Kanina ko lang nalaman na naloko pala ako." pinigilan kong bumagsak ang luhang namumuo sa aking mata. "Ang hirap din palang mag-ibang bansa balak ko sanang maging isang kusinera sa isang sikat na resto para mabuhay ko ang pamilya ko. Nalulugi na kasi yung maliit naming negosyo eh dun lang kami kumikita para sa pang-araw-araw naming pangangailangan." hindi ko na napigilan at tumulo nalang bigla ang mga namumuong luha sa aking mata.

"Naku! Problema nga iyan, iyan ang mahirap eh ganon din yung kakilala ko naloko din ang akala niya okey na ang lahat hindi pala tinangay pala nung kasama niya. Malaki-laking pera pa naman yun tsk! tsk! tsk! Ang hirap talaga ng buhay, kailangan ko pangi-ahon ang pamilya ko za kahirapan .Oh sya Tahan na." lumapit sya sa akin at niyakap ako kaya lalo akong napa-iyak.

"Buti ka pa nga magaling ka sa ingles-ingles na iyan pwede kang mamasukan kahit saan mo gusto basta't may experience ka lang" aniya pa.

"Hindi rin mahirap din pumasok dito hindi ko pa naman bihasa ang lugar na ito."

-

"Mag-gagabi na pala sigurado akong mapapagalitan nanaman ako ng amo ko!" aniya kaya nakonsensya naman ako.

"Pansensya kana ha! Dahil sakin mapapagalitan kapa." 

"Naku ano kaba wala yun no!" sabi niya at tumawa pa. "Halika at isasama kita pauwi malapit lang yun dito. Ipapasok kita sa amo ko." dugtong pa niya kaya nagulat ako.

"Ano ka ba wag na nakakahiya naman ako na nga itong tinulungan mo eh. Sobra-sobra naman ata yun" pagtangi ko.

Sa totoo lang nahihiya na talaga ako.

"Wala yun sino-sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo din" napangiti naman ako. Nakakataba  ng puso.

"Salamat talaga ha? Hulog ka ng langit sakin" sabi ko kaya pareho kaming napatawa.

"Why are you two laughing at?" sabay kaming napalingon kay Freyden na kasalukuyang hawak ni--wait sino nga ba to? Hindi ko natanong ang pangalan niya ang t*nga ko  naman.

"Kanina pa tayo naguusap pero hindi natin kilala ang isa'i isa" sabi ko kaya napatawa naman kami.

"Ay oo nga pala no haha. Ako nga pala si Reia Bautista taga Gumaca sa Quezon" at inilahad ang kamay niya

"Malapit lang samin yan ah! Alicia Grace Lucerno

nga pala taga Lucena City" tinanggap ko naman ang kamay niya.

"Oo nga magkalapit lang tayo haha" sabi nya.

Pagkatapos non ay tinulungan nya akong magbuhat ng gamit ko at sabay na lumakad palabas ng parke.

-

"Wag kang mag-alala malapit lang sa parke ang mansion nila." sabi niya.

Makalipas ang ilang minuto ay bumungad sa amin ang nakapalaking gate at nang tinginan ko ang nasa loob nito ay natanaw ko ang napakalaking mansion. Animo'y isa itong palasyo sa laki at disenyo nito. Literal akong napanganga at hindi mapigilang hindi humanga sa yaman ng nakatira dito.

"Yung laway mo, Alicia." aniya kaya humawak naman ako sa labi ko. "Biro lang haha nakakatawa ka kasi eh! pasensya na." natatawang saad nito. 

"Sigurado ka bang baha--mansion ito ng batang yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, that's our house" singit naman ni Freyden.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon at tinignan na may pagtataka sa mukha.

"Awtomatiko ang tarangkahan na iyan. Mayaman may-ari eh. Tara pasok na tayo" aniya at hinila ako papasok.

-

Nang makarating kami sa loob ay lalo akong napahanga bukod sa ganda ng mga gamit dito ay sigurado akong mamahalin din ang mga ito.

"What time is it? Where did you go?" isang malakas na sigaw ang bumungad sa amin ng marating namin ang sala ng mansion.

"N-naku pansensya na po kayo Maam at Sir. May nakita po kasi akong kababayan na kasama si Freyden kanina eh may problema po sya kaya po ayon natagalan kami." kinakabahang paliwanag nito.

"She's right Mom" pagsang-ayon naman ni Freyden

"Ow! Is that so?" Nang humarap ako sa kanya ay may kasama itong kasing edad din nya siguro. Pero sigurado akong asawa niya iyon at sila ang may-ari ng mansion na ito dahil bukod kumikinang kinang ang mga  alahas nito ay hindi rin magpapatalo ang kanilang mga itsura..

"Maam nais ko po pala siyang ipasok dito. Wala po kasi siyang trabaho syaka kakarating niya lang po kanina. Naloko daw po kasi sya eh ang laki ng perang nagastos" lumapit si Freyden sa kanyang mga magulang at umupo kalapit ang tatay nito.

"Yon ba ang nangyari? Pasensya kana ha? Okay kana ba? May nangyari bang masama sayo?" nag-aalalang wika nito pero umiling naman ako kaya medyo napanatag naman ito.

Bukod sa mayaman na mabait pa san kapa?

"Ano bang natapos mo?" tanong naman nung asawa niya.

"Culinary po" maiksing sagot ko.

"Wow! Amazing!" puro nila sa akin

"Okay, I agree kasama mo sya sa pag-aalaga kay Freyden. Ikaw na rin ang magiging Chef niya" sabi nung asawa . "Your salary is thirty-five thousand a month okay?" aniya kaya naman halos mapunit na ang labi ko dahil sa tuwa.

lumapit ako sa kanya at niyakap naman niya ako "Maraming salamat po Maam pangako po pagbubutihin ko ang trabaho ko" sabay punas ko ng luha ko.

"Shh don't cry" pagpapatahan nito.

Hindi rin naman pala lahat masama meron din palang may mabubuting tao ang nais akong tulungan.

"Alicia Grace nga po pala" pakilala ko. Akmang aabutin na nito ang aking kamay ng kumunot ang noo niya.

"Wait! Is that your wallet and things?" tanong niya habang nakaturo sa sahig... kung saan nandon ang aking pitaka. Nahulog ata kanina.

"Ay! opo" sagot ko.

Habang pinupulot ko ang aking mga nalaglag na gamit ay nahulog mula sa aking wallet ang family picture naming mag-anak.

"Who's that?" agad akong napakapit sa aking dibdib ng marinig ko ang boses ni Freyden sa aking tabi.

"Ah that's my Family" tinuro ko ang aking asawa."This is my husband, me, our youngest,and our eldest daughter." nakangiting sabi ko habang iniisip ang ngiti ng aking pamilya.

"Your daughter is gorgeous" puri niya kaya napangiti naman ako. "Can I marry her soon when I grow up?" Literal na nanlaki ang aking mga mata at gulat siyang nilingon.

"What!?" 

Mga bata nga naman ngayon oh!

"Naku! Wag mo nangpansinin ang anak ko nagbibiro lang yan" sabi naman ni Sir.

"No Dad! I'm not kidding!" seryoso at diterminadong sabi nito.

"I think.... I already love her" 

Potchang bata LOVE agad diba pedeng like?

"WHAT!?" sabay-sabay naming sabi habang siya ay nakangiti pa rin habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Isha.