webnovel

Chapter 7

Astra's POV

Matapos ang nangyari kahapon ay naging tahimik ang magdamag namin

Ngayon ay nandito kami sa dating apartment ni Azure, sabi niya ay parating na daw yung Alyssa kaya hinihintay namin.

Apat lang kami ngayon, Si Azure, Zayden, Raven at ako

Kaninang umaga ay nagdesisyon si Gio na dumalaw na sa lamay ni Madi kaya sinamahan siya Vlaize at Xath

Si Rye at Levi naman ay naiwan sa bahay

" Nagtext si Azure, nandito na sila " salita ni Zayden kaya nagtago kaming tatlo sa iba't ibang parte ng bahay

Pinalibutan namin ang sala, nasa may kitchen ako, si Zayden sa banyo at si Raven sa may corridor

Ng marinig naming bumukas ang pinto ay nagsitahimik na kamk

" Bakit mo ako gustong makausap? " tanong ni Alyssa

" Umupo ka muna " sumunod naman ito kay Azure

" Azure -- " hindi na natuloy nung babae ang sasabihin ng magsalita si Azure

" May kinalaman ka ba sa pagpatay kay Madisson? " diretsong tanong niya sa babae

Kaming tatlo naman ay nakikinig lang ng maigi at naghihintay sa senyas ni Azure

" Nawawala rin si Yexanna, may kinalaman ka ba sa mga iyon? " kalmadong tanong ni Azure

Hindi namin alam na nawawala si Yexanna, ngayon lang niya ito nabanggit

" Azure magpapali-- "

" MAY KINALAMAN KA NGA! " halos mangatog ang babae sa takot ng sumigaw si Azure

Maging kami ay nagulat

" Azure ginagawa ko lahat ng 'to para sayo " at nagsimula ng umiyak ang babae

Mabilis ba tumayo si Azure at lumapit sa babae

The next thing I knew is his was holding her face in his firm hands, that is when we decided to shown up.

" Azure! " saway namin pero walang talab

" Bakit mo ginawa 'yon? " tiim ang bagang na tanong ni Azure

" Azure, alam ko ang ginawa sayo ni Yexanna gusto ko lang bumawi para sayo " paliwanag niya habang umiiyak

Akmang sasampalin siya ni Azure ng mabilis kong natabig ang kamay niya kasabay ng paghila ni Raven sa kaniya

" Az, calm down " pagpapakalma ni Raven sa kaniya

" Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Madisson? " baling ko kay Alyssa na umiiyak

" Wala akong kinalaman, maniwala kayo wala akong ginawa. Nakita ko lang kung paano pero wala akong kasalanan " paliwanag niya

" Nakita mo pero wala kang ginawa! pinanood mo yung pinsan ko habang pinapatay nila ng walang awa! " sigaw ni Azure at dinuduro si Alyssa hanggang sa tuluyan na

Kumawala si Azure sa pagkakahawak namin ni Raven at sinakal si Alyssa, sinusubukan siyang awatin ni Zayden pero nilalamon ng galit si Azure at ayaw magpatinag

" Azure hindi ko alam, hindi ko alam na pinsan mo siya " pangangatwiran ni Alyssa

Magsasalita pa sana si Azure pero natigilan kami ng naglabas ng baril si Alyssa mula sa kaniyang likuran

" Ibaba mo 'yan " utos ko ng akala kong itututok niya iyon sa amin

But we gasp when she did something unexpected

Tinutok niya ang baril sa ulo niya habang umiiyak

" Alyssa wag mong gagawin yan " pigil ni Zayden

" Minahal lang kita Azure, lahat ginawa ko pero mas pinili mo si Yexanna na niloko ka lang " hikbi niya habang nakatitig kay Azure

Tangna teleserye pala to

" Ano bang mayron kay Yex na wala ako? " iyak niya

Tila natigilan si Azure

" Ginagawa ko 'to para sayo, dahil ayokong patayin ka nila "

We all froze dahil sa sinabi niya

" A-ano "

" Naniniwala ako na darating yung araw na malalaman mo lahat ng ginawa ko para sa'yo at magpapasalamat ka dahil ginawa ko lahat ng 'yon, pero sa ngayon ay wala akong karapatang ipahayag sa'yo ang lahat " umiiyak habang nagsasalita si Alyssa

" Alyssa " tanging salitang lumabas sa mga labi ni Azure ng humagulgol ang dalaga

" Hindi ko na kayang sikmurain pang kamuhian mo ako, pagod na ako Azure " unti unting humihina ang boses ni Alyssa

Akmang kakalabitin na ni Alyssa ang gatilyo ng baril ng bigla iyong agawin ni Zayden

" Alyssa bitawan mo na iyan " saway ni Azure

" Zayden baka pumutok 'yan " sabi ko sa kaniya habang sinusubukan namin ni Raven na medyo lumayo dahil hinihila naman ni Azure si Alyssa

Pero halos takasan kami ng wisyo ng pumutok ang baril

At kasunod noon ay ang pagbagsak ng katawan sa sahig

" AZURE! " sabay sabay naming sigaw

May tama siya sa sa balikat, umaagos ang dugo

Dali dali kaming pumunta sa kaniya para itayo siya at dalhin sa hospital

" H-hindi ko sinasadya " iyak ni Alyssa habang nakatingin kay Azure na halos maligo sa sarili niyang dugo

Akmang lalabas na kami ng pinutan kasama si Azure ng magsalita si Alyssa

" Sa huling pagkakataon, masaya akong minsan mo akong minahal kahit hindi ako ang pinili mo noon " tumulo ang luha ni Azure dahil sa sinabi ng dalaga

" Minahal kita noon Alyssa " sagot ni Azure kahit nahihirapan na saka napapikit ng mariin

Marahil ay kumikirot ang sugat nito

" At kung maibabalik ko lang ang lahat, sana pinili na kita " dagdag ni Azure

Sandaling natahimik ang lahat at malungkot na tumingin si Alyssa sa mga mata ni Azure

Third Person's POV

Tila naawa si Astra, Raven at Zayden kay Alyssa

Pero hindi nila masisisi si Azure sa galit na nararamdaman niya para dito dahil kagaya ni Gio, isa si Madisson sa pinaka importanteng tao sa buhay ni Azure

" Dalhin niyo na siya sa hospital, kaya ko na ang sarili ko " paalam ni Alyssa ng makitang nahihirapan na si Azure dahil sa tama ng bala sa kaniyang balikat

Tumango naman naman ang tatlo bago inalalayan palabas ng apartment si Azure

Habang naglalakad ang apat papunta sa kanilang sasakyan ay pinagmasdan ni Alyssa ang sasakyan nilang palayo ng umiiyak

Habang inaalala ang araw na hindi niya kailanman makakalimutan

" Azure, wag mo akong iwan " pagmamakaawa ni Alyssa sa binata dahil ito' nakikipag hiwalay na sa kaniya

Matagal na ang kanilang pinagsamahan

At masasabi niyang sa bawat taong lumilipas ay lalong lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata

Ngunit ngayon ay narito sa harap niya ang lalaking iyon, humihingi ng tawad at gusto ng kumawala mula sa kaniya

Gusto ng putulin lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa at mabuhay ng wala siya

" Alyssa, minahal kita " buntong hininga ni Azure

" Minahal mo ako, ibig sabihin ay noon  pa 'yon Azure. May iba na ba? " iyak ng dalaga

Naglakas loob siyang magtanong kahit na alam niyang ikadudurog niya kung sasagot nga ng oo ang binata

" Minahal kita Alyssa, pero mas mahal ko na si Yexanna. I'm sorry " huling salitang sinabi ni Azure sa kaniya bago siya nito iwanang luhaan sa ilalim ng puno kung saan sila unang nagkakilala

Kahit ilang taon na ang nakalipas ay napakasakit parin para kay Alyssa tuwing maalala niya ang araw na 'yon

Akala niya noon iyon na ang huling araw na luluha siya dahil sa binata pero tila nagkakamali siya

Dahil ngayon ay umiiyak siyang muli, dahil sa binatang minsan na siyang sinaktan at pinaluha ng sobra.

Bumalik sa loob ng apartment si Alyssa at pinagmasdang maigi ang picture nilang dalawa na nasa gilid

Kinuha niya ito at pinakatitigang maigi, hindi niya mapigil ang pagpatak ng luha sa larawang iyon.

At ang huling salitang sinabi ng dalaga bago umalingaw ngaw ang putok ng baril sa buong bahay ay

" Mahal kita, Azure "