webnovel

Chapter 2

Azure's POV

Ilang araw na ang nakalipas mula ng matanggap ko ang text na iyon, pero hanggang ngayon ay wala akong pinagsasabihan tungkol doon.

Bukod sa hindi ko alam kung sino ang nagsend non ay ayaw ko ring mag alala pa sila.

Hindi na rin nagparamdam o nanggulo pa si Yexanna pagkatapos ng gabing iyon.

Hindi ko maitatangging sobrang sakit parin para sa akin, pero wala akong ibang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang niloko nanaman nga ako ng isang babae.

Pababa ako ng living room namin ngunit natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Levi na parang nakikipagtalo, kahit nagtataka ay tumuloy ako sa pagbaba.

Naabutan ko siya roon na may kausap sa cellphone na parang wala sa sarili at nagagalit

" Levi " napalingon naman agad ito nang tawagin ko siya

" Curse you kung sino ka man " sabi nito sa kausap sa cellphone at binaba iyon bago ako hinarap

" Sinong kaaway mo? " she sighed before answering

" I received a death threat, text lang iyon kaya tinawagan ko yung number. Pero wala akong mapiga, sabi lang ay uubusin daw nila tayo " seryoso niyany sagot na hindi ko gaanong kinagulat

Kung ganon ay sa tingin ko lahat kami nakatanggap ng text na iyon, kinatataka ko lang na parang wala akong nakikitang pagkilos mula kay Raven.

" Anong sabi ng iba, nakatanggap ba lahat? "

" Umalis si Raven kasama si Astra at Zayden kanina pa. Si Rye at Xath nasa opisina, sinusubukan nilang itrack ang location ng nagtext " paliwanag ni Levi

" Nasan si Vlaize, Madi at Gio? "

" Si Madi umalis din, dadalaw yata sa kanila, tulog si Vlaize at kumakain si Gio "

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa mga susunod na araw mula sa araw na ito.

" Sige pupuntahan ko muna sila Rye " paalam ko bago ako magtungo kila Rye

Malaki itong tinutuluyan namin, hindi rin basta lang bahay dahil ang daming pasikot sikot at nakatagong bagay dito. Pero kung titignan mula sa labas ay para lang itong typical na malaking bahay.

" Damn! bakit ang tagal naiinis na ako sa system puta " pagkapasok ko ng opisina namin ay bumungad sa akin ang mura at inis na mukha ng dalawa

" Ano ng nangyari sainyong dalawa? " tanong ko sa kanila ng umupo ako sa tabi ni Xath

" Kanina pa namin hindi matrack nagugutom na ako at lahat wala parin, napipikon na ako rito " reklamo ni Rye

" loading 98, 99.. Boo sa wakas ayan na akala ko hindi na matatapos " tuwang tuwa si Xath ng magconfirm ang system niyang natrack na nga nila ang location

" Bakit hindi ko natrack? tanginang system napaka bias nga naman " reklamo ni Rye at hinampas ang lamesa

Akala mo batang nagmamaktol eh

" Wag ka na magreklamo hindot " sinamaan naman ako ng tingin dahil sa sinabi ko

tinignan namin pare parehas ang monitor ni Xath at binabasa ang address na nakalagay kung saan nang galing ang nagsend ng text sa amin

" Condominium building iyan, ilang metro lang ang layo niyan dito sa atin. May kakilala ba tayong taga dyan? " nagtatakang tanong ni Rye

" Sa pagkakaalam ko ay wala naman pero itanong parin natin sa iba mamaya " sagot ni Xath

" Nung nakaraang araw nalaman nating kabit nanaman si Azure, ngayon may death threat tayo puta bakit hindi nalang tayo magpatiwakal ng sabay sabay para wala ng problema pa " tila nag iisip na sabi ni Rye dahil nakahawak pa ito sa baba nya, nagulat naman siya ng batukan ko siya.

May problema na at lahat para paring gago mag isip, kapag pinagsama mo sila ni Vlaize ay masisiraan ka ng katinuan dahil walang bahid ng katinuan ang utak nilang dalawa.

Simula pa lang naman ay palagi ng nakasugal ang buhay namin sa bawat may gagawin kami. Wala kaming sinasantong batas, pero hindi rin kami sindikato dahil iba naman ang ginagawa namin sa kanila.

Hindi rin kami nagtutulak ng droga kung iyan ang iniisip niyo. Ang ginagawa lang namin ay manghack ng mga kilalang tao sa underground ang mangtrack ng kung sino sino, pero ginagawa namin iyon ng may bayad.

Ginagawa namin ang bagay na 'yon para sa iba kapalit ng pera. Kung hindi naman kami abala sa panghahack at track ay nag iimbestiga kami ng mga kasong matagal ng sirado ng korte pero hindi pa talaga tapos.

We used to finish the unfinished business of legal court.

Kung minsan naman ay nakikipag kupalan kami sa underground, nakiki party sa party na may drug deal.

Matakaw kami masyado sa gulo kaya hindi nakakataka na gusto na kaming tugisin

Marangal naman kami noon pero ito nga ang kinahinatnan naming lahat sa hindi malamang kadahilanan

" Azure, hindi naman siguro ex mo ang gustong pumatay sa atin ano? " napabaling ako kay Xath dahil sa sinabi nito

" Bakit mo naman naisip na magagawa ni Yexanna yung ganito? " wala sa sarili kong tanong pabalik

" Obsess kaya sayo yung si Yexanna kaso nga lang may sabit " sagot naman ni Rye

Nagsisimula na magkaroon ng conclusion sa utak ko, pero hindi ko kayang tanggapin kung tama nga ako.

" Hindi rin ba nagtataka, todo habol siya sayo nung nakaraang gabi pagkatapos ay biglang hindi nalang nagparamdam? " seryosong sabi ni Xath

possible nga kayang si Yexanna ang nasa likod ng nga threat na iyon?

" Pero hindi ganoong uri ng babae si Yexanna " pagtatanggol ko

" Azure, expect the unexpected nga raw diba? " tugon naman ni Rye

Nagugulo ang utak ko dahil sa sinasabi ng dalawang 'to

Pero hindi kayang tanggapin ng sistema ko kung sakali mang tama nga ang mga hinala at paratang nila

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sila Levi kasama na nila sila Raven, Astra at Zayden.

Dumiretso agad kami sa sofa at umupo

" Anong nangyari sa lakad niyo? " tanong ni Xath sa tatlo

Raven sighed at nakipag tinginan muna kay Astra at Zayden, tumango naman ang dalawa na nagpapahawatig na magsalita na siya.

" The sender was just a hundred meter away " sabi ni Raven at bumaling kay Zayden

" At kung tugma ang nalaman naming lugar sa natrack nila Xath at Rye ay mayroon tayong tatlong pinaghihinalaang tao " tuloy ni Zayden

" Sino yung tatlong iyon? " atat na tanong ni Vlaize, palaging atat at hayok iyang isang yan sa lahat ng bagay.

Raven threw three pictures in the center table

" Jace " turo ni Astra sa picture ng lalaking medyo moreno " Dj " turo niya naman sa medyo singkit at bumuntong hininga ito bago ulit nagsalita

" Yexanna " natahimik kaming lahat sa huling pangalang sinabi ni Astra

" Silang tatlo ang mga taong possible na nasa likod ng mga threats, Yexanna just bought a unit in that building two days ago. While Jace and Dj is the co owner of that building. " paliwanag ni Astra

" Hindi ko maisip na kayany gawin ni Yexanna yon " wala sa sarili kong sagot sa kanila

" Azure dalawa't kalahating hibang ka na ba o nilamon ka na ng pagmamahal mo doon? " umalingawngaw ang boses ni Vlaize sa buong kwarto dahil sa lakas ng tono niya

" Hindi mo kasi naiintindihan " tanging sinabi ko sa kaniya bago ko sila iniwanan sa kwartong 'yon at nagtungo sa kwarto ko

Rye's POV

pagktapos mag walk out ni Azure ay sunod sunod silang napabuntong hininga

" Give him space " sabi ni Raven ng akmang susundan ni Gio si Azure

" Vlaize inatake ka nanaman ng sapak mo palibhasa babae rin hanap mo-- " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng batukan niya ako

" Magtigil na kayo, mag aaway nanaman kayo " saway ni Levi sa amin, madalas di Levi ang taga awat sa amin pag nagbabangayan kaming dalawa

" Balik sa pinag uusapan " pukaw ni Zayden sa mga atensyon namin

" Kung ganon ay nakikita nila tayo, kailangan nating mas mag ingat " tuloy ni Xath sa pag uusap

" Kailangan natin ng mata sa kanila, kilala nila tayo kaya hindi pwedeng isa sa atin " sang ayon naman kami sa sinabi ni Astra

" So sino ipapadala natin? " tanong ni Levi

" Sampu lang tayong kilala nila, because they thought na sampu lang talaga tayo " sagot ni Zayden

" We must think twice and be careful for every action we'll take " sabi ni Raven habang kinakalikot ang cellphone niya

" Pero sa ngayon, walang aalis ng bahay na 'to hanggang kaya ay iiwasan nating may madamay na iba. Sabihan niyo si Madi na wag munang uuwi dito " paliwanag niya pa sa amin

" May suggestion ako na pwedeng maging mata natin doon " biglang salita ni Xath

Ano nanaman kaya ang naisip ng isang 'to, nahawa na yata to sa nanay nanay niyang si Raven halos nagiging parehas na takbo ng utak nila.

"Sino?" sabay sabay naming tanong

" Zurich "