webnovel

Chapter 27

Third Person's POV

Pagkatapos ng pag uusap ni Zayden at Rowie ay hinanap na ni Zayden si Xath para tapusin ang inaasikaso nila at ng makauwi na sila dahil pagod na rin ito sa dami ng nangyari

Nang matapos ang inaasikaso ay nag desisyon agad sila na umuwi na para sa bahay na lamang magpahinga ng tuloy tuloy

Habang nasa byahe sila ay tahimik at walang umiimik sa kanilang dalawa

Hanggang sa mapansin ni Zayden na para bang mayroong sumusunod sa kanila

Kaya't binilisan ni Zayden ang pagpapatakbo sa sasakyan upang makaiwas sa sumusunod ngunit ang sumunod na nangyari ay tila panibagong dagok para sa kanila

" Damn! " malakas na mura ng binata ng makitang may truck na papalapit sa kanila ngunit ng tapakan niya ang break ay hindi huminto ang sasakyan

" I-preno mo, Zayden! " tarantang sigaw na Xath kaya lalong nataranta ang binata

Ngunit ng talagang hindi ito gumana at ilang minuto nalang ay masasalpok na sila

Nawalan na ng pagpipilian ang binata kundi kabigin ang manibela at hayaang sumalpok sila sa puno

" Ayaw ko pang mamatay! " huling sigaw mula sa kanilang sasakyan bago sila tuluyang sumalpok

Raven's POV

Kanina pa namin hinihintay na makarating si Xath at Zayden, ilang oras na rin ang nakalipas nang tumawag ang mga ito para sabihin na pauwi na sila.

I am starting to have some strange feeling about this, I don't feel anything good right now. Something feels strange and wrong. We must find out what the actual fact is really happening right now.

Kailangan namin masagot lahat ng misteryo na nangyayari sa amin bago pa kami maubos ng tuluyan

I sighed as I read Raizen's message about how Ej is doing under their care. Tamang desisyon na sa kanila ko iniwan ang bata. By them, matututunan niya ang mga bagay na huli ko na natutunan.

" Raven! " napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Astra na tinatawag ako habang hawak ang cellphone niya

Wala pa man siyang sinasabi ay para bang kinakabahan na ako, sa tono pa lamang ng boses niya ay parang may hindi na magandang nangyari.

" Bakit? " tanong ko ng lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya, bumuntong hininga muna siya bago siya humarap sa akin at sumagot.

" Nakatanggap ako ng tawag galing sa hospital --" hindi pa man siya natatapos ay nagsalita na si Azure

" Tungkol ba 'yan kay Rye? " tanong niya kaagad, tumingin sa kaniya si Astra bago umiling kaya napakunot ang noo namin parehas.

" It's about Xath and Zayden " she sighed " T-they're also gone " mahina niyang sabi

Nanlumo ako sa sinabi niya, napakabilis. Sobrang bilis ng mga pangyayari, it is like we're just all waiting for our time to die. May matitira pa bang buhay sa amin?

" Tangina " malutong na mura ni Azure

" Puntahan na natin sila " tumayo siya pero biglang natigilan " Nasaan si Volker? " nagtatakang tanong niya habang nililibot ang mata sa bahay

" May inaasikaso, mauna na kayo pumunta doon. May gagawin lang ako tapos ay susunod na ako, mag ingat kayo. " tumango nalang sila at kaagad umalis

Naiwan akong mag isa sa bahay. Nakakapanibago, dati ay buhay na buhay at napakaingay ng bahay namin. Ni hindi yata nagkakaron ng katahimikan dito noon, but now everthing was gone.

For some reason, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa mga nangyayari. Hindi ko kayang bigyan ng kasagutan lahat ng nangyayari sa amin, ilang pagkamatay na ang misteryo sa amin. All we know is, there are people behind it. But aside from that, we know nothing anymore.

Kung alam ko lang noon pa na may ganitong mangyayari o sa ganito kami matatapos ay sana umpisa pa lang ay hindi ko na sinimulan pa ang lahat ng 'to ng sa ganon at walang namatay at lahat nabubuhay ng maayos.

Sa tingin ko ay hindi matatapos ang linggo na 'to ng hindi kami nauubos. Napapaisip nalang ako kung sa paanong paraan ako o kami na mga natitira mawawala. Sama sama ba kami o matira matibay na lang?

Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko, may message nanaman mula sa kung sino.

" Matatapos na, iligtas mo ang sarili mo. "

Damn this human, sa tingin niya ba ay kaya ng konsensiya ko na iligtas ang sarili ko habang lahat ng kasama ko ay nasa kabilang buhay at sumisigaw ng hustisya para sa kamatayan nila

Hindi ko kayang iligtas ang sarili ko habang hindi ko nasasagot lahat ng tanong sa likod ng mga kamatayan na 'to

Umakyat ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko, susubukan kong humanap ng iba pang detalye.

Malakas ang kutob at pakiramdam ko na may mali sa paligid ko, hindi ko matukoy kung ano 'yon. But something feels wrong, really. Possible ba na isa lang din sa amin ang nasa likod ng lahat ng 'to?

Ayaw kong mag isip ng ganoong bagay pero hindi ko maiwasan, dahil kung sino man ang nasa likod ng mga bagay na 'to ay sigurado akong kilalang kilala niya kami. Alam niya kung kailan ang tamang panahon para atakihin kami.

Masyadong maraming tanong at bagay ang gumugulo sa isipan ko mula ng mangyari lahat ng 'to.

Siguro ay susunod na ako sa kanila sa hospital para makatulong na ayusin ang mga dapat namin ayusin doon

It doesn't took a long drive to arrive in the hospital, nang makarating ako ay dumiretso ako agad sa kanila. May mga pulis din na nandoon at kausap nila Astra kaya lumapit ako, hinintay ko sila matapos mag usap bago nagtanong.

" Ano daw ang nangyari? "

" Old style, palyado ang break ng kotse. Sinadya 'yon syempre usual naman na ang mga ganon pero may mga nakita rin na bala ng baril. So pwedeng pinagbabaril sila kaya nasalpok o nasalpok muna at binaril bilang paniniguradong mawalan na sila ng buhay ng tuluyan. " mahabang paliwanag ni Astra

" Apat nalang tayo, sa tingin niyo ba ay susunod na rin tayo? " tanong ni Azure

" Can't say it yet, pero sa mga nangyayari mukhang sa kabilang buhay ang hantungan nating lahat. " I sighed

" Paubos na tayo, hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o hindi dahil alam naman natin pare parehas na naghihintayan nalang tayo ng kamatayan natin " sagot naman ni Astra

Buhay kapalit ng buhay. Sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng pagpatay at trahedya na nangyayari sa amin?

Kaaway ba o isa lang din sa amin?