webnovel

Chapter 17

Azure's POV

Matapos mag usap ni Zayden at Rowie ay umalis ka agad si Rowie

Si Zayden naman ay parang lutang at wala sa kaniyang sarili

Tahimik siya hanggang matapos kaming maghapunan kaya nagtataka na kaming lahat sa kinikilos niya

" Zay, kanina ka pa tahimik, may problema ba? " tanong ko sa kaniya

Lumingon siya at huminga ng malalim

Lahat kami ay nakatingin at naghihintay ng kaniyang sasabihin

" She's asking for another chance " buntong huninga niya

Lahat kami ay hindi inaasahan ang sinabi niya

Ilang taon na rin ang naka lipas at ngayon ay nakikipag balikan 'to sa kaniya?

" Sa tagal niyong hiwalay ay ngayon niya pa naisipan 'yan? " tanong ni Rye

" Parang ang weird naman " dagdag pa ni Levi

" Bumabalik mga nakaraan niyo " pang aasar ni Xath

" Kabahan ka kapag ikaw ang binalikan ng nakaraan mo na napakarami " pagbabalik ni Zayden ng sinabi niya

" So nakikipag balikan siya sa'yo? " paglilinaw ni Astra

Unti unti namang tumango si Zayden

" Weird " bulong ni Raven habang pinapatulog si Ej

" Anong plano mo? " baling ni Volker kay Zayden

" Ayaw ko na, sapat ng naloko ako ng isang beses marunong akong madala at matauhan " sigurado niyang sabi

" Sana lahat ay marunong dala at matauhan sa isang beses, hindi ba Azure? " Astra teased me

Ako nanaman ang napagdidiskitahan nila

" Pero ayaw ko rin naman na masaktan siya kaya hindi ko masabi " muling salita ni Zayden

Hindi ko alam kung martyr ba ang isang ito o sobrang bait lang talaga

Nung siya niloko at sinaktan ay hindi naman naisip 'yan ni Rowie, samantalang siya ay todo isip sa mararamdaman nito

" Kung sakali man na babalik ka sa kaniya Zay, ibig sabihin din non ay tinatanggap mo yung anak niya na bunga ng pagtataksil at pananakit niya sayo kasama ng step dad mo " paliwanag ni Gio

Buti nagiging matino na si Gio ngayon kumpare nung mga unang araw na nawala si Madi na tila ba ay magpakamatay na siya

" Though wala namang kasalanan yung bata, the question is, kaya mo bang tanggapin 'yon Zay? " tanong ni Raven

Parang nahohotseat si Zayden sa amin ngayon

" Hindi ako makikipag balikan, masaya na ako ng mag isa hindi ko na gusto pang magkaroon ng panibagong problema at kung ano man " mahina niyang sabi

Kahit ilang ulit niyang sabihin 'yon ay alam namin na may pagdududa siyang nararamdaman

Marahil ay mahal niya pa ito pero nagda dalawang isip siya dahil kahit hindi niya aminin ay nasasaktan parin siya hanggang ngayon

Kung sa bagay bukod sa pagiging kabit ay ano pa bang mas sasakit sa ipagpalit sa step father mong doble ng edad mo ang edad

" Bahala na saka ko na siya kakausapin kapag kaya ko ng sabihin sa kaniya " buntong hininga niya

Mukhang umiiwas sa usapan ang isang 'to

Kagaya ng inaasahan ay nag aya siya ng inuman kaya lahat kami ay nandito sa living room buti tulog yung bata kaya kumpleto kami maliban kay Vlaize na coma

Alangang i-dextrose namin siya ng alak baka mapaaga lalo ang buhay hiya

Kasabay ng paglalim ng gabi ay unti unting tinatamaan ang iilan, pero nagulat kami ng biglang magsalita si Rye sa tingin ko ay lasing na 'to

" Ven " tawag niya kay Raven kahit ngarag na ang boses niya

" Ano? "

Tumawa muna si Rye bago nagsalita ulit

Lasing na nga yata dahil nagsimula siyang mag kwento kung paano niya kami nakilala at kung sino ang una niyang nakilala

Kinuwento niya rin yung nauna niyang hood bago kami

Ang dami niyang kwento sobra isasalaysay niya yata ang buong buhay niya ngayong gabi

" Rye mahaba pa ba 'yan? " inip na tanong ni Xath

" Tangina mo *hik* manahimik ka " sagot ni kay Xath

" At ayon nga napadpad ako sa inyo dahil kay Raven at Vlaize " sa dami ng kwento niya ay ang dulo lang ang naintindihan ko

Ngarag ang boses at napipiyok kasi kaya nabibitin yung salita niya habang magkukwento

Hanggang sa biglang nag open si Gio ng topic tungkol kay Madi

Drama na ba 'to

" Alam mo Zayden, maswerte ka *hik* kasi yung sa'yo pwede mo pang balikan *hik* may chance pa kayong *hik* magsimula ulit, pero ako wala na kasi iniwan niya na ako. Sa kabilang buhay na ulit magkikita " Gio'e voice cracked as he said those words to Zayden

" Pero puta ang sakit nung ginawa niya, natapakan buong pagkatao ko nung niloko niya ako. Step father ko pa puta " galit na sagot naman ni Zayden

Napansin ko namang natatawa yung tatlong babae sa kanilang dalawa

" Pag inom, inom lang tangina niyo baka mag iyakan kayo " napadaing naman silang dalawa ng hambalusin sila ni Volker ng unan mula sa sofa

" Oo nga tigna niyo si Azure relax lang kahit palaging kabit " Xath teased as he rose his eyebrows on me

" Gago na nanahimik ako " napatawa naman siya

Ilang oras pa kaming tumagal na nag aasaran at kulitan, ang tataas ng tolerance sa alak pero si Rye mukhang lasing na lasing na

Mahina kasi uminom at bata pa

" Alam niyo ba pag pinalayas niyo ako wala ng maghuhugas ng plato araw araw " muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng biglang sinabi 'yon ni Rye

" Tangina matulog ka na nga " mura sa kaniya ni Zayden

Si Levi ay tulog na pati si Gio

Si Raven at Astra nag uusap tungkol sa bagay bagay na plano nila pagtapos ng kinakaharap namin

" Anong gagawin ko, may nagugustuhan akong babae? " tanong ni Rye

" Seryoso ka? " I snapped tumango naman siya kahit bangag na

" Matagal na 'yon pero wala namang pag asa dahil hindi pwede at lalo na sa sitwasyon ngayon" malungkot niyang sabi

Hindi kaya si Vlaize ang tinutukoy nito?

" Puta Rye bawal family stroke sa atin handa ka na bang mag impake at humanap ng bagong bahay? " diretsong sabi ni Xath sa kaniya

" Alam ko *hik* kaya hindi na ako nag abala pa na sabihin sa kaniya dahil hindi rin pwede at hindi ko gugustuhing umalis dito para lang sa kaniya " paliwanag ni Rye

" Si Vlaize ba 'yamg tinutukoy mo na babaeng gusto mo at hindi kayo pwede dahil bawal? " tanong ni Zayden

" Oo nga siya ba? " tanong ko rin

He sighed and took a deep breathe

" Yung babaeng gusto ko " he paused

At lumagok muna siya sa boteng iniinom niya bago tumingin sa amin ng diretso at nagpatuloy mag salita

" Si Zurich "