KABANATA 22: The Black Book
"Good morning, baby."
Hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay napangiti na ako sa magandang bati sa aking tenga. Naramdaman ko ang maiinit niyang hininga sa aking leeg, ngunit nang oras na iyon ay hindi ako sumigaw o nagreklamo sa halip ay mainit kong tinanggap ang kaniyang magiliw na pagbati.
"Good morning,"
Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay ni Lyreb sa aking baywang, "How are you?"
"Hm?"
Humigpit ang kaniyang yakap at ibinaon ang kaniyang ulo sa aking leeg, "Hindi ka napagod kagabi?" He then chuckled.
I rolled my eyes and looked at him, "Excuse me, bakit naman ako mapapagod. Hindi naman nakakapagod humalik 'no. Nothing more happened after the kiss remember."
"Talaga?" Aniya sa nang-aasar na tinig.
Nakaramdam ako ng pagsusungit, "Duh."
I felt him smirked on my neck, "Kiss me then," he hoarsely whispered.
Nanindig ang mga balahibo ko, kahit kailan talaga hindi ko kayang sabayan ang trip ng lalaking ito.
Nag-unat ako at lumingon sa bintana habang siya'y patuloy na siniksik ang kaniyang ulo sa aking leeg. Maganda ang sikat ng araw, mukhang sumasabay sa mood naming dalawa.
We slept together but we didn't had sex. It was just pure sleeping, nothing more and nothing less. I smiled as I turned my gaze on the man who made my birthday great. I would not be this happy if it wasn't because of him.
Humarap ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo.
Bahagya siyang gumalaw at tiningala ako, "Baka talaga masanay ako,"
Ngumisi ako, "Hm?"
"Is this really happening? We are good as heck..." Tila hindi niya makapaniwalang saad.
Maging ako'y napangiti habang tumatango. Hindi rin ako makapaniwalang nagkaayos kami, hindi ko ni minsan inisip na magkakaayos kami.
"Yes, we are good," I whispered and kissed his forehead again, "Thank you for making my night special,"
"Baby," Aniya.
I heave a small chuckle and rolled my eyes, "Baka masanay ako,"
"Hm?" Siya naman ang nagtanong.
"Kakatawag mo ng baby, baka masanay ako..."
Bahagya siyang humalakhak atsaka gumalaw upang pantayan ako, "Wala namang problema, sinasanay naman talaga kita."
"Tss,"
Bahagya akong kumilos upang lumayo ngunit ngumisi lamang siya at mas lalo akong kinulong sa kaniyang mga bisig.
"Eighteen,"
I sighed. Bakit hindi niya na lang ako tawagin sa aking pangalan?
"Can't you just call me by my name instead?" I implied, "I am Belle Damsel," dagdag ko pa.
Pumikit siya bago marahang sumagot, "I'll call you that..."
"If you're going to kill me?"
Mabilis niyang iminulat ang kaniyang mga mata at tumutol, "Idiot, no, of course not!"
"Tsk," Umirap ako ngunit mabilis ring napangisi, "I tamed the beast..." Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano niya sinabing tatawagin niya ako sa aking pangalan kung tatapusin niya na ako. But then he called my by my name several times and I'm still fine, alive and kicking.
"You did," He agreed, "You really did," Bulong niya at hinalikan ang aking noo.
I guess I really did, how the hell did I tamed him? Hindi ko na matandaan kung paano kami nagsimulang maging maayos... Nakaramdam na lang ako ng kapayapaan sa kaniyang tabi, at hindi ko na matandaan kung kailan ko iyon simulang naramdaman.
"So... what's the matter?"
Tukoy ko sa ilang ulit niyang pagtawag sa akin.
"Hm, I just wonder... why did your parents hid you? What purpose? Why? I don't understand," Bakas sa hitsura niya ang pagtataka, "Nang gabing iyon ko lang nalaman na may anak na babae ang si Bernice at Cassandra Beau Monde. And I am pretty sure, noong gabi lang din iyon nalaman ng karamihan sa aming organisasyon," dugtong niya pa.
Maging ako'y napaisip rin. Wala sa aking sinabi kung bakit ako isinekreto ng aking mga magulang kaya hindi ko rin alam at hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin.
"I was really shocked when I saw you..."
Right, I still remember that night... the first time we met, "A fucking girl?"
"Yeah, I totally remember your reaction back then," I responded, "I was so scared that time, tapos mas lalo mo pa akong tinatakot."
"Hindi kita makukuha kung hindi ko dadaanin sa dahas," Aniya at hinaplos ang aking pisngi, "You were so stubborn..."
"Kasi nakakatakot ka!" I hissed.
He just snapped and buried his face on my neck again, "Pero yun na nga, bakit ka itinago ng mga magulang mo?"
"Trust me, Lyreb. Hindi ko rin alam, wala talaga akong ideya."
"Baby, I want you to trust me this time, okay?"
Nangunot ang aking noo, "Lyreb, I always trusted you and will always trust you..."
"Tell me," He appealed, "Where can I find the black book?"
"The black book?"
I seriously do not know what he's talking about. Wala akong alam na itim na libro, wala sa aking nabanggit tungkol sa bagay na iyon. Bigla ay hindi ako naging komportable sa aming usapan. I felt guilty of not answering his question, and somehow doubt him because of his questions.
Why are they after the black book?
"Your parent's black book, kailangan ko iyong mahanap bago pa iyon makita ng ibang tauhan sa aming organisasyon." Aniya at tinitigan ako ng mariin, "I need to know what's in that book, then I'll decide kung ano ang nararapat na gawin," Muli niyang hinaplos ang aking pisngi, "Para sa kaligtasan mo..."
"Lyreb,"
"Please, tell me..."
Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko talaga alam," Saad ko at itinaas ang isang kamay na tila nangangako, "Pangako, hindi ko alam. Wala akong alam sa black book na iyan,"
"Tell me the truth,"
"I swear. Walang nasabi ang mga magulang ko tungkol sa black book, even my fallen brothers. Wala talaga akong alam,"
"You were caged for seventeen years, yet you don't know what does your mansion have?"
Napayuko ako, "Pasensya na..."
Mabilis niyang inabot ang aking baba at inangat upang mapantayan ang kaniyang mata,
"Hush, it's okay. I believe you,"
"I believe you..." Napapikit ako. Bakit pakiramdam ko'y tinatraydor ko siya kahit hindi ko naman talaga alam kung nasaan iyong itim na librong sinasabi niya.
"Wala akong matandaan na itim na libro, wala pa akong nakikitang ganoon... maging sa library namin... hindi ko sigurado..." mahina kong wika.
Natigilan siya ng bahagya,
"May library kayo?"
"Oo, malamang!" Mabilis kong tugon, "Lyreb, mukhang hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip mo ngayon..."
"I really need to find that book, I really do."
"Gusto mo bang pumunta sa aming mansion para hanapin ang libro?"
Sandaling katahimikan ang namayani sa aming pagitan bago siya sumagot.
"Oo, at dito ka lang..."
"No!" Sigaw ko na nagbigay gulat sa kaniya, "Please, take me with you. I'll behave," bahagya nang humina ang aking boses.
"No. They're hunting you, hindi kita pwedeng isama dahil kukunin ka nila kapag naaniag nila maging katiting mong anino, Belle!"
"Belle..." Why does it sound so well hearing my name from him?
"Still, you'll protect me right?" I insisted, "You said you will protect me!"
"Hush," He calmed me by caressing my face, "I am nothing compared to 1000 armed men,"
Bigla akong nangamba sa kaisipang iiwan niya na naman ako. At isa pa, gustong gusto kong sumama sa kaniya sa aming mansion upang makita ko ang kalagayan doon, ang kalagayan ng aking pamilya. Simula nang mangyari ang massacre, hindi ko alam kung inilibing na ba sila o kung saan sila nakahimlay ngayon.
I just want to check on them... I miss them so bad.
"Paano kapag natunton nila ako dito tapos wala ka?"
Umiling-iling siya, "No, hindi ka nila dito matutunton."
"Lyreb!"
"Hush,"
Nanubig ang aking mga mata, "Please, I am begging you! Take me with you, kahit saan ka pumunta isama mo ako! Alam ko ang bawat sulok sa mansion, tutulungan kitang maghanap. Please, wag mo na akong iiwan..."
"Belle..."
"Belle..." Damn, kailan ba ako masasanay? Kada banggit niya sa aking pangalan ay parang laging bago at hindi nakakasawa.
"Your mansion is surrounded by armed guards, hindi tayo basta-bastang makakapasok. Ako nalang, hindi kita isasama sa lakbay na ikakasama mo, Belle..." kontra niya.
"Lyreb! I've told you, I know every corner, every inch of our mansion. I can be a big help," I professed, "Besides, I have you. Hindi ako maaano,"
"Belle,"
"Belle..." Shit, napakasarap sa pakiramdam. Bakit ganito?
"Please," I begged, "Please, Lyreb..." Tuluyan nang namuo ang luha sa aking mga mata, "Ayoko nang maging pabigat pa, gusto kitang tulungan. Aalis ka sa organisasyon na kinabibilangan mo. You'll start a new life..." with me... I wish I could simply tell him that but I have no enough courage to say so.
"It will be very hard, hindi ako basta-bastang makakapagsimula, Belle..." Aniya sa malungkot na tinig, "Kailangan mong magpatuloy, habang ako'y umaalis sa hukay na kinalulugaran ko."
"Lyreb,"
Ako naman ang humaplos sa kaniyang mukha. This face, I will never forget this face. Hindi ako nagsisising nasilayan ko ang kaniyang mukha, at alam kong hindi rin ako magsasawa.
"Hush," He smiled.
Ilang minuto pang katahimikan ang namuo bago siya muling nagsalita, "Fine." mahinang aniya. "I'll take you with me,"
Namilog ang mga mata ko, tila hindi makapaniwalang pumayag siya. Gayunpaman ay hindi na ako kumontra dahil baka magbago pa ang kaniyang desisyon.
"Please, wag mo na akong iiwan..." sa halip ay saad ko.
"Maliban nalang kung pupunta ako sa trabaho ko, hindi talaga kita pwedeng isama doon."
"I understand. I know. Just this once, please..."
"I see, you already missed your family, Belle Damsel,"
"Belle Damsel," Shit, Lyreb. Now I can't imagine my life without you... calling me by my nicknames you made... and calling me by name.
"Alam kong ang pamilya mo ang pakay mo doon." Aniya at ngumiti, "I am so sorry for your crestfallen,"
I bit my lower lip to prevent myself from crying. He's making me soft again, "I have you now,"
"Hm?"
Hindi niya narinig ang sinabi ko?
"Wala... kelan ba tayo pupunta sa mansion?"
Tsk. Hindi niya ba talaga iyon narinig?
"Now." He blurted and suddenly pressed his body against me.
Napasinghap ako, "Now?!"
Ngumisi siya, ilang sandali lamang ay natagpuan ko siyang naghahabol ng hininga sa ibabaw ko. Pagkatapos ay marahan niyang ibinaon ang kaniyang ulo sa aking dibdib habang hinahaplos ng marahan ang aking braso.
Damn, that ignited fire inside me again.
He hoarsely whispered, "Yes, now."
The next thing I knew, he was kissing me softly until the morning light entered and blessed the both of us.