webnovel

12

KABANATA 12: Down there

I woke up because of silent chirps, I automatically smile when I realized there are birds around this area. This place is not bad at all, peaceful, calm and almost nowhere. Of course I could say almost nowhere because I have no idea where on the earth this place is located. I don't have the guts to ask him anyway, he's living his private life here, sadly with me.

Marahan akong bumangon, paglabas ko sa silid ay nakita ko siyang nagluluto sa kusina. He's probably cooking breakfast. Napalingon ako sa bintana, napakaganda ng sikat ng araw ngunit wala na akong tiwala dahil kahit gaano pa ito kaliwanag ay maaari paring umulan tulad na lamang kahapon.

I drew the drapes of the window to let the sunlight fully enter the sofa. I smiled when it's rays hit my face, it was enchanting. I thought I would never be able to see these lights again due to fear yet here I am, smiling under the stunning sun. Bigla ay gusto ko tuloy tumakbo sa labas, I just missed my routines in our mansion before. Hindi na rin katulad ng dati ang nararamdaman ko kapag naaalala ko ang lahat, maybe because I was taken care of the beast, but the scars still hurt and it might get worse when agony comes again.

I turned my gaze at him who's now also looking at me, I badly want to greet him 'good morning' but it will just ruin our mood, he doesn't do good mornings at all. Well, maybe because I was just scared I might get in trouble or rejected.

"What?"

Inunahan niya na ako, siguro'y nabasa niyang may gusto akong sabihin. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya at napalingon sa labas. Nagbuntong hininga ako at saka mahinang nagsalita, "C-can I go out? If- if only you would let me, tho, uhm," I became uneasy.

"Why would I let you, hm?" He said and continued cooking.

Tuluyan na akong napalingon sa kaniya at dahan-dahang lumapit.

"I- I won't do anything stupid, I swear! Hi-hindi naman ako tatakas," utal utal kong saad, tuloy ay ninerbiyos ako ng taasan niya ako ng kilay.

"You're even stuttering,"

"Promise!" Hinihingal kong paniniguro na para bang hinabol ako ng sampung kabayo. Malakas at mabilis ang kabog ng aking dibdib kapag kaharap ko siya, iyon ang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasan at mas lalong hindi ko tanggap.

He heave a deep sigh, "Fine."

Napapalakpak ako sa tuwa ngunit agad ko iyong binawi at pormal na itinago sa likod ang aking mga kamay, I felt like my cheeks burned when he smirked. Nahiya tuloy ako sa aking ginawa, napaghalataang masyado akong masaya at excited. Well, ano namang mali doon? Siya rin naman ang nagtago sa akin dito, siya din ang dahilan kung bakit ako nakakulong sa bahay na ito, dapat siya ang makonsensya at mahiya!

"Pero inuulit ko, huwag kang gagawa ng anumang kabalbalan, sinasabi ko sa'yo-"

I stopped him, "I swear I won't!"

"Okay."

Napayuko ako, "C-can I go out, now?" Para bata kong panghihingi ng permiso, kung tutuusin wala namang masama sa hinihingi ko, just why am I acting like this whenever it's him?

"The door was broken, the gate is wide open,"

Napangiti ako, that was a rhyme dear. Mabilis akong humakbang palabas habang nakapaa, tinahak ko pababa ang hagdan atsaka dahan-dahang itinapak ang mga paa sa damuhan. Damn, I felt like I was prisoned all my life and this is my first time stepping in a green pasture. This feels amazing.

Tumalon talon akong parang bata habang pinagmamasdan ang paligid. Truly, the place is not bad. It's very large, the house was built in the middle and everything around is thick trees and bushes. Tingin ko'y nasa gitna kami ng lawa, not really in the middle, the land we're in is somewhere placed in the lake.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak nang muling maalala ang aking pamilya, akala ko'y okay na ngunit hindi pa pala, my memories are hurting me again. Nakikita ko ang aking sariling tumatakbo habang hinahabol ni Elvie, masayang naglalaro sa aming hardin, ginugulo ang dalawa kong kapatid na masisipag na nag-aaral, pagkatapos ay maiinis sila't hahabulin din ako, hanggang sa huli'y mauuwi kami sa paglalaro ng habulan.

Damn, I missed those times. I thought it wouldn't last, but it just did, it was crashed very hard that it will never happen again, ever. Hindi na sila babalik, hindi ko na sila mahahawakan, makikita, masisilayan, damn, ang sakit. Ganito pala kasakit. Noong mga panahong kasama ko sila'y hindi ko man lamang naisip na aabot ako sa ganito, ngayong nakaabot na ako sa ganito'y hindi ko na maisip na ginagawa ko ang mga iyon noon.

Sobrang layo, sobrang nakakalungkot na ang mga paborito mong ginagawa noon ay tanging ala-ala na lamang. Pwede mong gawin ulit ang mga ala-ala, kahit bago na, ngunit hindi sa akin, hindi sa sitwasyon ko dahil ang mga taong nasa aking memorya ay tuluyan nang nawala. Kinuha na sila sa akin, at ako na lamang ang natira, mag-isang hinaharap ang sakunang hindi matapos-tapos.

Matatapos pa nga ba ito?

"Beautiful,"

Hinayaan kong liparin ng hangin ang aking mahabang buhok, sinuklay ko iyon gamit ang aking mga kamay. Dati'y hindi iyon napapabayaan, ngunit simula nang magkasakuna ay ngayon ko na lamang ito muling naayos. Malakas ang hangin, masarap ang simoy nito, hindi nakakasawa at nakakalimot ng problema. Gayong hindi naman nakakalimutan ang lahat ay nakakakalma, dahilan upang mawaglit ang aking mga bigat na dala sa ilang saglit.

Napapikit ako at hinayaang haplusin ng hangin ang aking mukha, tumulo ang aking luha, pakiramdam ko'y nasa tabi ko ang aking pamilya, niyayakap ako, binibigyan ng kapayapaan. Tila ba nagpapahiwatig na kahit anuman ang mangyari ay huwag akong susuko, lalaban ako para makamit ang hustisyang nararapat sa kanila. We were not a perfect family, but the moments we had together was the best and God knows how I love them so much.

"Seventeen,"

Napamulat ako at napalingon bigla kay Lyreb na nakatingin sa may bintana. Pakiramdam ko'y namula ako, kanina pa siya nakatingin room? Ang hitsura niya kasi ay mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Hinawakan ko ang aking pisngi ng maalalang may narinig akong nagsalita kaninang maganda, nasisiguro kong siya iyon. He said beautiful, was he pertaining to the morning, to the woods, the pastures, or me?

"W-what?"

"Come, we're going to eat." Aniya at mabilis na umalis sa bintana. Narinig ko ang pagtunog ng mga utensils, naghahanda na siya para sa aming kakainin.

Muling kumalabog ng malakas ang aking puso, dapat ay hindi ako nakakaramdam ng ganito ngunit kusang naghuhuramentado ang puso ko kahit sa pinakasimpleng ginagawa niya. May it be an unknown malady or serenity.

Bumalik ako sa loob, hindi alintana ang paglipad ng hangin sa aking damit. Muntik ko nang makalimutan na wala pala akong shorts o cycling, kitang-kita ang panty ko kapag inililipad ito. Maybe, I should ask him to buy some again, or just borrow from him. Only if I have the courage to talk or ask something in front of him.

Nahinto siya sa pag-aayos ng mesa nang makita ako.

Nagulat ako ng kumuha siya ng upuan at saka marahan akong pinaupo doon. Wait, siya ba talaga iyong halimaw na nakilala ko?

"Don't let your dress be wiped by the wind, it's-" bigla siyang nahinto at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa akin, "It's kinda uncomfortable."

Nanlaki ang mga mata ko. Dapat ko ba talagang makita ito? Now, he's shy and uncomfortable. He's totally different from the beast I've known. Pinasadahan ko ng tingin ang lace ng dress, manipis ito at madaling ikalipad hangin, ako ngang hindi komportable, siya pa kayang lalaki at nakikita kung paano iyon ikalipad?

"I think I should buy more panties, right?"

Napalunok ako, oras na siguro para sabihin ko sa kaniya ang kailangan ko. Naupo siya sa aking harapan atsaka seryoso akong tinitigan, "Really, it's very uncomfortable. Your legs, damn," naiirita niyang saad, "Please remember that I'm a man, I have my words, but lady be careful,"

Hindi na nahinto pa ang aking paglunok hanggang sa wala na akong malunok pa.

"Be careful since you cannot do anything with my boner...damn it!"

Damn, what the heck?

Iyon lamang ang kaniyang sinabi ngunit tila kinuryente niyon ang katawan ko. Tuluyan akong nilamon ng sangkatutak na hiya at hindi na ako naging komportable pa. Pumikit pikit ako at pilit na inunawa ang kaniyang sinabi ngunit sadyang hindi iyon kinaya ng utak ko.

I should really must behave and be careful, he's so damn out of the world. How could he say those words vulgarly in front of the foods and in front of my face? Damn this beast! I was just silently smiling when one bang changed the morning, I didn't knew something worse was coming.