webnovel

Chapter 8

"Kailan pa?" tanong ni Achilles. Halos hindi ako makatingin sa mata niya. Nandito kami sa cafeteria at lahat ng tanong niya ay hindi ko masagot. Umalis naman na si Migo at yung Kio dahil may training pa sila, maging siya ay gulat na gulat din. Lumapit si Kae kay Achilles at pinakalma ito.

"Ikaw naman! Minsan lang dumating sa buhay natin ang mag kagusto eh. Hayaan mo na kung inlove ang kaibigan natin," saad ni kae.

"Oo nga pero hindi niyo pa rin sa'kin sinabi! Mukha bang hindi niyo ko kaibigan ha? Bakit sa kan'ya mo lang sinabi ha?" Tumingin pa siya sa'kin. Huminga ako ng malalim bago nag paliwanag.

"Baka kase malaman ni Doc Martin," pag sisimula ko. "Baka iwasan niya ako." Ibinaba ko ang tingin ko, nangangamba sa bawat mangyayari. 

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Tara na may klase pa tayo." Agad siyang tumayo at nag simulang mag lakad agad naman kaming sumunod. Pilit pa rin siyang sinusuyo ni Kae pero hindi na niya ito naabutan dahil napaka bilis nitong mag lakad.

"Bakit ba kase naisip mo yun?" kalmadong pag tatanong ko.

"Wala lang. Lately kase mukhang stress ka syempre kailangan mo non. Malay mo, gusto ka din ni Doc, diba?" Pinakalma ko ang sarili ko dahil kanina pa ako nangangamba, naiintindihan ko si Kae, siguro gusto niya lang akong sumaya.

Lumipas ang mga araw na hindi ako pinansin ni Achilles. Hindi na sila yung ganon ni Kae na biglang mag aasaran kapag nag kikita. Masakit saakin ang ginagawa niya at naiintindihan ko kung bakit siya ganon. 

"What are you doing Mom?" I saw she's packing some things.

"Well I'm going to Sister Emma ido-donate ko lang naman itong mga stuffs na hindi na natin nagagamit," she said without looking at me. Tinulungan ko siyang ilagay sa mga box ang mga gamit. May mga damit, teddy bear at kung ano ano pang mga don. "Gusto mo bang sumama?" Mabilis akong tumango sa alok niya wala naman kase akong gagawin.

I was wearing simple white t-shirt with jeans. I tied my hair in a messy bun. I really don't know why im excited right now. Nakakagaan lang sa kalooban ang araw na ito. I just hope there's no endless in this feeling.

Isang matandang babae ang bumungad sa amin nang mabuksan ang gate. Pinapasok niya kami at meron silang pinag uusapan na nanay ko na hindi ko maintindihan. Bumungad sa amin ang mga masasayang batang nag lalaro sa mini play ground dito sa orphanage. Ang iba naman ay abala sa pag babasa ng libro. Napangiti nalang ako at unti unting naramdaman nanaman ang kaunting inggit, sana malaya din ako katulad nila na pwedeng gawin ang lahat.

Nag simulang pumila ang mga bata, una naming binigyan sila ng pag kain. Nakatingin lang ako sa nanay ko na abala sa pag bibigay, napangiti nalang ako sa kan'ya.

Pinag masdan ko ang mga batang abala sa pag kain nila. Tinulungan ko ang mga taong nag bubuhat ng mga pinack namin at inilagay sa lamesa. Tig tatatlo kami ng box, bumungad sa akin ang mga lumang laruan namin ni Kuya Rail. Isa isa ko itong pinamigay sa mga bata at kitang kita ko sa kanilang mga mata ang saya. Sinunod kong binuksan ang isang box na may lamang damit para naman ito sa mga kabataan dahil sa kanila lang naman kakasya ang mga ito.

Na estatwa ako nang buksan ko ang pangatlong kahon. Nanginginig kong kinuha ang mga ito. Naalala ko pa noon na desperada akong makabili nito.

"Manong! Sige na bili na tayo! Please!" i said and pouted to my driver. Halos mangiyak ngiyak na ako dahil hindi pa ako nakakabili ng mga art materials na gagamitin ko ngayong college. 

"Mam Ruth kailangan na ho' nating umuwi pagagalitan po ako ni Sir." 

"Manong promise quiet lang! Please," pag mamakaawa ko pa. Napabuntong hininga siya bago tumango. Pumunta kami sa bgc at agad na dumako sa art bar. Namangha ako sa dami ng mga materyales dito. Agad akong bumili ng mga kailangan ko at pumunta sa counter. Nahagip ng mga mata ko ang paint palette keychain tinignan ko ang likod nito at naka ukit ang 'follow your dreams' isinama ko ito sa ibinili ko at dali daling nag bayad. Bumili ako ng milktea at burger sa malapit na fast food restaurant. Ibinigay ko ito sa driver ko at nag simula ng mag maneho pauwi.

Nasa kalagitnaan ako ng pag pipinta ng ipapasa ko na painting para sa U.P nang bigla akong tawagin ng nanay ko para kumain. Masaya kaming nag uusap nang biglang umiba ang ihip ng hangin.

He hold my hand and squeeze it.

"Are you ready to be a doctor like your kuya?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean Dad?"

" Well you know....med is good right?"

" Yes po."

" Good then prepare your requirements okay?" 

"Dad i want to take fine ar---" He cut me off.

"Excuse me I have a urgent meeting," he said and tapped my shoulder." Prepare your requirements, okay? Don't make this mess up." Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, ako mag dodoctor? 

"Maybe naiwan mo lang kung saan anak." Hindi ako mapatahan sa pag iyak. Kanina ko pa hinahanap ang mga gamit ko ni isa ay wala. Pati na rin ang mga paintings ko na mga ginawa. 

"Mom please call yaya na please kailangan ko yung mga yun para sa college. Kailangan ko yun sa requirements." Pag mamakaawa ko, halos lumuhod na ako sa kan'ya. Matagal kong ginawa ang lahat ng yun at ngayon makikita ko sa kwarto ko na nawala na sila? Ni isa wala?

Matapang niya akong tinignan na para bang hindi naaawa saakin. "You're not taking fine arts Ruth. Please obey your parents! You're not kid anymore. Walang saysay ang mga ginagawa mo!" mahina niyang sabi pero malakas sa pandinig ko na para bang sinigaw niya sa buong mundo na walang saysay ang lahat na ginawa ko. Halos madurog ang puso ko sa sinabi niya. Kung sainyo walang saysay sa akin meron, buhay ko ang inilayo niyo saakin.

"Ate.." Bumalik ako sa katinuan ng bigla akong tinawag ng isang batang babae. Naramdaman ko na tumutulo na ang mga luha ko. Tumingin ako sa paligid at nakita na palapit sa akin ang nanay ko. Agad akong umalis dahil ang sikip sikip ng pakiramdam ko. 

Sari saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Paano kaya nila nagagawang harapin matapos nilang kunin nila ang isang bagay na nakakapag pasaya sa akin? Buong buhay ko puro pag pipinta, pag guguhit lang ang nasa isip ko. Nakaplano na lahat ng gagawin ko pero bakit nila ipinag kait sa akin yun? 

Hirap na hirap akong makahinga at hindi ko na alam kung sinong mga tao ang nabubungo ko. I feel like im nowhere, hindi ko na alam kung nasaan ako. Napatigil ako sa isang playground at umupo sa isang swing. Doon kumawala ang mga luha ko at nag simulang humikbi ng malakas. Sawang sawa na ako sa buhay ko, halos limang taon akong nag tiis, limang taon kong pinilit na kalimutan ang gusto ko, limang taon kong pilit na tinatanggap ang ginagawa ko ngayon. 

Naramdaman ko na may tao sa harapan ko. Nagulat ako ng makita siya, anong ginagawa niya dito?

"M-migo?"

"Ohh." Iniabot niya sa akin ang panyo pero hindi ko ito tinanggap. Umupo siya sa harapan ko, nagulat nalang ako ng bigla niyang punasan ang mga luha sa aking mga mata na nag babalak kumawala. 

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagod ang likod ko. "Sssshh....tahan na."