webnovel

Chapter 23

"Miss tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Puro ganiyang salita ang naririnig ko sa tuwing may nakakabangga ako. Pakiramdam ko babagsak ako, parang gusto kong mawala, tama! Dapat lang mawala ako dahil sino ba naman ako diba? Pagod na pagod na ako sa buhay ko, buong akala ko hindi ko na mararamdaman 'to pero ngayon nakikita ko nanaman ang sarili kong umiiyak, humihikbi at nakakaramdam ng bigat sa dibdib.

Mag didilim na at hindi parin tumitigil ang paa ko sa pag lalakad kasabay pa non ang mga luhang kumakawala sa mata ko. Nakita ko nalang ang sarili kong nakatingin sa dagat. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito pero nararamdaman ko na payapa ako dito. Bumagsak ako sa puting buhangin at umiyak, umiyak lang ako ng umiyak. Bakit kailangan kong maramdaman ang lahat ng 'to?

Tumingala ako at nakita ang pag lubog ng araw. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung galit, inis lungkot dahil lahat ng iyon ay nag hahalo dito sa puso ko. Narinig ko ang pag ring ng cellphone ko kaya naman huminga ako ng malalim bago sagutin 'yon, para naman may huli akong makausap bago ako mamatay.

[Hello? Asaan ka? Avery? Nasaan ka? Sabihin mo sa'kin kung nasaan ka! Nag aalala na ako! Nasaan ka ave--.] Pinatay ko ang tawag, hindi ko inaasahan na siya ang huling tatawag sa'kin! Siya na ang puno't dulo ng lahat ng ito! Pinatay ko nalang ang cellphone ko para matiyak na hindi niya na ako matatawagan.

Palakas ng palakas ang alon kaya, parang may nag tutulak sa'kin na pumunta sa gitna nito. Parang mas tahimik at payapa dun. Hinubad ko ang suot kong coat at tumayo, nag simula akong mag lakad papuntang dagat. Umiyak lang ako ng umiyak habang lumalakad. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ako mamamatay. Tumigil ako sa lamig ng hampas ng alon sa aking paa. Tumingin muli ako sa araw na ngayon ay tuluyan ng lumubog at napalitan ng buwang kasama ang mga bituing nag niningning, parang pangarap ko nalang maging bituin ngayon. Nag simula ulit akong mag lakad at tiniis ang lamig ng tubig. Umiiyak lang ako ng umiiyak, ang luha ko ay makakadagdag sa tubig ng dagat.

Nasa pang ibabang labi ko na ang lebel ng tubig kaya naman humakbang pa ako. Tuluyan na akong nilamon ng malamig na tubig, parang may humihigit sa'kin paibaba. Wala akong makita kundi liwanag ng buwan. Nawawalan ako ng hininga, nanlalabo ang mata ko. Eto na ba yun? Mamatay na ba ako? Bumalik ako sa katinuan, hindi pwede! Hindi pa ako pwedeng mamatay. Kailangan ko pang gawin ang pangarap ko. Pinilit kong lumangoy papuntang ibabaw pero parang hinihigit ako. Naramdaman ko na tuluyan na akong nawalan ng hininga. Dahan dahan kong sinarado ang mga mata ko, inaantok ako.

Bumalik ang hininga ko, habol habol ko ito habang tumitingin sa paligid. Buhay ako? Buhay ako! pinag masdan ko pa ang katawan ko at nakita kong gaano ako kabasa. Tumingin ako sa taong nasa harapan ko. Parehas kaming umuubo, hindi parin ako makapaniwalang buhay ako! Nalaglag ang panga ko nang humarap siya. Anong ginagawa niya dito? Siya ba yung...

"Alam mo ba kung gaano kaalala yung mga tao sa'yo?! Alam mo ba kung gaano ako nag alala sa'yo? Alam mo ba kung sino sinong tao ang inistorbo ko? Alam mo ba kung saan saan kita hinanap ha?! Paano kung namatay ka dun? Sinong mag liligt--." Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang niyakap ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon pero napaka gaan sa kaloob looban ko ito. Nag init ang pisnge ko at nag simulang humikbi.

"I-im s-sorry."

"Avery..."

"I-im sorry for being failure, i-m s----," he cut me off.

"Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Wala kang ginawang masama Avery, okay?" Kumawala siya sa yakap ko at pinag masdan ang buong mukha ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya. "Tahan na, uuwi ka na." Umiling ako sa kan'ya bilang pag sang ayon. "Avery, mag kakasakit ka nanaman. Malamig ang simoy ng hangin kaya kailangan mo ng umuwi." Lumingon pa siya sa paligid at hinablot ang itim niyang jacket na pinahiram niya sa'kin dati. Marahan niya itong iniyakap sa'kin at pagkatapos ay tinulungan niya akong tumayo, tumalikod siya para kunin ang mga gamit ko.

Nag simula siyang mag lakad pauna pero hindi kumibo ang paa ko. Napansin niya ata na hindi ako kumikibo kaya naman bumalik muli siya sa'kin.

"Avery kailangan m--." Hindi niya na natapos nang mag salita ako.

"Magulo dun Yvo. Ayoko dun," mahina kong sabi. "Y-yvo, i-i think im s-sick," my voice broked. He stunned when he saw me crying. "I don't want to do anything, im just tired all the time, i just want to sleep." I bit my lower lip when my heart ached inside. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko, ramdam ko ang init niya. His warmth makes my heart safe and secured but still there's pain.

"I'm broken, i feel like something stuck in my heart. It feels uncomfortable to me and makes me sad, it gives me pain. What should i do? Im hoping that it will go soon. Anong gagawin ko Yvo?" Nakatingin lang ako sa kaniya na may dinadalang sakit sa mga mata. Hinigit niya ako papunta sa bisig niya at niyakap ako ng mahigpit. Umiyak lang ako ng umiyak, sasabog na ako.

"Umiyak ka lang, iyak ka lang sa'kin. Kaya mo 'to, kakayanin nating dalawa 'to. Im always here, okay?" sabi niya. May kung anong tuwa sa puso ko. Masaya ako kase nandyan siya para iligtas ako sa gan'tong pangyayari. Hindi ko inaasahan na nandito siya lagi sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng taong masasandalan. Lahat ng inis at galit ko sa kan'ya ay unti unting nawala ng init na dulot ng kan'yang yakap.

"Sa amin ka na muna." Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-ano?!"

"Sa amin ka na muna," pang uulit niya.

"Ano?!"

Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya. Tumigil siya sa pag lalakad at tumingin sa'kin. " Sa amin ka na mu--." Hindi niya na natapos nang mag salita ako.

"Oo nga sa inyo nga ako pero bakit sa inyo pa?!"

"Aba! Choosy ka pa? Saan ka? Sa kalsada? Akala ko ba ayaw mo sainyo!" singhal niya. Pinag krus ko ang braso ko at ngumuso sa kan'ya, nakakahiya! Bakit ba kase dun pa. "Ang arte mo naman madam! Sumunod ka na sa'kin dahil nagugutom na ako. Text mo si mama mo na sa ibang bahay ka matutulog, paniguradong nag aalala din sila sa'yo."

Wala akong magawa kundi ang gawin ang sinabi niya. Sumakay kami sa taxi at dinako kung saan sila nakatira. Pumasok kami sa isang subdivision kaya naman hindi ko napigilan ang tumingin sa labas. Maganda ang mga bahay na nakatayo dito, may kaniya kanya itong disenyo. Tumigil kami sa isang malaking bahay. May malaking hedge sa harap ng bahay nila. Nang makababa ako ay magalang niya akong pinag buksan ng gate. Nakita ko na may mini fountain sa harap ng bahay nila, naka porma sa round ang puno nila sa gilid ng kanilang bahay. Gray ang kulay ng kanilang bahay kasama nito ang babasaging salamin kaya naman madaling makita kung sinong mga nasa loob. Bukas lahat ng ilaw sa sala pero sa itaas ay hindi, nakaramdaman ulit ako ng hiya!

"Huwag kang mag alala wala si Mama at Papa dito."

"Magagalit ba sila?" Nangunot ang noo siya sa tinanong ko. "Kapag nalaman nilang nag dala ka ng babae dito?"

Umiling siya at mahinang tumawa, sumunod ulit ako sa kan'ya nang tumalikod siya at nag lakad.

"Yuri! Meli! Nandito na si kuya!" sigaw niya. Narinig ko naman ang yabag nila papunta dito.

"Kuya pwede bang patu--." Nanlaki ang mata ni Yuri nang makita niya ako pero kabaliktaran pag dating kay Melissa.

"Kaibigan siya ni kuya at dito siya matutulog, okay lang sa'yo Yuri?"

"Huh?"

"Tumango ka nalang bata ka, akin na math mo. Diyan ka magaling eh 'no!" Wala sa sariling tumakbo yung Yuri para kunin ang notebook niya. Kinarga naman ni Yvo si Melissa. "Kumain ka na? Gusto mo bang mag luto si kuya?" Agad na tumango si Melissa at tumingin sa'kin.

"Why she's here kuya?"

"Ah kase..."

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang sumulpot si Yuri. "Kuya ito! Science na din kuya pwede?"

"Doktora yang nasa harapan mo, dyan ka mag paturo! Mag luluto lang ako. Oh si Melissa!" Binigay niya kay Yuri si Melissa at diretshong lumakad sa'kin. "Turuan mo muna kapatid ko," nakangiti niyang saad. Inirapan ko lang siya at tumango, tumingin siya kay Yuri na nakatingin sa aming dalawa. "Hindi naman 'to nangangain ng bata Yuri! Mukha lang pero hindi!" Sinamaan ko siya ng tingin at pasimpleng kinurot, bwiset talaga siya! Tumawa naman siya at mahina akong tinulak papuntang sala.

"Upo ka muna ate," si Yuri.

"Ruth..ruth name ko."

"Ahh pero bakit Avery yung tawag sa'yo ni kuya?" kuryosong tanong niya. Nag kibit-balikat lang ako sa kan'ya. Hiyang hiya niyang ipinakita sa'kin ang libro at science notebook niya. Nag simula akong mag turo sa kan'ya ng mga part's ng respiratory system. Manghang mangha naman siya sa mga sinabi ko. Tinawag muna siya ni Yvo para tulungan itong mag asikaso ng mesa. Naiwan kami ni Melissa, hindi ko masabayan ang titig niya.

"Im jealous, you have a lot of pictures," her cutely voice said.

"H-huh?"

"Nakita ko po na may picture ka sa cellphone ni Kuya Migo. Crush ka po ba niya?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, bata pa siya para itanong ang mga bagay na yan!

"H-huh?"

"Crush niyo po ba siya?"