webnovel

Chapter 16

[Dahil gusto kitang makita.] Nanahimik ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala. Nag simulang uminit ang pisnge ko, kapag sa kan'ya talaga iba ang dating ng mga banat niya. Bakit ba siya nagiging maharot!

Narinig ko ang mahinang pag tawa niya sa kabilang linya. [Gagamitin ko yan mamayang gabi kaya hindi pwede bukas.]

"I'll give it later."

[Sige text mo ko kapag wala ka ng ginagawa, akong pupunta sa inyo.]

"Okay," yun lang ang tangi kong sinabi at pinatay na ang tawag. Tumingin ulit ako sa salamin at nakita kung gaano kapula ang pisngi ko. "Ano bang nangyayari sa'kin?" i whispered.

Binalewala ko nalang ang nangyari at nag ayus ulit ng kwarto. Napagod ako kaya naman napag disisyunan kong bumaba para uminom ng tubig at mag pahinga. Ako lang ang tao dito sa bahay, ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa nanaman. Lumabas ako at pumunta sa likod ng bahay. Umupo ako sa maliit na upuan na yari sa kahoy at pinag masdan ang mga malalagong tanim dito.

I feel peace here.

 Lumipas pa ang mga oras, nang matapos ko ang ginagawa ko ay agad akong nag text kay Yvo para pumunta siya dito. Napakunot ang noo ko dahil wala pang 10 minuto ay nandito na agad siya. Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Simple lang ang suot ko, pang bahay lang. Nakasuot ako ng white long sleeve shirt and black loose fit pants sinuot ko din ang bagong specs ko at hinayaang nakalugay ang buhok ko. Kinuha ko na ang paper bag na nag lalaman ng jacket ni Yvo at lumabas na.

Naging Yvo na ang nakasanayan kong itawag sa kan'ya dahil lagi niyang sinasabi na yun ang itawag ko sa kan'ya at tama siya ang common na ng Migo. 

Umalis na ako ng bahay at tinahak ang daan papunta sa labas ng subdivision. Nakita ko si Yvo na pormadong pormado, nakikipag kulitan pa siya sa mga bata, siguro yun yung mga anak nung guwardiya. Tumigil siya sa pakikipag kulitan at tumakbo papunta sa'kin. Nawala ang ngiti niya nang dumako ang mga mata niya sa mata ko. Nakatitig lang siya sa'kin kaya naman umiwas ako ng tingin. 

"Mabuti nagustuhan mo." Kumunot ang noo at tumingin ulit sa kan'ya. Anong nagustuhan?

"Huh?"

"Wala! Ang ganda ng salamin mo."

"Ah eto?" Kinuha ko ang salamin ko at pinag masdan mabuti ito. "Bigay siguro toh ng Kuya ko. Ang ganda diba?" Itinapat ko pa sa kan'ya ang salamin. Lumawak pa ang ngiti niya at tumango tango. "Oh eto yung jacket mo." Inabot ko sa kan'ya ito. Mag papaalam na sana ako nang bigla niya akong alokin.

"Tara kain." Hinigit niya ako at pinasakay sa taxi. Nag simula nanaman siyang mang asar sa'kin kaya naman hindi maawat ang malakas na tawa niya. 

"Hay naku Avery ang cute cute mo talaga!papisi nga ng pisngi." Hahawakan niya sana ang pisnge ko nang bigla ko itong hampasin.

"Nakakainis ka noh?" Inirapan ko siya at mahinang hinampas. "Anong oras nga ulit yung program ng Kuya mo?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya, nanahimik siya sa tinanong ko.

"Akala ko ba may pupuntahan kayo ng mga kaibigan mo? Diba sabi ni Kae may pupuntahan kayong hospital?"

"Saglit lang yun. Anong oras ba?"

"Pupunta ka ba?"

"Kung para kay Doc Martin? Oo naman!" masigla kong sabi.

Nakatitig lang siya sa'kin, nag iba ata ang mood niya. "Bakit?" tanong ko.

"Bakit ka pupunta?"

"Andun si Doc Martin syempre pupunta ako! Para maging close na close na talaga kami."

"Anlapit niyo na nga sa isa't isa eh. Baka mamaya niyan kung anong kasunod na n'yan."

"Eh kung sabihin ko na kaya kay Doc Martin na gusto ko siya? Tutal sabi ni Kae kailangan ko daw umamin lalo na kung matagal na tong nararamdaman. Hindi naman masamang umamin diba? Kaya tulungan mo ko! Please" nakangiti kong saad. Tumingin ako sa kan'ya at nakita kong nakaawang ang labi niya, gulat na gulat. "Hoy Miguel!"

"Huh? Bakit? Huwag na!"

"Bakit huwag na?" Nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit hindi siya sang-ayon sa gusto ko? Hindi siya sumagot kaya naman kinulit ko siya ulit para matulungan niya ako. "Sige na Yvo! Please!"

"Avery hindi sa ayaw kase..."

"Kase?" Hindi ulit siya sumagot sa tanong ko! I cutely pouted at him.

"Please Yvo."

"Okay... okay. Tutulungan na kita!" Hindi ako nag alinlangang yakapin siya. Nag paulit ulit pa akong nag pasalamat hanggang sa huminto ang sasakyan.

Nandito kami sa A.venue Mercato dito sa Makati. Maraming tao at maraming pagkaing makakain. Agad ko siyang hinila para bumili ng makakain tutal libre niya naman! Kumuha ako ng isaw, beta max at barbecue habang siya naman ay siomai at barbecue lang ang kinuha. Kumuha din kami ng coke na maiinom at dalawang platong may kanin. Humanap agad kami ng mauupuan dahil nag sisimula ng mag dagsa ang mga tao. Ibinigay namin ito doon sa tindero para maihaw ito. Pinag masdan ko lang ang paligid , apangiti nalang ako sa pag lubog ng araw kasabay pa nito ang pag dami ng mga tao. Narinig ko ang sunod sunod na pag tunog ng isang camera kaya gulat akong tumingin sa harapan at nakitang cellphone ni Yvo ang tumunog. Pinaningkitan ko siya namg mata at pilit na inaabot ang cellphone niya. Iwinagay-way pa niya ang cellphone niya na may picture kong naka buka ang bibig dahil sa gulat.

"Ang ganda mo naman dito ah! Huwag na kaseng burahin," saad niya habang nag s-swipe sa cellphone niya. Ipinakita niya ulit sa'kin ang picture ko. Nakita ko ang nakangiti kong mukha doon.

"Akin na kase. Alam mo ba bawal yang ginagawa mo ha! Nangunguha ka ng litrato ng walang paalam." Tumawa nanaman siya ng malakas sa sinabi ko. "Akin na kase...burahin mo na!"

"Ayoko." Itinigil ko ang pag hahablot sa cellphone niya at pinag krus ang aking nga braso. Tumingin lang ako sa paligid at hindi siya pinansin. "Ang ganda mo," he casually said. I looked at him and saw how his lips formed into smile, a genuine smile. My heart started to beat faster. What's happening to me again?

"Lalo na kapag nakangiti," dagdag niya pa. Nawala ang kunot sa noo ko. Ano bang trip niya? Bakit niya akong pinupuri? " Ikaw na mag bayad ng binili natin wala na akong pera eh! Sige na maganda ka naman." Nawala ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Nirolyohan ko siya ng tingin, matapos niya akong purihin ganon ang sasabihin niya? Tumawa siya ng malakas nang makita ang reaksyon ko. "De joke lang....wait lang kukunin ko yung order natin." Nang makuha niya na ang inorder namin ay tahimik lang kami kumain, may pag kakataon din binabasag niya ang katahimikan at nag ku-kwento siya ng mga bagay na nangyari sa buhay niya. Gabi na ng umuwi kami. Nag prisinta akong umuwi nalang mag isa dahil meron siyang lakad ngayon.

"Ayoko! Ako ng mag hahatid saiyo pauwi, okay?"

"Huwag na kase ang kulit! Mahuhuli ka sa pupuntahan mo."

"Ayoko nga kase Avery. Tara na!" Inirapan ko nalang siya at sumunod sa kan'ya, napaka kulit! Nasa gilid kami ng daan at nagulat ako nang bigla niya akong higitin para mapunta sa pinaka gilid ng daan. 

"Baka masagasaan ka," pag papaliwanag niya. Ang bilis niyang mag lakad kaya naman nahuhuli ako sa kan'ya. Saglit siyang tumigil at hinintay ako. Nagulat ulit ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at inilagay ito sa loob ng jacket. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya sa'kin ngayon. Ano ba kaseng nangyayare sa kaniya? Noong nakaraang araw ay hindi na sumosobra ang pang aasar niya sa'kin kaya naman nakakapanibago. Inalis ko nalang sa isip ko ang mga inaaktong kilos niya, siguro ganito lang talaga siya sa mga kaibigan niya.

Hinatid niya ako sa gate ng subdivision at hindi parin siya nakuntento kaya pumasok na siya dito.

"Thank you sa oras," sabi ko. Ngumiti lang siya at inayos ulit ang salamin ko. 

"Masaya ako dahil nagustuhan mo tong binigay kong salamin sa'yo." Nagulat ako sa sinabi niya, so siya? Siya yung nag bigay?

"Sa'yo galing?"

Napakamot siya sa ulo niya at tumango."Oo sa'kin. Yan yung binigay ko sa'yo. Mabuti nalang nagustuhan mo."

Ngumiti ako sa kan'ya bago mag salita. "Thank you." Natulala siya sa'kin at pinag masdan ang mukha ko, bakit ba ganito ang inaakto niya lagi? " May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganiyan ka makatin---." He cut me off.

"Gumaganda ka lalo Avery kapag nakangiti ka."

"Huh?"

"Ano ba kaseng ginawa mo sa'kin?" Marahan niyang tinapik tapik ang noo niya. Napabuntong hininga muna siya bago tumingin sa'kin. "Ginugulo mo ko."