webnovel

Bisexual Couple

"Bisexual Couple"

Genre: General Fiction

Written by: AsteriaLuns (watty and fb page)

"happy 9 months, labs" sabi ni Lianne sakin. "happy 9 months din satin labs, i love you" sabi ko sakaniya sabay kiss sa lips niya. Mahal na mahal ko talaga tong babaeng toh kahit kailan di niya ko iniwan.

Ako si Ayesha, oo babae kaming dalawa ng kasintahan ko. Walang makakapigil sa pagmamahalan naming dalawa. Kahit sino pang mag tangkang sumira sa relasyon namin hinding hindi mangyayare yun matatag kaming dalawa. Mahal kasi namin ang isat isa. Hindi porke babae kaming dalawa ay ayun na ang tamang desisyon na maghiwalay kami ang totoo ay hindi. Hindi naman kasi kasarian ang tinutukoy sa pagmamahalan namin eh. Bakit hindi maintindihan ng karamihan iyon? Mahal namin ang isat isa period!

*Next day*

'uy naglalakad ang mag jowang walang kwenta sa lipunan'

'jusq naman nakakadiri sila'

"chillax, Lian hayaan mo na sila" bulong ko sakaniya habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng milo con yelo. napatingin saamin ang tindera.

"nako naman, umalis nga kayo dito nandidiri ako sainyo baka malugi ang paninda ko" sabi ng tindera. nag init ang ulo ko bigla.

"tsk sana nga malasin ka. Tao lang kami masyadong judgement tsk" sabi ko kaya naglakad na kami papalayo ruon.

"ayan ka na naman Aye, bibig mo naman nakakatanda satin yun" saway ni Lia sakin. napagpasyahan naming umuwi na lang sa nirerentahan naming bahay na maliit lang para samin.

"masyado na sila sa panghuhusga Lia!" sabi ko, padabog akong umupo sa sofa namin.

"oo masyado na pero hayaan mo na lang napag usapan na natin to gusto mo bang wag na naman kitang pansinin buong araw huh?" sabi niya sakin kaya nag pout kaagad ako.

"hindi, oo napag usapan na natin pero nakakainis na kasi sila labs hindi ba nila alam ang meaning ng "love"? hayst fine hindi na nga labs" sabi ko sakaniya.

"mahal kita kaya naiintindihan kita alam ko nararamdaman mo kasi para satin yun." sabi ni Lianne sakin. tumango ako sakaniya.

*another day*

*knock the door twice*

'Lianne?' 'Lianne? Ayesha!?'

nagising ako sa kumakatok ng pinto namin. sino naman ang bisita. agad akong tumayo at naghilamos ng mukha at pumunta sa may pintuan at binuksan ito bumungad ang mukha ng nanay ni Lia.

"ah-eh, hello po tita. Si Lia--" sabi ko

"wala akong pake sayo hinahanap ko ang anak ko asan na ba siya?" tanong nito. nagulat ako sa sinabi sakin ng mama niya. Agad na sumulpot si Lia sa likodan ko at nagulat sa nakita kung sino ang nasa harapan ko.

"ma? anong ginagawa mo dito?" tanong Lia sa mama niya.

"kukunin na kita, hindi maganda to Lianne!" sabi ng mama niya.

"bakit po tita?" i ask her mom

"wala kang pake dito okay Ayesha?!"

"sorry po hindi na po" ansakit sa feeling na wala lang pala ako sa family niya hindi niya kami tanggap, hindi tanggap ng buong mundo ang relasyon namin.

"ma! ansama mo naman kay Aye" sita ni Lia.

"Lia! mama mo yan" sabi ko parang ako ang may kasalanan kung bat nasagot siya ng anak niya hayst.

"tara na umuei na tayo! kailangang mag hiwalay kayo ng babaeng yan! nararapat sainyo lalaki hindi kapwa babae! nakakadiri kayo anak! babae ka wag feeling lalaki!" sabay hila sa kamay ng anak niya.

"ayoko! ayoko sumama sainyo!" Lia

"hindi dapat kang sumama samin! Ranz! Paul! kaladkarin niyo na nga to pauwiin niyo na. dalin niyo na kapatid niyo. At ikaw Ayesha! wag na wag ka ng lalapit pa sa anak ko! maliwanag ba? ayokong dumidikit ka sa pamilya ko! nakakadiri kayo! jusq ang babata niyo pa" sabi ng mama niya kaya di ko mapigilan na hindi lumuha. at umalis na sina Lia kasama ang dalawang kuya niya at mama niya. pabitaw bitaw si Lianne. sigaw ng sigaw. naaawa ako sakaniya. naiinis din. bakit kailangan mangyare to sakin?

Wala na akong pamilya dahil tinaboy na nila ako kaya wala na kong pwede pang maasahan sa hinanakit kong ito. wala din ako gaanong totoong kaibigan dahil ang pa plastik nila sakin. lagi nila kaming sinisiraan sa ibang tao. kaya ang tingin samin ay walang dulot sa lipunan dahil bisexual kami part ng lgbtq. iyak lang ako ng iyak wholeday hindi ako kumain inom lang tubig. hindi ko alam ang gagawin ko. gusto kong bumalik ang taong mahal ko pero hindi ko magawa ang sakit! bakit hindi na lang ako isang lalak! punyeta naman oh!

"ma! bakit? bakit hindi na lang ako naging lalaki?!" iyak na sabi ko habang naliligo.

"hindi ko alam ang gagawin ko. wala akong masasandalan! bakit niyo ko iniwan! tang*na naman! bakit?!" sigaw ko sa banyo.

LIANNE POV

pasimple akong sumisilip sa may bintana. tinitignan kung may bantay duon at sa may pintuan ko. Nang makitang wala namang nakabantay ay agad kong kinuha ang pinagtataling kumot para makalusot ako. nakababa na ako at tumakbo sa may sakayan. gabi na kaya wala masyadong dumadaan na sasakyan dito. pero may nasakyan ako ng makarating ako sa bahay ay kumatok ako three times pero wala man lang ako naririnig pero naalala ko nasaakin pala ang duplicate key nito. kaya nabuksa ko ng makita ngang walang tao dito sa baba ay umakyat ako para sumilip sa kwarto namin nakita ko si Ayesha!

"ayeshaaaa!!! bakit?! hindi mo ko hinintay!! labss!! ayesha!! huhuhu" biglang humagulgol ako ng makita ko si Aye na nakalambitin. madaming dugo na nakakalat sa sahig. halatang malalim ang pagkalaslas nito. napaupo ako sa sahig at humagulgol.

may nakita akong isang pirasong papel. nakasulat pangalan ko.

'Dear labs Lia.

mahal kita at miss na kita kahit wholeday lang ang namagitan satin na wala sa tabi. sana maging maayos ka na hindi ko na kaya ang pinagsasabi ng mga tao saatin at sakin lalo na ang mama mo. ang sakit sakit na patago akong umiiyak halos araw araw ko ginagawa yun. hindi ko sinasabi sayo pero ngayon alam mo na. Mahal na mahal kita. salamat sa lahat at sorry ako lang to hindi lalaki na nararapat sayo mahal paalam na sana'y magkita tayo sa next life natin aasahan ko na sana isa saatin ay lalaki na at walang ng magju judge satin.

from your labs Aye'

iyak ako ng iyak habang binabasa ang nakasulat. Pinagtatali ko ang mga kumot na nakita ko at ginawang pang lambitin.

'salamat sainyo, at pasensya na sa mundong ito. dahil ito lang kami.' -huling sulat ko sa pader namin.