~Umaga~
"Sigurado ka bang kaya natin 'to, Dal?"
"Kaya natin yan! Magka kasama naman tayo, e."
"Walang iwanan?"
"Walang iwanan. Kaya… maghanap na tayo ng Boogeyman!"
"Akala ko ba Trolls hahanapin natin?"
"Trolls? Sabi sakin ni Kim mga Tokoloshe raw hahanapin natin."
"Bahala na kung ano makita natin! Ang mahalaga ay mapatunayan natin sa ibang mga salamangkero't mangkukulam na malalakas tayo!"
"Kailangan ba talaga nating patunayan ang ating mga sarili?"
"Oo nga. Hindi naman natin kailangang patunayan ang ating mga sarili sa iba. Basta ang mahalaga ay tanggap natin ang bawat isa."
"Tama si Sephie. Kaya bumalik na tayo sa Thaumaturgy Town bago pa may mangyaring masama."
"Tanggap naman natin ang isa't isa diba? Bumalik na tayo. Wala naman tayong kailangang patunayan pa sa isa't isa."
"Patawarin ninyo ako Lina pero… sang ayon ako kay Jackie."
"Pati ba naman ikaw Aya?"
"Hindi porket kilala kayo sa eskwelahan natin ay hahayaan niyo na lang kami na maliitin ng iba!"
"Dal…"
"K-kailangan na nating umalis…"
"Dal, sumama na kayo samin!"
"At bakit naman kami sasama sainyo?!"
"Lich! Sa likuran ninyo!"
"Ugh! Dal! Tulong! Lina! Zara!"
"Kailangan natin siyang tulungan!"
"Patawad…"
"Dal!"
"Anda! Bea! Jackie! Tulungan natin siya!"
"Pero ung Lich!"
"Tulong!"
"Aaahh!"
Sigaw ni Yvonne nang magising na ito mula sakaniyang panaginip. Kaagad na napaupo ang dalaga sakaniyang kama habang pinagpapawisan ito at hinahabol ang kaniyang hininga.
"Nanaman?"
Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili sabay hawak na nito sakaniyang noo habang nakatingin sakaniyang kumot at hinahabol pa rin ang kaniyang hininga.
"Oh. Gising ka na pala, Yvonne."
Sabi ni Paolo kay Yvonne habang naglalakad na ito sa bintana ng kwarto ng dalaga. Mabilis na tinignan ng dalaga ang dwende sa bintana at saka nginitian ito.
���Morning kuya Pao."
Bati ni Yvonne kay Paolo habang nakangiti ito sa dwende. Nang makatalon na ang dwende sa kama ng dalaga ay sumulpot naman si Justin sa bintana ng dalaga habang nakangiti at saka kinukusot ang kaniyang mata.
"Morning kuya Jah."
Bati ni Yvonne kay Justin habang natatawa ito ng bahagya at nakatingin sa nakababatang dwende. Biglang nag stretch ang nakababatang dwende at saka tumakbo na patungo sa kama ng dalaga at saka tumayo na sa tabi ni Paolo.
"Goodmorning, Yvonne~"
Masayang bati pabalik ni Justin kay Yvonne habang nakangiti ito sa dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga at saka napabuntong hininga na lamang. Agad na tinignan ng nakababatang dwende ang dalaga nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha at saka hinawakan ang binti nito.
"Okay ka lang, Yvonne?"
Nag-aalalang tanong ni Justin kay Yvonne habang nakatingin at nakahawak pa rin ito sa binti ng dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng nakababatang dwende.
"Gusto mo bang pakinggan ung kantang 'Euphoria' ni Jungkook ng BTS?"
Tanong ni Justin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Ngumiti ang dalaga at saka tumango sa nakababatang dwende.
"Matagal ko na ring hindi napa pakinggan un, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang nakangiti pa rin ito sa nakababatang dwende. Ngumiti lamang ang nakababatang dwende at saka tumakbo na patungo sa phone ng dalaga upang patugtugin ang kantang iyon.
"Napanaginipan mo nanaman ba ulit un?"
Nag-aalalang tanong ni Paolo kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa kamay ng dalaga. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dwende habang nakatingin na rito.
"Pangalawa na yan diba?"
Nag-aalalang tanong muli ni Paolo kay Yvonne sabay hawak na nito sa kamay ng dalaga. Umiling ang dalaga bilang tugon sa tanong sakaniya ng dwende.
"Hindi ko na mabilang, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Paolo habang nakatingin pa rin ito sa dwende gamit ang kaniyang nanlalatang asul na mga mata. Nagdikit ang kilay ng dwende nang marinig ang sagot ng dalaga.
"Kelan pa nag-umpisa yan?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Paolo kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at hawak pa rin ang kamay nito.
"Nung bata pa lang ako, kaso hindi ko sinabi sainyo para hindi na kayo mag-alala pa sakin."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Paolo sabay iwas na nito ng tingin sa dwende. Ilang saglit pa ay tumugtog na ang kantang 'Euphoria' na kinanta ni Jungkook ng BTS at saka tumakbo na pabalik si Justin sa kama ng dalaga.
"Okay na ba?"
Tanong ni Justin kay Yvonne habang nakangiti ito sa dalaga at nakatayo na sa tabi ni Paolo. Mabilis na nilingon at saka tinignan ng dalaga ang nakababatang dwende at saka tumango ito habang nakangiti bilang tugon sa tanong sakaniya ng nakababatang dwende.
"Pero sigurado ka na ba sa paglayas mo bukas ng gabi, Yvonne?"
Tanong ni Justin kay Yvonne habang malungkot na nitong tinitignan ang dalaga. Mabagal na tumango ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng nakababatang dwende nang walang bakas ng tuwa sakaniyang mukha.
"Bakit? Bakit kailangan mo pang lumayas? Bakit kailangan mo pa kaming iwanan dito?"
Sunod-sunod na tanong ni Justin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at nag-umpisa nang umiyak sa harapan nito. Naramdaman ng dalaga na sumikip ang kaniyang dibdib nang makita ang nakababatang dwende na umiiyak sakaniyang harapan. Inalis na ni Paolo ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng dalaga at saka hinimas na ang likuran ng nakababatang dwende upang pagaanin ang loob nito.
"Sorry kuya Jah… kuya Pao. Babawi ako sainyo sa future. Promise yan."
Sabi ni Yvonne kila Justin at Paolo habang nakatingin na ito sa dalawang dwende at nangingilid na ang kaniyang luha sakaniyang mga mata.
"Wala kang dapat ihingi samin ng tawad Yvonne. Ang pamilya mo dapat ang humingi ng tawad sayo.��
Sabi ni Paolo kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran ni Justin na patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Ngumiti lamang ang dalaga sa dwende at saka nagkibit balikat.
"Kahit may magsabi pa niyan sakanila… sigurado ako na babalewalain lang nila un o kaya naman pag nag-init ang ulo nila ay pagbuntunan nila ang ng galit."
Tugon ni Yvonne sa sinabi sakaniya ni Paolo habang nakangiti pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang ang dwende habang malungkot nang tinitignan ang dalaga at saka itinigil na ang paghimas sa likuran ni Justin.
"Bakit ba ganto ang na puntahan mong pamilya, Yvonne?"
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.
"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!