webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
205 Chs

Hongganda's Mansion 11

~Umaga~

"Feri Lawslow!"

Sambit ni Jasben habang matinik itong nakatingin kay Ceejay at mayroong biglang lumitaw na baston na mayroong patalim sa magkabilang dulo nito at nag-aapoy iyon. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang makita ang hawak na nito ang sandatang pinalitaw kanina.

"R-Ratwe Nakata!"

Sambit naman ni Ceejay habang nakatingin na kay Jasben at mayroong manipis na espada na gawa sa tubig ang biglang lumitaw sa harapan ng dalaga at mabilis niya itong hinawakan upang depensahan ang kaniyang sarili sa atake ng kaniyang kaibigan gamit ang baston na mayroong nag-aapoy na patalim sa magkabilang dulo nito.

"Cie Karmach!"

Sambit ni Angela habang nakatingin na kay Hendric at biglang mayroong lumitaw na dalawang pabilog na patalim na gawa sa yelo, hinawakan na iyon gamit ang kaniyang dalawang kamay at saka pumwesto na ito na tila ba parang handa na itong atakihin ang binata.

"Ano gagawin mo?"

Tanong ni Anna kay Liyan na nakatayo sakaniyang tabi habang nakatingin ito sa apat nilang kaibigan na nag-eensayo sa di kalayuan. Mabilis na tinignan ng kaibigan ang dalaga at agad din nitong ibinalik ang kaniyang tingin sa apat na kaibigan at saka inalis na ang lollipop sakaniyang bibig.

"Healing potions and spells."

Simpleng sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kanilang mga nag-eensayong kaibigan. Mabilis na nagdikit ang kilay ng dalaga nang marinig ang sagot ng kaibigan sakaniya at agad itong tinignan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Seryoso ka ba!?"

Gulat na tanong ni Anna kay Liyan habang tinitignan pa rin nito ang kaniyang kaibigan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Natawa na lamang ang kaibigan dahil sa naging reaksyon ng dalaga sakaniyang sagot at saka tinignan na ito.

"Shempre hindi, noh! Gagawa ako ng mga potion bombs na magpapatulog sakanila kapag dumapo o nasinghot nila ung usok na galing sa potion bomb ko."

Sagot muli ni Liyan sa tanong sakaniya ni Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga at saka isinubo nang muli ang kaniyang lollipop.

"Ano na ang nangyari saiyong pag punta sa Canada, Jay hijo?"

Tanong ni Jacqueline kay Jay habang nakaupo na silang tatlo ng binata at ni Kimberly sa salas ng kaniyang pamamahay. Napangiti ang binata habang nakatingin na sa babae na nakaupo sakaniyang tabi at saka inilipat na ang kaniyang tingin sakaniyang lola na nakaupo sakanilang harapan.

"Tutulungan daw po tayo ng mga Fuentes na protektahan si Yvonne."

Nakangiting sagot ni Jay sa tanong ni Jacqueline sakaniya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang lola. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae at ni Kimberly nang marinig ang isinagot ng binata sa tanong sakaniya ng kaniyang lola.

"Anong ginagawa ng mga Fuentes sa Canada!?"

Gulat na tanong ni Kimberly kay Jay habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

��Kinausap mo ang mag-asawang Fuentes!? Hindi mo ba alam na sila ang dahilan kung bakit halos mabura na ang buong angkan ng mga Alquiza!?"

Galit na tanong naman ni Kimberly kay Jay sabay tayo na nito habang tinitignan pa rin nito ang kaniyang apo. Bahagyang nagulat ang binata dahil sa inasta ng kaniyang lola sakaniyang harapan at napaatras ng kaunti sakaniyang kinauupuan na sofa.

"A-alam ko po… pero ang s-sabi po nila, napagbintangan l-lang po sila dahil k-kilala po nila ang t-totoong pumatay sa angkan na un."

Pautal-utal na sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang tinitignan pa rin niya ang kaniyang lola na nakatayo pa rin. Sinamaan ng tingin ng matandang babae ang kaniyang apo, dahilan upang mapa iwas ng tingin ang binata at saka yumuko ng bahagya.

"Hindi natin alam kung sila ba'y nagsasabi ng totoo o hindi! Ang lakas ng iyong loob na kausapin ang mga mamamatay tao na iyon ngunit hindi mo man lang kayang protektahan ang iyong sarili pagdating kay Dalis!"

Sigaw na ni Jacqueline kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Hindi na gumalaw pa ni isang katiting ang binata at nanahimik na lamang ito. Mabilis na hinawakan ni Kimberly ang balikat ng binata at saka tinignan na ang matandang babae na nakatayo pa rin.

"Ano ba Jacqueline. Para namang hindi natin naging kaibigan si Malaya."

Sabi ni Kimberly kay Jacqueline habang hawak pa rin nito ang balikat ni Jay at patuloy pa ring tinitignan ang matandang babae. Naghugis kamao na ang mga kamay ng matandang babae nang marinig ang sinabi sakaniya ng kaibigan at akma na sanang ikukumpas ang kaniyang kamay ngunit hindi na niya ito itinuloy at naupo na lamang muli sa sofa at saka napabuntong hininga.

"Anong gusto mong gawin ko? Makipag kwentuhan sa mamamatay tao na iyon at umasta na tila ba'y parang hindi namatay ang buong angkan ng ating matalik na kaibigan? Iyon ba ang gusto mong gawin ko?"

Inis na tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang nakapikit na ito at saka hinihimas na ang kaniyang sintido. Sinamaan ng tingin ng babae ang matandang babae habang hinihimas na rin nito ang likuran ni Jay.

"Sa tingin mo ba Jay nagsasabi sila Malaya ng totoo?"

Tanong ni Kimberly kay Jay habang tinitignan na nito ang binata at patuloy pa ring hinihimas ang likuran nito. Dahan-dahang tinignan ng binata ang babae na nakaupo sakaniyang tabi habang bahagya pa rin nitong nakaupo at pilit na iniiwasang tignan si Jacqueline na nakatingin nanamang muli sakaniya.

"Hindi pa po kami sigurado nila Yvonne at Jervin kung totoo po talaga ung sinabi ng mag-asawang Fuentes, pero po susubukan kong tignan kung totoo nga po iyon o hindi."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang tabi. Biglang napatigil ang babae sakaniyang paghimas sa likuran ng binata at saka nagdikit na ang kilay nito habang nakatingin pa rin ang binata.

"Yvonne at Jervin? Kasama mo rin sila noong kinausap mo ang mag-asawang Fuentes?"

Inis na tanong ni Jacqueline kay Jay habang dahan-dahan na niyang inaalis ang kaniyang pagkakahawak sakaniyang sintido. Napayuko na lamang ang binata at hindi na tinignan pa ang kaniyang lola. Akma na sanang magsasalita ang matandang babae nang…

"Jacqueline. Kung meron kang sasabihing hindi maganda kay Jay, mas mabuti nang wag mo na ituloy pa."

~ Everyone deserves to be happy and feel that they are loved. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!

iboni007creators' thoughts